Galawang “Tolonges”
Rider
By Gene B. Ulag
Manigong Bagong Taon sa inyong lahat na pilit na pilit ang
pag subaybay sa napaka Brutal, malupit sumampal, at para sa iba’y kupal na BLOG
ko. Masakit talagang tangapin ang katotohanan kapag narinig mo to.
Well, Bagong Taon na, baka trip nyo ding baguhin yang mga
EGO nyo na daig pa ang pusong mamon sa pagiging sensitibo. Siempre, nagbabalik
ulit tayo para sa isa nanamang artikulo na ikabu bwiset ng mga UTAK TAHO nating
kasama sa Riding Community.
Bago ko pala simulan, Maraming maraming Salamat sa patuloy
na pag suporta sa Motorsiklo News
Magazine, may mga na published na po tayong artikulo sa MNM na galling po mismo sa ating blog
site. At salamat din po sa panonood ng Motorsiklo
News Talk Show tuwing Byernes ng gabi, well appreciated po ang inyong
pagpupuyat. Ang mga pangunahing host po jan ay sina Mel Aquino, Titan Hawk at ang Helmetologist na si Telly Buhay. Siempre may segment tayong
SELF DEFENSE 101 at ako po ang host.
So, ayun na nga, ang ibubulalas ko ngayon ay yung mga Galawan ng ibang RIDER sa kalsada. Abay
napakarami po nito, mula sa pag susuot ng helmet, pag susuot ng helmet ng TAMA,
paninigarilyo habang nag
mo-motor, mga nakakasilaw na LED lights, yung mga naka hazard na wala namang
emergency at napakarami pang iba, kaya mahaba haba itong babasahin nyo, kaya
bago nyo simulang basahin, maging NEUTRAL
na muna at wag masyadong damdamin ang EGO
para na din ma enjoy mo ang artikulo.
PAG SUOT NG HELMET:
REPUBLIC
ACT NO. 10054
AN ACT MANDATING ALL MOTORCYCLE RIDERS TO
WEAR STANDARD PROTECTIVE MOTORCYCLE HELMETS WHILE DRIVING AND PROVIDING
PENALTIES THEREFOR
Isa na
pong batas ang pag susuot ng helmet sa buong kapuluan. Dahil na din sa maraming
insidente ng aksidente nang motorsiklo. Batay sa pag aaral ng University of
California, nabawasan ng 40.3% ang fatalities sa mga motorcycle related
accidents noong 1991 to 1993 bago pa maging epektibo ang helmet law sa
California.
So ang ibig
sabihin ay may malaki talagang tulong ang pagsusuot ng helmet. #BOOM
Dito sa
atin, itoy na implementa noong July 27, 2009. Unang araw ng implementasyon,
hulihan dito, hulihan doon ang nangyari, dahil ganito naman tayong mga Pinoy, ningas
kugon.
Makatapos
ng ilang taon, gaano pa din ba kahigpit ang pag mo-motor ng walang helmet?
Dito sa
Bacoor, madalas pa din akong makakita ng rider na walang helmet, enforcer na
walang helmet, mga pasaway na walang helmet.
Nung
isang Linggo, may mga nanghuhuli ng walang helmet, pero isang araw lang yata
nila ginawa yun. Dahil kinabukasan, wala nanaman sila. Hindi naman na ako
nagtataka.
Hindi ko
din mawari kung bakit marami pa ding nag iisip nang
“Malapit lang naman eh, din a ako
mag he-helmet”
“Magugulo ang buhok ko eh”
Madasalas,
may angkas pang mga bata, na wala ding helmet. Ako ay noon pa man eh, hindi na
sang ayon sa pag aangkas ng bata sa motor na mas bata pa sa 10 taong gulang.
Pero, may mga magulang pa din na parang walang pakialam sa mga anak nila.
Kesyo, hindi naman daw sila madidisgrasya.
Hindi ko
alam kung kalahi nila si Madam Auring o si Jojo Acuin at kung makapang hula ay
masyadong accurate. Kasi sa aking pag kaka-alam ay, kaya nga tinawag na
aksidente ito, ay dahil hindi mo alam na mangyayari.
Isa pa,
may mga riders ding kalahati lang ang pag susuot ng helmet, yung tipong
nakapatong lang sa ulo, tapos hind naka strap. Hindi ko alam kung anong pauso
ito, pero mas hindi ka magiging kumportable jan dahil yung bigat ng helmet ay
nasa likuran ng ulo mo, na nagiging dahilan na ma stress ang leeg mo, Oo, hindi
mo mararamdaman kaagad, pero in the long run. Pasok ka sa banga.
Marami
na ngang SUB STANDARD na helmet, may mga “DOT” certified pang nakasulat
at may ICC sticker pa. Pero alam naman nating pare pareho na hindi aprubado at
delikadong isuot dahil kapag nadisgrasya ka, imbes na may tsansa ka pag mabuhay
eh wala na. Yung mga helmet na parang papel na sa gaang, na murang mura
makukuha sa Raon, or yung kadalasang libre pag bumilika ng motor. Yung mga tabo
helmet na kasing nipis ng plastic na balde ang kapal.
May
kamahalan ang maayos na helmet, pero ito naman ay proteksyon natin sa ating mga
ULO bakit hindi natin pag ipunan at ng makabili tayo ng maayos.
Ang
siste eh, mas inuuna pa ang abubot sa motor para masabing maporma ang motor
kesa sa proteksyon na mas kailangan natin. Tengeneng yan! Kung hindi ba naman
mga UTAK TAHO yang mga hindot na yan!
Ni hindi
pa nakakarating sa bahay ang bagong biling motor, nabilhan na agad ng rear set,
manipis na gulong at rims, mga LED na nakakasilaw at kung ano ano pa, pero ang
helmet, yung TABO helmet na libre sa casa.
Maraming
affordable ay mahusay na helmet tulad ng SPYDER (Baka ma isponsoran ako ng SPYDER Papa Telly,
hehehehehe).
Well, kidding aside, may SPYDER akong helmet
noon, at naka dalawang balibag TAE din ako sa helmet ko na yan. Since full face
ang gamit ko. Walang tama ang inabot ng aking napaka gwapong mukha. Masasabi
kong ding Mahusay ang ZEUS may kabigatan ng kaunti pero matibay at yan
ay kayang patunayan ng marami.
At
marami pang iba na affordable at matibay, kailangan nyo lang maghanap at mag
GUGEL.
Ako ay PRO-CHOICE,
at choice ko ang mag suot ng helmet, ke malapit o malayo. Oo, isang dahilan na
ay gusto kong magkaron ng pag asang mabuhay kapag akoy naaksidente. Dahil na
din akoy pamilyado at maraming umaasa sa akin. Ok lang magulo ang buhok ko (Kung
meron man) Wala akong pakialam kung malapit lang yan, basta ang choice ko
ay mag helmet. Mag suot ng maayos na helmet at isuot ito ng tama.
PANINIGARILYO HABANG NAG MO-MOTOR:
Ok sige,
nabo-boring ka sa traffic o sa long ride. Kaya mo naisipang mag sigarilyo.
Hithit dito,
buga doon, habang naka hinto ka sa traffic light.
Naisip
mo bang may ibang rider na hindi naninigarilyo? Na kada buga mo ay naaamoy ang
usok ng sigarilyo mo?
Na pag
naandar ka na ay yung upos ng sigarilyo mo ay napupunta sa mukha nila
kadalasan?
Well
malamang hindi, kasi kung naiisip mo yun, dapat hindi ka naninigarilyong deputa
ka. Hindi lang dahil, mauusukan mo sila, dahil na din sa BATAS na ang pagbabawal
ng PANINIGARILYO sa pampublikong lugar.
Republic Act No. 9211
AN ACT REGULATING THE
PACKAGING, USE, SALE DISTRIBUTION AND
ADVERTISEMENTS OF TOBACCO PRODUCTS AND FOR OTHER PURPOSES
Hindi man direktang binangit na ipinagbabawal ang paninigarilyo habang
naka motor, ngunit ang kalsada ay itinuturing na public place pa din.
Oo, maraming loop holes sa batas natin at hindi ako abogado para maging
eksperto dito. Pero, common sense na lang, hindi lang ikaw ang tao sa mundo.
Magsigarilyo ka sa tamang lugar!
NAKAKASILAW NA
AUXILIARY LIGHTS:
Nakakairita ang mga ilaw na pag nakasalubong mo eh akala mong kinukuha ka
na ng LORD. May 12 LED bar na, may dalawa pang 6 led bar. Kasabay pa ng
kung ano anong blinker sa motor na akala mo ay laging may emergency.
Malabo ang mata? Hindi makita ang daan? Ano bang dahilan ang meron kayo?
PORMA? Kahit na, nakaka perwisyo sa ibang motorista?
Abay, palakpakan, IBANG KLASENG TANGA KA!
Ang sarap mong palakpakan, sa MUKHA!
Ok lang mag LED LIGHTS at kahit Xmas lights pa yang ilagay mo sa motor
mo, ang akin lang eh, pag may kasalubong ka, patayin mo, dahil wala namang low
beam yang mga hindi putang LED nay an eh, nakatutok sa mata ng kasalubong nyo.
O, basahin nyo to, hango ito sa RA 4136:
ARTICLE IV
Accessories of Motor
Vehicles
c) Headlights. – Every motor vehicle of more than one meter of
projected width, while in use on any public highway shall bear two headlights,
one on each side, with white or yellowish light visible from the front, which,
not later than one-half hour after sunset and until at least one-half four
before sunrise and whenever weather conditions so require, shall both be
lighted.
Additional lamps and
light may be carried, but no red lights shall be visible forward or ahead of
the vehicle. Trucks, buses, trailers, and other similar vehicles must carry,
while in use on any public highway during night-time, colored riding lights on
each of the four corners not more than ten centimeters from the top.
All motor vehicles shall be equipped with devices for varying
the intensity of light, and the driver must dim the headlights or tilt the
beams downward whenever the vehicle is being operated on well-lighted streets
within the limits of cities, municipalities, and thickly populated barrios or
districts, or whenever such vehicle meets another vehicle on any public
highway.
Kung ok lang sa inyo na mabulag ng
kasalubong nyo eh wala kaming pakialam, basta ang sa amin ay, patayin yang LED
lights nyo pag may kasalubong kayo. Dahil, hindi nyo naman maitututok sa baba
yan ng biglaan, so patayin nyo na lang.
Delikado ang masilaw dahil hindi
nyo nakikita ang nasa unahan nyo. Masyadong naiirita ang mata at nawawala ang
atensyon sa kalsada.
Minsan, may mga nuknukang din ng
tanga, na pati sa likod ay may LED
BLINKERS.
May kakilala akong ganyan, naka
super 4, feeling LESPU ang datingan, may radio, harap likod may blinker, at
take note, kilala itong tolonges na ito sa riding community. Minsan, nakuhanan
ng video at picture nung isang rider at na I post sa isang page ng motor sa
facebook, na bash dahil nga pati likod nya ay may blinkers na nakasisilaw sa
mga motorist.
Alam kaya nyang bawal ito? O dahil
na carried away lang sya dahil ang club nya ay maraming dati at active law
enforcers na sa tingin nya ay law enforcer na din sya?
Oh heto, para sa kaalaman ng iba
na puro pag mo-motor lang ang alam at hindi man langm aka pag GOOGLE.
PRESIDENTIAL
DECREE No. 96 January 13, 1973
DECLARING UNLAWFUL THE USE OR ATTACHMENT OF SIRENS, BELLS,
HORNS, WHISTLES OR SIMILAR GADGETS THAT EMIT EXCEPTIONALLY LOUD OR STARTLING
SOUNDS, INCLUDING DOMELIGHTS AND OTHER SIGNALLING OR FLASHING DEVICES ON MOTOR
VEHICLES AND PROVIDING CERTAIN EXCEPTIONS THEREFOR
Lakas ng blind item no?!
Ang pinupunto ko lang, nandun na
tayo, hindi mo makita ang daan, o malabo ang mata mo, konsiderasyon naman, pag
may nakasalubong ka, patayin mo, dahil nasisilaw kami.
Hindi mo itutok sa mukha
mo yan ng malaman mo ang sinasabi namin. Wag puro porma tsong, magkasilbi ka
din sana.
PAG GAMIT NG HAZARD LIGHTS, ROAD ETIQUTTE AT IBA PANG CHUVA:
Marami pa din nito, ilang beses ko
na din itong nabangit sa aking mga artikulo. Marami pa ding rider ang hindi
alam kung ano ang silbi ng HAZARD LIGHTS.
Maka ilang beses din akong may
tinanong na naka HAZARD nab aka kako ay may problema at matulungan ko, ang
kadalasang sagot sa akin ay “Porma lang
bro”.
Anak ni BINAY!?! Ano?! Anong ikina
porma nyan? Hindi naman yan ang silbi ng pag gamit ng hazard light. Ginagamit
ito kung may EMERGENCY ka. Kelan pa
naging pamorma yan?!
Karamihan sa riders natin, sila
yung mga natuto lang magpa takbo ng motor, sila yung mga hindi masyadong
ma-alam / marunong sa batas pang
kalsada.
Halimbawa na lang sa West Service
Road galling ng Villamor Airbase papuntang Merville, yan ay 2 laner lang, and
YES, BROKEN WHITE LINE ang road
marking dito, meaning na puede kang mag overtake basta gamitin mo ang signal lights
mo para malaman ng kasunod mo at ng makakasalubong mo, pero hindi ibig sabihin
na sa GITNA ka dumaan. Pero,
karamihan ng nakakasabay ko eh, nabusina pa habang binabaybay ang gitnang
linya.
Wet depek?!
Anong trip ng mga ito?! Ito lang
eh isang halimbawa na ang ilang mga RIDER ay walang alam sa ROAD MARKINGS sa atin. Bakit ba
inilagay itong mga ROAD MARKINGS na
ito? Ito ay para maiwasan ang aksidente sa kalsada. Hindi para madisgrasya,
ilang disgrasya na din ang nasaksihan ko jan sa service road nay an na involve
ang motor na nasa gitna ng dalawang lane.
Heto, ilang artikulo na puedeng
basahin para sa kaalaman ng karamihan.
KAKA GO SIGNAL PA LANG, TODONG BUSINA NA AGAD:
Etiketa, Common sense at respeto
sa motorista.
Yung bang, kaka go pa lang ng
traffic light, yung nasa likod mo, kung maka busina eh akala mo, mamamatay na
sya.
Na encounter nyo na ito, maaaring
pinapalampas nyo lang o hindi pinapansin pero lagging may ganito sa stoplight.
Marami na ding ROAD RAGE involving
cagers and riders dahil sa galawang ito. Hindi ko din mawari kung bakit may mga
UTAK TAHO talagang motorista at kailangan pang gawin
ito.
Hindi ba mahintay na umandar na
lang at wag ng bumusina? Lahat naman tayo paniguradong may kanya kayang dahilan
pero kadalasan eh SOLID NA KABOBOHAN lang din naman.
Bagong taon na, Bagong Galawan na
din sana. Masakit sa bangs pag na e-encounter mo eh. Sarap paputukan ng Goodbye
Philippines sa Pwet!
Cool lang sana at kalma lang guys.
LOL. Para maayos ang pagpasok ng taon sa ating lahat. Marami ding buhay ang
naisugal jan sa mga insidenteng nagiging road rage. Ito ay ang iniiwasan nating
mangyari.
Ang tatapang pa naman ng lahi
nating mga Pinoy. Ayaw magtalo.
So, hangang sa muli (Batibot line) wag kalimutang manoon ng
Motorsiklo News Talk Show tuwing
Byernes sa ganap na alas 10 ng gabi, kung gusto nyo namang mapanoon online, I search
lang sa youtube ang “Motorsiklo News
Magazine”.
Salamat sa pagbabasa at Muli, Manigong Bagong Taon.