Standard get up para sa RIDERS
By Gene B. Ulag
Well, Matagal na din akong nag mo-motor, ilang taon na din
nung sumama ako sa grupo at naging aktibo bilang rider.
Noon, simple lang ang get up, kung ano ang standard, padded
jacket, shin guard, high cut leather boots, gwantes at helmet, kung wala namang
padded jacket, nauso din yung Fox na body armor, elbow guard kung wala kang
padded jacket, tsaka yung isa ding naging mainstream na suot ng mga riders
noon, yung Back Protection.
Nakakatuwa yung get up ng mga riders, lalo na’t pag tambay
nights, ewan ko ha, pero sabi nila, hindi naman daw nagpapagandahan ng get up
ang bawat isa pero pagdating sa tambayan, naka Dainese na jacket at gwantes,
AGV o Arai na helmet, naka racing boots pa yung iba.
Yung iba naman, parang breezy boys lang, naka t-shirt, gwantes
na itim at siempre, naka back pro.
Oo, aminado kami, lalo na ako, na yung grupo namin, bihira ang get up-an na ganito, siguro una,
malapit kami sa tambayan namin, na alam kong hindi naman valid na dahilan kung
paghahanda sa disgrasya ang pag uusapan, pero kung kami ay may ride, ganyan din
kami mag pormahan, dress for the crash nga daw di ba at hindi dress for the
ride.
So yun na nga, mabalik tayo, ganun lang ka simple ang up-an noon, nagsimula akong gumamit ng
reflectorized vest nung madalas na ang pag byahe ko ng gabi. Pero iilan lang
din ang may vest na may logo ng grupo nila. Kami nga eh ni isang beses ay hindi
nakapag pagawa ng vest na may logo, puro plain white or yellow reflector vest
lang ang ginagamit namin.
Pero ngayon, iba na ang get up, kung noon ay standard yang
mga nabangit ko, ngayon ay “dapat” ganyan na ang suot mo, hindi na ito basta
standard na lang kung hindi ito ay “uniporme”
na din.
Dagdag pa ang nakakasilaw na LED lights at may blinkers pang
kasama. Ibat ibang design ng vest na may naglalakihang “logo” ng MC Club nila.
May Two way radio din na naka display sa dibdib nila na
kadalasay parang mga bubuyug na bulong ng bulong kahit walang ride. Masyado
sigurong malakas ang signal ng radio nila.
Actually, nakakatuwang tingnan na sa pagdaan ng panahon ay
nag evolve at madami ding na inform na riders tungkol sa mga get up na ito,
yung ibang solo riders ay natuto na ding mag suot ng vest at crash gears.
Ngunit, datapwat, subalit, sapat na ba ito? I mean is, sapat
na ba ito para mabansagang Disiplinadong mananakay na tayo?
Dahil nitong mga nakaraang araw ay parang ito na ang
nagiging basehan ng pagiging Disiplinado sa mata ng kapwa mananakay.
Ngunit, marami pa ding mananakay na barubal, bastos, pasaway
at walang respeto sa kapwa motorista at commuters.
Oo, nandun na tayo, sa isang daan ay iilan ilan lang naman
yang mga hindiputang yan. Pero, sana ay bago nila suotin ang CLUB Vest nila ay
alam din nila ang kaakibat na responsibilidad nila sa kalsada, dahil yang
maliliit na kagaguhan nilang ginagawa ay malaki ang impact sa MC Club nila at
sa mga rider in general.
Buti kanyo kung sila lamang ang madidisgrasya, eh mandadamay
pa ang mga lintek. Tapos, para silang ads sign sa laki ng mga logo sa vest
nila.
Sa panahon ngayon, ay usong uso yung mga tipong “pasikatin
natin to” bullshit ng mga sensitibong netizens na akal mo naman ay walang
nagawang kasalanan sa mundo.
Paano kung ma bidyuhan kayo ng actual, eh di wala na, yurak
agad ang pagkakakilanlan ng grupo nyo. O kahit na kamo ma pictyuran lang kayo.
May magandang epekto at siempre may masama ding epekto yan.
Eh san pa ba tayo lulugar, sa masama ba o sa maganda?
Kaya sana naman, wag mag sipag astang daig pa ang PULIS kung
magpatigil ng traffic at harangan ang kalsada.
Matutong rumespeto sa kapwa motoristaat commuter at puede
nating gawin yan sa hindi pag harang sa pedestrian lane, hindi porket humarang
yun iba eh sasama ka na din at sisisihin sila na kasi sila ay humarang din,
INTEGRIDAD , yan ang dapat tsong.
Wag basta, cut ng cut at maging defensive hindi lang para sa
sarili, para sa ibang kasabay na din sa kalsada.
At sana, laging tandaan na hindi ang get up ang basehan para
maging disiplinadong rider ka.
Hindi kailan man at hindi magiging basehan. Nasa tao yan.
Nasa tao at wala sa get up o motor.
No comments:
Post a Comment