Showing posts with label BACOOR OPEN PIPE. Show all posts
Showing posts with label BACOOR OPEN PIPE. Show all posts

Sunday, October 27, 2019

Bacoor Open Pipe Apprehension - Nakakapam biktima pa din hanggang ngayon.


Patuloy pa din pong nakaka pambiktima itong OPEN PIPE / OPEN MUFFLER / OPLAN MUFFLER ng Bacoor City Cavite.

Meron na silang panukat ngayon pero mali pa din ang procedure. I, for once, do not condone loud pipes pero ako po ay naniniwala din na Loud Pipe Save Lives, taalagang nasa Disiplina lamang po ito.

Ni re-upload ko po itong video na ito dahil may mga nag-me-message pa din sa akin kung paano kami naka alis ng walang ticket.

Ang ginawa ko po ay bumase po ako sa RA4136 regarding Open Pipe

ARTICLE IV
Accessories of Motor Vehicles
Section 34.

(j) Mufflers. - Every motor vehicle propelled by an internal combustion engine shall be equipped with a muffler, and whenever said motor vehicle passes through a street of any city, municipality, or thickly populated district or barrio, the muffler shall not be cut out or disconnected. No motor vehicle shall be operated in such a manner as to cause it to emit or make any unnecessary or disagreeable odor, smoke or noise.


Hindi naman po putol ang aking tambutso na magsasanhi ng ingay pag nadaan sa kalsada o sa maliliit na eskinita. 

Sa Muffler act of 2016 na isinumite ni Senator Win Gatchalian, gusto nyang walang lalagpas sa 70db na ingay sa mga sasakyan kapag ito ay natakbo, which is, isang kalokohan dahil depende sa uri ng sasakyan. May mga stock na lampas 70db ang tunog on idle state. 

Marami ding lugar sa Pilipinas ang may Open Pipe Ordinance na mali din ang pagppatupad katulad na lamang ng Makati. 

Please Like, share and Subscribe to Bikers World101 for more videos! 

Sunday, August 28, 2016

PROBLEMA SA PAG MO-MOTOR

                



PROBLEMA SA PAG MO-MOTOR
By: Gene B. Ulag
Napaka daming ORDINANSA ang ipina-uso ng ibat ibang Lungsod at Bayan laban sa nagmo-motor. 

Merong bawal ang magka angkas na hindi mag-kamag anak, merong bawal ang naka helmet at syempre, bawal ang maingay na tambutso o mas kilalang “Anti-OPEN PIPE” ordinance.

Well, iilan lamang ito sa mga batas na kagulat gulat at talaga namang hindi pinag-isipang maige at kung sino mang HERODES ang nakaisip nyan ay paniguradong hindi pinag aralan ang ordinansang ipinapatupad.

Wala kasing UNIFIED TRAFFIC ORDINANCES Pilipinas bukod sa RA4136. Itong mga ORDINANSANG sinasabi ko ay yung mga ORDINANSANG hindi ipinapatupad sa lahat ng Syudad katulad na lamang ng sa Metro Manila.

Halimbawa, may ibang Lungsod na wala namang problema ang “OPEN PIPE” at meron naman hindi sang ayon. Sa Mandaluyong naman, bawal ang may angkas na hindi kamag anak o parehong lalaki na hindi magka mag-anak.

Ilang beses ko na ding tinalakay yan sa aking muntik Blog. Isang kaBOBOhan na nga yang ORDINANSA nay an na gusto pang ipatupad at gayahin ng napaka GALING na Senador na si Tito Sotto. (Isang masigabong palakpakan naman dyan).

Napakaraming ORDINANSA, napakaraming SUHESTYON. Nandun na tayo at madalas gamitin sa KRIMINALIDAD ang motorsiklo, pero itong mga ORDINANSANG ito ay hindi sagot.
Simple lamang ang SAGOT.

POLICE VISIBILITY

Para mabawasan ang KRIMEN, maglagay ng checkpoints sa mga choke points. Yung check point na tama at hindi pakitang tao lamang at hindi yung checkpoint pang MERYENDA.

Well, ang laban sa droga ng ating kapulisan ngayon ay talaga namang kahanga-hanga. Saludo po tayo jan. Kahit papano ay mababawasan ang mga SIGANG ADIK na nagiging matapang lang pag nakatira ng BATO.

Ayun na nga at mabalik tayo sa pag mo-motor. Napakaraming PROBLEMA sa PAG MO-MOTOR ang dapat nating unahin kesa sa mga nabangit kong ORDINANSA.

Dito lang sa Bacoor, particular sa Intersekyon ng Aguinaldo - ST . Dominic, yang lugar na yan ay BINGWITAN nga mga BIKTIMA ng OPEN PIPE ORDINANCE ng Bacoor.

Kadalasang nasasaksihan ko ay mas pinipili pa nilang hulihin ang may tambutsong modified kesa sa mga WALANG HELMET.

Mas sure ball kasi yun eh. 2,5k ang tubos at ilang porsyento din sila dun. Karamihan ng mga nahuhuli ay na-areglo o kung hindi naman ay magpapa tiket na lamang. Ang proseso nila sa pang huhuli ay mali. Karamihan ay walang panukat at kung meron man, sa kalsada sinusukat kung saan maingay din at ang maximum na ingay ay 60db.

Ilang beses na nating nabangit din ay, may video pa nga ako niyan nung labanan ko sila tungkol sa isyu nay an dalawang taon na ang nakakaraan.

Heto po ang video link:
Part 1
Part 2, sa LTO IMUS poi to kuha.

Marami ang nabibiktima ng mga batas na iba iba, batas na hindi mo alam eh hindi pala puede sa kabilang Lungsod pero ayos naman sa Lungsod nyo.

Kaya pag dumayo ka sa ibang lugar, na su-supresa ka na lang at wala kang magawa ng dahil sa naiisip mo na ang abala sa pagkuha ng lisensya ng dahil sa may kalayuan ang lugar.
Kaya bumagbagsak tayo sa pakikipag areglo sa mga pulis o traffic enforcers.

Siempre, ang lagging linya ng enforcers eh “Baka iniisip mong kinikikilan ka namin, tinutulungan ka lang namin dahil maaabala ka pa at napakalayo mo”

So si RIDER, bigay agad ng 500. Lowest pa yan.

Kaya sa dinami dami ng PROBLEMA sa pag mo-motor. Marami ding mga ORDINANSANG nakaka “Surprise MOTHERFUCKER” ang datingan.

Yung tipo bang, “Wala kaming pakialam, kung ayaw nyo sa ORDINANSA naming, wag kayong dumaan dito”.

Eh paano naman kami, nagbabayad din naman kami ng buwis, nag papa rehistro ng sasakyan at kahit ikatwiran nilang maraming PASAWAY NA RIDER. Abay, ibukas ang mga mata, marami ding naman pasaway na driver. 

Hindi sa sinasabi kong patas lang. Ang punto ko eh, MAGING PATAS NAMAN.
Hindi rin naman madaling kitain ang perang ipinapanlagay sa mga buwaya sa serbisyo, hindi pinupulot ang pantubos sa lisensya.

Ang ganang amin lamang ay, maging maayos sana at UNIFIED ang mga ORDINANSANG gusto nyong ipatupad.

ORDINANSA na patas sa lahat, ORDINANSANG PINAG ISIPAN at PINAGTULUNGANG gawin ng mga mambabatas at ng MATINONG KUMAKATAWAN SA MGA NAG MO-MOTOR.

Kailangan ko lang i-emphasize yung “MATINONG KUMAKATAWAN SA MGA NAG MO-MOTOR”.

Yung mga malapit sa posisyon eh mga TOLONGES at naglalabo labo para sa kasikatan at sa kung ano man.

Siguro naman ay darating tayo jan sa UNITY ng MOTORCYCLE BODY. Pero sa Ngayon. Ang pinaka mabuting gawin ay sumunod muna tayo at alamin ang mga batas o ordinansang ipinapatupad sa mga lugar na pupuntahan at dadaanan natin.

Baka masupresa kayo ng mga buwayang nasa kalsada eh sabihin nyo TSAMBA.

Salamat sa pagbasa at hanggang sa MULI mga ka KOSA.

Abangan po ang VBLOG ko, malapit na malapit na po yan. 



Ako po at ang aking BLOG na BIKERS WORLD 101 ay nakikiramay sa pag panaw ng isang kaibigan at kapatid sa pag mo-motor na si Mick Ison (TiagoXi)

Kung nasaan ka man, naway maging masaya ka at lagi mo kaming gagabayan lalo na ang mga kasama mo sa Alamat Crewsers MC


RIDE IN PEACE BROTHER!







Tuesday, February 3, 2015

Open Pipe sa Paranaque

Open Pipe sa Paranaque

Well, Well, Well [ Ang sabi ni Maleficent ] isa nanaman pong Syudad ang sumunod na ipagbawal ang “OPEN PIPE” o maingay na tambutso. At Illegal nila itong ipinatutupad sa Paranaque.

Oh, Bakit nga ba illegal? Ganito kasimple.

Sila ay nagpapatupad ng kanilang ordinansa ng walang basehan, gamit lang ay tenga, hindi pare pareho ang sinasabi, at higit sa lahat, walang instrumento para sukatin ang ingay ng tambutso.

Well, hindi na bago sa atin itong mga tolonges na batas na ganito. Nanjan ang Makati, Bacoor, Ang Bayan ng Paete sa Laguna at marami pang iba.

Uulitin ko ulit, Ako po ay hindi sang ayon sa maiingay na tambutso, ganang akin lamang eh tamang pagpapatupad at batas na patas sa lahat.

Pero syempre, wala silang pakialam dahil nga “Sila ang batas”
Tingnan mo nga itong isang motor ng enforcer na ito;
Photo courtesy of Juan Zerna of Paranaque;



So, exempted ba sila? Walang pinagkaiba yan sa ibang lugar na nagpatupad din ng batas tungkol sa maingay na t ambutso, pare parehas silang hindi pinag aralan ang mga pinag sasasabi nila.
Heto pa ulit ang isang screenshot from Juan Zerna’s FB wall



Hindi ba't magulo? Well, ang iba ay batas na noon pa ipinapatupad pero ang pagpapatupad ay mali. 
Mahirap bang hingin sa lokal na pamahalaan o sa Gobyerno ang patas na batas para sa lahat? 

At bakit laging motor lang? Binabangit nila "Motor Vehicle" 
hindi ba't motor vehicle din ang ibang sasakyan?
Sawang sawa na din akong gumawa ng artikulong paulit ulit dahil wala din namang nangyayari sa ibang mga "nakikipag laban" sa karapatan ng mga nag mo-motor. 
Yung iba ay nagpapataasan lang ng IHE, kadalasan ay mas matindi pa sa Showbiz ang tsismisan. 

Ngayon, para magkaron tayo ng kahit kaunting laban. Alamin natin ang batas tungkol dito. Nandyan ang RA 4136 na magiging guide natin sa batas trapiko, Ihanda lagi ang celphone na may camera, o kung bigtime ka eh GoPro, kung mejo bigtime lang eh SJ4000. 
Maging aware tayo para at the same time ay hindi rin tayo makikilan. 

Kasi kadalasan ay nag re-resort tayo sa "Maglagay" na lang dahil ayaw natin ng abala. 
Well, nandun na tayo, pero kung patuloy tayong maglalagay eh hindi masusugpo ang mga "Buwaya" na nagkalat sa daan. 


"Patas na Batas, Para sa lahat ng nag mo-motor - Gene B. Ulag"

Monday, December 15, 2014

Bawal na daw ang OPEN PIPE sa PAETE


Picture grabbed from Mistah_Suave from facebook. 



Isang Bayan nanaman ang naki USO sa pag babawal ng “OPEN PIPE”. Palakpakan po natin ang Bayan ng Paete.

Paniguradong naiirita ito sa ingay na naririnig nila, mga harurot ng mga kabataang may dalang motor na wala pa yatang lisensya at walang helmet. Kaya ayun, MOTOR nanaman ang pinag diskitahan.
Uulitin ko ulit, Hindi ko din gusto ang maingay na motor. Sino bang may gusto ng biglang haharurot ang motor sa kalaliman ng tulog mo, que umaga oh gabi?! Wala. Walang may gusto.
Eh bakit kaya nila ipinag bawal ang “OPEN PIPE” ayun doon sa kanilang “NOTICE TO THE PUBLIC”.

Eh kasi siempre maingay, [paulit ulit tayo pucha].

Ibig sabihin nito ay sisitahin na nila ang mga mayroon maingay na tambutso, Maingay kamo diba? Paano ba nating masasabing maingay ang isang bagay? Paano ba natin malalaman, oh, PANUKAT!! Ang galing nyo mga bata, kailangan natin ng PANUKAT, kung walang panukat at ang gagawin lang ay tataasan ang siliyador para masabing maingay ang motor, tama ba ito mga BATA?!

Siempre MALI, dahil panigurado akong ganyan din mismo ang gagawin ng ating magigiting na enforcer ng Bayan ng Paete.

Nandoon na po tayo Kagalang Galang na Alkalde Mutuk, Maingay talaga sya, kung susugpuin natin ang INGAY na ito, eh dapat po nasa tamang proseso. Ooooppsss, PROSESO?! Itong ordinansa bang ito ay dumaan sa tamang proseso?! Dahil kung titingnan eh, isang malaking CHECK, na hindi dumaan ang ordinansa sa BRAIN STORMING na tinatawag. Bakit kamo?! I break down natin.

1.       Maingay na Tambutso – OPEN PIPE; Kapag sinabi pong OPEN PIPE, ang ibig sabihin po nito ay putol po ang CANNISTER o MUFFLER na naka dikit sa PIPE. Meaning, yung TUBO lang dapat. Kung wala itong CANNISTER o MUFFLER na ito ay, mag iingay po ang TAMBUTSO at maglalabas ng amoy gasolinang amoy. Oh, san ko po nalaman yan? Ah, binasa ko po yung RA 4136, Chapter 3, Article 4, Section J. Na nagsasabing

-          (j) Mufflers. - Every motor vehicle propelled by an internal combustion engine shall be equipped with a muffler, and whenever said motor vehicle passes through a street of any city, municipality, or thickly populated district or barrio, the muffler shall not be cut out or disconnected. No motor vehicle shall be operated in such a manner as to cause it to emit or make any unnecessary or disagreeable odor, smoke or noise.

Ito po ay sa Article 4, Accessories of Motor Vehicles. RA 4136 ay ang ating basehan sa mga batas pantrapiko sa ating bansa. At malinaw naman diyan na sinabing, dapat na ang MUFFLER o CANNISTER ay dapat na hindi putol, para hindi ito mag ingay o mag labas ng mabahong amoy. Bukod doon ay wala na pong iba. Bawal ang maingay, pero wala po tayong DECIBEL limit na tinatawag sa ordinansang yan, Oo, luma na ang ordinansang ito at kailangan na nating repasuhin, ngunit yan ay hindi ko naman na trabaho, kaya may mga tumatakbong CONGRESSMAN para samga gawaing yan. So, tama po ba ang ordinansang pinatutupad nyo ngayon?! Yung ANEST answer lang. kasi kung TAMBUTSO lang eh, lahat ng JEEP na nadaan sa Paete ay walang MUFFLER o CANNISTER, kaya dapat sila ang inuuna. Straight pipe lang ang mga jeep eh. Tsaka yung batas na nasa RA4136 eh para sa lahat, na obviously, para sa motor lang ang ordinansa nyo. 

2.       Mausok na TAMBUTSO – Dito talaga ako natatawa ng husto at the same time eh naiinis. 2-strokers panigurado ang gusto nyong tirahin dito, na karamihan ng TRICYCLE sa Paete ay ganyang klase ng makina ang gamit.

Seriously?! San nyo po ito nakuha? Ginaya? O narinig man lang?! Naglalabas pa ang ilang kompanya ng motor ng 2 stroke, tulad ng YAMAHA YZ125 at 250. So itong mga bagong motor na ito ay bawal na din?! Baka gusto nyo silang kontakin para sabihin na hindi kayo sang ayon sa pag gawa nila ng motor na 2 stroke.

Ang LTO at LTRFB kung may paki sila, eh hindi pa nga nag babawal ng 2 stroke. #JuiceColored
Sa Paete, Bawal na, parang plastic Bag lang. LOL.

Sige, ipag babawal nyo po ang mausok, eh di maliwanag na tatangalan nyo ng trabaho ang daan daang tricycle driver dyan sa Paete. Ano po ang ipapakain nila sa pamilya nila? Sasagutin nyo po ba? Kung hindi naman, anong puede nyong gawin para may pagkakitaan silang alternatibo dahil ipinagbabawal nyo na ang mausok na motor eh halos karamihan ng trike driver dyan eh 2 stroke pa ang gamit.

Bakit kaya na hindi nyo na lang paigtingin ang SAFETY ng mga nag mo-motor dyan?! Ang dami kong nakikitang mga bata pa ang may dalang motor, sa maliit na kalsada eh kung magharurutan, mga walang helmet, at mga walang lisensya. Bakit ko alam?! Eh muntik ng mahagip ng isang batang nag mo-motor ang anak ko noon. Sitahin mo mga galit pa.

Bakit hindi yun ang unahin natin?! Mahirap bang gawin yun?! May mga batas nang naka handa para doon. Driving without license, reckless driving, Over speeding, at ang HELMET LAW. Heto ay wala nang kailangang pag aaral pa dahil pinag aralan na ito. Well, hindi ko masasabing magaling sila, pero sintido kumon, para sa kanilang safety yan.

So bakit hindi tayo mag focus ditto, dyan sa mga flaws na dapat muna nyong ayusin. At hahakbang agad tayo sa TAMBUTSO na sobrang DEBATABLE at napakaraming loop holes. Walang solidong batas. Haka haka.

Bakit kamo?! Sino ang tatamaan dito. Aba’y, ang mga rider na walang ka alam alam na dadaan sa Paete, na haharangin ng mga tiwaling alagad ng batas, na syempre, imbes na mag multa ng isang libo ay makiki pag areglo na lang. Dahil tatakutin sa mga abalang makukuha, presyo ng multa. Wag nating alisin yan.

Magiging MILKING AVENUE nanaman ito para sa mga riders, tulad ng mga ENFORCERS ng Bacoor.  

Ako po ay isa sa mga RIDER na ipinagmamalaki ang Bayan ng Paete, Hindi lamang sa mga OBRA Maestrang mga ukit, pati na din ang mismong bayan, ang kwento sa likod nito, ang ARNIS nito, ang Pista, ang tatlong krus at marami pang iba, bukod dito, ipinag mamalaki ko din po ang mga karatig bayan nito na nag oofer ng magagandang lugar, na masarap puntahan.

Tapos, Ganyan, may kakaibang ORDINANG tulad nyan. 40% ng turista ngayon ay mga nakamotor na. Kahit papaano eh malaki ang naiaambag ng mga rider sa turismo.

Kagalang Galang na MUTUK BAGABALDO. Kung gusto nyo pong ipatupad yang “OPEN PIPE” ordinance nyo, maaari lamang na daanin ito sa tamang proseso at hindi I rerebolusyon ang silinyador para masabing maingay ang motor. Tungkol naman sa mausok na tambutso, isa talagang malaking kaululan ito. REPASUHIN nyo ulit at kumuha kayo ng mga taong NEUTRAL na makakasama nyo sa BRAIN STORMING dahil, katawa tawa ang dating. Nakakahiya. Hindi po ito ang ALKALDE na tinitingala ko noon. Saludo po ako sa mga nagawa nyo at alam ko pong ang gusto nyo lamang po ay maging matiwasay ang pamumuhay ng mga tao sa Bayan ng Paete, sananaman ay maisama naman diyan ang pantay pantay na karapatan ng bawat mananakay. Salamat po. 




Thursday, April 24, 2014

Bacoor City ordinance for OPEN PIPE



Pauwi na ako kanina (April 24, 2014) ng ako ay harangin sa may St. Dominic (Actually, bago mag St Dom)
Bigla akong hinarang at sinigawan dahil nilampasan ko yung kumakaway. Huminto ako at tinanong kung anong violation ko, sabi ay open pipe daw.
Huminto ako at inilabas ang lisensya ko, hinanapan ko sila ng mission order para sa operation nila at may nabigay naman, hinanapan ko sila ng decimel meter para sukatin ang ingay ng aking motor, yun lang, wala sila.
Sinabi ko na hindi ako magpapaticket dahil walang magiging basehan ang ticket nay un kung hindi masusukat ng maayos ang “ingay” ng motor ko, which is 70db ang lakas (pero hindi nila alam yun siemperds).
So wala daw silang ganun, at halata naman daw na maingay ang motor ko (Well, sa itsura palang eh, maingay naman talaga kasi nga kalkal payb este pipe ito), duon na ako nag react, dahil dapat kung may operation silang tulad nito ay meron silang decibel meter para masukat ng maayos ang magkaron ng batayan ang asunto na ititiket sa akin. Ngunit sabi nila ay tanyahan lamang daw ito.

Sabi ko, mali at bawal silang manghuli ng walang sapat na instrument para sumukat ng ingay ng bawat motor. Biglang lumapit sakin si Manong Yellow boys at may kalakasan na Imbes na makiusap daw ako eh nagmamagaling pa ako, sabi ko naman na hindi ako nagmamagaling, tanging ligalisasyon lamang ng operasyon ang kinikwestyon ko. Hangang sa nagpunta na kami sa LTO para sa linaw tungkol sa bagay na ito, dahil wala ni isa mismo ang nakaka intindi sa batas / ordinansang pinapatupad nila.

Nakakatawa, hinamon pa ako ng mga yellows boys na masyado daw akong magaling, LTO daw ang maniniket saken, so nag ka escort akong bigla papuntang LTO IMUS.
Pagdating sa LTO Imus, mabuti naman na nandun pa ang staff ng inspection section (Technical dept) pati ang Hepe, Umupo ako at naki pag usap kay Hepe Mar.

Ipinaliwanag ko na minsan ay nasuot na ako sa ganitong sitwasyon sa Makati at kinontest ko din dahil walang basehan ang Mapsa sa panghuhuli sa akin, Una, 90db ang imposted limit ng ingay for motor vehicle (pero sa motor lang naka focus yan) at dahil 60db ang imposted limit ng Bacoor City ay tahasan nitong sinusumaway ang bench mark ng LTO for noise pollution. At dahil ito nga ay batas para sa open pipe eh marami pa ding hindi nakaka intindi ditto, ang pipe po ay ang tubo from cylinder head papuntang canister, from canister padulo at tinatawag na MUFFLER galling sa salitang.“MUFF” meaning na to suspend any sound coming from a noisy object.

So yun na nga, nagpaliwanagan kami, at isa pang natanong ko ay ang tamang pagsukat dahil pagdating ko dun ay mismong hepe nila ay ni rebolusyon ang silinyador ko, abay eh talaga namang iingay yan.Kaya binangit ko din na mali ang pag sukat na sa ingay ng motor ko dahil dapat nasa idle state ito at atleast 1 foot ang layo sa canister ng pipe. Naging mahaba ang usapan naming na hindi ko na mai detalye ng pa isa isa. Hangang sa nakita nyang naka Crocs ako, sinabi nya na wag ko ng ikontest dahil flips flops daw ang kinabibilangan ng CROCS kahit closed pa ito. So hindi na ako nakipagtalo pa, nasa akin na ang lisensya ko, nagpasalamat ako sa Hepe at humingi na din ng dispensa sa abala, pati na din sa mga Yellow boys ng Bacoor. May video ito, panoorin nyo.

Isa pa, ni hindi alam ng mga traffic enforcer ang ordinansang pinapatupad nila, basta naka open pipe ka, timbog ka. Ngaun, tinanong ko na din kung pag nakita nila na may rubber silencer eh huhulihin ba nila? Hindi naman daw, dahil tahimik na daw yun.

Yung isang LTO Law enforcer naman ay sinabing kung sya daw ang manghuhuli ay hindi daw open pipe ang kaso, kung hindi noisy pipe daw, What? Eh di kailangan pa din ng decibel meter nun? Ano ba ito, anong nangyayari sa mga officer natin. Well, ingat lang mga ka tropa, dahil kung hindi nyo alam ang loop holes sa batas na pinatutupad eh, pang hihinaan kayo ng loob at bayad ng tupayb. Charot!!

pinatigil din ni hepe yung video, tinanong ko sya kung bakit, baka i youtube ko daw, natawa na lang ako. 

pasensya na sa video, ang hirap makipag usap kasabay na mag bidyograper

St Dominic area
https://www.youtube.com/watch?v=nDw7O2wOxck&feature=youtu.be

LTO Imus

https://www.youtube.com/watch?v=SikI3ss50H0&feature=youtu.be


Oh, rally na!!