Tuesday, January 19, 2016

Tamang Helmet

(Picture was taken by me on a bus going to Bacoor, a rider, inside Coastal Road, using a 400cc bike but wearing a bicycle helmet)


REPUBLIC ACT NO. 10054


AN ACT MANDATING ALL MOTORCYCLE RIDERS TO WEAR STANDARD PROTECTIVE MOTORCYCLE HELMETS WHILE DRIVING


Isang batas na alam naman nating pare pareho na makakapagbigay ng proteksyon sa atin mananakay ng malaking porsyento sa oras ng aksidente.

Well, marami na din ang nag he-helmet na riders ngayon, yun ang nakakatuwa sa batas na yan, ang hindi nakakatuwa ay yung mga taong nagsusuot ng helmet na hindi naman pang motor. Toinks!

May na encounter na akong suot ay yung pang Construction na helmet, yung safety hat na kung tawagin, yung iba naman ay yung pang bisikleta, at marami pang ibang alternatibong pantakip sa ulo para proteksyunan ang kanilang mga UTAK na parang ipinahid lang.

Oo, nagkalat ang mga sub-standard na helmet sa bansa, hindi rin naman mapigilan ng autoridad na magbenta ang karamihan. Dahil ang sinasabing basehan lamang sa batas na RA10054 na kapag may ICC o BPS sticker ay pasado na ito at yan ay mababasa sa Section 5 ng RA10054

“Section 5. Provision of Motorcycle Helmets. - A new motorcycle helmet which bears the Philippine Standard (PS) mark or Import Commodity Clearance (ICC) of the Bureau of Product Standards (BPS) and complies with the standards set by the BPS shall be made available by every seller and/or dealer every time a new motorcycle unit is purchased and which the purchaser may buy at bis option. Failure to comply with the requirements provided under this section shall constitute a violation of this Act.

Na hindi naman natin alam kung ano ang standard ng BPS so kung may ICC o BPS sticker ka, pasok na sa banga yan.

Nakahawak na ba kayo ng sub-standard na helmet? Na kahit ang mismong dalawang kamay natin ay kayang itupi?

Yang mga klaseng helmet na yan ay lantarang binebenta sa RAON, sa PIER at sa ibat ibang parte pa ng kaMaynilaan. Ito yung mga HELMET na “Can Afford” ng mahihirap na rider, kasi nga daw mas mura.

Madalas pa, ang gamit naman ng mga scooterista “Breezy Boys” ay yung nutshell helmet na gamit pambisikleta.

Una, kaya nga tinawag ito na pam bisikleta dahil ang impact na kaya nito ay yung impact na pang bisikleta lang din, low speed kumbaga, high speed impact ang sa motorsiklo at kung madidisgrasya kayo na gamit ang helmet na pambisikleta ay mas may tendency na, alam mo na, mauna kayo.

Yung mga sub-standard helmet na yan ay naglalaro din naman sa presyong, 800-1,5k, may mas mababa pa tulad ng mga half face na nasa 400 pataas lang. Kung kaya naman ng ibang bumili ng tig 1,5k na helmet, konti na lang ang idadagdag nila at makakakuha na sila ng helmet na mas maayos tulad ng Spyder (Paps Telly, sponsor ko, Char!), LS2, Zeus, KYT, HJC at marami pang iba.

Atleast, dito sa mga helmet na ito ay mas Malaki ang tyansa mong maligtas sa oras ng aksidente. Hindi yung makikipag pustahan ka na puede kang mamatay dahil sa sub-standard na helmet na gamit mo.

Or kung hindi talaga afford, may mga rich kids tayo jan na nagbebenta ng 2nd hand helmets na maayos din naman. Bakit hindi yun ang bilhin.

Kesa naman, bumili ka ng sub-standard na helmet, dahil sabi mo nga ay hindi mo afford, tapos bibili ka ng pang cover na “predator” na nagmumukha ka lang din naming timang.

Bukod sa hindi proportion sa katawan nyo yung laki nung pamatong sa helmet eh mukha pa kayong mga sirkerong kulang sa pansin.

Pasensya na, pero hindi ko talaga na tripan yang style na yan, pang Costplay siguro, OO, pero sa actual napag mo-motor, mukhang tanga. Tumesting ako one time, may kabigatan pa sa ulo, isang maaaring maging dahilan nang pagka disgrasya. No offense dun sa Predator na Motorcycle Club ha. 

Pero it’s a No-No to me.

So, helmet, pinaka importanteng proteksyon sa ating ULO. Mas unahin sana ito, hindi yung kung ano anong pagpapa lowerd, panipis ng gulong, pa chrome, palagay ng nakaka bulag na LED lights, Open pipe na napaka mamahal ang unahin, HELMET muna sana.

Pormadong pormado ang motor, lintek ang accessories, kesyo branded lahat ng naka install, Puta-kte, ang HELMET, pambisikleta. Anak ng Puta! Hallerrr! Kesyo, mahal daw kasi. LOL. Tolonges di ba?

Mahal nyo naman siguro ang pamilya nyo, kung wala man kayong pamilya, kahit yung motor nyo na lang. Kung gusto nyo pang ma enjoy mag motor. Abay gamit gamit din ng maayos na helmet.

Ilang beses ko na ding napaliwanag kung bakit. Isa din sa prinsipyo ko yung FREEDOM of CHOICE, pero ito ay dapat mandatory sa ating RIDERS.









No comments:

Post a Comment