Road rage, is it
worth?
By: Gene B. Ulag
By: Gene B. Ulag
Road Rage
noun
- violent anger caused by the stress and frustration involved in driving a motor vehicle in difficult conditions.
Road Rage, hindi naman bago ito sa atin, ilang beses na din
itong napag usapan sa Tri-Media.
Hindi lang din maka ilang beses na may binawian ng buhay dito.
Hindi lang din maka ilang beses na may binawian ng buhay dito.
Maliit man o malaking tao ay na-i-involve dito. Temper at pride kasi ito eh. Pag wala nyan habang nasa kalsada tayo, paniguradong mas peaceful ang lansangan.
Minsan, may isang tanga, ay hindi pala minsan, madalas pala
ito.
Isang motorist, mapa kotse o motor o bisikleta.
Pag napinahan ka, o nabusinahan ng kaunti, o nasingitan ka, tapos ang panget na ng araw mo, ang tendency ay dun na natin naipuputok ang galit sa taong yun.
Suntukan, saksakyan at ang masaklap, barilan.
Heto nga at may nabiktima nanaman sa ngalan ni Mark Geralde
(sumalangit nawa ang iyong kaluluwa kapatid sa pagpadjak)
Na ang nakadale ay si Vhon Tanto, isang Army reservist. Sa
videong nagkalat sa social media, umabot sa panuntok ang kanilang gigil na
ikinabugbog naman nitong si Vhon kaya kumuha ng baril sa kanyang sasakyan
(Hyundai EON Red with conduction number MO3745). Nakuha na din ang sasakyan na
iniwan nitong si Vhon sa farm ng kanyang Bayaw.
Itong TARANTADONG UNANONG ito, nakadamay pa ng isang dalaga
na tinamaan sa likod na ikinasira din ng kanyang kidney. Matapang dahil
kumukuha ng lakas ng loob sa Baril.
Ilang buhay na ba ang nasayang dito? Isang halimbawa ay yung
kay Jason Ivler at sa pamilya Ebarle. Nasayang parehas ang buhay, yung isa
patay, yung isa nakakulong.
Ito bang ROAD RAGE na ito ay makakadagdag sa pagkalalaki ng
isang tao? O sa pagkatao ng isang TAO?
ito ba ay maipag mamalaki natin sa kahit kanino man upang ika angat nang estado natin?
Nung kelan lang din, isang matabang matandang walang modo
ang na encounter ng isang pamilya, jan sa may Cultural Center of the
Philippines, naka Ford F150 na may hatak na jetski ang HINDOT na matanda na
pinag mumura ang babae sa loob ng sasakyan, inilsulto ang anak nila at
binantaan pang susuntukin ang asawa nung babae.
Na sa sobrang swerte lang eh, taga Bacoor Cavite din pala,
sa Miranda Compound. Panapaan 4.
(click the link for the video > https://www.youtube.com/watch?v=JvjjsGHhJdg)
Kung ganyan din lang ang makaka away mo eh, talaga naming
napaka sarap itumba hindi ba? Yung bang sya na ang mali, pero sya pa ang galit.
Balita din na wala na daw yang matandang kupal nay an dun sa bahay nila. Abay,
lilikas talaga ako kung ako sa kanya dahil magiging target sya eh.
Tingnan nyo, yung mga bagay na yan ba ay “Worth” gawin para
sa kung anong buhay ang meron ka ngayon? Masakit talagang magturo ang
“Experience” dahil ako mismo ay naranasan yan. At hindi maganda sa parehas na
parte.
Kung buhay ang involve, mas mahirap, dahil, yung buhay na
meron ka ay mawawalang bigla, malalayo ka sa pamilya mo at mga kaibigan. Kung namatay
naman, kawawa naman ang mga maiiwan.
Kung mainit talaga, suntukan na ang pinaka maganda. Labas ng
init ng katawan at galit kumbaga. Pero barilan? Tsaka, wala tayong karapatang
kumitil ng buhay ng may buhay. Kahit nga ang sarili nating buhay ay hindi natin
dapat kitilin.
Pero siempre, may ibang tao na walang kwenta sa kanila yan,
“Kill or get killed” ang mga galawan. Eh wag na nating ilayo ang sarili mo sa
mga mababangis na hayop dahil mas masahol pa tayo sa kanila pag nagkataon.
Nitong nalaraan din, may isang rider nan a involve sa
bangaan, itong rider na ito ay naka inom at ang sabi ay hinahamon daw ang lahat
ng nakakasabay nya sa kalsada.
Heto ang isang video na kuha ng isang pasahero ng bus.
Galing ang video sa page ng kanyang kapatid.
May mga kuha din na nadila ang Rider na si John Dela Riarte
habang naka posas at nakaupo. Nangyari daw na nanlaban itong si Rider kaya
nabaril sa Mobil ng pulisya habang naka posas sa likod.
Ayaw kong isipin na itinumba sya ng parak pero, naman, kung
nakainom ang rider o kahit driver, wala bang training itong mga parak na ito na
I sumbit lang, naka bunot ng baril eh wala naming armas yung rider.
Importante din ang buhay ng ating mga kapulisan, pero hindi
naman dapat binubunot ang baril kung hindi naman nanganganib ang buhay hindi po
ba?
Apat silang nandun eh, ang simpleng choke hold o submission
hold eh mapapahinto nila si rider. Ngayon, isang buhay nanaman ang nawala dahil
sa road rage. Hindi naman natin maibabalik yan. Hindi rin puedeng sabihing
sorry na lang.
Hindi worth di ba? Ihinga mo ng ilang beses yan sabay
matinding isipin, I fast forward mo na agad ang mga kaganapan ng ma realize
natin na mas masarap ng wala kang kinakatakutan.
Ang mga buhay na nawala ng dahil lamang sa init ng ulo, init
ng dugo, kesyo “nakakalalaki” daw kasi kaya humantong doon.
Paano ang mga pamilya na umaasa sa taong yun? Ang mga anak
na hinihintay silang umuwi galling trabaho. Ang asawa na naghihintay para
sabayan kumain ang kanilang asawa.
Na patay na pala dahil sa init ng ulo sa kalsada na puede namang
maisawan.
Marami ding nakaka angat sa buhay ang mga akala mo pag aari
nila ang kalsada, na akala mo eh nabili na nila ang buhay mo. Yung mga tipong
sila na ang mali sila pa ang galit.
Maliit kasi ang tingin ng mga yan lalo nat nag mo-motor
tayo. Mga langgaw ang tingin sa atin ng mga yan eh.
Pero, masisisi ba natin sila? Maraming rider ang hanggang
ngayon ay hindi maalam sa kalsada, maraming jeepney driver na bastos.
Ang maliit na bagay na maitutulong natin sa ating mga sarili
ay sumunod sa batas. Rumespeto sa kapwa motorist at iwasan ang galit sa
kalsada. Kung hindi naman involve ang buhay eh kung maaari ay palipasin na
lang.
Palagi nating tatandaan, may anak na sa atin ay naghihintay
sa paguwi natin, may asawang hinihintay an gating pagdating.
May Nanay at Tatay na naghihintay na umuwi ka bago sila
matulog.
Init ng ULO, huminga ng malalim ng sampung beses. Isipin mo
kung ano ang mangyayari kapag pina-iral ang INIT ng ULO. Napatay mo, magtatago
ka, makukulong.
Kung hindi man, magtatago ka sa batas, hindi mo makikita ang
pamilya mo. Paano na ang pamilya ng napatay mo. Mga anak na naghihintay sa pag uwi
ng kanilang AMA. Asawa na naghanda ng pagkain para sa kanya.
Hindi worth tol, hindi worth.
Hinga ng malalim. Hinga ng malalim. Tapos pag uwi sa bahay,
mag pasalamat at hindi ka humantong dun. Yakapin ang mga anak, halikan ang
asawa.
Sabay pabile ng Red Horse mucho and call it a day.
No comments:
Post a Comment