Showing posts with label LTO. Show all posts
Showing posts with label LTO. Show all posts

Friday, January 22, 2016

Tulang Napapanahon






Natataranta ang mga RIDER, Sa ordinansang inilabas ng LTO
Kung makapag comment parang mga LAWYER, Sila pa ay nagtatalo talo

Kesyo ganito daw dapat at hindi ganon
Labag daw sa batas ang ipinapatupad ng LTO ngayon
Dahil apektado ang ilaw nila, na pinagbuhusan ng salapi at panahon.

Teka nga, awat muna, matanong ko ikaw
Ano ba ang alam mo tungkol sa inilagay mong ILAW
Alam kong ang gusto mo lang ay makita ang madilim na daan
Nang ang disgrasya ay iyong maiwasan

Sige nandun na tayo, naiwasan mo ang disgrasya
Naisip mo bang sa iba’y nakakasilaw ka?
Hindi naman sa daan nakatutok ang ilaw mo
Kung hindi sa mata ng kasalubong mo


Perwisyong ituring at masakit sa mata
Ang puting ilaw, na nakatutok sa mata
Nakita mo nga ang daan at ikaw ay ligtas sa disgrasya
Eh paano naman ang mananakay na iba?

Mahirap bang isipin din ang kapakanan ng iba?
Yun bang hindi ka nakaka perwisyo at lahat ay Masaya
Ngayong nagka aberya at ikaw ay puro ngawa
Kesyo labag sa karapatan mo at wala kang magawa

Nabasa mo na ba ang batas tungkol dyan?
Tama ka nga, puedeng maglagay bastat iyong susundan
Ang itinakdang batas tungkol sa ilaw mo na yan
Na dapat papatayin mo kapag may kasalubong ka sa daan

Nakatutok dapat sa kalsada, at hindi sa mata
Nang kawawang kasalubong mo, na nagkada pikit na
Sa SILAW na inabot, ng puti mong ILAW na salot
Hindi ka nga nadisgrasya, kami naman ang muntik masalot

Nagkalat ang Jejemong RIDER, na nahilig sa ilaw
LED na sa harap, sa gilid, sa manibela,Hindi pa nakuntento at may blinker pa
Pinag iipunan pa nga daw nya, ang isang set ulit ng ilaw para sa likod nya

Yung isang GRUPO ng rider, Mag RALLY na daw agad
Dahil nilabag daw ng LTO ang karapatan nila, kaya dapat agad agad
Kutsabahin ang iba, lasunin sa maling paniniwala
Para daw malaman kung ano ang lakas nila


Jeskelerd! Chuvanes! Kayoy nakaka INES
Yung isa, panay pa ang INGLES
Ang SARAP pektusan ng malutong, na parang pritong galunggong

Alamin ang batas para hindi magmukhang tanga
Wag puro ngawa, samahan din ng gawa
Magbasasa basa at ng malaman ang totoo
Nang hindi ka mukhang tanga
Sa harap ng LTO.








Monday, December 15, 2014

Bawal na daw ang OPEN PIPE sa PAETE


Picture grabbed from Mistah_Suave from facebook. 



Isang Bayan nanaman ang naki USO sa pag babawal ng “OPEN PIPE”. Palakpakan po natin ang Bayan ng Paete.

Paniguradong naiirita ito sa ingay na naririnig nila, mga harurot ng mga kabataang may dalang motor na wala pa yatang lisensya at walang helmet. Kaya ayun, MOTOR nanaman ang pinag diskitahan.
Uulitin ko ulit, Hindi ko din gusto ang maingay na motor. Sino bang may gusto ng biglang haharurot ang motor sa kalaliman ng tulog mo, que umaga oh gabi?! Wala. Walang may gusto.
Eh bakit kaya nila ipinag bawal ang “OPEN PIPE” ayun doon sa kanilang “NOTICE TO THE PUBLIC”.

Eh kasi siempre maingay, [paulit ulit tayo pucha].

Ibig sabihin nito ay sisitahin na nila ang mga mayroon maingay na tambutso, Maingay kamo diba? Paano ba nating masasabing maingay ang isang bagay? Paano ba natin malalaman, oh, PANUKAT!! Ang galing nyo mga bata, kailangan natin ng PANUKAT, kung walang panukat at ang gagawin lang ay tataasan ang siliyador para masabing maingay ang motor, tama ba ito mga BATA?!

Siempre MALI, dahil panigurado akong ganyan din mismo ang gagawin ng ating magigiting na enforcer ng Bayan ng Paete.

Nandoon na po tayo Kagalang Galang na Alkalde Mutuk, Maingay talaga sya, kung susugpuin natin ang INGAY na ito, eh dapat po nasa tamang proseso. Ooooppsss, PROSESO?! Itong ordinansa bang ito ay dumaan sa tamang proseso?! Dahil kung titingnan eh, isang malaking CHECK, na hindi dumaan ang ordinansa sa BRAIN STORMING na tinatawag. Bakit kamo?! I break down natin.

1.       Maingay na Tambutso – OPEN PIPE; Kapag sinabi pong OPEN PIPE, ang ibig sabihin po nito ay putol po ang CANNISTER o MUFFLER na naka dikit sa PIPE. Meaning, yung TUBO lang dapat. Kung wala itong CANNISTER o MUFFLER na ito ay, mag iingay po ang TAMBUTSO at maglalabas ng amoy gasolinang amoy. Oh, san ko po nalaman yan? Ah, binasa ko po yung RA 4136, Chapter 3, Article 4, Section J. Na nagsasabing

-          (j) Mufflers. - Every motor vehicle propelled by an internal combustion engine shall be equipped with a muffler, and whenever said motor vehicle passes through a street of any city, municipality, or thickly populated district or barrio, the muffler shall not be cut out or disconnected. No motor vehicle shall be operated in such a manner as to cause it to emit or make any unnecessary or disagreeable odor, smoke or noise.

Ito po ay sa Article 4, Accessories of Motor Vehicles. RA 4136 ay ang ating basehan sa mga batas pantrapiko sa ating bansa. At malinaw naman diyan na sinabing, dapat na ang MUFFLER o CANNISTER ay dapat na hindi putol, para hindi ito mag ingay o mag labas ng mabahong amoy. Bukod doon ay wala na pong iba. Bawal ang maingay, pero wala po tayong DECIBEL limit na tinatawag sa ordinansang yan, Oo, luma na ang ordinansang ito at kailangan na nating repasuhin, ngunit yan ay hindi ko naman na trabaho, kaya may mga tumatakbong CONGRESSMAN para samga gawaing yan. So, tama po ba ang ordinansang pinatutupad nyo ngayon?! Yung ANEST answer lang. kasi kung TAMBUTSO lang eh, lahat ng JEEP na nadaan sa Paete ay walang MUFFLER o CANNISTER, kaya dapat sila ang inuuna. Straight pipe lang ang mga jeep eh. Tsaka yung batas na nasa RA4136 eh para sa lahat, na obviously, para sa motor lang ang ordinansa nyo. 

2.       Mausok na TAMBUTSO – Dito talaga ako natatawa ng husto at the same time eh naiinis. 2-strokers panigurado ang gusto nyong tirahin dito, na karamihan ng TRICYCLE sa Paete ay ganyang klase ng makina ang gamit.

Seriously?! San nyo po ito nakuha? Ginaya? O narinig man lang?! Naglalabas pa ang ilang kompanya ng motor ng 2 stroke, tulad ng YAMAHA YZ125 at 250. So itong mga bagong motor na ito ay bawal na din?! Baka gusto nyo silang kontakin para sabihin na hindi kayo sang ayon sa pag gawa nila ng motor na 2 stroke.

Ang LTO at LTRFB kung may paki sila, eh hindi pa nga nag babawal ng 2 stroke. #JuiceColored
Sa Paete, Bawal na, parang plastic Bag lang. LOL.

Sige, ipag babawal nyo po ang mausok, eh di maliwanag na tatangalan nyo ng trabaho ang daan daang tricycle driver dyan sa Paete. Ano po ang ipapakain nila sa pamilya nila? Sasagutin nyo po ba? Kung hindi naman, anong puede nyong gawin para may pagkakitaan silang alternatibo dahil ipinagbabawal nyo na ang mausok na motor eh halos karamihan ng trike driver dyan eh 2 stroke pa ang gamit.

Bakit kaya na hindi nyo na lang paigtingin ang SAFETY ng mga nag mo-motor dyan?! Ang dami kong nakikitang mga bata pa ang may dalang motor, sa maliit na kalsada eh kung magharurutan, mga walang helmet, at mga walang lisensya. Bakit ko alam?! Eh muntik ng mahagip ng isang batang nag mo-motor ang anak ko noon. Sitahin mo mga galit pa.

Bakit hindi yun ang unahin natin?! Mahirap bang gawin yun?! May mga batas nang naka handa para doon. Driving without license, reckless driving, Over speeding, at ang HELMET LAW. Heto ay wala nang kailangang pag aaral pa dahil pinag aralan na ito. Well, hindi ko masasabing magaling sila, pero sintido kumon, para sa kanilang safety yan.

So bakit hindi tayo mag focus ditto, dyan sa mga flaws na dapat muna nyong ayusin. At hahakbang agad tayo sa TAMBUTSO na sobrang DEBATABLE at napakaraming loop holes. Walang solidong batas. Haka haka.

Bakit kamo?! Sino ang tatamaan dito. Aba’y, ang mga rider na walang ka alam alam na dadaan sa Paete, na haharangin ng mga tiwaling alagad ng batas, na syempre, imbes na mag multa ng isang libo ay makiki pag areglo na lang. Dahil tatakutin sa mga abalang makukuha, presyo ng multa. Wag nating alisin yan.

Magiging MILKING AVENUE nanaman ito para sa mga riders, tulad ng mga ENFORCERS ng Bacoor.  

Ako po ay isa sa mga RIDER na ipinagmamalaki ang Bayan ng Paete, Hindi lamang sa mga OBRA Maestrang mga ukit, pati na din ang mismong bayan, ang kwento sa likod nito, ang ARNIS nito, ang Pista, ang tatlong krus at marami pang iba, bukod dito, ipinag mamalaki ko din po ang mga karatig bayan nito na nag oofer ng magagandang lugar, na masarap puntahan.

Tapos, Ganyan, may kakaibang ORDINANG tulad nyan. 40% ng turista ngayon ay mga nakamotor na. Kahit papaano eh malaki ang naiaambag ng mga rider sa turismo.

Kagalang Galang na MUTUK BAGABALDO. Kung gusto nyo pong ipatupad yang “OPEN PIPE” ordinance nyo, maaari lamang na daanin ito sa tamang proseso at hindi I rerebolusyon ang silinyador para masabing maingay ang motor. Tungkol naman sa mausok na tambutso, isa talagang malaking kaululan ito. REPASUHIN nyo ulit at kumuha kayo ng mga taong NEUTRAL na makakasama nyo sa BRAIN STORMING dahil, katawa tawa ang dating. Nakakahiya. Hindi po ito ang ALKALDE na tinitingala ko noon. Saludo po ako sa mga nagawa nyo at alam ko pong ang gusto nyo lamang po ay maging matiwasay ang pamumuhay ng mga tao sa Bayan ng Paete, sananaman ay maisama naman diyan ang pantay pantay na karapatan ng bawat mananakay. Salamat po. 




Thursday, March 31, 2011

Kurapsyon at Kompyuterisasyon sa LTO


Isa nanamang makapanindig balahibong balita ang aking nadinig kanina lamang sa TV Patrol.
Ang isa sa pinakamalaking ahensya ng Pilipinas, ang Land Transportation Office, isang departamento na kumikita ng limpak limpak na salapi galing sa mga motorista ay nangangambang bumalik sa "manual" application ang mga mag papa rehistro or mag papa renew ng kanilang mga lisensya kapag hindi nabayaran ang kumulang isang BILYONG pisong utang sa IT company na Stradcom.

Anoooooo????????

Tama ba itong naririnig ko? eh ilang taon na pong Computerized ang LTO and then all of a sudden, eh babalik tayo sa makalumang paraan?

Anu po ang nangyari sa mga income na natatangap nyo jan?

Ilang milyon po ang sasakyang nagpaparehistro sa inyo taon taon? Ilang kotse, truck, bus, jeep, taxi at motor ang nairerehistro sa inyo para magkaron kayo ng ganong kalaking utang.

Dagdag pa ang Libo libong nag a-apply ng lisensya at nag re-renew? Nasan po ang perang napasok sa inyo? At wala po yatang napapakinabangan?

Mailiwanag ko nga lang po, ang departamento nyo po ay tumatangap ng pera, budget mula sa Gobyerno, plus ang mga kinikita nyo pa.

Ngunit sa tinuran nyong yan, na ilang taon nang hindi nyo nababayaran ang mga dapat bayaran sa IT provider nyo, eh nasan po ang perang para jan?

Ay, naku po, wag nyo pong sabihing hindi nyo po alam. Dahil hindi po mangmang ang taong bayan.

At hindi lang po kayo ang may ganyang "transaksyon" sa Gobyerno. Ilang ahensya na din po ang nasaksihan kong kumuha ng Provider para sa Computerization ng kanilang ahensya, tulad na lamang ng Registry of Deeds na ang IT Provider eh mga Indiano.

Ang tanong (in the tune of Shalani in willing willie), Nasan po ang perang nakalaan para sa computerisasyon ng LTO, alangan naman pong wala at kayo ay biglang pumasok na lang sa isang kasunduan na ganyan.

Sa dami ng raket jan sa LTO simula sa paglalagay sa mga officer from application, mga nag papa test drive at iba pang opisyal, eh maliit lang pala yun kumpara jan sa Kompyuterisasyon na yan.

Ang dami dami nyong kabulastugang pinag gagawa at kung ano anong kabaliwan, eh yan palang Kompyuterisasyon na yan eh hindi nyo pa ayos.

Anak ng pating na buwaya!!!!@#$%^&*(!!..

At ngayon, sa Taong Bayan nyo ipapasa ang hirap dahil sa mga ka walanghiyaan nyong yan..
Kayo ang nakikinabang jan sa proyektong yan, at nung nagka ubusan ng perang ibabayad jan sa computerization.

Kayo po ay nangangambang bumalik tayo sa manual license application, abay pati pag re rehistro ng sasakyan ay apektado dito!!

Mahiya naman kayo!!

Tsaka bakit ba lagi kayong naglalagay ng mga taong hindi namankayang patakbuhin ang departamentong yan..

Ano ba ang alam ni Daisy Jacobo sa batas trapiko? sa pag gawa ng mga bagong alituntunin?
Sana naman eh maka pag lagay kayo ng MARUNONG magpatakbo ng ahensya at hindi puro pag papaganda at pag papapogi ang alam.


Bakit hindi nyo muna ayusin ang pagkuha ng lisensya, pag hihigpit sa mga bagong applikante? pag bibigay ng tamang edikasyon sa mga bagong applikante ng sasakyan.

Ano ang mga dapat gawin at tandaan.

Sa madaling salita, wala kayo nun.. Puro kayo pahinge ng pera...

Tama na, kawawa naman ang mga taong bayan..

Ngaun sa kabulastugang kayo ang may gawa, TAONG BAYAN nanaman ang mag sasakripisyo kapag natuloy at pag papatigil sa computerisasyon ng departamento nyong corrupt..

Land Transportation Office Website

Saturday, March 19, 2011

Open PIPE law, Bakit napaka LABO nito?


Open pipe? Ano ba ang "sa tingin" nyo bakit madaming riders ang nagamit nito?
Sabi ng iba, para maging aware ang mga tao na may paparating na motor, ganun din sa sasakyan.
Sa iba naman eh "dagdag" power daw at hindi mainit sa makina lalo na kapag modified na ang cylinder or BORE kung tawagin ng iba..

Ano man ang dahilan nila eh sa kanila na yun.

Maraming nagamit nito ay walang konsiderasyon lalo na kapag gabi, ang mga walang aral na mga bagitong rider eh kung maka hataw sa malilit na daanan eh ganun ganun na lang.

So in return eh magaalit ang mga tao, dun na nadadamay ang buong komunidad ng pag mo-motor.

Sa makati unang umalingawngaw ang city ordinance na bawal ang naka open pipe. Maraming riders ang naging biktima at palagatasan sa batas na ito na originaly ay hindi dumaan sa public hearing.

Well, kung ang tawag nila sa mga konsehal at ilang tao na hindi lalagpas sa 50 at walang imbitadong galing sa motorcycle body eh "PUBLIC HEARING", deskripsyon nila yun.

Subalit itong ordinansang ito ay ipinapatupad ng illegal, bakit nga po ba?

Sila ang nanghuhuli ng walang tamang gadget para malaman na lumabag nga sa batas ang ingay ng tambutso!!!

Itong mga yellow boys ng makati o MAPSA eh nireredondo lang nila ang silinyador para masabing maingay ang TAMBUTSO..

Aba. aba. aba... MALI po yun mga ginoo.. ito po ay ginagamitan dapat ng "decibel meter/gauge" para po malaman natin na lagpas nga sila sa itinalang sukat ng ingay..

AT ito po ay dapat pinapatupad hindi lamang sa mga nag mo-motor.. ang batas pong yan ay hango lang naman sa pinatupad na batas ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972

i quote
"1. That it shall be unlawful for the owner or possessor of any motor vehicle to use or attach to his vehicle any siren, bell, horn, whistle, or other similar gadgets that produce exceptionally loud or startling sound, including domelights, blinkers and other similar signalling or flashing devices."

kung babasahin nyo po nung panahon na yan eh sa other gadget tayo pasok..
Ngaun naman po, naglabas ng isang dokumento sa Cebu na "naglilinaw" daw sa pinag kaiba ng open pipe sa after market mufflers.

Disclaimer, this is funny as hell...


Nabasa nyo po ba?

heto po ang regarding sa aftermarket pipes.

Mufflers - A device that reduce noise and used with
an internal combustion engine


1. motor vehicle exhaust system is composed of exhaust
manifold, exhaust pipe, muffler (noise reduction device)
and for some with catalytic converter


2. driver/operator flagged down operating a motor vehicle
without of defective muffler shall be issued a ticket
for the violation. Defective muffler has visual defects
missing internal components like silencing asbestos, inner tube

3. after market exhaust mufflers are allowed

My Answer:

Number 2, Defective muffler has visual defects
SO if ever sumemplang ang riders, or bumagsak ang motor at mejo nayupi ang tambutso, titiketan na ba ako agad? visual defect daw kasi hindi po ba?

Number 3, after market pipes are allowed.
Ito po ang malabo, kung allowed po ang after market pipes, bakit marami pa ding pong nahuhuli regarding sa what they called "open pipe"?

Napaka labo po nitong ruling na ito regarding sa pipes, unang una, ito po ay dapat iniimplementa hindi lamang sa naka motor, dahil ito pong batas na ito ay ginawa para sa kotse, bakit ang naka motor lang lage ang gatasan ng mga buwayang naglipana hindi lamang sa Makati pati na din sa ibang lugar tulad ng Pasig at the Fort.

Hindi po ba magkakaron ng "uniform ticketing" sa buong bansa? kung saan isang sistema lang at presyo ng tubos ang ipapatupad?

napaka gulo po ng systemang pinapatupad nyo..
Naturingang kayo po ang mas edukado sa tingin ng iba, kayo pa po yata ang walang mga utak..

LTO, kelan po ba tayo gagawa ng aksyon sa bulok nyong systema?
Abay, hahayaan pa po ba nating pagtawanan tayo ng iba? Bulok na bulok na po ang departamento nyo eh.. baka balak nyong mag pa "fresh" ng konti sa simulaing UNIFORM TICKETING SYSTEM.


at siempre kung nakakabili ang ibang departamento ng speed gun para sa commonwealth, bakit po hindi maka iskor ang LTO ng decibel gauge para sa mga nanghuhuli na walang basehan kung hindi bombahin ang silinyador ng motor..


Napaka laking pera po ang napasok sa departamento nyo eh mukhang diretso lang sa bulsa ng mga namamahal diyan ang kinikita..

BAka lamang po.. nang TUMINO TINO ANG BATAS TRAPIKO SA BANSA NATIN..