Some people just don't get it. I don't know if they are just
born stupid or just a talented stupid.
Kahit pa, maluwag ang MC Lane na yan, kahit pa walang dumaan na
sasakyan jan, hindi pa din safe para sa riders yan. Road sharing ang safe, at
hindi mo masisigurado na "ekslusibo" ang lane na yan. Meron at meron
pa ding papasok jan.
The fact na, mas bibigat pa ang traffic kasi hindi rin maka
filter ang ibang sasakyan, imbes nagagamit yang "lane" na inilaan
nila sa motorsiklo eh magiging daan pa ito para sumikip lalo ang kalsada sa mga
partikular na lugar.
Eh nasan ang sinasabi nilang "solusyon para sa traffic"?
Wala! Nganga! Jakol!
Wag tayong mag isip ng para sa atin lang, ang kalsada ay para sa
lahat ng taong nabigyan ng pribilehiyong makakuha ng lisensya.
Yang solusyon na yan ay hindi kailan man makakatulong maibsan
ang malalang traffic sa Metro Manila.
Ang kailangan natin, ay representanteng alam ang ginagawa nya,
representanteng aral, at hindi lalagay sa kung ano mang isuhestyon ng Gobyerno.
This should be a partnership, hindi dapat kung ano ang maisip,
yun ang gagawin.
Umaattend nga sila ng meeting with the Government officials,
pero ano ba ang naging tulong nila?
Dun pa lang sa LED prohibition, sumablay na, pinayagan ang
dalawang 6 bulb LED, side to side, pero ang 12-bulb single rack LED light ay
bawal. Kung ikaw, marunong mag isip, itong suhestyon na ito ay isang malaking
kagaguhan na eh.
Una, ang ilaw ay dapat sinusukat by Lumens, at hindi sa dami ng
bumbilya.
Pangalawa, sentido komon, ano ang pinagkaiba ng 6x6 LED bulb sa
12 bulb LED?
Itong isa naman, sabi nya "Hulihin nyo na yung mayayaman,
wag lang itong mahihirap na rider". So may diskriminasyon sa aming
mayayaman? (Charot!)
Paano mo malalaman na mayaman yung rider? Eh yung karamihan na
kilala kong may pera (ayaw umamin na mayaman) eh mga naka simpleng scooter
lang? Yung iba naming kilala kong naka big bike eh, baon sa utang.
Sasabayan pa ng COLOR CODING for Motorcycles, tapos na I suggest
pa na dapat daw may PLAKA VEST, para tukoy daw ng kapulisan ang mga criminal kasi
may plate number sa vest nila.
POR DYOS! Sinong criminal baa ng nag bigay ng hinala na may
gagawin silang masama? Panay ang dikit nitong isang ito sa mga ENFORCERA,
naturingan member pa ng isang LAW ENFORCEMENT RIDING GROUP, wala man lang
nakuhang aral.
Dapat dawn aka gwantes pa para mahirapan daw bumunot ng baril.
POTA!
Don’t get me wrong, sang ayon ako sa gwantes at full gear sa mga
backriders, kasi kasama natin yan eh, sumemplang tayo, damay pati sila.
Ang sablay lang eh ang idelohiya nitong mga bugok na ito, na
nakakauto pa ng mga gunggong din na riders.
20+ years na daw syang nagmo-motor, pero bakit parang walang
pinagkatandaan. Sya lang yata ang matagal ng rider ang hindi nakaka alam ng
kung ano ang mabuti sa mga riders. Naging representante pa (Self proclaimed).
Well, kayo, hindi kayo tanga, nakakabasa kayo, nakaka sulat at
panigurado namang nakakaintindi rin. Itong mga taong pinagkatiwalaan nyong i-representa
kayo sa Gobyerno ay walang mga alam. Gusto lang sumikat dahil kulang sa pansin
at syempre, may kanya kanyang agenda sa sarili nila.
Oo, tao tayo, hindi perpekto, may mga flaws at errors madalas.
Pero itong ginagawa nila ay hindi lang basta errors at flaws, ito ay flaws nila
na idinadamay pa tayo.
Lumalabas pa na savior yung isa, dahil imbes na ipagbawal daw
ang motor sa EDSA ay nagawa daw nyang ipatupad na lang ang MC Lane. WOW!
Yung MMDA naman daw, motorsiklo daw ang dahilan kung bakit
traffic sa EDSA. See, saying ang TAX money na ibinabayad natin sa Gobyerno.
Bakit kanyo? Walang alam eh.
Paano nilang malalaman yan? Hindi yan nag mo-motor araw araw,
nasa kotse yan, malamig, may driver at komportable. Samantalang tayo, nasa
initan, nauulanan at natutuyuan.
Di bat sinabi ni Atoy na “hindi daw kaya ng riders ang init,
kaya tayo sumisingit”. LOL.
Jan mo ba dapat ipagkatiwala ang kaligtasan mo sa pag mo-motor?
Na, ang daming problema sa kalsada, pero iginigiit ang mga
KAGAGUHAN NILA.
Ang daming problemang pang kalsada ang kailangan nilang I address,
pasaway na buses na ginagawang terminal ang EDSA, jeepneys, colorum vans etc
etc. Wala pa jan yung road condition.
Pero yung mga IDOL nyo, ipinilit ang MC LANE.
Wala eh, may isang kasabihan “You cant teach an old Dog a new
trick”.
May mga EDAD na eh. Kaunting panahon na lang, wheel chair ride
na ang ma e-enjoy ng mga yan.
Yung isa daw gusting mag iwan ng legacy nya sa Motorcycling
Community, LOL.
Anong legacy kaya yun? Yung mga grupong nadis-group dahil sa
kaululan nya? O yung grupong itinayo na at inilagay sa mind set nila na
MOTORCYCLE COPS sila?
Well, matanda na kayo, ipaglaban nyo ang tama, tumayo sa
sariling paa, dalhin ang bayag kahit saan pumunta, ng sa ganon, hindi kayo
lumalabas na UTO-UTO sa mga BULAANG PROPETA.
No comments:
Post a Comment