Monday, November 14, 2016

MGA BULAANG PROPETA



Some people just don't get it. I don't know if they are just born stupid or just a talented stupid.


Kahit pa, maluwag ang MC Lane na yan, kahit pa walang dumaan na sasakyan jan, hindi pa din safe para sa riders yan. Road sharing ang safe, at hindi mo masisigurado na "ekslusibo" ang lane na yan. Meron at meron pa ding papasok jan.


The fact na, mas bibigat pa ang traffic kasi hindi rin maka filter ang ibang sasakyan, imbes nagagamit yang "lane" na inilaan nila sa motorsiklo eh magiging daan pa ito para sumikip lalo ang kalsada sa mga partikular na lugar.


Eh nasan ang sinasabi nilang "solusyon para sa traffic"? Wala! Nganga! Jakol!


Wag tayong mag isip ng para sa atin lang, ang kalsada ay para sa lahat ng taong nabigyan ng pribilehiyong makakuha ng lisensya.


Yang solusyon na yan ay hindi kailan man makakatulong maibsan ang malalang traffic sa Metro Manila.


Ang kailangan natin, ay representanteng alam ang ginagawa nya, representanteng aral, at hindi lalagay sa kung ano mang isuhestyon ng Gobyerno.


This should be a partnership, hindi dapat kung ano ang maisip, yun ang gagawin.


Umaattend nga sila ng meeting with the Government officials, pero ano ba ang naging tulong nila?


Dun pa lang sa LED prohibition, sumablay na, pinayagan ang dalawang 6 bulb LED, side to side, pero ang 12-bulb single rack LED light ay bawal. Kung ikaw, marunong mag isip, itong suhestyon na ito ay isang malaking kagaguhan na eh.


Una, ang ilaw ay dapat sinusukat by Lumens, at hindi sa dami ng bumbilya.


Pangalawa, sentido komon, ano ang pinagkaiba ng 6x6 LED bulb sa 12 bulb LED?


Itong isa naman, sabi nya "Hulihin nyo na yung mayayaman, wag lang itong mahihirap na rider". So may diskriminasyon sa aming mayayaman? (Charot!)

Paano mo malalaman na mayaman yung rider? Eh yung karamihan na kilala kong may pera (ayaw umamin na mayaman) eh mga naka simpleng scooter lang? Yung iba naming kilala kong naka big bike eh, baon sa utang.

Sasabayan pa ng COLOR CODING for Motorcycles, tapos na I suggest pa na dapat daw may PLAKA VEST, para tukoy daw ng kapulisan ang mga criminal kasi may plate number sa vest nila.

POR DYOS! Sinong criminal baa ng nag bigay ng hinala na may gagawin silang masama? Panay ang dikit nitong isang ito sa mga ENFORCERA, naturingan member pa ng isang LAW ENFORCEMENT RIDING GROUP, wala man lang nakuhang aral.

Dapat dawn aka gwantes pa para mahirapan daw bumunot ng baril. POTA!

Don’t get me wrong, sang ayon ako sa gwantes at full gear sa mga backriders, kasi kasama natin yan eh, sumemplang tayo, damay pati sila.

Ang sablay lang eh ang idelohiya nitong mga bugok na ito, na nakakauto pa ng mga gunggong din na riders.

20+ years na daw syang nagmo-motor, pero bakit parang walang pinagkatandaan. Sya lang yata ang matagal ng rider ang hindi nakaka alam ng kung ano ang mabuti sa mga riders. Naging representante pa (Self proclaimed).

Well, kayo, hindi kayo tanga, nakakabasa kayo, nakaka sulat at panigurado namang nakakaintindi rin. Itong mga taong pinagkatiwalaan nyong i-representa kayo sa Gobyerno ay walang mga alam. Gusto lang sumikat dahil kulang sa pansin at syempre, may kanya kanyang agenda sa sarili nila.

Oo, tao tayo, hindi perpekto, may mga flaws at errors madalas. Pero itong ginagawa nila ay hindi lang basta errors at flaws, ito ay flaws nila na idinadamay pa tayo.

Lumalabas pa na savior yung isa, dahil imbes na ipagbawal daw ang motor sa EDSA ay nagawa daw nyang ipatupad na lang ang MC Lane. WOW!

Yung MMDA naman daw, motorsiklo daw ang dahilan kung bakit traffic sa EDSA. See, saying ang TAX money na ibinabayad natin sa Gobyerno. Bakit kanyo? Walang alam eh.

Paano nilang malalaman yan? Hindi yan nag mo-motor araw araw, nasa kotse yan, malamig, may driver at komportable. Samantalang tayo, nasa initan, nauulanan at natutuyuan.

Di bat sinabi ni Atoy na “hindi daw kaya ng riders ang init, kaya tayo sumisingit”. LOL.

Jan mo ba dapat ipagkatiwala ang kaligtasan mo sa pag mo-motor?

Na, ang daming problema sa kalsada, pero iginigiit ang mga KAGAGUHAN NILA.

Ang daming problemang pang kalsada ang kailangan nilang I address, pasaway na buses na ginagawang terminal ang EDSA, jeepneys, colorum vans etc etc. Wala pa jan yung road condition.

Pero yung mga IDOL nyo, ipinilit ang MC LANE.

Wala eh, may isang kasabihan “You cant teach an old Dog a new trick”.

May mga EDAD na eh. Kaunting panahon na lang, wheel chair ride na ang ma e-enjoy ng mga yan.

Yung isa daw gusting mag iwan ng legacy nya sa Motorcycling Community, LOL.
Anong legacy kaya yun? Yung mga grupong nadis-group dahil sa kaululan nya? O yung grupong itinayo na at inilagay sa mind set nila na MOTORCYCLE COPS sila?


Well, matanda na kayo, ipaglaban nyo ang tama, tumayo sa sariling paa, dalhin ang bayag kahit saan pumunta, ng sa ganon, hindi kayo lumalabas na UTO-UTO sa mga BULAANG PROPETA.














No comments:

Post a Comment