Showing posts with label motorcycle rights organization. Show all posts
Showing posts with label motorcycle rights organization. Show all posts

Sunday, October 27, 2019

Bacoor Open Pipe Apprehension - Nakakapam biktima pa din hanggang ngayon.


Patuloy pa din pong nakaka pambiktima itong OPEN PIPE / OPEN MUFFLER / OPLAN MUFFLER ng Bacoor City Cavite.

Meron na silang panukat ngayon pero mali pa din ang procedure. I, for once, do not condone loud pipes pero ako po ay naniniwala din na Loud Pipe Save Lives, taalagang nasa Disiplina lamang po ito.

Ni re-upload ko po itong video na ito dahil may mga nag-me-message pa din sa akin kung paano kami naka alis ng walang ticket.

Ang ginawa ko po ay bumase po ako sa RA4136 regarding Open Pipe

ARTICLE IV
Accessories of Motor Vehicles
Section 34.

(j) Mufflers. - Every motor vehicle propelled by an internal combustion engine shall be equipped with a muffler, and whenever said motor vehicle passes through a street of any city, municipality, or thickly populated district or barrio, the muffler shall not be cut out or disconnected. No motor vehicle shall be operated in such a manner as to cause it to emit or make any unnecessary or disagreeable odor, smoke or noise.


Hindi naman po putol ang aking tambutso na magsasanhi ng ingay pag nadaan sa kalsada o sa maliliit na eskinita. 

Sa Muffler act of 2016 na isinumite ni Senator Win Gatchalian, gusto nyang walang lalagpas sa 70db na ingay sa mga sasakyan kapag ito ay natakbo, which is, isang kalokohan dahil depende sa uri ng sasakyan. May mga stock na lampas 70db ang tunog on idle state. 

Marami ding lugar sa Pilipinas ang may Open Pipe Ordinance na mali din ang pagppatupad katulad na lamang ng Makati. 

Please Like, share and Subscribe to Bikers World101 for more videos! 

Monday, March 18, 2019

ANG KALSADANG GINAGALAWAN NATIN (The Road we Live in)


Ang kalsadang ginagalawan natin
Ni: Gene B. Ulag






2019 na, ilang dekada na din ang nakalipas noong nagsimulang umarangkada ang industriya ng sasakyan, mapa motorsiklo man o kotse.

Kasabay ng mga bagong modelong sasakyan ay mga bagong features din nito, katulad ng TV, HID headlights. Led lights at marami pang iba. Kasabay din nito ay ang masusing pagaaral na pagandahin at gawing ligtas ang bawat sasakyang ilalabas kada taon.

Ngunit mayroon lamang isang bagay na parang napag iwanan ng panahon, yun ay ang pagiging disiplinado sa kalsada.

Paano kong nasabi?




Siguro ay, mga Dalawamput Walong taon na akong nag mo-motor at dalawamput apat nang nagmamaneho. Kaya, napapansin ko ang kaibahan ng “Ugaling kalsada” noon, kumpara ngayon.

Muli, paano kong nasabi?


Sa nakalipas na taon, napakaraming nainvolve sa Road Rage, isa sa pinaka sikat ay ang pangyayari na sangkot si Jason Ivler, na nagtago pa at nagkaron pa ng manhunt.

Pero bakit ng aba humahantong itong ganitong klaseng pangyayari na nagbubuwis ng buhay kapag hindi naiwasan? Ito marahil ay ang ating EGO o PRIDE pag nasa kalsada tayo.

Naandun na tayo, napakaraming pasaway hindi lamang sa hanay ng mga rider, kung hindi ganun din sa mga driver. Hindi naman din na natin masisisi ang ilan kung magka taasan sila ng ihe, lalot may kaya ang kabilang kasangkot. It all boils down to our EGO being so big.

Pero bakit ko nga bang nasabi na parang hindi na disiplinado ang mga Rider at Driver ngayon. Dahil Malaki talaga ang pagkakaiba nila kumpara noon.

2004, pumutok ang Drag Racing Scene ng Motorsiklo at Kotse sa Macapagal, wala pang mga magagandang istablismento noon, wala pa yang Okada, Solaire at iba pang malalaking istablismento. Ang tanging nanjan lang ay ang OG na Gas Station na, Jetti. Opo, yan mismong Jetti nay an na tambayan ng mga Disiplinado at Pasaway na Raiders noon. Hanggang sa itinayo na din ang Shell, kasunod nito ay yung Mcdo.
Nakatambay kami jan up until 2010 siguro, yung grupong kinaaaniban ko na Shogun Elite Club at based sa Petron Macapagal na katapat ng Shell at Mcdo. 2007 noon nung inaabot kami ng umaga jan sa pagtambay at pagtaya sa mga nangangarera. Ultimo Pasko nakatambay kami, meron pa ngang bagong taon, nakatambay kami. Marami din akong nakikitang (Kasama na din kami madalas) na mga naka tsinelas lang, naka shorts, tabo helmet lang ang gamit, kumbaga, mga pasaway ba.




Shogun Elite Club, Petron Macapagal, 2007


Pero ano ba ang punto ko? Eh meron din namang mga naka ganyan hanggang ngayon. Ang punto ko ay simple lang, mas kaunti ang nadidisgrasya noon. Statistically, pataas ng pataas ang bilang ng mga nadidisgrasya taon taon.




Pero bakit ng aba pataas ng pataas ang aksidente? Hindi naman basta basta lamang EGO related ito, siguro ay iniisip nyo. Tama naman kayo, itong mga aksidenteng ito ay hindi lang puros EGO related, mayroon din, katangahan lang o kayabangan lang, pero lahat yan ay bumabagsak sa tamang pag gamit ng kalsada at pagsunod sa traffic laws.

Hindi naman alintana sa atin na ang LTO ay isa, kung hindi man nangunguna, ay matinde ang RED TAPE sa Gobyerno. Isa lamang ang pag i-issue ng lisensya, yung pagkuha ng test nyan at malaking pera ang naipapasok sa kanila. Yung iba kasi, natatakot daw bumagsak, at kailangang kailangan daw nila yung lisensya sa trabaho nila. Yung iba naman ang dahilan ay ayaw na nilang mapagod pa.

Pero, itong “Napakadaling” test ng LTO at magbibigay sa kanila ng kaalaman, kahit na kaunti, ng mga batas at kung paano gumamit ng kalsada, pero, PEROOOO, NAPAKARAMI pa ding ayaw sumunod sa tamang proseso at nagpapa FIXER pa din.
Itong simpleng mga batas na hindi naman din kahirapang intindihin ay maaari nilang magamit, para makapag ligtas ng buhay. Iwas aksidente pa.

Hindi rin naman masawata ng LTO ang sistemang ito, na ang kinababagsakan, ay ang pag gawa ng mga istupidong batas katulad na lamang ng “Doble Plaka” ni Gordon at Sotto.

50k ang multa kapag hindi ka sumunod. Napakahusay hindi ba? Mabalik tayo, kung siguro ay hihigpitan ng LTO ang pagbibigay ng lisensya, ay baka mabawasan ang mga pasaway sa kalsada, “BAKA”.

Pero, kapag ba nangyari ito ay magiging ligtas na ang kalsada? Hindi pa din, siguro maliit na porsyento ang mawawala pero marami pa ding matitira, dahil nga sa kawalan ng disiplina at INTEGRIDAD ng mga Riders, Drivers at Commuters.

Oooppps, kasama na pati commuters????? Tumpak nga mga Tsong at Tsang. Mismong mismo. Ilang aksidente din kasi ay involved ang katangahan ng mga commuters natin, na kadalasay nasisisi pa yung mga nadamay lang naman talaga sa aksidente nila, lalo na kung namatay ang taong involved.

Dahil panget ang batas natin jan, maraming inosente lang ang nadadamay sa mga kagaguhan ng karamihang na-aaksidente. Biruin mo, hindi tumawid sa tamang daanan, naka cellphone habang naglalakad ng hindi nakatingin.

May mga overpass naman na puedeng daanan ng mga tao, para safe silang makatawid, pero iilan lang ang nagamit? Wala pang dalawang porsyento, mas gusto nila yung delikado pero medaling makatawid. I wont blame them either. Minsan ginagawa ko din yan.


Pero hindi bat ditto pumapasok ang “INTEGRIDAD”? Yung dapat ginagawa moa ng tama kahit walang nakakakita? Na hindi porket ginagawa ng lahat pero mali ay gagawin mo na din?



Katulad na lamang nito, tatawid ka ng kalsada, kapag GO na ang signal. Tapos magagalit ka pag binusinahan ka kasi nga, NATAWID KANG TANGA KA!
Yung mga ganyan ba? Nakaka bwiset na gusto mo na lang sagasaan eh no? Pero, yan na mismo yung sinasabi ko, kasama sa istatistika, kaya sila nadidisgrasya ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pasaway hindi lamang sa hanay ng Riders at Drivers kung hindi, pati na rin sa commuters.

Hindi pagsakay sa tamang sakayan, tamang tawiran, tamang babaan. Sabayan mo pa ng mga pasaway na Bus, Jeeps at iba pang sasakyan sa kalsada.

Hindi pagsunod sa tamang linya, hindi pagsunod sa traffic lights, Kapag nagdilaw eh imbes na magbagal, mas malo pang binilisan. Yung simpleng pagbibigayan na lang pag may lilikong sasakyan eh, imbes na pagbigyan na lamang, hahabulin pa para makalusot, kapag minalas at nasabitan, parang mga sira ulong halos maging santo na sa pakikiusap.

Lahat ng yan ay maaari namang iwasan eh. Bakit hindi magawa ng karamihan? Kaunting bigayan na nauuwi sa barilan, Suntukan o murahan.

Oras na nasayang, mga taong naabala ng dahil lamang sa EGO ng bawat isa. Na kung nagbigayan sila, ay pare parehas na sanang “on the way” na. Kung titingnan, maliit na bagay lamang kung nagbigayan na eh, hindi yung, ayaw magpatalo ng bawat isa, para lamang sa maliit na parte ng kalsada. Para lamang maka unos ng kaunti, para lamang masabi na mas Malaki ang bayag nya kesa sa isa. EGO.

Hindi naman masamang magbago, aminadong aminado naman ako jan, na kahit hanggang ngayon ay pro choice pa din ako. Pero hindi nako maituturing na pasaway sa kalsada siguro, dahil, pa unti-unti, inaalis ko na ang bad habit na yan, iniisip ko lagi yung end point, o yung resulta, kapag pumasok ako sa gulo, kaya siguro, mas kalmado na ako ngayon, kumpara noon, mas mababa ang EGO, mas may INTEGRIDAD kahit papano, di ko masabing mas “DISIPLINADO” pero, kahit papano, masasabi kong “OO”.

Huling panawagan sana, sa LAHAAAAAAAAAAT ng nasa kalsada, magbigayan tayo, sumunod sa batas trapiko, rumespeto sa bawat tao o sasakyan man sa kalsada. Iwas disgrasya, iwas gastos, makakauwi pa tayo ng maayos.







Thursday, March 22, 2018


Lobo na nakadamit TUPA.
By: Gene B. Ulag

Napakaraming issue nanamang nagdaan sa maliit na mundo ng pag mo-motorsiklo. Tinatamad na nga akong sumulat dahil paulit ulit ang drama na para bang eksena sa telebisyon sa hapon. Walang pagbabago.
May maaapi, may kakampi, may babalimbing at may mag ta traydor. Paulit ulit na eksena. Parang Eksema na bumabalik balik kahit ilang beses mo ng nilagyan ng Canesten.

Pero ang naka kuha ng pansin kong sumulat ulit, ay itong HPG – Riders tandem na binibigyan nila ng “Maliit” na otoridad ang mga “Rider” na maging kaisa sa paninita sa mga kapwa rider nilang nagamit ng LED LIGHTS.

WOW!! Petmalu. Ibig sabihin kasama na sa checkpowents ang mg auto-utong rider na ito? Aba, magaling! Mas lalo sigurong magiging “Galawang Parak” ang mga hindot.

Well, nitong mga nagdaang buwan, mainit na mainit ang balitaktakan, awayan, diskusyunan tungkol sa pangungumpiska ng mahuhusay nating HPG sa mga led lights na gamit ng rider at ng maingilan-ngilan ding Cagers.
Na kahit sumusunod ito sa inilabas na “MEMORANDUM” ng LTO na hndi more than 6 bulbds per side, not higher than your handle bar at hindi nakabukas sa well lighted streets at kinukumpiska pa din ng HPG kasama ang mga amuyong nilang “Rider Makapili”.

Ewan ko ha, pero putang ina, hindi ako magpapauto sa mga hindot nay an para lang makaporma at mag feeling “espesyal” sa mga checkpoints. Dahil yang maliit na kapangyarihan na yan ay magiging dahilan pa ng korapsyon… At, heto na po. Nagkatotoo na ang ikinakatakot ng karamihan.

Ilang auxiliary members ng HPG na riders ay nahuli, hulaan nyo ang kaso. EXTORTION! Yup, you read that right. Pangingikil.




Nope, hindi lang yan,may iba pang nahuli din bukod sa dalawang tungaw na yan.
At para naman dun sa mga “Tangang Rider” na sunod ng sunod sa mga TALIPANDAS nilang lider.

Hindi alinsunod sa batas ang pangungumpiska ng Auxiliary lights katulad ng LED lights na karamiwang gamit ng Riders sa kanilang motor.
Wala sa RA4136 at wala din sa PD96. (Search Google please, paki intindi na din).

Kaya naman, gamitin nyo naman ang utak nyo, sumama sa tamang grupo, wag magpalinlang sa kung ano anong sinasabi ng mga “Bulaang propetang Lider ng mga Rider” na wala namang ginagawa para labanan ang mga batas na nagpapahirap sating mga RIDER.

Ang hirap sa karamihan, REKLAMO NG REKLAMO pero wala namang ginawa para labanan ang mga maling gawain laban sa atin. Hindi kalian man nakawalis ng dumi ang isang pirasong ting-ting, dapat pagsasama samahin mo para makawalis ng dumi. Pag sasama-sama dapat ang gawin para mawalis natin ang mga DUMI na nagpapahirap sa RIDERS.

Matagal na dapat na nagsama sama at nagkaisa ang mga RIDERS eh, kaso parami ng parami din ang mga tatanga tangang RIDERS kaya nasan na tayo ngayon? Heto, hiwa-hiwalay. Kanya kanyang suporta sa mga amo nila na hindi naman alam kung ano ang ipinaglalaban.

Wag magpa uto. Ang tatanda nyo ng mga herodes kayo.
Para sa mga RIDERS na patuloy na lumalaban sa pang aabuso at diskriminasyon laban sa mga nag mo-motor. SALUDO ako sa inyo.

Para naman sa mga sunod ng sunod sa mga amo nila na UTAK TAHO, para sa mga RIDERS na nagging makapili sa kapwa nila RIDERS.
Isang MALUTONG NA.. PUTANG INA NYO. MAGTAE SANA KAYO NG CACTUS.

Heto oh, naka SMILE pa ang mga HINDOT.



Time!!!

P.S.

Pakyu, 

Shout Out sa Kamote RIDERS lalo na sa Kamote RIDERS ng Cavite!! 


Saturday, April 29, 2017

Anti Modification Law at ibapa




Anti Modification Law at ibapa.
By: Gene B. Ulag

Well, heto nanaman tayo, nagkakagulo, lalong lalo na ang Motorcycling Community ng dahil sa muling pagbuhay ng LTO jan sa “Anti-Modification Law” na, alam naman nating pare pareho na nakatuon lamang sa mga nag mo-motor.

2008 noong ito ay sinimulan, ng dating Secretary ng LTO na si Suansing. Nilabanan ng grupong MRO (Motorcycle Rights Organization) sa pangunguna ni Jobert Bolanos. Matapos ang ilang balitaktakan at pakikibaka, napa hinto ito. Hindi ko na iisa isahin pa yung mga kaganapan dahil aabutin tayo ng isang hardbound book pag ginawa ko yon.

Ngayon ay binuhay nanaman, Malaki siguro talagang pera ang kailangan nila at sa mga mahihirap na rider lang talaga siguro itinutuon ang paglikom ng salapi. Well, mejo OA lang yung mahihirap na rider. Alam mo na. Para ma emphasize lang.

Pero bakit ko ba binangit? Hindi naman kasi lahat ng nasa kalsada na nag mo-motor eh BigTime. Karamihan eh lower up to middle class lang, na yung pag dagdag ng aksesorya nila sa motor nila ay nagdadala ng kasiyahan at kakuntentuhan at kadalasan ay PRIDE pa nila ito dahil, aminin natin, hindi naman lahat ng Pilipino eh kayang umiskor ng sasakyan. Hipokrito ka pag hindi ka sumang-ayon.

So ayun na nga, bawat mag iiba yata ang liderato ng hindot na LTO na yan eh binubuhay ang “Anti Modification Law” nay an, napakalabo nyan eh, nagiging dahilan lang yan ng karagdagang kurapsyon sa hilera ng mga LTO at iba pang traffic enforcers.

Hindi mo din naman masisisi ang ibang rider na hindi nakaka-alam na bigla na lang magugulat na may nailabas na palang batas tungkol sa ganyan.

Karamihan ng rider eh ginagamit ang motor nila sa hanap buhay. Kadalasan ay wala ng oras para mag online at alamin kung ano ang “IN” ngayon.

Bakit ba sablay ang batas na yan? Dahil ang mga gumawa nyan ay hindi naman nagmo-motor, kung nag mo-motor man, eh naka hanay sa mga Elitistang Rider na hindi alam ang sitwasyon o karanasan ng mga regular na rider.

Ang dami daming puedeng gawin ng LTO para umayos ang hilera ng mga Rider at Driver. Unang una ay ang paghihigpit sa pagbibigay ng putang inang LISENSYA.

Speaking of Lisensya, hangang ngayon, marami pa din ang walang CARD makatapos magpa rehistro ng dalawang taon. PUTANG INA, Bayad ka na’t lahat lahat, wala pa din yung card mo. Yan ang pangalawa.

Pangatlo at ay pag-sasa ayos ng mga plaka. Parang lisensya, rehistrado ka na ng ilang taon, pero wala ka pang plaka, at ang mga PUTANG INA, sa dealer itinuturo ang problema dahil matagal daw magpa rehistro. Kung hindi ba naman dalawang kalahating mga ULOL hindi ba, sila ang nag-i-issue ng plaka eh.

Yan oh, 3 pa lang yan samga mas priority nila dapat na gawin, wala pa jan ang lantarang KURAPSYON sa opisina nila. Pero ang ginawa ng mga hindot, nag FOCUS sa batas na magiging daan pa para maabuso ang Riding Community.

So, since nabuhay nanaman yan, pasukan nanaman ang mga pa EPAL na Riding Groups. Pero magandang negosyo yang riding groups. Mag recruit ka ng marami, I train mo ng isang araw, padaanin mo lang sa slalom, bigyan ng kaunting chika tungkol sa pag mo-motor and VOILA, Negosyo na sya. Pagawa ng Vest, benta ng Tshirt, Patches, stickers at iba pa. LOL. Mautak ka BATA! Samantalang yung mg auto-uto naman, Sali ng Sali na akala mo, Legit Riding school talaga ang pinasukan kasi makatapos ng ilang oras nilang training, akala mo mga hagad na umasta ang mga hindot eh, todo blinkers, may radio at may wang-wang pa. Kita mo nga naman, pangarap yatang mag hagad eh.

Well, mabalik tayo..

Kinansela ng LTO ang No OR / CR – No Travel Policy nila, pero may catch. Basahin mo, isang click lang ito.

So sa ngayon, tuloy pa din yang kaululan ng LTO tungkol sa modification ng motor, hindi lang din sa regular na rider pahirap ito eh, pati sa mga MC Builder din natin, dahil sa kalabuan ng batas na yan.

Dahil hindi alam ng mga nagpapatupad kung ano ang basehan, dahil hindi rin alam ng may akda kung ano ang mga puede at hindi. Hidi naman mga riders yang mga yan, paano nilang malalaman ang mga bagay na hindi nila alam, tapos ang mga kinukuha pa eh mga walang matinong pag iisip. San tayo dadalhin ng "PROGRESO" kung ang mga taong nasa likod ng mga suhestyon na yan ay may hidden agenda sa bawat isa. 

Yup, you heard me. Akala nyo ba magkaka tropa yang mga hindot na yan? NOPE! You're wrong. Hindi, pakitang tao lang yan, pero sa likod ng utak nyan, dapat isa lang ang matira. 

Bakit? Malaking pera ang kasama sa negosyo nila. 

So, dead end nanaman ba tayo dito? Hindi natin alam, pero noong araw, napa suspend natin yan kasama ang mga supporters ng MRO. Dahil noon ay nagkakaisa pa, hindi katulad ngayon na, papogian na lang at paramihan ang laban kasama ang mga uto-utong riders na akala mong alam ang history ng mga pangyayayari, hindi ko rin masisisi ang ilan, ang gagaling magsalita ng mga hindot na yun eh. Lalo na yung isa. Jeskelerd. 

Well, BTW, heto yung video ng unang laban natin sa Anti Mod Law ni Suansing. 






Madami tayong kasama jan from MCP Forums, na hangang ngayon ay supporters pa din ng patas na batas para sa nag mo-motor. 

Makikita sa video ang inyong lingkod kasama ang aking grupong SHOGUN ELITE CLUB, Si ASTEK at marami pang iba. 

Dapat isipin natin lage kung saan tayo nag umpisa, para may motivation ba. 

RIDE SAFE MGA KAKOSA!!!


















Saturday, April 22, 2017

Riding Group Business




Riding Group Business
By: Gene B. Ulag

Ilang taon na din ang nakalipas, ilang Riding Group na din ang naitayo, at nabuwag. May nag Solo, may nagtayo ng bagong grupo at maraming hindi na sumama sa grupo.

Nakakatuwa din naman kasi pag may grupo ka, feeling mo, In-na-In ka, naka Vest, naka wang wang pa yung iba, may blinkers at kung todo get up pa.

Nakakatuwa ding makakita ng mga riders na tumutulong sa kapwa riders nilang nasisiraan sa daan. Saludo ako sa mga ganyan.

Pero karamihan din ay pa epal lang, yung mga wala namang alam, tapos mag re-rescue sa mga nadisgrasya. Bwisit tayo sa mga ganyan.

Well, mabalik tayo, bakit ba kasi Riding group business ang pangalan ng artikulong ito. Bakit nga ba? Yung mga grupo ngayong naglalabasan, may monthly pondo, yung isa may monthly dues pa nga eh. Required bumili ng vest, t-shirts, stickers at kung ano ano pang ka ek-ekan. At hindi lang iisang grupo ito, marami sila.

Marami din akong nabalitaan na matapos mawala ang pondo eh may bagong motor na yung Presidente nila. O may bagong bahay, napagawa ang bahay o naka ahon sa buhay. Nakakatawa di ba?
Na yung ibang grupo na sanay magiging pangalawang pamilya mo ay “Negosyo” pala ang habol sa inyo.

Nasaan na ang Camaraderie na nooy usong uso sa mga riders na katulad natin, na nag sasama sama tuwing Linggo para ma ride. Walang isyu ng babayaran o kailangang bilhin para maging “IN” ka sa grupo.

Naalala ko noon ang Sunday Breakfast Riders o ang grupong SBR. Madalas din akong sumama sa grupo na yan dahil bukod sa kakilala ko ang mga organizer eh, walang kaartehan ang grupo na yan, pag may motor ka, at gusto mong sumama, sumama ka lang.

Eh ngayon, pag sasali ka sa grupo, matapos ng requirements na tambay at ride, kailangan mong bumili ng vest, stickers, tshirts o minsan, Radyo. May monthly dues kang dapat bayaran kasi member ka nila. As if naman na magagamit mo yang monthly dues nay an kung madisgrasya ka.

Tunay ngang nag evolved na ang mga Motorcycle clubs ngayon, dahil noon, basta may motor, may safety gear at makakasunod sa patakaran eh good na yan. Ngayon, ang dami ng ka ek-ekan.

Nawala na ang tunay na sense ng pag mo-motor, yung isang grupo, feelingerong mga rescuer at kung ano ano pa, na lahat ng lang ng aberya sa kalsada kahit hindi nila alam eh pinapelan na.

May iba namang “tagapagtangol ng riders” pero hanggang ngayon walang nagawang maayos. Hindi ko masabing nakita ko ng lahat, pero sapat na yung mga nakita kong mga mapag samantalang nilalang na nasa Riding Community na marami ang sasang-ayon saken panigurado.

Isipin mo, kung bakit sinisiraan nila ang isat isa ay dahil ano? Dahil sa Negosyo!! Kayong mg auto-utong riders ay negosyo lang sa kanila. Wala silang pake kung ano trip mo basta makaka bili ka ng merchandise eh Good sa kanila yan.

Kaya threat sa kanila ang ibang grupo dahil sa laki ng perang involved. Bakit? Akala nyo ba daan daan lang ang involved dito? Libo libo to milyon mga kapatid.

Kaya nakakatawa yung ibang riders na proud na proud pa sa ginagawa nila. Sawsaw ng sawsaw sa mga isyung hindi naman nila alam.

Malaking threat sa kanila si Col. Bosita dahil nagbibigay sya ng free safety seminars sa ibat ibang lugar dahil pag nangyaring lumawak ang mga maniniwala sa kanya, eh masisira ang flow ng negosyo nila.

No RIDERS, No MONEY.

Sakit Bes no? Pero yan ang realidad ng Riding Group ngayon, BUSINESS. Once na humingi sila ng pera para sa pondo na hindi maipaliwanag kung saan dinadala, alam mo na ang sagot. Mag solo rider ka na lang. O sumama ka dun sa mga rider din na hindi naniningil ng kung ano ano.

Ang siste ngayon, palakihan ang pangalan ng grupo sa VEST, pero kupal pa sa kupal magmaneho. Wala din. Nakakahiya pa yung grupo nila dahil proud na proud pa sa pagiging bastardo magmaneho sa kalsada.

Eh paano na? Kupalan na lang?

Matatanda naman na kayong lahat, napaka daling hulihin ng mga BULAANG PROPETA. Know the history, do some research para malaman nyo kung sino ba talaga ang nagpapahalaga sa inyo at kung sino ang hindi.

Isang MASAGANANG UMAGA mga KA-MOTOR!!!

PS:

Hindi ako konektado kay Col Bosita or sa RSAP. 
Alam mo naman ang mga haters nating makakabasa nito, ikokonek agad ako nyan kasi nabangit ko sya. 
Kilabutan nga kayong mga hindot kayo. May mga utak kayo pero ayaw nyong gamitin. 

Saturday, November 12, 2016

Tulong ba o pahirap?
By: Gene B. Ulag




Heto, nagkaka gulo nanaman ang MC Community, oh, bakit nga ba? Abay ilang araw ang nakaraan, itong napaka husay na MMDA ay nagsabing gusto daw nilang i-BAN ang motorsiklo sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA, C5, Macapagal Avenue at iba pa, Oh eh di syempre, kagulo nanaman ang mga riders na katulad ko.

Bakit kanyo? Abay Motor daw ang dahilan ng traffic sa mga kalsadang ito. Abay hindi saken nangaling yan, galling yan sa MMDA.

Galing di ba?

Well, hindi ko din alam kung saan galling yang Teoryang yan, dahil wala pang isang metro ang lapad ng motor, walang tatlong metro ang haba, mapa Sub400 o 400cc pataas.

Pero, ayon nga sa “Pag aaral” ng MMDA, motorsiklo daw ang pangunahing sanhi ng traffic ssa mga nasabing lugar at sa iba pa. Kaya daw, simula sa Lunes, Nobyembre 14, 2016, ay ipatutupad nila MC Lane at iba pang batas.

Una, “At iba pang batas”, Abay dapat noon pa hinigpitan ang pagpapatupad sa mga lumang batas tulad ng pagsusuot ng tsinelas, naka shorts habang nag mo-motor o hindi pag he-helmet.
Bakit ngayon lang hihigpitan? 

Don’t get me wrong ha, sang ayon ako sa mga batas na yan, kasi noong ginawa yan, yaan ay pinag aralan.

Pero itong MC Lane, na nasa gitna ng EDSA, na suportado ng grupong MCPF, na akala ng karamihan lalong lalo na ang MMDA ay syang kumakatawan sa pang kalahatang nag mo-motor.

Well, MMDA, hindi po sila ang kumakatawan sa riding community, dahil wala pang kumakatawan sa riding community na maayos, walang hidden agenda at hindi KSP.

Ngayon, bubuhayin nanaman nila ang batas na nagtutulak sa rider sa kapahamakan, para magatasan at para mahirapan lalo.

Bakit kanyo? Para sa mga non-rider, ang MC Lane po ay hindi safe sa mga rider generally, una, itong lane na ito ay nasa gitna ng EDSA, pangalawa, kasabay mo ang mabibilis na sasakyan, pangatlo, magiging daan lamang ito para ma kotongan nanaman ang mga rider na naghahanap buhay.

Mas safe ang road sharing, dahil kung nasa MC Lane ka lang, isa kang target sa lahat ng sasakyan, maniniwala ba kayo na ang MMDA ay huhulihin ang mga sasakyang papasok sa MC Lane? 

Jeskelerd!

Para kayong lalaking umasa sa pag ibig ng isang PUTA! (Excerps from Juan Luna)
Ano ano na ba ang naitulong ng MMDA sa Metro Manila? Ah, Tama, Wala!

Railings? Bus Lanes? Anooo?! May naitulong ba?!

At itong grupong MCPF, na “dapat” ay maging kakampi ng RIDERS ay sya pang nagpapahirap.
Para daw yan sa safety ng RIDERS? You gotta be kidding me! Ano ang safe sa riders sa MC Lane? Hindi bat MCPF din ang nagsulong ng PLAKA VEST? Ang nagpasimuno ng ICC sticker? Na ayon sa MMDA, ay basehan daw ng safety.

What?! Putang ina! Yung AGV ng tropa ko, carbon fiber, worth almost 30k, SNELL at DOT certified, walang ICC sticker.

So yung helmet na yun ay hindi safe, ayon yan sa MMDA, dahil ang basis nga ng helmet safety ay ICC sticker.





Gusto ko kayong apiran sa mukha, gamit ang bakal na upuan.

Galeeeeennnggg diba?! Napaka galling.

Ang mas magaling pa dito, ay marami pang grupo ang nauuto nitong MCPF, bilib din ako kay Atoy, napaka galling ng dila, napaka tamis ng salita at ang dami pang nauuto, kasama na jan ang MMDA, napapaikot nya na parang kulangot sa palad nya ang isang opisina ng Gobyerno, na dapat ay neutral sa mga bagay na ganito. Bagkus, lumalabas pa sa karamihan ng rider eh “Saviour” nila si Atoy, dahil imbes na ipagbawal daw ang motor, eh naibaba nya na gamitin na lang ang MC Lane.

Fuck! Maiiyak yata ako sa husay! At gusto ko ding maiyak sa mga grupong naniwala at sumuporta sa galawan nyang yan, well, masakit dun, yung iba ay kakilala ko pa, yung alam kong hindi maloloko o mauuto basta basta, ayun, todo suporta kay Johnny Delgado.

Jeskelerd!

Ganun na lang ba? Hahayaan nyo na lang na tapakan ang karapatan at siguridad natin sa kalsada? Hahayaan nyo bang babuyin nila ang karapatan na dapat ipinaglalaban natin?

Hahayaan nyo bang gamitin ang issue na ito para sa pansarili nilang interes? 

Well, ako HINDI.

Hindi ko hahayaang lapastanganin ng kahit na sino man ang karapatan ko, bilang RIDER, bilang TAX payer at bilang Pilipino.

Tang ina ang lalim diba? Pero kung walang ganito, walang gagalaw, hindi magsasama sama ang mga riders para tutulan at labanan ito.

Habang buhay na tayong babastusin, bababuyin at lalapastanganin ng mga taong ito.
Patuloy nila tayong gigipitin, ipapatupad nila ang mga batas na kahit aliens ay hindi sasangayon.
Oo, maraming issues ang MC Community, kaya nga nakakapag taka na Riders pa din ang napapag diskitahan imbes na dun mag focus sa mga problema sa kalsada.

Panget na kalsada, lubak lubak, uneducated traffic enforcers, bus na nagiging sanhi ng “totoong traffic”.

Ilan lang yan, hindi pa lahat, pero yang mga issue yan ay hindi ma address ng MMDA, nagtuturuan sila ng DPWH sa road infrastructure, kesyo si MMDA ang dapat gumagawa nyan at hindi DPWH, yun din ang sabi ng DPWH.

So sino ang kawawa dito? Hindi lang ang riders, kung hindi lahat ng motorista.

Ang tatanda na ninyo, kailangan 18 years old ka para makakuha ng lisensya, sapat na para malaman ang tama at mali. Pero ayun, nagpapa epal at namimigay ng flyers sa EDSA habang mag camerang nakatuok at mikropono.

Pa pogi sa media. KSP. Kulang Sa Pansin.

Hindi ito mababago, hangat tahimik tayo at pinababayaan nating alipustahin at babuyin ang karapatan natin ng mga ito.

Hindi RIDERS ang tawag sa grupong sumasang ayon sa batas na magpapahirap sa kapwa RIDER.
Ang tawag jan, BOBONG NAG MO-MOTOR.

Bakit? Ang tatanda na eh, hindi man lang makita ang kamalian sa batas na yan. Ito yung mga tao na walang awa sa RIDERS, ito yung mga taong OK lang mamatay kayo, hindi naman kasi kami kayo. Gets?!

So, ano? Tutunganga ka lang jan? Hindi ka man lang magsasaliksik kung safe nga ba o hindi? Kilos, galaw galaw, baka pag ikaw na ang biktima sabihin mo Tsamba. Ikaw din.


Ps:

Para dun sa mga grupong sumusuporta sa MC Lane, Putang ina nyo! Mga nakapag aral naman kayo pero ang utak nyo mas malabnaw pa sa TAHO. Mga hindot, mga gunggong!

#FuckMCLane
#FuckMCLaneSupporters
#FuckMCPF
#PahirapSaRiders
#FuckMMDA







Sunday, August 28, 2016

PROBLEMA SA PAG MO-MOTOR

                



PROBLEMA SA PAG MO-MOTOR
By: Gene B. Ulag
Napaka daming ORDINANSA ang ipina-uso ng ibat ibang Lungsod at Bayan laban sa nagmo-motor. 

Merong bawal ang magka angkas na hindi mag-kamag anak, merong bawal ang naka helmet at syempre, bawal ang maingay na tambutso o mas kilalang “Anti-OPEN PIPE” ordinance.

Well, iilan lamang ito sa mga batas na kagulat gulat at talaga namang hindi pinag-isipang maige at kung sino mang HERODES ang nakaisip nyan ay paniguradong hindi pinag aralan ang ordinansang ipinapatupad.

Wala kasing UNIFIED TRAFFIC ORDINANCES Pilipinas bukod sa RA4136. Itong mga ORDINANSANG sinasabi ko ay yung mga ORDINANSANG hindi ipinapatupad sa lahat ng Syudad katulad na lamang ng sa Metro Manila.

Halimbawa, may ibang Lungsod na wala namang problema ang “OPEN PIPE” at meron naman hindi sang ayon. Sa Mandaluyong naman, bawal ang may angkas na hindi kamag anak o parehong lalaki na hindi magka mag-anak.

Ilang beses ko na ding tinalakay yan sa aking muntik Blog. Isang kaBOBOhan na nga yang ORDINANSA nay an na gusto pang ipatupad at gayahin ng napaka GALING na Senador na si Tito Sotto. (Isang masigabong palakpakan naman dyan).

Napakaraming ORDINANSA, napakaraming SUHESTYON. Nandun na tayo at madalas gamitin sa KRIMINALIDAD ang motorsiklo, pero itong mga ORDINANSANG ito ay hindi sagot.
Simple lamang ang SAGOT.

POLICE VISIBILITY

Para mabawasan ang KRIMEN, maglagay ng checkpoints sa mga choke points. Yung check point na tama at hindi pakitang tao lamang at hindi yung checkpoint pang MERYENDA.

Well, ang laban sa droga ng ating kapulisan ngayon ay talaga namang kahanga-hanga. Saludo po tayo jan. Kahit papano ay mababawasan ang mga SIGANG ADIK na nagiging matapang lang pag nakatira ng BATO.

Ayun na nga at mabalik tayo sa pag mo-motor. Napakaraming PROBLEMA sa PAG MO-MOTOR ang dapat nating unahin kesa sa mga nabangit kong ORDINANSA.

Dito lang sa Bacoor, particular sa Intersekyon ng Aguinaldo - ST . Dominic, yang lugar na yan ay BINGWITAN nga mga BIKTIMA ng OPEN PIPE ORDINANCE ng Bacoor.

Kadalasang nasasaksihan ko ay mas pinipili pa nilang hulihin ang may tambutsong modified kesa sa mga WALANG HELMET.

Mas sure ball kasi yun eh. 2,5k ang tubos at ilang porsyento din sila dun. Karamihan ng mga nahuhuli ay na-areglo o kung hindi naman ay magpapa tiket na lamang. Ang proseso nila sa pang huhuli ay mali. Karamihan ay walang panukat at kung meron man, sa kalsada sinusukat kung saan maingay din at ang maximum na ingay ay 60db.

Ilang beses na nating nabangit din ay, may video pa nga ako niyan nung labanan ko sila tungkol sa isyu nay an dalawang taon na ang nakakaraan.

Heto po ang video link:
Part 1
Part 2, sa LTO IMUS poi to kuha.

Marami ang nabibiktima ng mga batas na iba iba, batas na hindi mo alam eh hindi pala puede sa kabilang Lungsod pero ayos naman sa Lungsod nyo.

Kaya pag dumayo ka sa ibang lugar, na su-supresa ka na lang at wala kang magawa ng dahil sa naiisip mo na ang abala sa pagkuha ng lisensya ng dahil sa may kalayuan ang lugar.
Kaya bumagbagsak tayo sa pakikipag areglo sa mga pulis o traffic enforcers.

Siempre, ang lagging linya ng enforcers eh “Baka iniisip mong kinikikilan ka namin, tinutulungan ka lang namin dahil maaabala ka pa at napakalayo mo”

So si RIDER, bigay agad ng 500. Lowest pa yan.

Kaya sa dinami dami ng PROBLEMA sa pag mo-motor. Marami ding mga ORDINANSANG nakaka “Surprise MOTHERFUCKER” ang datingan.

Yung tipo bang, “Wala kaming pakialam, kung ayaw nyo sa ORDINANSA naming, wag kayong dumaan dito”.

Eh paano naman kami, nagbabayad din naman kami ng buwis, nag papa rehistro ng sasakyan at kahit ikatwiran nilang maraming PASAWAY NA RIDER. Abay, ibukas ang mga mata, marami ding naman pasaway na driver. 

Hindi sa sinasabi kong patas lang. Ang punto ko eh, MAGING PATAS NAMAN.
Hindi rin naman madaling kitain ang perang ipinapanlagay sa mga buwaya sa serbisyo, hindi pinupulot ang pantubos sa lisensya.

Ang ganang amin lamang ay, maging maayos sana at UNIFIED ang mga ORDINANSANG gusto nyong ipatupad.

ORDINANSA na patas sa lahat, ORDINANSANG PINAG ISIPAN at PINAGTULUNGANG gawin ng mga mambabatas at ng MATINONG KUMAKATAWAN SA MGA NAG MO-MOTOR.

Kailangan ko lang i-emphasize yung “MATINONG KUMAKATAWAN SA MGA NAG MO-MOTOR”.

Yung mga malapit sa posisyon eh mga TOLONGES at naglalabo labo para sa kasikatan at sa kung ano man.

Siguro naman ay darating tayo jan sa UNITY ng MOTORCYCLE BODY. Pero sa Ngayon. Ang pinaka mabuting gawin ay sumunod muna tayo at alamin ang mga batas o ordinansang ipinapatupad sa mga lugar na pupuntahan at dadaanan natin.

Baka masupresa kayo ng mga buwayang nasa kalsada eh sabihin nyo TSAMBA.

Salamat sa pagbasa at hanggang sa MULI mga ka KOSA.

Abangan po ang VBLOG ko, malapit na malapit na po yan. 



Ako po at ang aking BLOG na BIKERS WORLD 101 ay nakikiramay sa pag panaw ng isang kaibigan at kapatid sa pag mo-motor na si Mick Ison (TiagoXi)

Kung nasaan ka man, naway maging masaya ka at lagi mo kaming gagabayan lalo na ang mga kasama mo sa Alamat Crewsers MC


RIDE IN PEACE BROTHER!







Monday, August 15, 2016

ROAD RAGE

Road rage, is it worth?
By: Gene B. Ulag




Road Rage
noun
  1. violent anger caused by the stress and frustration involved in driving a motor vehicle in difficult conditions.




Road Rage, hindi naman bago ito sa atin, ilang beses na din itong napag usapan sa Tri-Media.
Hindi lang din maka ilang beses na may binawian ng buhay dito. 

Maliit man o malaking tao ay na-i-involve dito. Temper at pride kasi ito eh. Pag wala nyan habang nasa kalsada tayo, paniguradong mas peaceful ang lansangan.

Minsan, may isang tanga, ay hindi pala minsan, madalas pala ito. 

Isang motorist, mapa kotse o motor o bisikleta. 

Pag napinahan ka, o nabusinahan ng kaunti, o nasingitan ka, tapos ang panget na ng araw mo, ang tendency ay dun na natin naipuputok ang galit sa taong yun.

Suntukan, saksakyan at ang masaklap, barilan.

Heto nga at may nabiktima nanaman sa ngalan ni Mark Geralde (sumalangit nawa ang iyong kaluluwa kapatid sa pagpadjak)

Na ang nakadale ay si Vhon Tanto, isang Army reservist. Sa videong nagkalat sa social media, umabot sa panuntok ang kanilang gigil na ikinabugbog naman nitong si Vhon kaya kumuha ng baril sa kanyang sasakyan (Hyundai EON Red with conduction number MO3745). Nakuha na din ang sasakyan na iniwan nitong si Vhon sa farm ng kanyang Bayaw.


Itong TARANTADONG UNANONG ito, nakadamay pa ng isang dalaga na tinamaan sa likod na ikinasira din ng kanyang kidney. Matapang dahil kumukuha ng lakas ng loob sa Baril.

Ilang buhay na ba ang nasayang dito? Isang halimbawa ay yung kay Jason Ivler at sa pamilya Ebarle. Nasayang parehas ang buhay, yung isa patay, yung isa nakakulong.

Ito bang ROAD RAGE na ito ay makakadagdag sa pagkalalaki ng isang tao? O sa pagkatao ng isang TAO?

ito ba ay maipag mamalaki natin sa kahit kanino man upang ika angat nang estado natin?

Nung kelan lang din, isang matabang matandang walang modo ang na encounter ng isang pamilya, jan sa may Cultural Center of the Philippines, naka Ford F150 na may hatak na jetski ang HINDOT na matanda na pinag mumura ang babae sa loob ng sasakyan, inilsulto ang anak nila at binantaan pang susuntukin ang asawa nung babae.

Na sa sobrang swerte lang eh, taga Bacoor Cavite din pala, sa Miranda Compound. Panapaan 4.

(click the link for the video > https://www.youtube.com/watch?v=JvjjsGHhJdg)

Kung ganyan din lang ang makaka away mo eh, talaga naming napaka sarap itumba hindi ba? Yung bang sya na ang mali, pero sya pa ang galit. Balita din na wala na daw yang matandang kupal nay an dun sa bahay nila. Abay, lilikas talaga ako kung ako sa kanya dahil magiging target sya eh.

Tingnan nyo, yung mga bagay na yan ba ay “Worth” gawin para sa kung anong buhay ang meron ka ngayon? Masakit talagang magturo ang “Experience” dahil ako mismo ay naranasan yan. At hindi maganda sa parehas na parte.

Kung buhay ang involve, mas mahirap, dahil, yung buhay na meron ka ay mawawalang bigla, malalayo ka sa pamilya mo at mga kaibigan. Kung namatay naman, kawawa naman ang mga maiiwan.

Kung mainit talaga, suntukan na ang pinaka maganda. Labas ng init ng katawan at galit kumbaga. Pero barilan? Tsaka, wala tayong karapatang kumitil ng buhay ng may buhay. Kahit nga ang sarili nating buhay ay hindi natin dapat kitilin.

Pero siempre, may ibang tao na walang kwenta sa kanila yan, “Kill or get killed” ang mga galawan. Eh wag na nating ilayo ang sarili mo sa mga mababangis na hayop dahil mas masahol pa tayo sa kanila pag nagkataon.

Nitong nalaraan din, may isang rider nan a involve sa bangaan, itong rider na ito ay naka inom at ang sabi ay hinahamon daw ang lahat ng nakakasabay nya sa kalsada.

Heto ang isang video na kuha ng isang pasahero ng bus. Galing ang video sa page ng kanyang kapatid.


May mga kuha din na nadila ang Rider na si John Dela Riarte habang naka posas at nakaupo. Nangyari daw na nanlaban itong si Rider kaya nabaril sa Mobil ng pulisya habang naka posas sa likod.

Ayaw kong isipin na itinumba sya ng parak pero, naman, kung nakainom ang rider o kahit driver, wala bang training itong mga parak na ito na I sumbit lang, naka bunot ng baril eh wala naming armas yung rider.

Importante din ang buhay ng ating mga kapulisan, pero hindi naman dapat binubunot ang baril kung hindi naman nanganganib ang buhay hindi po ba?

Apat silang nandun eh, ang simpleng choke hold o submission hold eh mapapahinto nila si rider. Ngayon, isang buhay nanaman ang nawala dahil sa road rage. Hindi naman natin maibabalik yan. Hindi rin puedeng sabihing sorry na lang.

Hindi worth di ba? Ihinga mo ng ilang beses yan sabay matinding isipin, I fast forward mo na agad ang mga kaganapan ng ma realize natin na mas masarap ng wala kang kinakatakutan.

Ang mga buhay na nawala ng dahil lamang sa init ng ulo, init ng dugo, kesyo “nakakalalaki” daw kasi kaya humantong doon.

Paano ang mga pamilya na umaasa sa taong yun? Ang mga anak na hinihintay silang umuwi galling trabaho. Ang asawa na naghihintay para sabayan kumain ang kanilang asawa.

Na patay na pala dahil sa init ng ulo sa kalsada na puede namang maisawan.

Marami ding nakaka angat sa buhay ang mga akala mo pag aari nila ang kalsada, na akala mo eh nabili na nila ang buhay mo. Yung mga tipong sila na ang mali sila pa ang galit.

Maliit kasi ang tingin ng mga yan lalo nat nag mo-motor tayo. Mga langgaw ang tingin sa atin ng mga yan eh.

Pero, masisisi ba natin sila? Maraming rider ang hanggang ngayon ay hindi maalam sa kalsada, maraming jeepney driver na bastos.

Ang maliit na bagay na maitutulong natin sa ating mga sarili ay sumunod sa batas. Rumespeto sa kapwa motorist at iwasan ang galit sa kalsada. Kung hindi naman involve ang buhay eh kung maaari ay palipasin na lang.

Palagi nating tatandaan, may anak na sa atin ay naghihintay sa paguwi natin, may asawang hinihintay an gating pagdating.

May Nanay at Tatay na naghihintay na umuwi ka bago sila matulog.

Init ng ULO, huminga ng malalim ng sampung beses. Isipin mo kung ano ang mangyayari kapag pina-iral ang INIT ng ULO. Napatay mo, magtatago ka, makukulong.

Kung hindi man, magtatago ka sa batas, hindi mo makikita ang pamilya mo. Paano na ang pamilya ng napatay mo. Mga anak na naghihintay sa pag uwi ng kanilang AMA. Asawa na naghanda ng pagkain para sa kanya.

Hindi worth tol, hindi worth.

Hinga ng malalim. Hinga ng malalim. Tapos pag uwi sa bahay, mag pasalamat at hindi ka humantong dun. Yakapin ang mga anak, halikan ang asawa. 

Sabay pabile ng Red Horse mucho and call it a day.












Friday, January 22, 2016

Tulang Napapanahon






Natataranta ang mga RIDER, Sa ordinansang inilabas ng LTO
Kung makapag comment parang mga LAWYER, Sila pa ay nagtatalo talo

Kesyo ganito daw dapat at hindi ganon
Labag daw sa batas ang ipinapatupad ng LTO ngayon
Dahil apektado ang ilaw nila, na pinagbuhusan ng salapi at panahon.

Teka nga, awat muna, matanong ko ikaw
Ano ba ang alam mo tungkol sa inilagay mong ILAW
Alam kong ang gusto mo lang ay makita ang madilim na daan
Nang ang disgrasya ay iyong maiwasan

Sige nandun na tayo, naiwasan mo ang disgrasya
Naisip mo bang sa iba’y nakakasilaw ka?
Hindi naman sa daan nakatutok ang ilaw mo
Kung hindi sa mata ng kasalubong mo


Perwisyong ituring at masakit sa mata
Ang puting ilaw, na nakatutok sa mata
Nakita mo nga ang daan at ikaw ay ligtas sa disgrasya
Eh paano naman ang mananakay na iba?

Mahirap bang isipin din ang kapakanan ng iba?
Yun bang hindi ka nakaka perwisyo at lahat ay Masaya
Ngayong nagka aberya at ikaw ay puro ngawa
Kesyo labag sa karapatan mo at wala kang magawa

Nabasa mo na ba ang batas tungkol dyan?
Tama ka nga, puedeng maglagay bastat iyong susundan
Ang itinakdang batas tungkol sa ilaw mo na yan
Na dapat papatayin mo kapag may kasalubong ka sa daan

Nakatutok dapat sa kalsada, at hindi sa mata
Nang kawawang kasalubong mo, na nagkada pikit na
Sa SILAW na inabot, ng puti mong ILAW na salot
Hindi ka nga nadisgrasya, kami naman ang muntik masalot

Nagkalat ang Jejemong RIDER, na nahilig sa ilaw
LED na sa harap, sa gilid, sa manibela,Hindi pa nakuntento at may blinker pa
Pinag iipunan pa nga daw nya, ang isang set ulit ng ilaw para sa likod nya

Yung isang GRUPO ng rider, Mag RALLY na daw agad
Dahil nilabag daw ng LTO ang karapatan nila, kaya dapat agad agad
Kutsabahin ang iba, lasunin sa maling paniniwala
Para daw malaman kung ano ang lakas nila


Jeskelerd! Chuvanes! Kayoy nakaka INES
Yung isa, panay pa ang INGLES
Ang SARAP pektusan ng malutong, na parang pritong galunggong

Alamin ang batas para hindi magmukhang tanga
Wag puro ngawa, samahan din ng gawa
Magbasasa basa at ng malaman ang totoo
Nang hindi ka mukhang tanga
Sa harap ng LTO.








Saturday, January 9, 2016

Galawang “Tolonges” Rider

Galawang “Tolonges” Rider
By Gene B. Ulag



Manigong Bagong Taon sa inyong lahat na pilit na pilit ang pag subaybay sa napaka Brutal, malupit sumampal, at para sa iba’y kupal na BLOG ko. Masakit talagang tangapin ang katotohanan kapag narinig mo to.

Well, Bagong Taon na, baka trip nyo ding baguhin yang mga EGO nyo na daig pa ang pusong mamon sa pagiging sensitibo. Siempre, nagbabalik ulit tayo para sa isa nanamang artikulo na ikabu bwiset ng mga UTAK TAHO nating kasama sa Riding Community.

Bago ko pala simulan, Maraming maraming Salamat sa patuloy na pag suporta sa Motorsiklo News Magazine, may mga na published na po tayong artikulo sa MNM na galling po mismo sa ating blog site. At salamat din po sa panonood ng Motorsiklo News Talk Show tuwing Byernes ng gabi, well appreciated po ang inyong pagpupuyat. Ang mga pangunahing host po jan ay sina Mel Aquino, Titan Hawk at ang Helmetologist na si Telly Buhay. Siempre may segment tayong SELF DEFENSE 101 at ako po ang host.

So, ayun na nga, ang ibubulalas ko ngayon ay yung mga Galawan ng ibang RIDER  sa kalsada. Abay napakarami po nito, mula sa pag susuot ng helmet, pag susuot ng helmet ng TAMA
paninigarilyo habang nag mo-motor, mga nakakasilaw na LED lights, yung mga naka hazard na wala namang emergency at napakarami pang iba, kaya mahaba haba itong babasahin nyo, kaya bago nyo simulang basahin, maging NEUTRAL na muna at wag masyadong damdamin ang EGO para na din ma enjoy mo ang artikulo.

PAG SUOT NG HELMET:

REPUBLIC ACT NO. 10054
AN ACT MANDATING ALL MOTORCYCLE RIDERS TO WEAR STANDARD PROTECTIVE MOTORCYCLE HELMETS WHILE DRIVING AND PROVIDING PENALTIES THEREFOR


Isa na pong batas ang pag susuot ng helmet sa buong kapuluan. Dahil na din sa maraming insidente ng aksidente nang motorsiklo. Batay sa pag aaral ng University of California, nabawasan ng 40.3% ang fatalities sa mga motorcycle related accidents noong 1991 to 1993 bago pa maging epektibo ang helmet law sa California.

So ang ibig sabihin ay may malaki talagang tulong ang pagsusuot ng helmet. #BOOM
Dito sa atin, itoy na implementa noong July 27, 2009. Unang araw ng implementasyon, hulihan dito, hulihan doon ang nangyari, dahil ganito naman tayong mga Pinoy, ningas kugon.

Makatapos ng ilang taon, gaano pa din ba kahigpit ang pag mo-motor ng walang helmet?

Dito sa Bacoor, madalas pa din akong makakita ng rider na walang helmet, enforcer na walang helmet, mga pasaway na walang helmet.

Nung isang Linggo, may mga nanghuhuli ng walang helmet, pero isang araw lang yata nila ginawa yun. Dahil kinabukasan, wala nanaman sila. Hindi naman na ako nagtataka.

Hindi ko din mawari kung bakit marami pa ding nag iisip nang

“Malapit lang naman eh, din a ako mag he-helmet”

“Magugulo ang buhok ko eh”

Madasalas, may angkas pang mga bata, na wala ding helmet. Ako ay noon pa man eh, hindi na sang ayon sa pag aangkas ng bata sa motor na mas bata pa sa 10 taong gulang. Pero, may mga magulang pa din na parang walang pakialam sa mga anak nila. Kesyo, hindi naman daw sila madidisgrasya.

Hindi ko alam kung kalahi nila si Madam Auring o si Jojo Acuin at kung makapang hula ay masyadong accurate. Kasi sa aking pag kaka-alam ay, kaya nga tinawag na aksidente ito, ay dahil hindi mo alam na mangyayari.

Isa pa, may mga riders ding kalahati lang ang pag susuot ng helmet, yung tipong nakapatong lang sa ulo, tapos hind naka strap. Hindi ko alam kung anong pauso ito, pero mas hindi ka magiging kumportable jan dahil yung bigat ng helmet ay nasa likuran ng ulo mo, na nagiging dahilan na ma stress ang leeg mo, Oo, hindi mo mararamdaman kaagad, pero in the long run. Pasok ka sa banga.

Marami na ngang SUB STANDARD na helmet, may mga “DOT” certified pang nakasulat at may ICC sticker pa. Pero alam naman nating pare pareho na hindi aprubado at delikadong isuot dahil kapag nadisgrasya ka, imbes na may tsansa ka pag mabuhay eh wala na. Yung mga helmet na parang papel na sa gaang, na murang mura makukuha sa Raon, or yung kadalasang libre pag bumilika ng motor. Yung mga tabo helmet na kasing nipis ng plastic na balde ang kapal.

May kamahalan ang maayos na helmet, pero ito naman ay proteksyon natin sa ating mga ULO bakit hindi natin pag ipunan at ng makabili tayo ng maayos.

Ang siste eh, mas inuuna pa ang abubot sa motor para masabing maporma ang motor kesa sa proteksyon na mas kailangan natin. Tengeneng yan! Kung hindi ba naman mga UTAK TAHO yang mga hindot na yan!
Ni hindi pa nakakarating sa bahay ang bagong biling motor, nabilhan na agad ng rear set, manipis na gulong at rims, mga LED na nakakasilaw at kung ano ano pa, pero ang helmet, yung TABO helmet na libre sa casa.
Maraming affordable ay mahusay na helmet tulad ng SPYDER  (Baka ma isponsoran ako ng SPYDER Papa Telly, hehehehehe).

 Well, kidding aside, may SPYDER akong helmet noon, at naka dalawang balibag TAE din ako sa helmet ko na yan. Since full face ang gamit ko. Walang tama ang inabot ng aking napaka gwapong mukha. Masasabi kong ding Mahusay ang ZEUS may kabigatan ng kaunti pero matibay at yan ay kayang patunayan ng marami.
At marami pang iba na affordable at matibay, kailangan nyo lang maghanap at mag GUGEL.

Ako ay PRO-CHOICE, at choice ko ang mag suot ng helmet, ke malapit o malayo. Oo, isang dahilan na ay gusto kong magkaron ng pag asang mabuhay kapag akoy naaksidente. Dahil na din akoy pamilyado at maraming umaasa sa akin. Ok lang magulo ang buhok ko (Kung meron man) Wala akong pakialam kung malapit lang yan, basta ang choice ko ay mag helmet. Mag suot ng maayos na helmet at isuot ito ng tama.

PANINIGARILYO HABANG NAG MO-MOTOR:

Ok sige, nabo-boring ka sa traffic o sa long ride. Kaya mo naisipang mag sigarilyo.

Hithit dito, buga doon, habang naka hinto ka sa traffic light.

Naisip mo bang may ibang rider na hindi naninigarilyo? Na kada buga mo ay naaamoy ang usok ng sigarilyo mo?

Na pag naandar ka na ay yung upos ng sigarilyo mo ay napupunta sa mukha nila kadalasan?

Well malamang hindi, kasi kung naiisip mo yun, dapat hindi ka naninigarilyong deputa ka. Hindi lang dahil, mauusukan mo sila, dahil na din sa BATAS na ang pagbabawal ng PANINIGARILYO sa pampublikong lugar.

Republic Act No. 9211   


AN ACT REGULATING THE PACKAGING, USE, SALE DISTRIBUTION AND 
ADVERTISEMENTS OF TOBACCO PRODUCTS AND FOR OTHER PURPOSES


Hindi man direktang binangit na ipinagbabawal ang paninigarilyo habang naka motor, ngunit ang kalsada ay itinuturing na public place pa din.

Oo, maraming loop holes sa batas natin at hindi ako abogado para maging eksperto dito. Pero, common sense na lang, hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Magsigarilyo ka sa tamang lugar!

NAKAKASILAW NA AUXILIARY LIGHTS:

Nabangit ko na ang mga nakaka silaw na LED LIGHTS dito sa nauna kong blog post na “Standard get up para sa RIDERS” > http://bikersworld101.blogspot.com/2015/11/standard-get-up-para-sa-riders-by-gene-b.html

Nakakairita ang mga ilaw na pag nakasalubong mo eh akala mong kinukuha ka na ng LORD. May 12 LED bar na, may dalawa pang 6 led bar. Kasabay pa ng kung ano anong blinker sa motor na akala mo ay laging may emergency.

Malabo ang mata? Hindi makita ang daan? Ano bang dahilan ang meron kayo? PORMA? Kahit na, nakaka perwisyo sa ibang motorista?

Abay, palakpakan, IBANG KLASENG TANGA KA!

Ang sarap mong palakpakan, sa MUKHA!

Ok lang mag LED LIGHTS at kahit Xmas lights pa yang ilagay mo sa motor mo, ang akin lang eh, pag may kasalubong ka, patayin mo, dahil wala namang low beam yang mga hindi putang LED nay an eh, nakatutok sa mata ng kasalubong nyo.

O, basahin nyo to, hango ito sa RA 4136:
ARTICLE IV
Accessories of Motor Vehicles
c) Headlights. – Every motor vehicle of more than one meter of projected width, while in use on any public highway shall bear two headlights, one on each side, with white or yellowish light visible from the front, which, not later than one-half hour after sunset and until at least one-half four before sunrise and whenever weather conditions so require, shall both be lighted.
Additional lamps and light may be carried, but no red lights shall be visible forward or ahead of the vehicle. Trucks, buses, trailers, and other similar vehicles must carry, while in use on any public highway during night-time, colored riding lights on each of the four corners not more than ten centimeters from the top.
All motor vehicles shall be equipped with devices for varying the intensity of light, and the driver must dim the headlights or tilt the beams downward whenever the vehicle is being operated on well-lighted streets within the limits of cities, municipalities, and thickly populated barrios or districts, or whenever such vehicle meets another vehicle on any public highway.

Kung ok lang sa inyo na mabulag ng kasalubong nyo eh wala kaming pakialam, basta ang sa amin ay, patayin yang LED lights nyo pag may kasalubong kayo. Dahil, hindi nyo naman maitututok sa baba yan ng biglaan, so patayin nyo na lang.

Delikado ang masilaw dahil hindi nyo nakikita ang nasa unahan nyo. Masyadong naiirita ang mata at nawawala ang atensyon sa kalsada.

Minsan, may mga nuknukang din ng tanga, na pati sa likod ay may LED BLINKERS.

May kakilala akong ganyan, naka super 4, feeling LESPU ang datingan, may radio, harap likod may blinker, at take note, kilala itong tolonges na ito sa riding community. Minsan, nakuhanan ng video at picture nung isang rider at na I post sa isang page ng motor sa facebook, na bash dahil nga pati likod nya ay may blinkers na nakasisilaw sa mga motorist.

Alam kaya nyang bawal ito? O dahil na carried away lang sya dahil ang club nya ay maraming dati at active law enforcers na sa tingin nya ay law enforcer na din sya?

Oh heto, para sa kaalaman ng iba na puro pag mo-motor lang ang alam at hindi man langm aka pag GOOGLE.

PRESIDENTIAL DECREE No. 96 January 13, 1973
DECLARING UNLAWFUL THE USE OR ATTACHMENT OF SIRENS, BELLS, HORNS, WHISTLES OR SIMILAR GADGETS THAT EMIT EXCEPTIONALLY LOUD OR STARTLING SOUNDS, INCLUDING DOMELIGHTS AND OTHER SIGNALLING OR FLASHING DEVICES ON MOTOR VEHICLES AND PROVIDING CERTAIN EXCEPTIONS THEREFOR

Lakas ng blind item no?!

Ang pinupunto ko lang, nandun na tayo, hindi mo makita ang daan, o malabo ang mata mo, konsiderasyon naman, pag may nakasalubong ka, patayin mo, dahil nasisilaw kami. 

Hindi mo itutok sa mukha mo yan ng malaman mo ang sinasabi namin. Wag puro porma tsong, magkasilbi ka din sana.

PAG GAMIT NG HAZARD LIGHTS, ROAD ETIQUTTE AT IBA PANG CHUVA:

Marami pa din nito, ilang beses ko na din itong nabangit sa aking mga artikulo. Marami pa ding rider ang hindi alam kung ano ang silbi ng HAZARD LIGHTS.

Maka ilang beses din akong may tinanong na naka HAZARD nab aka kako ay may problema at matulungan ko, ang kadalasang sagot sa akin ay “Porma lang bro”.

Anak ni BINAY!?! Ano?! Anong ikina porma nyan? Hindi naman yan ang silbi ng pag gamit ng hazard light. Ginagamit ito kung may EMERGENCY ka. Kelan pa naging pamorma yan?!

Karamihan sa riders natin, sila yung mga natuto lang magpa takbo ng motor, sila yung mga hindi masyadong ma-alam  / marunong sa batas pang kalsada.

Halimbawa na lang sa West Service Road galling ng Villamor Airbase papuntang Merville, yan ay 2 laner lang, and YES, BROKEN WHITE LINE ang road marking dito, meaning na puede kang mag overtake basta gamitin mo ang signal lights mo para malaman ng kasunod mo at ng makakasalubong mo, pero hindi ibig sabihin na sa GITNA ka dumaan. Pero, karamihan ng nakakasabay ko eh, nabusina pa habang binabaybay ang gitnang linya.

Wet depek?!

Anong trip ng mga ito?! Ito lang eh isang halimbawa na ang ilang mga RIDER ay walang alam sa ROAD MARKINGS sa atin. Bakit ba inilagay itong mga ROAD MARKINGS na ito? Ito ay para maiwasan ang aksidente sa kalsada. Hindi para madisgrasya, ilang disgrasya na din ang nasaksihan ko jan sa service road nay an na involve ang motor na nasa gitna ng dalawang lane.

Heto, ilang artikulo na puedeng basahin para sa kaalaman ng karamihan.



KAKA GO SIGNAL PA LANG, TODONG BUSINA NA AGAD:

Etiketa, Common sense at respeto sa motorista.
Yung bang, kaka go pa lang ng traffic light, yung nasa likod mo, kung maka busina eh akala mo, mamamatay na sya.

Na encounter nyo na ito, maaaring pinapalampas nyo lang o hindi pinapansin pero lagging may ganito sa stoplight.

Marami na ding ROAD RAGE involving cagers and riders dahil sa galawang ito. Hindi ko din mawari kung bakit may mga UTAK TAHO  talagang motorista at kailangan pang gawin ito.

Hindi ba mahintay na umandar na lang at wag ng bumusina? Lahat naman tayo paniguradong may kanya kayang dahilan pero kadalasan eh SOLID NA KABOBOHAN lang din naman.

Bagong taon na, Bagong Galawan na din sana. Masakit sa bangs pag na e-encounter mo eh. Sarap paputukan ng Goodbye Philippines sa Pwet!

Cool lang sana at kalma lang guys. LOL. Para maayos ang pagpasok ng taon sa ating lahat. Marami ding buhay ang naisugal jan sa mga insidenteng nagiging road rage. Ito ay ang iniiwasan nating mangyari.
Ang tatapang pa naman ng lahi nating mga Pinoy. Ayaw magtalo.

So, hangang sa muli (Batibot line) wag kalimutang manoon ng Motorsiklo News Talk Show tuwing Byernes sa ganap na alas 10 ng gabi, kung gusto nyo namang mapanoon online, I search lang sa youtube ang “Motorsiklo News Magazine”.

Salamat sa pagbabasa at Muli, Manigong Bagong Taon.