Showing posts with label Motorcyclephilippines.com/forums. Show all posts
Showing posts with label Motorcyclephilippines.com/forums. Show all posts
Tuesday, October 15, 2019
Monday, March 18, 2019
ANG KALSADANG GINAGALAWAN NATIN (The Road we Live in)
Ang kalsadang ginagalawan natin
Ni: Gene B. Ulag
Ni: Gene B. Ulag
2019 na,
ilang dekada na din ang nakalipas noong nagsimulang umarangkada ang industriya
ng sasakyan, mapa motorsiklo man o kotse.
Kasabay ng
mga bagong modelong sasakyan ay mga bagong features din nito, katulad ng TV,
HID headlights. Led lights at marami pang iba. Kasabay din nito ay ang masusing
pagaaral na pagandahin at gawing ligtas ang bawat sasakyang ilalabas kada taon.
Ngunit
mayroon lamang isang bagay na parang napag iwanan ng panahon, yun ay ang
pagiging disiplinado sa kalsada.
Paano kong
nasabi?
Siguro ay,
mga Dalawamput Walong taon na akong nag mo-motor at dalawamput apat nang
nagmamaneho. Kaya, napapansin ko ang kaibahan ng “Ugaling kalsada” noon,
kumpara ngayon.
Muli, paano
kong nasabi?
Sa nakalipas
na taon, napakaraming nainvolve sa Road Rage, isa sa pinaka sikat ay ang
pangyayari na sangkot si Jason Ivler, na nagtago pa at nagkaron pa ng manhunt.
Pero bakit ng
aba humahantong itong ganitong klaseng pangyayari na nagbubuwis ng buhay kapag
hindi naiwasan? Ito marahil ay ang ating EGO o PRIDE pag nasa kalsada tayo.
Naandun na
tayo, napakaraming pasaway hindi lamang sa hanay ng mga rider, kung hindi ganun
din sa mga driver. Hindi naman din na natin masisisi ang ilan kung magka taasan
sila ng ihe, lalot may kaya ang kabilang kasangkot. It all boils down to our
EGO being so big.
Pero bakit
ko nga bang nasabi na parang hindi na disiplinado ang mga Rider at Driver ngayon.
Dahil Malaki talaga ang pagkakaiba nila kumpara noon.
2004,
pumutok ang Drag Racing Scene ng Motorsiklo at Kotse sa Macapagal, wala pang
mga magagandang istablismento noon, wala pa yang Okada, Solaire at iba pang
malalaking istablismento. Ang tanging nanjan lang ay ang OG na Gas Station na,
Jetti. Opo, yan mismong Jetti nay an na tambayan ng mga Disiplinado at Pasaway
na Raiders noon. Hanggang sa itinayo na din ang Shell, kasunod nito ay yung
Mcdo.
Nakatambay
kami jan up until 2010 siguro, yung grupong kinaaaniban ko na Shogun Elite Club
at based sa Petron Macapagal na katapat ng Shell at Mcdo. 2007 noon nung
inaabot kami ng umaga jan sa pagtambay at pagtaya sa mga nangangarera. Ultimo
Pasko nakatambay kami, meron pa ngang bagong taon, nakatambay kami. Marami din
akong nakikitang (Kasama na din kami madalas) na mga naka tsinelas lang, naka
shorts, tabo helmet lang ang gamit, kumbaga, mga pasaway ba.
Shogun Elite Club, Petron Macapagal,
2007
Pero ano ba ang
punto ko? Eh meron din namang mga naka ganyan hanggang ngayon. Ang punto ko ay
simple lang, mas kaunti ang nadidisgrasya noon. Statistically, pataas ng pataas
ang bilang ng mga nadidisgrasya taon taon.
Pero bakit ng
aba pataas ng pataas ang aksidente? Hindi naman basta basta lamang EGO related
ito, siguro ay iniisip nyo. Tama naman kayo, itong mga aksidenteng ito ay hindi
lang puros EGO related, mayroon din, katangahan lang o kayabangan lang, pero
lahat yan ay bumabagsak sa tamang pag gamit ng kalsada at pagsunod sa traffic
laws.
Hindi naman
alintana sa atin na ang LTO ay isa, kung hindi man nangunguna, ay matinde ang
RED TAPE sa Gobyerno. Isa lamang ang pag i-issue ng lisensya, yung pagkuha ng
test nyan at malaking pera ang naipapasok sa kanila. Yung iba kasi, natatakot
daw bumagsak, at kailangang kailangan daw nila yung lisensya sa trabaho nila.
Yung iba naman ang dahilan ay ayaw na nilang mapagod pa.
Pero, itong “Napakadaling”
test ng LTO at magbibigay sa kanila ng kaalaman, kahit na kaunti, ng mga batas
at kung paano gumamit ng kalsada, pero, PEROOOO, NAPAKARAMI pa ding ayaw
sumunod sa tamang proseso at nagpapa FIXER pa din.
Itong
simpleng mga batas na hindi naman din kahirapang intindihin ay maaari nilang
magamit, para makapag ligtas ng buhay. Iwas aksidente pa.
Hindi rin
naman masawata ng LTO ang sistemang ito, na ang kinababagsakan, ay ang pag gawa
ng mga istupidong batas katulad na lamang ng “Doble Plaka” ni Gordon at Sotto.
50k ang
multa kapag hindi ka sumunod. Napakahusay hindi ba? Mabalik tayo, kung siguro
ay hihigpitan ng LTO ang pagbibigay ng lisensya, ay baka mabawasan ang mga
pasaway sa kalsada, “BAKA”.
Pero, kapag
ba nangyari ito ay magiging ligtas na ang kalsada? Hindi pa din, siguro maliit
na porsyento ang mawawala pero marami pa ding matitira, dahil nga sa kawalan ng
disiplina at INTEGRIDAD ng mga Riders, Drivers at Commuters.
Oooppps,
kasama na pati commuters????? Tumpak nga mga Tsong at Tsang. Mismong mismo.
Ilang aksidente din kasi ay involved ang katangahan ng mga commuters natin, na
kadalasay nasisisi pa yung mga nadamay lang naman talaga sa aksidente nila,
lalo na kung namatay ang taong involved.
Dahil panget
ang batas natin jan, maraming inosente lang ang nadadamay sa mga kagaguhan ng
karamihang na-aaksidente. Biruin mo, hindi tumawid sa tamang daanan, naka
cellphone habang naglalakad ng hindi nakatingin.
May mga
overpass naman na puedeng daanan ng mga tao, para safe silang makatawid, pero
iilan lang ang nagamit? Wala pang dalawang porsyento, mas gusto nila yung
delikado pero medaling makatawid. I wont blame them either. Minsan ginagawa ko
din yan.
Pero hindi bat
ditto pumapasok ang “INTEGRIDAD”? Yung dapat ginagawa moa ng tama kahit walang
nakakakita? Na hindi porket ginagawa ng lahat pero mali ay gagawin mo na din?
Katulad na
lamang nito, tatawid ka ng kalsada, kapag GO na ang signal. Tapos magagalit ka
pag binusinahan ka kasi nga, NATAWID KANG TANGA KA!
Yung mga
ganyan ba? Nakaka bwiset na gusto mo na lang sagasaan eh no? Pero, yan na mismo
yung sinasabi ko, kasama sa istatistika, kaya sila nadidisgrasya ay dahil sa
patuloy na pagtaas ng mga pasaway hindi lamang sa hanay ng Riders at Drivers
kung hindi, pati na rin sa commuters.
Hindi
pagsakay sa tamang sakayan, tamang tawiran, tamang babaan. Sabayan mo pa ng mga
pasaway na Bus, Jeeps at iba pang sasakyan sa kalsada.
Hindi
pagsunod sa tamang linya, hindi pagsunod sa traffic lights, Kapag nagdilaw eh
imbes na magbagal, mas malo pang binilisan. Yung simpleng pagbibigayan na lang
pag may lilikong sasakyan eh, imbes na pagbigyan na lamang, hahabulin pa para
makalusot, kapag minalas at nasabitan, parang mga sira ulong halos maging santo
na sa pakikiusap.
Lahat ng yan
ay maaari namang iwasan eh. Bakit hindi magawa ng karamihan? Kaunting bigayan
na nauuwi sa barilan, Suntukan o murahan.
Oras na
nasayang, mga taong naabala ng dahil lamang sa EGO ng bawat isa. Na kung
nagbigayan sila, ay pare parehas na sanang “on the way” na. Kung titingnan,
maliit na bagay lamang kung nagbigayan na eh, hindi yung, ayaw magpatalo ng
bawat isa, para lamang sa maliit na parte ng kalsada. Para lamang maka unos ng
kaunti, para lamang masabi na mas Malaki ang bayag nya kesa sa isa. EGO.
Hindi naman
masamang magbago, aminadong aminado naman ako jan, na kahit hanggang ngayon ay
pro choice pa din ako. Pero hindi nako maituturing na pasaway sa kalsada
siguro, dahil, pa unti-unti, inaalis ko na ang bad habit na yan, iniisip ko
lagi yung end point, o yung resulta, kapag pumasok ako sa gulo, kaya siguro,
mas kalmado na ako ngayon, kumpara noon, mas mababa ang EGO, mas may INTEGRIDAD
kahit papano, di ko masabing mas “DISIPLINADO” pero, kahit papano, masasabi
kong “OO”.
Huling
panawagan sana, sa LAHAAAAAAAAAAT ng nasa kalsada, magbigayan tayo, sumunod sa
batas trapiko, rumespeto sa bawat tao o sasakyan man sa kalsada. Iwas
disgrasya, iwas gastos, makakauwi pa tayo ng maayos.
Saturday, April 29, 2017
Anti Modification Law at ibapa
Anti Modification Law at ibapa.
By: Gene B. Ulag
By: Gene B. Ulag
Well, heto nanaman tayo, nagkakagulo, lalong lalo na ang
Motorcycling Community ng dahil sa muling pagbuhay ng LTO jan sa
“Anti-Modification Law” na, alam naman nating pare pareho na nakatuon lamang sa
mga nag mo-motor.
2008 noong ito ay sinimulan, ng dating Secretary ng LTO na
si Suansing. Nilabanan ng grupong MRO (Motorcycle Rights Organization) sa
pangunguna ni Jobert Bolanos. Matapos ang ilang balitaktakan at pakikibaka,
napa hinto ito. Hindi ko na iisa isahin pa yung mga kaganapan dahil aabutin
tayo ng isang hardbound book pag ginawa ko yon.
Ngayon ay binuhay nanaman, Malaki siguro talagang pera ang
kailangan nila at sa mga mahihirap na rider lang talaga siguro itinutuon ang
paglikom ng salapi. Well, mejo OA lang yung mahihirap na rider. Alam mo na.
Para ma emphasize lang.
Pero bakit ko ba binangit? Hindi naman kasi lahat ng nasa
kalsada na nag mo-motor eh BigTime. Karamihan
eh lower up to middle class lang, na yung pag dagdag ng aksesorya nila sa motor
nila ay nagdadala ng kasiyahan at kakuntentuhan at kadalasan ay PRIDE pa nila ito dahil, aminin natin,
hindi naman lahat ng Pilipino eh kayang umiskor ng sasakyan. Hipokrito ka pag
hindi ka sumang-ayon.
So ayun na nga, bawat mag iiba yata ang liderato ng hindot
na LTO na yan eh binubuhay ang “Anti Modification Law” nay an, napakalabo nyan
eh, nagiging dahilan lang yan ng karagdagang kurapsyon sa hilera ng mga LTO at
iba pang traffic enforcers.
Hindi mo din naman masisisi ang ibang rider na hindi
nakaka-alam na bigla na lang magugulat na may nailabas na palang batas tungkol
sa ganyan.
Karamihan ng rider eh ginagamit ang motor nila sa hanap
buhay. Kadalasan ay wala ng oras para mag online at alamin kung ano ang “IN”
ngayon.
Bakit ba sablay ang batas na yan? Dahil ang mga gumawa nyan
ay hindi naman nagmo-motor, kung nag mo-motor man, eh naka hanay sa mga
Elitistang Rider na hindi alam ang sitwasyon o karanasan ng mga regular na
rider.
Ang dami daming puedeng gawin ng LTO para umayos ang hilera
ng mga Rider at Driver. Unang una ay ang paghihigpit sa pagbibigay ng putang
inang LISENSYA.
Speaking of Lisensya, hangang ngayon, marami pa din ang
walang CARD makatapos magpa rehistro ng dalawang taon. PUTANG INA, Bayad ka
na’t lahat lahat, wala pa din yung card mo. Yan ang pangalawa.
Pangatlo at ay pag-sasa ayos ng mga plaka. Parang lisensya,
rehistrado ka na ng ilang taon, pero wala ka pang plaka, at ang mga PUTANG INA,
sa dealer itinuturo ang problema dahil matagal daw magpa rehistro. Kung hindi
ba naman dalawang kalahating mga ULOL hindi ba, sila ang nag-i-issue ng plaka
eh.
Yan oh, 3 pa lang yan samga mas priority nila dapat na
gawin, wala pa jan ang lantarang KURAPSYON sa opisina nila. Pero ang ginawa ng
mga hindot, nag FOCUS sa batas na magiging daan pa para maabuso ang Riding
Community.
So, since nabuhay nanaman yan, pasukan nanaman ang mga pa
EPAL na Riding Groups. Pero magandang negosyo yang riding groups. Mag recruit
ka ng marami, I train mo ng isang araw, padaanin mo lang sa slalom, bigyan ng
kaunting chika tungkol sa pag mo-motor and VOILA, Negosyo na sya. Pagawa ng
Vest, benta ng Tshirt, Patches, stickers at iba pa. LOL. Mautak ka BATA!
Samantalang yung mg auto-uto naman, Sali ng Sali na akala mo, Legit Riding
school talaga ang pinasukan kasi makatapos ng ilang oras nilang training, akala
mo mga hagad na umasta ang mga hindot eh, todo blinkers, may radio at may
wang-wang pa. Kita mo nga naman, pangarap yatang mag hagad eh.
Well, mabalik tayo..
Kinansela ng LTO ang No OR / CR – No Travel Policy nila,
pero may catch. Basahin mo, isang click lang ito.
So sa ngayon, tuloy pa din yang kaululan ng LTO tungkol sa
modification ng motor, hindi lang din sa regular na rider pahirap ito eh, pati
sa mga MC Builder din natin, dahil sa kalabuan ng batas na yan.
Dahil hindi alam ng mga nagpapatupad kung ano ang basehan, dahil hindi rin alam ng may akda kung ano ang mga puede at hindi. Hidi naman mga riders yang mga yan, paano nilang malalaman ang mga bagay na hindi nila alam, tapos ang mga kinukuha pa eh mga walang matinong pag iisip. San tayo dadalhin ng "PROGRESO" kung ang mga taong nasa likod ng mga suhestyon na yan ay may hidden agenda sa bawat isa.
Yup, you heard me. Akala nyo ba magkaka tropa yang mga hindot na yan? NOPE! You're wrong. Hindi, pakitang tao lang yan, pero sa likod ng utak nyan, dapat isa lang ang matira.
Bakit? Malaking pera ang kasama sa negosyo nila.
So, dead end nanaman ba tayo dito? Hindi natin alam, pero noong araw, napa suspend natin yan kasama ang mga supporters ng MRO. Dahil noon ay nagkakaisa pa, hindi katulad ngayon na, papogian na lang at paramihan ang laban kasama ang mga uto-utong riders na akala mong alam ang history ng mga pangyayayari, hindi ko rin masisisi ang ilan, ang gagaling magsalita ng mga hindot na yun eh. Lalo na yung isa. Jeskelerd.
Well, BTW, heto yung video ng unang laban natin sa Anti Mod Law ni Suansing.
Saturday, April 22, 2017
Riding Group Business
Riding Group Business
By: Gene B. Ulag
Ilang taon na din ang nakalipas, ilang Riding Group na din
ang naitayo, at nabuwag. May nag Solo, may nagtayo ng bagong grupo at maraming
hindi na sumama sa grupo.
Nakakatuwa din naman kasi pag may grupo ka, feeling mo,
In-na-In ka, naka Vest, naka wang wang pa yung iba, may blinkers at kung todo
get up pa.
Nakakatuwa ding makakita ng mga riders na tumutulong sa
kapwa riders nilang nasisiraan sa daan. Saludo ako sa mga ganyan.
Pero karamihan din ay pa epal lang, yung mga wala namang
alam, tapos mag re-rescue sa mga nadisgrasya. Bwisit tayo sa mga ganyan.
Well, mabalik tayo, bakit ba kasi Riding group business ang
pangalan ng artikulong ito. Bakit nga ba? Yung mga grupo ngayong naglalabasan,
may monthly pondo, yung isa may monthly dues pa nga eh. Required bumili ng
vest, t-shirts, stickers at kung ano ano pang ka ek-ekan. At hindi lang iisang
grupo ito, marami sila.
Marami din akong nabalitaan na matapos mawala ang pondo eh
may bagong motor na yung Presidente nila. O may bagong bahay, napagawa ang
bahay o naka ahon sa buhay. Nakakatawa di ba?
Na yung ibang grupo na sanay magiging pangalawang pamilya mo
ay “Negosyo” pala ang habol sa inyo.
Nasaan na ang Camaraderie na nooy usong uso sa mga riders na
katulad natin, na nag sasama sama tuwing Linggo para ma ride. Walang isyu ng
babayaran o kailangang bilhin para maging “IN” ka sa grupo.
Naalala ko noon ang Sunday Breakfast Riders o ang grupong
SBR. Madalas din akong sumama sa grupo na yan dahil bukod sa kakilala ko ang
mga organizer eh, walang kaartehan ang grupo na yan, pag may motor ka, at gusto
mong sumama, sumama ka lang.
Eh ngayon, pag sasali ka sa grupo, matapos ng requirements
na tambay at ride, kailangan mong bumili ng vest, stickers, tshirts o minsan,
Radyo. May monthly dues kang dapat bayaran kasi member ka nila. As if naman na
magagamit mo yang monthly dues nay an kung madisgrasya ka.
Tunay ngang nag evolved na ang mga Motorcycle clubs ngayon,
dahil noon, basta may motor, may safety gear at makakasunod sa patakaran eh
good na yan. Ngayon, ang dami ng ka ek-ekan.
Nawala na ang tunay na sense ng pag mo-motor, yung isang
grupo, feelingerong mga rescuer at kung ano ano pa, na lahat ng lang ng aberya
sa kalsada kahit hindi nila alam eh pinapelan na.
May iba namang “tagapagtangol ng riders” pero hanggang
ngayon walang nagawang maayos. Hindi ko masabing nakita ko ng lahat, pero sapat
na yung mga nakita kong mga mapag samantalang nilalang na nasa Riding Community
na marami ang sasang-ayon saken panigurado.
Isipin mo, kung bakit sinisiraan nila ang isat isa ay dahil
ano? Dahil sa Negosyo!! Kayong mg auto-utong riders ay negosyo lang sa kanila. Wala
silang pake kung ano trip mo basta makaka bili ka ng merchandise eh Good sa
kanila yan.
Kaya threat sa kanila ang ibang grupo dahil sa laki ng
perang involved. Bakit? Akala nyo ba daan daan lang ang involved dito? Libo
libo to milyon mga kapatid.
Kaya nakakatawa yung ibang riders na proud na proud pa sa
ginagawa nila. Sawsaw ng sawsaw sa mga isyung hindi naman nila alam.
Malaking threat sa kanila si Col. Bosita dahil nagbibigay
sya ng free safety seminars sa ibat ibang lugar dahil pag nangyaring lumawak
ang mga maniniwala sa kanya, eh masisira ang flow ng negosyo nila.
No RIDERS, No MONEY.
Sakit Bes no? Pero yan ang realidad ng Riding Group ngayon,
BUSINESS. Once na humingi sila ng pera para sa pondo na hindi maipaliwanag kung
saan dinadala, alam mo na ang sagot. Mag solo rider ka na lang. O sumama ka dun
sa mga rider din na hindi naniningil ng kung ano ano.
Ang siste ngayon, palakihan ang pangalan ng grupo sa VEST,
pero kupal pa sa kupal magmaneho. Wala din. Nakakahiya pa yung grupo nila dahil
proud na proud pa sa pagiging bastardo magmaneho sa kalsada.
Eh paano na? Kupalan na lang?
Matatanda naman na kayong lahat, napaka daling hulihin ng
mga BULAANG PROPETA. Know the history, do some research para malaman nyo kung
sino ba talaga ang nagpapahalaga sa inyo at kung sino ang hindi.
Isang MASAGANANG UMAGA mga KA-MOTOR!!!
PS:
Hindi ako konektado kay Col Bosita or sa RSAP.
Alam mo naman ang mga haters nating makakabasa nito, ikokonek agad ako nyan
kasi nabangit ko sya.
Kilabutan nga kayong mga hindot kayo. May mga utak kayo pero ayaw nyong
gamitin.
Subscribe to:
Posts (Atom)



