Saturday, November 14, 2015

Sad Life



Kagabi, nakita ko na may post ang anak ko ng "Sad life". Kinausap ko sya kung para saan yun, sabi nya, wala lang daw, Grade 5 na ang panganay ko, sabi ko sa kanya bukas na kami mag-usap at gabi na para sa argumento.

Kanina, tinanong ko ulit sya kung para saan yung "Sad life" na post nya, sabi nya ulit, wala lang daw, sinabi ko sa kanya na nakikita yun ng mga pinsan nya, kamag anak at kaibigan na naka add sa facebook account nya, sa panahon ngayon, paniguradong iba na ang iniisip ng mga tao sa kung anong nangyayari sa kanya.

Ipinaliwanag ko sa kanya na ang "Sad Life" ay yung kailangan mong mangahoy para may pera ka kinabukasan, libutin ang buong Pasay maka hanap lang ng scrap na kahoy para maibenta sa mag ma-mais dun sa lugar namin, mag igib ng tubig sa mga kapit bahay, magbantay sa sugalan, manghingi ng pagkain sa mga kamag anak na halos patayin na kami sa pang ma-mata.

Ang Sad Life eh yung lumaki ka sa magulong lugar, na parang wala ng option kung hindi mag adik ka na lang din dahil yun ang lagi mong nakikita, rambol, riot, saksakan at patayan ay regular lang na buhay na umiikot sa kinalakihang kong lugar noon, Yun ang Sad Life.

Sad life na kailangan mong lumaban dahil kung hindi ay magiging pagkain ka ng mas malalakas at mas matatapang sa iyo. 

Grade 4 ako, nilalakad ko ang M. Dela Cruz hangang Rotonda sa Edsa, lakad ha.
Nagtitinda ako ng mais sa palengke ng Pasay sa umaga, bukod pa sa pagluluto ng mais sa gabi. Sa hapon naman, ay nagtitinda ako ng kakanin sa Makati para may extra pa akong pera.

Natuto akong magsugal, mag inom at mag adik. Dahil ang tingin ko noon ay wala ng choice kung hndi sumabay na lang sa agos ng tubig sa paligid ko.

Yun ang Sad life. 

Nagsisikap kaming mag asawa na pag aralin sya sa magandang eskwela, hindi lang basta maganda, kundi pribadong eskwela, may masarap na baong pagkain bukod pa sa pera. Hindi nahuhuli sa bayad sa matrikula.

Nakakakain ng masarap, may bahay nasisilungan, may Tv na pinapanooran hindi katulad ko noon na nakikinood lang, May internet at may computer na hindi na kailangang pumunta sa mga internet cafe.

Nakakatuwa nga ding isipin kapag sinasabi ng mayayaman na kaya nilang mabuhay sa hirap. 

Nakapag ulam na kaya sila ng sitsirya? Yung tag pi-pisong sitsirya na iuulam mo sa kanin?

Hindi kami mayaman, pero nabubuhay kami ng sapat at hindi nagugutom, Oo, madalas kinakapos na alam naman nating normal lang, pero namumuhay kami ng marangal at hindi nanghihingi. 

Hindi namin niyayakap ang mga bagay na hindi naman namin kayang yakapin. Kuntento kami sa bagay na meron kami.

Alam kong isa lamang yun sa mga “Wala lang” post ng anak ko. Gusto kong magalit at the same time ay maiyak, ewan ko, emosyon siguro. Bilang Ama na alam mong ginagawa mo ang lahat para sa pamilya mo.

Naisip ko din na pabata ng pabata ang mga insidente ng pagiging Emo ng kabataan that leads to something else. Kailan pala ng atensyon ng bata, pero hindi napapansin ng magulang kaya nauuwi sa pag re-rebelde. 

Mahal na mahal ko ang anak ko, at sana ay balang araw, ay maging responsible syang tao, na may moral at tibay nang dibdib na harapin ang bawat pagsubok na madadaanan nya sa kwentong tinatawag na buhay.

Turuan natin ang mga anak natin ng wastong pag gamit ng social media, dahil ang bawat post nila dito ay maaaring ma mis-interpret ng iba.

Maaari ding magamit ng iba sa pan sarili nilang interes, maaaring maging mabuti at maaari ding ikasama.



Sabi nga nila “Think, before you click”

Mahal na mahal ka namin anak, kayo ng kapatid mo. 

Saturday, November 7, 2015

Standard get up para sa RIDERS

Standard get up para sa RIDERS
By Gene B. Ulag




Well, Matagal na din akong nag mo-motor, ilang taon na din nung sumama ako sa grupo at naging aktibo bilang rider.

Noon, simple lang ang get up, kung ano ang standard, padded jacket, shin guard, high cut leather boots, gwantes at helmet, kung wala namang padded jacket, nauso din yung Fox na body armor, elbow guard kung wala kang padded jacket, tsaka yung isa ding naging mainstream na suot ng mga riders noon, yung Back Protection.

Nakakatuwa yung get up ng mga riders, lalo na’t pag tambay nights, ewan ko ha, pero sabi nila, hindi naman daw nagpapagandahan ng get up ang bawat isa pero pagdating sa tambayan, naka Dainese na jacket at gwantes, AGV o Arai na helmet, naka racing boots pa yung iba.

Yung iba naman, parang breezy boys lang, naka t-shirt, gwantes na itim at siempre, naka back pro.
Oo, aminado kami, lalo na ako, na yung grupo namin,  bihira ang get up-an na ganito, siguro una, malapit kami sa tambayan namin, na alam kong hindi naman valid na dahilan kung paghahanda sa disgrasya ang pag uusapan, pero kung kami ay may ride, ganyan din kami mag pormahan, dress for the crash nga daw di ba at hindi dress for the ride.

So yun na nga, mabalik tayo, ganun lang ka simple ang  up-an noon, nagsimula akong gumamit ng reflectorized vest nung madalas na ang pag byahe ko ng gabi. Pero iilan lang din ang may vest na may logo ng grupo nila. Kami nga eh ni isang beses ay hindi nakapag pagawa ng vest na may logo, puro plain white or yellow reflector vest lang ang ginagamit namin.

Pero ngayon, iba na ang get up, kung noon ay standard yang mga nabangit ko, ngayon ay “dapat” ganyan na ang suot mo, hindi na ito basta standard na lang kung hindi ito ay “uniporme” na din.
Dagdag pa ang nakakasilaw na LED lights at may blinkers pang kasama. Ibat ibang design ng vest na may naglalakihang “logo” ng MC Club nila. 

May Two way radio din na naka display sa dibdib nila na kadalasay parang mga bubuyug na bulong ng bulong kahit walang ride. Masyado sigurong malakas ang signal ng radio nila.

Actually, nakakatuwang tingnan na sa pagdaan ng panahon ay nag evolve at madami ding na inform na riders tungkol sa mga get up na ito, yung ibang solo riders ay natuto na ding mag suot ng vest at crash gears.

Ngunit, datapwat, subalit, sapat na ba ito? I mean is, sapat na ba ito para mabansagang Disiplinadong mananakay na tayo?

Dahil nitong mga nakaraang araw ay parang ito na ang nagiging basehan ng pagiging Disiplinado sa mata ng kapwa mananakay.
Ngunit, marami pa ding mananakay na barubal, bastos, pasaway at walang respeto sa kapwa motorista at commuters.

Oo, nandun na tayo, sa isang daan ay iilan ilan lang naman yang mga hindiputang yan. Pero, sana ay bago nila suotin ang CLUB Vest nila ay alam din nila ang kaakibat na responsibilidad nila sa kalsada, dahil yang maliliit na kagaguhan nilang ginagawa ay malaki ang impact sa MC Club nila at sa mga rider in general.

Buti kanyo kung sila lamang ang madidisgrasya, eh mandadamay pa ang mga lintek. Tapos, para silang ads sign sa laki ng mga logo sa vest nila.

Sa panahon ngayon, ay usong uso yung mga tipong “pasikatin natin to” bullshit ng mga sensitibong netizens na akal mo naman ay walang nagawang kasalanan sa mundo.

Paano kung ma bidyuhan kayo ng actual, eh di wala na, yurak agad ang pagkakakilanlan ng grupo nyo. O kahit na kamo ma pictyuran lang kayo.

May magandang epekto at siempre may masama ding epekto yan. Eh san pa ba tayo lulugar, sa masama ba o sa maganda?

Kaya sana naman, wag mag sipag astang daig pa ang PULIS kung magpatigil ng traffic at harangan ang kalsada.

Matutong rumespeto sa kapwa motoristaat commuter at puede nating gawin yan sa hindi pag harang sa pedestrian lane, hindi porket humarang yun iba eh sasama ka na din at sisisihin sila na kasi sila ay humarang din, INTEGRIDAD , yan ang dapat tsong.

Wag basta, cut ng cut at maging defensive hindi lang para sa sarili, para sa ibang kasabay na din sa kalsada.

At sana, laging tandaan na hindi ang get up ang basehan para maging disiplinadong rider ka.


Hindi kailan man at hindi magiging basehan. Nasa tao yan. Nasa tao at wala sa get up o motor. 

Thursday, September 17, 2015

Parking Etiquette

Parking Etiquette

Magandang araw ka-Motor. Pag usapan natin kung paano ka mag-parada (park) ng iyong iniingatang motor.

Naka side stand ba o center stand? Hindi naman lingid sa atin na may dalawang klase ng stand ang karamihan ng motor puera sa mga general sports motorcycle (category)  tulad ng Dirt bikes o MX bikes at ang siempre, race bikes or mas kilala sa tawag na “sports bike” o kadalasan ay yung mga cruiser bikes na may isang stand lang na makikita sa kaliwang bahagi nito (side stand).

Ikaw, paano mo ba ginagamit ang magkaibang Motorcycle stand na ito? Bakit ko naitanong kanyo, ito ay sa dahilang napakarami pa din na nag mo-motor na hindi alam ang function ng mga nabangit na klase ng “stand” sa kanilang motor.

Well, napaka simple lang naman, heto: (itoy aking sariling pananaw)

Side stand: Ginagamit lang ito kung may mabilisang kang bibilhin o gagawin at kailangan mo ding makabalik sa motor mo agad agad. Yung timpong nasa tindahan ka lang at bumili ng kung ano.

Center stand: Ginagamit naman ito kung saan alam mo na matatagalan ka sa pupuntahan mo.

(Picture taken at SM Bacoor, bikes are using Center Stand)


Simple hindi ba? Pero bakit may mga rider pa ding hindi ito naiintindihan? Hindi bat mas kombinyenteng sundin ang mga ito?

At bakit ko din ginawan ng issue ang pag gamit ng stand? Well, ganito kasi yun (sa tonong batanguenyo).

Sa parking lot, dapat mas ginagamit ang Center Stand dahil nga kaya ka gumamit o pumasok sa parking lot ay paniguradong matatagalan ka sa pupuntahan mo. Tama hindi ba? 

O dapat, yung center stand ang gamitin para mas stable ang pagkakaparada ng motor mo at hindi prone sa pagbagsak.

Dahil alam naman natin na sa parking lot ng motor ay kadalasang siksikan at hindi maiiwasang iurong ang motor mo para magkasya ang sa kanila. Ngayon, kung naka lock ang manibela mo at naka side stand ka, imbes na mas madali ang pag urong ay nagkakaron pa ng extra effort dahil nga naka lock ang manibela mo at hindi ka naka center stand.

Todong tantyahan ang nangyayari, hindi ko naman sinasabi na wag mong ilock ang manibela mo, ang pinupunta ko dito ay yung ibang rider na nagpaparada na masyadong “Maparaan”. Yung bang konting butas lang eh ipipilit pang ipasok ang motor nila makapag park lang. 

Kung talagang maluwag naman, eh choice mo na ang mag side stand, pero hindi ko pa din ina-advise kasi nga, pag nasabi ang manibela mo ng malakas lakas ay prone ito sa pagbagsak.

Matutuwa ka bang Makita yung motor mo na basag ang side mirror? O dented ang salamin? O basag ang signal lights? Tabingi ang lever? Panigurado hindi, kaya siguro sa pag sunod sa kung paano gamitin ang mga “stands” na ito ay hindi rin naman makakasama sa inyo.



Itong mga simpleng bagay na ito ay makakatulong din kahit papano sa congestion ng parking natin at panigurado na mas kampante kang umalis dahil alam mong mas stable ang motor mo kahit masagi sya.

Dahil alam naman natin na sa bungkos ng mananakay na yan ay may isang utak taho na walang pakialam sa motor ng iba. Mas maige na ang kampante, tama ba?


Friday, September 11, 2015

Anong klaseng Rider ka?




(Picture taken from Shogun Elite Club's Bolinao Ride in Jan 2010)

Anong klaseng Rider ka?

Natanong nyo na ba sa mga sarili nyo kung anong klaseng Rider ka?

Iba iba kasi ang klase ng rider, hindi lang sa mayaman o mahirap ha. As in maraming klaseng rider.
Madami akong nakakasabay na rider, kuntodo naka reflectorized vest, nakalagay ang logo ng grupo nila, suot ang armor jacket at shin guard. Kuntodo din ang ilaw sa harap at likod, sa sitwasyon ngayon, mga naka todong LED pa sila, may animan na, may labing-dalawahan pa.

Naka blinker ang isang set at ang isa namay panilaw lang, este, pang ILAW lang.
Meron namang, laging naka hazard lights na akala mo may emergency, na minsan may tinanong ako kung kailangan ba nya ng tulong at naka bukas ang kanyang hazard lights, ang sagot saken eh, para porma daw. Toinks!

Meron namang naka jacket lang, full face helmet at gwantes. 

Merong mahilig sa scooter, merong sa unberbones.

Merong mahilig sa Dirt bikes, merong sa big bikes.

Merong laging trip ay motor na bago, meron din namang mas luma ang gusto.

Ibat ibang klaseng panlasa, siempre, depende sa budget ng bulsa.

Merong mahilig sa pakikibaka, meron namang natulong sa masa.

May mga ayaw mag helmet, merong may gusto.

May mga matitino, siempre, meron ding mga abusado.

Merong mahilig sa maingay na tambutso, may gustong tahimik lang.

May mga taong naglalaan ng oras, pawis at dugo para ipaglaban ang karapatan ng mga rider.
Meron din namang mga rider na pilit ibinabagsak ang layunin ng iba, para sa layunin nila.
Ibat ibang klaseng mananakay, sa ibat ibang antas ng buhay at ibat ibang paniniwala.

Ang pag mo-motor ay parang showbiz, at kadalasan pa nga ay mas masahol pa sa showbiz. Madalas sabihin ng matatanda na ang pag mo-motor ay laging naka lagay na ang isang paa mo sa hukay.
Delikado naman talaga, lalo pat lugeng luge tayo kapag tayo ay binanga ng sasakyan, dahil hindi natin maiiwasan na may mga tolonges na naka kotse na galit sa naka motor. 

Well, given na yan.

Pero maiiwasan ba nating hindi sila magalit sa Rider, kung karamihan sa atin ay hindi alam ang batas, kung paano gamitin ang kalsada o basahin ang road signs o irespeto man lang ang Pedestrian Lane.
Sa lahat naman ng antas ng transportasyon ay may pasaway, naiintindihan natin yan. Kaya nga ang titulo nito eh anong klaseng rider ka.

Ikaw ba yung sunod sa uso, kuntodo japorms na mala Shaider ang look, o yung simpleng rider na naka helmet, jacket at gwantes lang? Well, hindi naman basehan ang pag su-suot ng mala Shaider na outfit para masabi nilang maayos kang mananakay. Sa totoo lang, mas marami akong nakikitang rider na naka Shaider outfit pero nuknukan ng pasaway, May wang-wang, blinker at kung ano ano pa.
Madalas din sa group rides, kung makapa hinto sa traffic akala mo eh nabili ang kalsada. 

May mga big bikers naman na maliliit ang tingin sa mga sub400 riders, meron namang hindi. Mas marami pa naman yung nakilala kong hindi matapobre sa motor kahit na silay naka malaki.
Meron ding mga sub400 na inis sa big bikers, balikan lang, haters gonna hate nga sabi nila.
Pero ano ba ang ipinupunto ko dito, hindi ko alam kung na gets nyo na. Siret?!

Ang pinupunto ko dito ay iisa lang tayo. RIDER tayo na dapat magtulungan, na dapat walang ingitan, na dapat magka akbay sa ano mang dagok na ibabato sa atin. Hindi yung “sila lang yan noh! Hindi kami ganyan”.

Marami na akong nakilala sa komunidad na ito, naging adbokasiya ko ang pagtutol sa mga baluktot na batas na gustong mag gupo sa mga rider.

Sumama at tumulong sa mga nangangailangan, maraming plastic, OO, pero marami pa ding tunay.
Lagi lang naman nanjan maninira, pag wala sila boring ang buhay, TAMA?

Sa komunidad na ito, mas marami akong naging kaibigan kesa sa naging kaaway. Simula sa MCP forum, weekly tambay nights at motorcycle gatherings, at wag nating iwaksi ang mga nakilala ko sa illegal drag racing sa Macapagal. Yes, Minsan sa buhay rider ko ay naging mamumusta ako jan. Lahat nagbabago.

Kaya yang mga panira sa anong mang trip mo o ng grupo mo eh mananawa din. Meron lang talagang hindi nagsasawa. Matuwa ka, one in a million yan.

Ayokong tumawag ng pagkakaisa, parang amplastic naman di ba? Na sabihin ko na patawarin nyo ang isat isa. Pero bangas ito sa komunidad na pare pareho nating minahal.
Bangas ito dahil nagkawatak watak ang mga dating magkakaibigan dahil sa may iilang mahilig gumawa ng kwento laban sa iba. 

Hindi bat ang layunin natin sa umpisa ay “Brotherhood and Camaraderie”? Pero nasan na sya ngayon? Anong klaseng Rider ang binabantaan ang kapwa rider? Eh wala na tayong pinag iba sa mga Gangster Bikers, Tama?

Sa dami ng issue na nakapaloob sa Motorcycling Community, nabangit ko na, na parang showbiz di ba? Na dun sa channel ng kabila, sila ang bida, kaya paglipat ng channel nung isa, puro kasiraan ang napapanood nya.

So pag naniwala ka? Anong klaseng rider ka? Hindi mo man lang binigyan ng pagkakataong ipagtangol nung kabilang istasyon ang mga sarili nila, ni hindi mo pinakingan ang katwiran nila, hindi mo na nagawang balansehin dahil nabulag ka na nung isa.

Masakit sabihin pero ganito ang nakikita ko ngayon. Kesyo si ganitong grupo ang nauna, ginaya lang kami.

Mas mahusay ang Marshal naming kesa sa kanila. Mas marami kaming natutulungan kesa sa kanila. At ang kadalasang issue pa, Tama ka, PERA!

Dahil may talaga namang mainit sa salapi. Ewan ko ba, bakit ang daming nabubulag jan, ang daming rider ang nagagawang manlamang ng kapwa nila rider para sa SALAPI.

Wala din akong salapi noh, akoy regular na rider lamang na kumakain ng tatlong beses isang araw. Ok, Ok, walong beses sa isang araw, eh sa mahilig akong kumain eh. Pero hindi naman ito tungkol sa pagkain ko. Tungkol ito sa klase ng rider na nakikita ko, na panigurado akong nakikita mo din.
Ikaw, bro, tol, pre, paps o kung ano man ang tawag nila sayo.

Ano ba ang puede mong gawin para maging patas sa issue na naririnig mo?

Ano ba ang puede mong gawin para hindi lumala ito? Ano ba ang puede mong gawin para hindi na magningas ang apoy.

Ikaw, Anong klaseng RIDER ka?!






Tuesday, June 16, 2015

Stop believing everything on the Internet



From Awesomequotes4you.


Patola lang sa mga quotes.. Salamat at nakapag post ulit sa blog ko, maraming puedeng ilagay, kaso walang time. 




1. Your shoes are the first thing people subsconsciously notice about you, wear nice shoes. 


I don't wear "nice and expensive shoes", before I do, but now, I don't, not because I can't buy them, Its because, I believe that the shoes you wear doesn't represent your attitude. I have a few shoes, that can represent me well and that's enough. 


2. If you sit for more than 11 hours a day, there's a 50/50 chance that you'll die in the next 3 years. 


I have been sitting for more than 11 hours a day for the last 10 years I think. So fuck that shit. 


3. There are at least 6 people six people in the whole who look exactly like you. There's a 9% chance that you meet one of them in your lifetime. 


My son is one. And that's like a "100%" in my lifetime. Really, He looks like just me. 


4. Sleeping without a pillow reduces back pains and keeps your spine together. 


True, but also doing dead lifts and monkey glide. 


5. A person's height is determined by your Father and your weight by your Mother. 


My Father is a 6 footer, six ft 1 to be exact, motherfucker is tall. My mom is a cultural dancer back in the day, not to mention my Father was a drummer in a band. My mom is not fat. I stand 5'7ft and weights 267 pound for the last 3 months now, and I weight over 200 pounds for the last 6 years, and Yes, I'm the only "Chubby" on our family. Talkin about genetics huh?!. 


6. If a part of your body "falls asleep" you can always "wake it up" by shaking your head. 


My dick falls asleep on the first battle, so I am always shaking my head, so this shit is not fuckin true. 


7. There are 3 things that human brain can't resist. Food, attractive people and Danger. 


This is bullshit, I also notice and I can't resist this also, douchebags, assholes and motorcycles. 


8. Right handed people tend to chew on the right side. 


I always chew on the left side. Ppffttt...


9. Putting dry tea bags in gym bags or smelly shoes will absorb unpleasant odor. 


Or, you can just wash the bags you fuckin lazy gross motherfucker, and also the shoes. 


10. According to Albert Einstein, If honey bees were to disappear from Earth, Humans would be dead in 4 years. 


Can't argue with that. But we are not sure right?! 


11. There are so many kinds of apples, that if you ate a new one everyday, it would take over 20 years to try them all. 


The only apple I tried is the red apple, and its not even a fruit. 


12. You can survive without eating for weeks, but you will only live 11 days without sleeping. 


Bullshit. The Australian National Sleep Research Project, states the record for sleep deprivation is 18 days, 21 hours, 40 minutes. 


13. People who laugh a lot are healthier than those who don't. 


But we are not sure, right? 


14. Laziness and inactivity kills just as many as smoking. 


Another bullshit. How can you die? Without exercise? C'mon, you'll die faster if you don't stop smoking idiot!


15. A human brain has a capacity to store 5 times as much information as Wikipedia. 


For sho'


16. Our brain uses same amount of power as 10 watts light bulb. 


I knew some people who uses 240 watts power but just put up 10 watts of light. If you know what I mean. 


17. Our body gives enough heat in 30 mins to boil 1.5 liters of water. 


Seriously?! C'mon


18. The Ovum egg is the largest cell and the sperm is the smallest cell. 


So you think the Ostrich eggs are small. Ok. 


19. Stomach acid [ conc. HCI ] is strong enough to dissolved razor blades. 


Michael Lotito, the man who eats everything. 


20. SMILE is the ultimate anti-depressant. 


They say "Best Medicine" 

Tuesday, February 3, 2015

Open Pipe sa Paranaque

Open Pipe sa Paranaque

Well, Well, Well [ Ang sabi ni Maleficent ] isa nanaman pong Syudad ang sumunod na ipagbawal ang “OPEN PIPE” o maingay na tambutso. At Illegal nila itong ipinatutupad sa Paranaque.

Oh, Bakit nga ba illegal? Ganito kasimple.

Sila ay nagpapatupad ng kanilang ordinansa ng walang basehan, gamit lang ay tenga, hindi pare pareho ang sinasabi, at higit sa lahat, walang instrumento para sukatin ang ingay ng tambutso.

Well, hindi na bago sa atin itong mga tolonges na batas na ganito. Nanjan ang Makati, Bacoor, Ang Bayan ng Paete sa Laguna at marami pang iba.

Uulitin ko ulit, Ako po ay hindi sang ayon sa maiingay na tambutso, ganang akin lamang eh tamang pagpapatupad at batas na patas sa lahat.

Pero syempre, wala silang pakialam dahil nga “Sila ang batas”
Tingnan mo nga itong isang motor ng enforcer na ito;
Photo courtesy of Juan Zerna of Paranaque;



So, exempted ba sila? Walang pinagkaiba yan sa ibang lugar na nagpatupad din ng batas tungkol sa maingay na t ambutso, pare parehas silang hindi pinag aralan ang mga pinag sasasabi nila.
Heto pa ulit ang isang screenshot from Juan Zerna’s FB wall



Hindi ba't magulo? Well, ang iba ay batas na noon pa ipinapatupad pero ang pagpapatupad ay mali. 
Mahirap bang hingin sa lokal na pamahalaan o sa Gobyerno ang patas na batas para sa lahat? 

At bakit laging motor lang? Binabangit nila "Motor Vehicle" 
hindi ba't motor vehicle din ang ibang sasakyan?
Sawang sawa na din akong gumawa ng artikulong paulit ulit dahil wala din namang nangyayari sa ibang mga "nakikipag laban" sa karapatan ng mga nag mo-motor. 
Yung iba ay nagpapataasan lang ng IHE, kadalasan ay mas matindi pa sa Showbiz ang tsismisan. 

Ngayon, para magkaron tayo ng kahit kaunting laban. Alamin natin ang batas tungkol dito. Nandyan ang RA 4136 na magiging guide natin sa batas trapiko, Ihanda lagi ang celphone na may camera, o kung bigtime ka eh GoPro, kung mejo bigtime lang eh SJ4000. 
Maging aware tayo para at the same time ay hindi rin tayo makikilan. 

Kasi kadalasan ay nag re-resort tayo sa "Maglagay" na lang dahil ayaw natin ng abala. 
Well, nandun na tayo, pero kung patuloy tayong maglalagay eh hindi masusugpo ang mga "Buwaya" na nagkalat sa daan. 


"Patas na Batas, Para sa lahat ng nag mo-motor - Gene B. Ulag"

Sunday, January 25, 2015

RIDE FOR A CAUSE, Dao Elementary School, Bailen, Aguinaldo, Cavite - January 25, 2015

RIDE FOR A CAUSE
Dao Elementary School, Bailen, Aguinaldo, Cavite
January 25, 2015

Enero abeynte singko, ang araw na bibisitahin ng grupong RIDE FOR A CAUSE ang DAO Elementary school. Isang liblib na eskwelahan sa bayan ng Emilio Aguinaldo sa probinsya ng Cavite. Halikat samahan nyo ako.

Ang meet up ng mga volunteers na mangagaling sa Maynila ay sa Jetti Gasoline station sa Macapagal Blvd samantalang ang ibang grupo naman na sasama sa Cavite ay sa Mcdonalds Pala-pala.

Mag aalas siete ako nang umalis sa bahay, makatapos kumain ay diretsong bihis na, mejo naunsyami kasi ako at yung jacket ko eh hindi na kasya saken [ Oo, tumaba ako ]. Lumampas pa ako sa Mcdo Pala-pala gawang ang nasa isip ko eh Fil Oil Gasoline station. Pag balik ko sa Mcdo, nandun na ang mga Cavite volunteers. Nandun ang grupong RJRC-CAVITE, Yamaha-United SZR Riders of Cavite, ilang mga RFAC volunteers at ang COE na si Blackstorm.

Makalipas ng ilang sandal ay dumating na din ang convoy kaya sinabihan ko ng mag gear up ang grupong Cavite. Mga isang oras na byahe ay narating namin ang aming destinasyon, Ang DAO Elementary school.

Isang maliit na eskwelahan sa mejo may kasukalan pang parte ng Cavite, ni wala din akong makitang street lights, may mga parte pang hindi sementado ang kalsada.

Maayos kaming sinalubong at tinangap ng mga estudyante ng DAO elementary school at maging ang mga guro nito. May pa LUGAW pa na talaga namang kay sarap at may kasamang MAJA BLANKO.
Makatapos ng konting salo-salo ay nagsimula na ang maiksing programa, ipinamahagi ang mga donasyon mula sa volunteers, specially sa bag na ibinigay ng Yamaha Philippines sa pamamagitan ng grupong United SZR Riders of Cavite. Tulong tulong ang mga volunteers sa pamamahagi ng Bags, tshirts at tsinelas. At ang mga sumobra ay inendorso sa mga guro, may dala din ang RFAC na bagong COMPUTER na may kasama pang PRINTER at computer table.

Nakakatuwang isipin na kahit papano nakakatulong tayo sa maliit nating paraan sa tulong ng samahang RIDE FOR A CAUSE. Ipaliwanag ko lang na ang RIDE FOR A CAUSE ay hindi CLUB, ito po ay pinag bigkis na samahan ng iba't ibang grupo ng nag mo-motor sa bansa at ibang bansa [ donors and sponsors ]. Isang samahan na sa kahit maliit na paraan ay gustong tumulong sa mga nangangailangan at kasabay ng pagbabago sa imahe ng mga riders sa kalsada.

Sa samahang ito ay walang AMO, PRESIDENTE, LIDER o ano pa man, ito ay ginagabayan ng COE [ Council of Elders ] para lalong maging matatag at matibay ang samahan. Pitong taon napo ang samahang ito na nabuo ng dahil sa iisang layunin, ang tumulong.

At siempre, gusto ko pong pasalamatan ang mga VOLUNTEERS na walang sawang tumulong at sumama. Sa mga MARSHALS na pinapangalagaan ang ating mga kapwa riders habang nasa byahe. Sa mga SCOUT MASTERS na walang sawang na byahe para maghanap ng beneficiary at sa mga COE na gumabay sa samahan. Mabuhay po tayo.

Sa mga gustong sumama sa adbokasiyang ito, hit nyo po ang LIKE at mag inquire sa page na ito sa facebook: RIDE FOR A CAUSE


Ilang litrato na kuha sa Mission. 

Kuha ni Bien Calvario [ isang alagad ng batas ] Kasama ang mga pulis din na Volunteers [ yup, hindi lahat eh scalawags, ang iba ay matulungin talaga at matapat sa serbisyo ]


United SZR Riders of Cavite at Total Gas station in Tagaytay


Kuha ni Philip Menorca sa DAO Elementary School




Kuha naman ni Erich Samuel Bronson, mga estudyante ng DAO


Kuha ni Ser Crispe, sinimulan ang programa ng isang simpleng dasal at pasasalamat






Cavite Volunteers, kuha ni sir Vincent Ryan


At ang inyo pong lingkod



More pics on their fb page: RIDE FOR A CAUSE PAGE