Tuesday, October 15, 2019
Tuesday, April 9, 2019
Bawal ang motor sa Zapote River Drive
Zapote River Drive
By: Gene B. Ulag
By: Gene B. Ulag
Mainit na
araw mga kasama, heto nanaman po at nagbabalik ang inyong lingcod, para sa isa
nanamang kaunting kaalaman para sa ating lahat. So, itong ating topic ngayon ay
makakatulong lalo na sa mga TIGASOUTH.
Sa amin pong
nakalap na impormasyon, ito pong Zapote River Drive ay binuksan noong July 18,
2018, para na din ibsan ang “napaka tinding” traffic sa Las Pinas, ang tawag
nga naming sa Las Pinas ay, Imbentor ng Traffic.
Sa madaling salita, itong Zapote River Drive po ay isa sa mga solusyon para nga mabawasan ang matinding traffic sa ilang bahagi ng Las Pinas, ang kahabaan nito ay umaabot sa 1.7 kilometers na nagsisimula sa Tulay ng Zapote, papuntang BF Resort sa Margie Moran St. Kung may Friendly Sticker ka, makakadaan ka, kung wala naman, mas maiging mag exit ka na sa E. Trinidad sa may San Isidro Pamplona Uno Subdivision dahil mahigpit ang mga guard pagdating jan sa BF Resort.
Kung itong
Zapote River Drive at solusyon sa traffic jan sa Alabang Zapote Road, alam nyo
bang bawal ang motor dito????
Yeppp, tama po ang pagkakabasa nyo, BAWAL PO ANG MOTOR sa kahabaan ng Zapote River Drive.
Ngayong araw
po, gawa ng aking curiosity, binaybay ko po ang kahabaan ng Zapote River Drive
at nakiusap po tayo sa isang Baranggay Tanod na nagbabantay ditto po sa
Pamplona Uno para po Makita natin at magkaroon naman ng idea an gating mga
tagasubaybay at kapwa riders nab aka sakaling sila ay maligaw dito sa parting ito
ng Las Pinas.
Heto po ang
Video ng aking nakuhanan, pagpasensyahan nyo napo at un-edited ito at walang
time lapse.
Mas maige na nga sigurong ipagbawal ang motor sa Zapote River Drive dahil na din sa dami ng pasaway na Riders at Tricycle, hindi ko naman sinasabing walang pasaway sa mga Drivers no, pero sa sitwasyon dito, dun sa mga blind spot, Riders ang mas kawawa sakalaing maaksidente.
Monday, March 18, 2019
ANG KALSADANG GINAGALAWAN NATIN (The Road we Live in)
Ang kalsadang ginagalawan natin
Ni: Gene B. Ulag
Ni: Gene B. Ulag
2019 na,
ilang dekada na din ang nakalipas noong nagsimulang umarangkada ang industriya
ng sasakyan, mapa motorsiklo man o kotse.
Kasabay ng
mga bagong modelong sasakyan ay mga bagong features din nito, katulad ng TV,
HID headlights. Led lights at marami pang iba. Kasabay din nito ay ang masusing
pagaaral na pagandahin at gawing ligtas ang bawat sasakyang ilalabas kada taon.
Ngunit
mayroon lamang isang bagay na parang napag iwanan ng panahon, yun ay ang
pagiging disiplinado sa kalsada.
Paano kong
nasabi?
Siguro ay,
mga Dalawamput Walong taon na akong nag mo-motor at dalawamput apat nang
nagmamaneho. Kaya, napapansin ko ang kaibahan ng “Ugaling kalsada” noon,
kumpara ngayon.
Muli, paano
kong nasabi?
Sa nakalipas
na taon, napakaraming nainvolve sa Road Rage, isa sa pinaka sikat ay ang
pangyayari na sangkot si Jason Ivler, na nagtago pa at nagkaron pa ng manhunt.
Pero bakit ng
aba humahantong itong ganitong klaseng pangyayari na nagbubuwis ng buhay kapag
hindi naiwasan? Ito marahil ay ang ating EGO o PRIDE pag nasa kalsada tayo.
Naandun na
tayo, napakaraming pasaway hindi lamang sa hanay ng mga rider, kung hindi ganun
din sa mga driver. Hindi naman din na natin masisisi ang ilan kung magka taasan
sila ng ihe, lalot may kaya ang kabilang kasangkot. It all boils down to our
EGO being so big.
Pero bakit
ko nga bang nasabi na parang hindi na disiplinado ang mga Rider at Driver ngayon.
Dahil Malaki talaga ang pagkakaiba nila kumpara noon.
2004,
pumutok ang Drag Racing Scene ng Motorsiklo at Kotse sa Macapagal, wala pang
mga magagandang istablismento noon, wala pa yang Okada, Solaire at iba pang
malalaking istablismento. Ang tanging nanjan lang ay ang OG na Gas Station na,
Jetti. Opo, yan mismong Jetti nay an na tambayan ng mga Disiplinado at Pasaway
na Raiders noon. Hanggang sa itinayo na din ang Shell, kasunod nito ay yung
Mcdo.
Nakatambay
kami jan up until 2010 siguro, yung grupong kinaaaniban ko na Shogun Elite Club
at based sa Petron Macapagal na katapat ng Shell at Mcdo. 2007 noon nung
inaabot kami ng umaga jan sa pagtambay at pagtaya sa mga nangangarera. Ultimo
Pasko nakatambay kami, meron pa ngang bagong taon, nakatambay kami. Marami din
akong nakikitang (Kasama na din kami madalas) na mga naka tsinelas lang, naka
shorts, tabo helmet lang ang gamit, kumbaga, mga pasaway ba.
Shogun Elite Club, Petron Macapagal,
2007
Pero ano ba ang
punto ko? Eh meron din namang mga naka ganyan hanggang ngayon. Ang punto ko ay
simple lang, mas kaunti ang nadidisgrasya noon. Statistically, pataas ng pataas
ang bilang ng mga nadidisgrasya taon taon.
Pero bakit ng
aba pataas ng pataas ang aksidente? Hindi naman basta basta lamang EGO related
ito, siguro ay iniisip nyo. Tama naman kayo, itong mga aksidenteng ito ay hindi
lang puros EGO related, mayroon din, katangahan lang o kayabangan lang, pero
lahat yan ay bumabagsak sa tamang pag gamit ng kalsada at pagsunod sa traffic
laws.
Hindi naman
alintana sa atin na ang LTO ay isa, kung hindi man nangunguna, ay matinde ang
RED TAPE sa Gobyerno. Isa lamang ang pag i-issue ng lisensya, yung pagkuha ng
test nyan at malaking pera ang naipapasok sa kanila. Yung iba kasi, natatakot
daw bumagsak, at kailangang kailangan daw nila yung lisensya sa trabaho nila.
Yung iba naman ang dahilan ay ayaw na nilang mapagod pa.
Pero, itong “Napakadaling”
test ng LTO at magbibigay sa kanila ng kaalaman, kahit na kaunti, ng mga batas
at kung paano gumamit ng kalsada, pero, PEROOOO, NAPAKARAMI pa ding ayaw
sumunod sa tamang proseso at nagpapa FIXER pa din.
Itong
simpleng mga batas na hindi naman din kahirapang intindihin ay maaari nilang
magamit, para makapag ligtas ng buhay. Iwas aksidente pa.
Hindi rin
naman masawata ng LTO ang sistemang ito, na ang kinababagsakan, ay ang pag gawa
ng mga istupidong batas katulad na lamang ng “Doble Plaka” ni Gordon at Sotto.
50k ang
multa kapag hindi ka sumunod. Napakahusay hindi ba? Mabalik tayo, kung siguro
ay hihigpitan ng LTO ang pagbibigay ng lisensya, ay baka mabawasan ang mga
pasaway sa kalsada, “BAKA”.
Pero, kapag
ba nangyari ito ay magiging ligtas na ang kalsada? Hindi pa din, siguro maliit
na porsyento ang mawawala pero marami pa ding matitira, dahil nga sa kawalan ng
disiplina at INTEGRIDAD ng mga Riders, Drivers at Commuters.
Oooppps,
kasama na pati commuters????? Tumpak nga mga Tsong at Tsang. Mismong mismo.
Ilang aksidente din kasi ay involved ang katangahan ng mga commuters natin, na
kadalasay nasisisi pa yung mga nadamay lang naman talaga sa aksidente nila,
lalo na kung namatay ang taong involved.
Dahil panget
ang batas natin jan, maraming inosente lang ang nadadamay sa mga kagaguhan ng
karamihang na-aaksidente. Biruin mo, hindi tumawid sa tamang daanan, naka
cellphone habang naglalakad ng hindi nakatingin.
May mga
overpass naman na puedeng daanan ng mga tao, para safe silang makatawid, pero
iilan lang ang nagamit? Wala pang dalawang porsyento, mas gusto nila yung
delikado pero medaling makatawid. I wont blame them either. Minsan ginagawa ko
din yan.
Pero hindi bat
ditto pumapasok ang “INTEGRIDAD”? Yung dapat ginagawa moa ng tama kahit walang
nakakakita? Na hindi porket ginagawa ng lahat pero mali ay gagawin mo na din?
Katulad na
lamang nito, tatawid ka ng kalsada, kapag GO na ang signal. Tapos magagalit ka
pag binusinahan ka kasi nga, NATAWID KANG TANGA KA!
Yung mga
ganyan ba? Nakaka bwiset na gusto mo na lang sagasaan eh no? Pero, yan na mismo
yung sinasabi ko, kasama sa istatistika, kaya sila nadidisgrasya ay dahil sa
patuloy na pagtaas ng mga pasaway hindi lamang sa hanay ng Riders at Drivers
kung hindi, pati na rin sa commuters.
Hindi
pagsakay sa tamang sakayan, tamang tawiran, tamang babaan. Sabayan mo pa ng mga
pasaway na Bus, Jeeps at iba pang sasakyan sa kalsada.
Hindi
pagsunod sa tamang linya, hindi pagsunod sa traffic lights, Kapag nagdilaw eh
imbes na magbagal, mas malo pang binilisan. Yung simpleng pagbibigayan na lang
pag may lilikong sasakyan eh, imbes na pagbigyan na lamang, hahabulin pa para
makalusot, kapag minalas at nasabitan, parang mga sira ulong halos maging santo
na sa pakikiusap.
Lahat ng yan
ay maaari namang iwasan eh. Bakit hindi magawa ng karamihan? Kaunting bigayan
na nauuwi sa barilan, Suntukan o murahan.
Oras na
nasayang, mga taong naabala ng dahil lamang sa EGO ng bawat isa. Na kung
nagbigayan sila, ay pare parehas na sanang “on the way” na. Kung titingnan,
maliit na bagay lamang kung nagbigayan na eh, hindi yung, ayaw magpatalo ng
bawat isa, para lamang sa maliit na parte ng kalsada. Para lamang maka unos ng
kaunti, para lamang masabi na mas Malaki ang bayag nya kesa sa isa. EGO.
Hindi naman
masamang magbago, aminadong aminado naman ako jan, na kahit hanggang ngayon ay
pro choice pa din ako. Pero hindi nako maituturing na pasaway sa kalsada
siguro, dahil, pa unti-unti, inaalis ko na ang bad habit na yan, iniisip ko
lagi yung end point, o yung resulta, kapag pumasok ako sa gulo, kaya siguro,
mas kalmado na ako ngayon, kumpara noon, mas mababa ang EGO, mas may INTEGRIDAD
kahit papano, di ko masabing mas “DISIPLINADO” pero, kahit papano, masasabi
kong “OO”.
Huling
panawagan sana, sa LAHAAAAAAAAAAT ng nasa kalsada, magbigayan tayo, sumunod sa
batas trapiko, rumespeto sa bawat tao o sasakyan man sa kalsada. Iwas
disgrasya, iwas gastos, makakauwi pa tayo ng maayos.
Saturday, March 9, 2019
Drama Rama sa Masa at ang Doble Plaka
Drama Rama sa Masa at
ang Doble Plaka
By Gene B. Ulag
Yep, nabuhay nanaman, ang nag iisang, matabil ang bilbil,
este bibig, na kinaiinisan ng mga kritiko pero abang naman ng abang sa mga
isusulat ko. Well, heto na nga tayo, kasama nyong tatalakayin ang mga nakaka “PUTANG
INANG” issue sa mundo ang pag mo-motor ngayon.
Nitong nakaraang Linggo, ay marami ang sumilakbo ang dugo,
tumaas ang kilay at naglagablab ang galit ng mabasa nila ang isang post sa
social media ng isang Ricky G. Velasco, itong si Ginoong Ricky Velasco ay napag
alamang isang Brodkaster Jornalist DWBL Radio, pero ano nga ba ang pinagmulan
ng mga galit nitong mga nag mo-motor kay Ginoong Velasco at nangagalaiti pa ang
iba sa kanila. Heto po ang screen shot ng kanyang post sa social media.
Ito pa lang si Ginoong Ricky Velasco ay gustong ipa-BAN ang
mga nag mo-motor, nakikita ko naman ang punto nya na ang gusto nya yata ay
i-BAN ang mga pasaway sa kalsada, pero hindi rin nawawala ang pagturo nito na
i-BAN na ang lahat ng nag mo-motor sa EDSA.
Napaka tinde hindi po ba? Well, kahit po ang kapulisan, ay
hindi kayang hulaan kung may magaganap na krimen sa kahit na anong lugar,
depende na lang kung mala Tom Cruise ang datingan nila sa pelikulang “Minority
Report” kung saan si Tom Cruise ay isang pulis na nakikita ang hinaharap gamit
ang isang makinarya.
Pero hindi nga ito possible, kaya hirap ang kapulisan. Pero
hindi naman din yata tama na ipagbawal ang mga nag mo-motor sa EDSA!! Abay,
isang malaking kagaguhan nga naman yan.
Ang EDSA ay ang isa sa pangunahing daan na araw araw
ginagamit ng mga motorista, lalo na din ang mga nag mo-motor, hindi naman
porket motor ang involve sa naganap na krimen eh ipagbabawal nyo nalang basta
basta, wag nyo na sanang sundan ang kagaguhan ng Mandaluyong sa Anti-Backride
ordinance.
At, itong mga krimen naman ay dapat kayang maiwasan, kung
meron lamang mga kapulisan na nakatambay sa mga Choke points o designated
Police spot. Sablay lang talagang ipasa sa mga “RIDERS” ang mga bagay na hindi naman
nila kasalanan.
Oo, inaamin ko, marmaing pasaway na nag mo-motor, pero
marmai ding mga pampublikong driver na pasaway, pribadong driver na pasaway,
maraming pasaway sa lahat ng estado, kung inaayos lamang ng LTO ang Red Tape sa
Ahensya nila eh di sana kahit papano eh mahihigpitan nila ang pag iisue ng mga
lisensya.
Pero mabalik tayo dito kay Ginoong Ricky Velasco, makatapos
nga noong post nya na yon, siya ay binatikos ng napakaraming RIDERS, ay paano
ba namang hindi, nakakaputang ina naman talaga itong tinuran nya, gine
generalize na nya na lahat ng riders ay pasaway. Inihalintulad pa ng matandang yun
ang mga Riders sa PWD na naging sanhi din ng pag iinit yata sa kanya ng mga
disabled citizens natin.
Matapos din ang isang Linggong pag iinit sa kanya ng mga
RIDERS, eh biglang kumambyo si Ginoong Velasco sa post nyang ito.
Ano man ang dahilan ni Ginoong Velasco sa kanyang tinuran,
naiingit ba sya sa ating mga RIDERS, o heart broken sya dahil nabasted sya ng
isang rider (Charot) o natalsikan sya ng tae ng pusa ng isang humaharurot na
rider habang naglalakad sya? Ay hindi natin alam.
Ang tanging alam natin ay may kinikimkim na galit itong si
Ginoong Velasco sa mga RIDERS kaya gusto nyang ipagbawal ang mga RIDERS sa mga
pangunahing daanan sa Pilipinas.
Well, ang masasabi ko lamang po Ginoong Velasco, “when the
stars are shining, it keeps on shining through”, Alam ko po, walang koneksyon,
gusto ko lang syang bangitin.
DOBLE PLAKA
Heto na, ang isa sa pinakamatindeng laban ngayong pagpasok ng
taon, ANG DOBLE PLAKA (Jan jararannnnn). Well, wala ng intro intro, PUTANG INA
NYO NA AGAD para dun sa mga nagsulong ng putang inang doble plaka na yan. Ganun
katinde.
Kasi naman, sabi ko nga, kung Gobyerno ang gagastos jan, wala
akng pakialam, pero, hindi nyo nga mapunuan yung kakulangan nyo sa isang plaka,
GUSTO NYO DOBLE PA?
MC Crime prevention???? Ano kami? Kriminal????!! Heto ang
nakakalungkot jan, nasa opisina na daw ni Pangulong Duterte ang batas na ito,
kaya noong nakaraang araw ay nag Vigil ang mga RIDERS sa Mendiola para mapansin
ng Pangulo at maasahang i-VETO ang Batas na ito.
Maraming bansa na ang ibinasura ang suhestyon tungkol jan sa
DOBLE PLAKA nay an, hindi dahil mahusay silang manghule ng criminal kung hindi
dahil sa safety ng riders. Yep, Yah heard me right, RIDERS SAFETY.
Eh sino nga baa ng mga kinunsulta nila ditto sa DOBLE PLAKA
na ito? Mga RIDERS ba? Siempre HINDEEE. Noot noon pa man ay hindi naman
nakikinig ang mga PUTANG INANG YAN sa mga EKSPERTO.
Itong si Gordon ay noon pa man, RIDER HATER na talaga. Tingin
ko ditto, may masamang karanasan ito sa Motor o sa RIDER eh. Baka may syotang
syang bakla noon araw. Tapos humiling sya na bilhan sya ng motor, pumayag naman
yung bading kung may mangyayari sa kanila, at may nangyari na nga, kaya excited
si DICK na bilhan sya ng motor nung syota nyang bakla, pero, hinid na muling
nagpakita yung bakla sa kanya, kumbaga, ISTAPA yung nangyari sa kanilang
dalawa. O kaya naman hindi, talaga galit lang sya sa mga RIDERS.
Paano ko nasabi? Ang dami ng suhestyon ni DICK sa mga batas
tungkol sa pagmo-motor, hindi ko na iisa isahin, dahil pagod na ako, lagi ko na
lang ipinapaliwanag, I GOOGLE mo naman, utang na loob.
So yun na nga, marami ang nangangamba na maaaring, maisa
batas itong DOBLE PLAKA Law na ito kahit puro kabalbalan lang naman ang punto
nila dito.
Picture courtesy of Yob Bolanos via Motorcycle Rights
Organization
FB page here: MRO https://www.facebook.com/groups/mcrightsorg/
Tuesday, July 31, 2018
CHARITY RIDES
By: Gene B Ulag
This is my 2nd blog for this year, as I chose not
to write blogs more often, not that I am lazy but most of the stuffs I see now
in the Motorcycling Community is just a repetition of some formers issues that
hasn’t been settled / fixed. Well, this topic will be sensitive and surely,
only a few people will understand. This is about, the CHARITY RIDES.
English nanaman, teka, tatagalugin ko para maibigay ko mismo
ang gusto kong sabihin. Bago pa man mabuo ang RIDE FOR A CAUSE, o mas kilala sa
tawag na “RFAC”. Ako man ay nakaka attend na ng mga CHARITABLE RIDES, noong
binuo ang RFAC, isang forumer lang ang nagsimula ng inisyatibo para
masakatuparan ang pagbibigay ng tulong, itong former na ito ay hindi man lang
nakasama kahit isang beses, sa loob ng sampung taon.
See? One initiative that started it all. Pero, ang nagbigay
buhay ay ang mga riders na mas naka intindi na magbigay at magbalik ng tulong
at serbisyo sa mga taong nangangailangan. And there you go, ang RFAC ay 10
years na. Yes, I was part of it,, up until a few years and different opinions and
issues separated us, but the love and passion for helping others ay nandun pa
din kaya nagkaron kami ng grupong LAKBAY TULONG.
Since, hindi naman pondo ng Gobyerno ang ginagamit nang mga
grupong yan sa pagtulong, kaya merong guidelines noon sa paghahanap ng
beneficiary. For example, dapat walang tulong na nakukuha sa LGU or at least
kaunti lang. Malayo sa kabayanan at iba pa.
Sa medaling salita, nakakatulong ang mga grupong ito sa mga
nangangailangan, na galling sa sarili nilang mga bulsa. PALAKPAKAN TAYO JAN
RIDERS!!!
Perrrroooo, makalipas ng ilang taon, itong mga CHARITABLE
RIDES na ito ay naging dahilan din ng pananamantala ng ilang tao, yung iba
nahingi ng tulong para sa mga bagay na puede naman nilang ilapit sa Gobyerno,
yung iba naman, talagang pangap lang.
Ilang beses na din akong nakakita at nakadinig ng balita
tungkol sa mga taong nananamantala, Totoo, humihingi sila ng tulong s amay
sakit, pero yung ibang walang kaluluwa ay ibinubulsa ang pera na para sana dun
sa mga tutulungan.
Nakakatuwang makakita ng mga grupo na kaliwat kanang
tumutulong sa mga nangangailangan, OK YAN. Pero may mga panahon na hindi lahat
ng bagay ay ia-asa natin sa “hingi” ng tulong. O minsan, may kalamidad, Ok
sige, magandang tumulong, ngunit itong mga bagay na ito ay dapat inaasa nanatin
sa local na pamahalaan. Tumulong ka bilang Volunteer at wag ng lumikom pa ng
donasyon para sa mga nasalanta.
Ang dami kasing mga grupo ngayon na kaunting disgrasya,
CHARITY RIDES agad, nabasag yung kaha ng motor, CHARITY RIDES agad. Kahit
kakarampot ang maibigay, kung todo litrato #FeelingBlessed #SarapTumulong hashtags
agad.
Don’t get me wrong, gusto ng karamihan na Makita ang kapwa
riders nating tumulong, dahil isa sa motto ko ay “Help others one step at a time”.
Pero at the rate of what is going on now, nadapa lang yung bata, CHARITY RIDES
agad.
Alam kong hindi maiintindihan ito ng marami, and I don’t give
a fuckin fuck. Heto na ang nangyayari ngayon, imbes na mas makatulong tayo sa
mas nangangailangan eh naka focus tayo sa pagtulong sa mga bagay na kaya naman
nila. Masakit nun, baka madale ka pa ng BUDOL BUDOL.
Click like and share Bikers World 101 in Facebook, vlogs
coming very soon!
Thursday, March 22, 2018
Lobo na
nakadamit TUPA.
By: Gene B.
Ulag
Napakaraming issue nanamang nagdaan sa maliit na mundo ng pag
mo-motorsiklo. Tinatamad na nga akong sumulat dahil paulit ulit ang drama na
para bang eksena sa telebisyon sa hapon. Walang pagbabago.
May maaapi, may kakampi, may babalimbing at may mag ta
traydor. Paulit ulit na eksena. Parang Eksema na bumabalik balik kahit ilang
beses mo ng nilagyan ng Canesten.
Pero ang naka kuha ng pansin kong sumulat ulit, ay itong HPG –
Riders tandem na binibigyan nila ng “Maliit” na otoridad ang mga “Rider” na
maging kaisa sa paninita sa mga kapwa rider nilang nagamit ng LED LIGHTS.
WOW!! Petmalu. Ibig sabihin kasama na sa checkpowents ang mg
auto-utong rider na ito? Aba, magaling! Mas lalo sigurong magiging “Galawang
Parak” ang mga hindot.
Well, nitong mga nagdaang buwan, mainit na mainit ang
balitaktakan, awayan, diskusyunan tungkol sa pangungumpiska ng mahuhusay nating
HPG sa mga led lights na gamit ng rider at ng maingilan-ngilan ding Cagers.
Na kahit sumusunod ito sa inilabas na “MEMORANDUM” ng LTO na
hndi more than 6 bulbds per side, not higher than your handle bar at hindi
nakabukas sa well lighted streets at kinukumpiska pa din ng HPG kasama ang mga
amuyong nilang “Rider Makapili”.
Ewan ko ha, pero putang ina, hindi ako magpapauto sa mga
hindot nay an para lang makaporma at mag feeling “espesyal” sa mga checkpoints.
Dahil yang maliit na kapangyarihan na yan ay magiging dahilan pa ng korapsyon…
At, heto na po. Nagkatotoo na ang ikinakatakot ng karamihan.
Ilang auxiliary members ng HPG na riders ay nahuli, hulaan
nyo ang kaso. EXTORTION! Yup, you read that right. Pangingikil.
Nope, hindi lang yan,may iba pang nahuli din bukod sa
dalawang tungaw na yan.
At para naman dun sa mga “Tangang Rider” na sunod ng sunod sa
mga TALIPANDAS nilang lider.
Hindi alinsunod sa batas ang pangungumpiska ng Auxiliary
lights katulad ng LED lights na karamiwang gamit ng Riders sa kanilang motor.
Wala sa RA4136 at wala din sa PD96. (Search Google please,
paki intindi na din).
Kaya naman, gamitin nyo naman ang utak nyo, sumama sa tamang
grupo, wag magpalinlang sa kung ano anong sinasabi ng mga “Bulaang propetang
Lider ng mga Rider” na wala namang ginagawa para labanan ang mga batas na
nagpapahirap sating mga RIDER.
Ang hirap sa karamihan, REKLAMO NG REKLAMO pero wala namang
ginawa para labanan ang mga maling gawain laban sa atin. Hindi kalian man
nakawalis ng dumi ang isang pirasong ting-ting, dapat pagsasama samahin mo para
makawalis ng dumi. Pag sasama-sama dapat ang gawin para mawalis natin ang mga
DUMI na nagpapahirap sa RIDERS.
Matagal na dapat na nagsama sama at nagkaisa ang mga RIDERS
eh, kaso parami ng parami din ang mga tatanga tangang RIDERS kaya nasan na tayo
ngayon? Heto, hiwa-hiwalay. Kanya kanyang suporta sa mga amo nila na hindi
naman alam kung ano ang ipinaglalaban.
Wag magpa uto. Ang tatanda nyo ng mga herodes kayo.
Para sa mga RIDERS na patuloy na lumalaban sa pang aabuso at
diskriminasyon laban sa mga nag mo-motor. SALUDO ako sa inyo.
Para naman sa mga sunod ng sunod sa mga amo nila na UTAK
TAHO, para sa mga RIDERS na nagging makapili sa kapwa nila RIDERS.
Isang MALUTONG NA.. PUTANG INA NYO. MAGTAE SANA KAYO NG
CACTUS.
Heto oh, naka SMILE pa ang mga HINDOT.
Time!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)













