Thursday, April 24, 2014

Bacoor City ordinance for OPEN PIPE



Pauwi na ako kanina (April 24, 2014) ng ako ay harangin sa may St. Dominic (Actually, bago mag St Dom)
Bigla akong hinarang at sinigawan dahil nilampasan ko yung kumakaway. Huminto ako at tinanong kung anong violation ko, sabi ay open pipe daw.
Huminto ako at inilabas ang lisensya ko, hinanapan ko sila ng mission order para sa operation nila at may nabigay naman, hinanapan ko sila ng decimel meter para sukatin ang ingay ng aking motor, yun lang, wala sila.
Sinabi ko na hindi ako magpapaticket dahil walang magiging basehan ang ticket nay un kung hindi masusukat ng maayos ang “ingay” ng motor ko, which is 70db ang lakas (pero hindi nila alam yun siemperds).
So wala daw silang ganun, at halata naman daw na maingay ang motor ko (Well, sa itsura palang eh, maingay naman talaga kasi nga kalkal payb este pipe ito), duon na ako nag react, dahil dapat kung may operation silang tulad nito ay meron silang decibel meter para masukat ng maayos ang magkaron ng batayan ang asunto na ititiket sa akin. Ngunit sabi nila ay tanyahan lamang daw ito.

Sabi ko, mali at bawal silang manghuli ng walang sapat na instrument para sumukat ng ingay ng bawat motor. Biglang lumapit sakin si Manong Yellow boys at may kalakasan na Imbes na makiusap daw ako eh nagmamagaling pa ako, sabi ko naman na hindi ako nagmamagaling, tanging ligalisasyon lamang ng operasyon ang kinikwestyon ko. Hangang sa nagpunta na kami sa LTO para sa linaw tungkol sa bagay na ito, dahil wala ni isa mismo ang nakaka intindi sa batas / ordinansang pinapatupad nila.

Nakakatawa, hinamon pa ako ng mga yellows boys na masyado daw akong magaling, LTO daw ang maniniket saken, so nag ka escort akong bigla papuntang LTO IMUS.
Pagdating sa LTO Imus, mabuti naman na nandun pa ang staff ng inspection section (Technical dept) pati ang Hepe, Umupo ako at naki pag usap kay Hepe Mar.

Ipinaliwanag ko na minsan ay nasuot na ako sa ganitong sitwasyon sa Makati at kinontest ko din dahil walang basehan ang Mapsa sa panghuhuli sa akin, Una, 90db ang imposted limit ng ingay for motor vehicle (pero sa motor lang naka focus yan) at dahil 60db ang imposted limit ng Bacoor City ay tahasan nitong sinusumaway ang bench mark ng LTO for noise pollution. At dahil ito nga ay batas para sa open pipe eh marami pa ding hindi nakaka intindi ditto, ang pipe po ay ang tubo from cylinder head papuntang canister, from canister padulo at tinatawag na MUFFLER galling sa salitang.“MUFF” meaning na to suspend any sound coming from a noisy object.

So yun na nga, nagpaliwanagan kami, at isa pang natanong ko ay ang tamang pagsukat dahil pagdating ko dun ay mismong hepe nila ay ni rebolusyon ang silinyador ko, abay eh talaga namang iingay yan.Kaya binangit ko din na mali ang pag sukat na sa ingay ng motor ko dahil dapat nasa idle state ito at atleast 1 foot ang layo sa canister ng pipe. Naging mahaba ang usapan naming na hindi ko na mai detalye ng pa isa isa. Hangang sa nakita nyang naka Crocs ako, sinabi nya na wag ko ng ikontest dahil flips flops daw ang kinabibilangan ng CROCS kahit closed pa ito. So hindi na ako nakipagtalo pa, nasa akin na ang lisensya ko, nagpasalamat ako sa Hepe at humingi na din ng dispensa sa abala, pati na din sa mga Yellow boys ng Bacoor. May video ito, panoorin nyo.

Isa pa, ni hindi alam ng mga traffic enforcer ang ordinansang pinapatupad nila, basta naka open pipe ka, timbog ka. Ngaun, tinanong ko na din kung pag nakita nila na may rubber silencer eh huhulihin ba nila? Hindi naman daw, dahil tahimik na daw yun.

Yung isang LTO Law enforcer naman ay sinabing kung sya daw ang manghuhuli ay hindi daw open pipe ang kaso, kung hindi noisy pipe daw, What? Eh di kailangan pa din ng decibel meter nun? Ano ba ito, anong nangyayari sa mga officer natin. Well, ingat lang mga ka tropa, dahil kung hindi nyo alam ang loop holes sa batas na pinatutupad eh, pang hihinaan kayo ng loob at bayad ng tupayb. Charot!!

pinatigil din ni hepe yung video, tinanong ko sya kung bakit, baka i youtube ko daw, natawa na lang ako. 

pasensya na sa video, ang hirap makipag usap kasabay na mag bidyograper

St Dominic area
https://www.youtube.com/watch?v=nDw7O2wOxck&feature=youtu.be

LTO Imus

https://www.youtube.com/watch?v=SikI3ss50H0&feature=youtu.be


Oh, rally na!! 

12 comments:

  1. Sir, correction lang po. Hindi po 1 foot lang ang layo ng measuring device sa tip ng pipe kundi at least 20 inches at a 45 degree angle. The height of the mic should be at the same height as the tip. Ang pinagbasehan po ng test na yan ay ang SAE J2825.

    ReplyDelete
  2. two thumbs up para sayo sir gene

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Nahuli din ako jan sa may sm bacoor...hindi ko nman alam na bawal na. kse nga nung araw lng nun ako pumunta ng bacoor after ilang months.. 2500 po pala ang multa...dont try na.lagyan ung enforcer kse sa paghuli palang sa akin may tip na sila. Nag tanong ako sa kaibigan ko kung what mgandang gawin so he adviced me what to do.So ang ginawa ko nun pumunta ako ng munisipyo ng bacoor sa mayors office pakita ko ticket mo sa front desk sabi ko nahuli ako open pipe... Hintay ko ung ticket after ilang hours pagbalik nuon may pirma na... Imbis na 2500. 1250 nlng babayaran ko.. So aun kinuha ko sa molino 3 ung lisensya ko.. Un nga lang nag bayad padin ako... Pero at least discounted... So guys baon nalang tau ng silencer pag dadaan sa bacoor.. I bought mine 50 pesos lng.... Hope this could be a help to others

    ReplyDelete
    Replies
    1. slamat sir..unahin muna po pla nmen puntahan ang munsipyo bgo sa molino 3..bak makdisc. dn kme,,d po tlga kaya ang 2500..ang lke e..

      Delete
    2. sir ask lng po,,my kakla2 po b kau sa municpyo ng bacoor kya bumaba ung bnayaran nyo?wla po kc kme kla2 e..

      Delete
  5. i need to do the same in munisipyo asap. bwisit.. sayang ang 2500 on this nonsense law.

    nang huhuli sila ng open pipe sa hapon o tanghaling tapat... dpat nga sa gabi sila.. at ganun din ngyari sakin.. walang sound meter gadget n ginawa... kala ko. nasa hundreds lng ang penalty..kaya binigay ko n ung lisensya ko... pero bullshit talaga ang 2500,, king ina nila.

    ReplyDelete
  6. nahuli ako last sept, andun pa lisensya ko. sa tmo bacoor molino 3 daw kukunin? tama ba yun? 2500 nga. dun pa din kaya lesensya ko kung puntahan ko dis week.thanks mga paps sa sasagot.

    ReplyDelete