Riding Group Business
By: Gene B. Ulag
Ilang taon na din ang nakalipas, ilang Riding Group na din
ang naitayo, at nabuwag. May nag Solo, may nagtayo ng bagong grupo at maraming
hindi na sumama sa grupo.
Nakakatuwa din naman kasi pag may grupo ka, feeling mo,
In-na-In ka, naka Vest, naka wang wang pa yung iba, may blinkers at kung todo
get up pa.
Nakakatuwa ding makakita ng mga riders na tumutulong sa
kapwa riders nilang nasisiraan sa daan. Saludo ako sa mga ganyan.
Pero karamihan din ay pa epal lang, yung mga wala namang
alam, tapos mag re-rescue sa mga nadisgrasya. Bwisit tayo sa mga ganyan.
Well, mabalik tayo, bakit ba kasi Riding group business ang
pangalan ng artikulong ito. Bakit nga ba? Yung mga grupo ngayong naglalabasan,
may monthly pondo, yung isa may monthly dues pa nga eh. Required bumili ng
vest, t-shirts, stickers at kung ano ano pang ka ek-ekan. At hindi lang iisang
grupo ito, marami sila.
Marami din akong nabalitaan na matapos mawala ang pondo eh
may bagong motor na yung Presidente nila. O may bagong bahay, napagawa ang
bahay o naka ahon sa buhay. Nakakatawa di ba?
Na yung ibang grupo na sanay magiging pangalawang pamilya mo
ay “Negosyo” pala ang habol sa inyo.
Nasaan na ang Camaraderie na nooy usong uso sa mga riders na
katulad natin, na nag sasama sama tuwing Linggo para ma ride. Walang isyu ng
babayaran o kailangang bilhin para maging “IN” ka sa grupo.
Naalala ko noon ang Sunday Breakfast Riders o ang grupong
SBR. Madalas din akong sumama sa grupo na yan dahil bukod sa kakilala ko ang
mga organizer eh, walang kaartehan ang grupo na yan, pag may motor ka, at gusto
mong sumama, sumama ka lang.
Eh ngayon, pag sasali ka sa grupo, matapos ng requirements
na tambay at ride, kailangan mong bumili ng vest, stickers, tshirts o minsan,
Radyo. May monthly dues kang dapat bayaran kasi member ka nila. As if naman na
magagamit mo yang monthly dues nay an kung madisgrasya ka.
Tunay ngang nag evolved na ang mga Motorcycle clubs ngayon,
dahil noon, basta may motor, may safety gear at makakasunod sa patakaran eh
good na yan. Ngayon, ang dami ng ka ek-ekan.
Nawala na ang tunay na sense ng pag mo-motor, yung isang
grupo, feelingerong mga rescuer at kung ano ano pa, na lahat ng lang ng aberya
sa kalsada kahit hindi nila alam eh pinapelan na.
May iba namang “tagapagtangol ng riders” pero hanggang
ngayon walang nagawang maayos. Hindi ko masabing nakita ko ng lahat, pero sapat
na yung mga nakita kong mga mapag samantalang nilalang na nasa Riding Community
na marami ang sasang-ayon saken panigurado.
Isipin mo, kung bakit sinisiraan nila ang isat isa ay dahil
ano? Dahil sa Negosyo!! Kayong mg auto-utong riders ay negosyo lang sa kanila. Wala
silang pake kung ano trip mo basta makaka bili ka ng merchandise eh Good sa
kanila yan.
Kaya threat sa kanila ang ibang grupo dahil sa laki ng
perang involved. Bakit? Akala nyo ba daan daan lang ang involved dito? Libo
libo to milyon mga kapatid.
Kaya nakakatawa yung ibang riders na proud na proud pa sa
ginagawa nila. Sawsaw ng sawsaw sa mga isyung hindi naman nila alam.
Malaking threat sa kanila si Col. Bosita dahil nagbibigay
sya ng free safety seminars sa ibat ibang lugar dahil pag nangyaring lumawak
ang mga maniniwala sa kanya, eh masisira ang flow ng negosyo nila.
No RIDERS, No MONEY.
Sakit Bes no? Pero yan ang realidad ng Riding Group ngayon,
BUSINESS. Once na humingi sila ng pera para sa pondo na hindi maipaliwanag kung
saan dinadala, alam mo na ang sagot. Mag solo rider ka na lang. O sumama ka dun
sa mga rider din na hindi naniningil ng kung ano ano.
Ang siste ngayon, palakihan ang pangalan ng grupo sa VEST,
pero kupal pa sa kupal magmaneho. Wala din. Nakakahiya pa yung grupo nila dahil
proud na proud pa sa pagiging bastardo magmaneho sa kalsada.
Eh paano na? Kupalan na lang?
Matatanda naman na kayong lahat, napaka daling hulihin ng
mga BULAANG PROPETA. Know the history, do some research para malaman nyo kung
sino ba talaga ang nagpapahalaga sa inyo at kung sino ang hindi.
Isang MASAGANANG UMAGA mga KA-MOTOR!!!
PS:
Hindi ako konektado kay Col Bosita or sa RSAP.
Alam mo naman ang mga haters nating makakabasa nito, ikokonek agad ako nyan
kasi nabangit ko sya.
Kilabutan nga kayong mga hindot kayo. May mga utak kayo pero ayaw nyong
gamitin.
No comments:
Post a Comment