Saturday, April 29, 2017

Anti Modification Law at ibapa




Anti Modification Law at ibapa.
By: Gene B. Ulag

Well, heto nanaman tayo, nagkakagulo, lalong lalo na ang Motorcycling Community ng dahil sa muling pagbuhay ng LTO jan sa “Anti-Modification Law” na, alam naman nating pare pareho na nakatuon lamang sa mga nag mo-motor.

2008 noong ito ay sinimulan, ng dating Secretary ng LTO na si Suansing. Nilabanan ng grupong MRO (Motorcycle Rights Organization) sa pangunguna ni Jobert Bolanos. Matapos ang ilang balitaktakan at pakikibaka, napa hinto ito. Hindi ko na iisa isahin pa yung mga kaganapan dahil aabutin tayo ng isang hardbound book pag ginawa ko yon.

Ngayon ay binuhay nanaman, Malaki siguro talagang pera ang kailangan nila at sa mga mahihirap na rider lang talaga siguro itinutuon ang paglikom ng salapi. Well, mejo OA lang yung mahihirap na rider. Alam mo na. Para ma emphasize lang.

Pero bakit ko ba binangit? Hindi naman kasi lahat ng nasa kalsada na nag mo-motor eh BigTime. Karamihan eh lower up to middle class lang, na yung pag dagdag ng aksesorya nila sa motor nila ay nagdadala ng kasiyahan at kakuntentuhan at kadalasan ay PRIDE pa nila ito dahil, aminin natin, hindi naman lahat ng Pilipino eh kayang umiskor ng sasakyan. Hipokrito ka pag hindi ka sumang-ayon.

So ayun na nga, bawat mag iiba yata ang liderato ng hindot na LTO na yan eh binubuhay ang “Anti Modification Law” nay an, napakalabo nyan eh, nagiging dahilan lang yan ng karagdagang kurapsyon sa hilera ng mga LTO at iba pang traffic enforcers.

Hindi mo din naman masisisi ang ibang rider na hindi nakaka-alam na bigla na lang magugulat na may nailabas na palang batas tungkol sa ganyan.

Karamihan ng rider eh ginagamit ang motor nila sa hanap buhay. Kadalasan ay wala ng oras para mag online at alamin kung ano ang “IN” ngayon.

Bakit ba sablay ang batas na yan? Dahil ang mga gumawa nyan ay hindi naman nagmo-motor, kung nag mo-motor man, eh naka hanay sa mga Elitistang Rider na hindi alam ang sitwasyon o karanasan ng mga regular na rider.

Ang dami daming puedeng gawin ng LTO para umayos ang hilera ng mga Rider at Driver. Unang una ay ang paghihigpit sa pagbibigay ng putang inang LISENSYA.

Speaking of Lisensya, hangang ngayon, marami pa din ang walang CARD makatapos magpa rehistro ng dalawang taon. PUTANG INA, Bayad ka na’t lahat lahat, wala pa din yung card mo. Yan ang pangalawa.

Pangatlo at ay pag-sasa ayos ng mga plaka. Parang lisensya, rehistrado ka na ng ilang taon, pero wala ka pang plaka, at ang mga PUTANG INA, sa dealer itinuturo ang problema dahil matagal daw magpa rehistro. Kung hindi ba naman dalawang kalahating mga ULOL hindi ba, sila ang nag-i-issue ng plaka eh.

Yan oh, 3 pa lang yan samga mas priority nila dapat na gawin, wala pa jan ang lantarang KURAPSYON sa opisina nila. Pero ang ginawa ng mga hindot, nag FOCUS sa batas na magiging daan pa para maabuso ang Riding Community.

So, since nabuhay nanaman yan, pasukan nanaman ang mga pa EPAL na Riding Groups. Pero magandang negosyo yang riding groups. Mag recruit ka ng marami, I train mo ng isang araw, padaanin mo lang sa slalom, bigyan ng kaunting chika tungkol sa pag mo-motor and VOILA, Negosyo na sya. Pagawa ng Vest, benta ng Tshirt, Patches, stickers at iba pa. LOL. Mautak ka BATA! Samantalang yung mg auto-uto naman, Sali ng Sali na akala mo, Legit Riding school talaga ang pinasukan kasi makatapos ng ilang oras nilang training, akala mo mga hagad na umasta ang mga hindot eh, todo blinkers, may radio at may wang-wang pa. Kita mo nga naman, pangarap yatang mag hagad eh.

Well, mabalik tayo..

Kinansela ng LTO ang No OR / CR – No Travel Policy nila, pero may catch. Basahin mo, isang click lang ito.

So sa ngayon, tuloy pa din yang kaululan ng LTO tungkol sa modification ng motor, hindi lang din sa regular na rider pahirap ito eh, pati sa mga MC Builder din natin, dahil sa kalabuan ng batas na yan.

Dahil hindi alam ng mga nagpapatupad kung ano ang basehan, dahil hindi rin alam ng may akda kung ano ang mga puede at hindi. Hidi naman mga riders yang mga yan, paano nilang malalaman ang mga bagay na hindi nila alam, tapos ang mga kinukuha pa eh mga walang matinong pag iisip. San tayo dadalhin ng "PROGRESO" kung ang mga taong nasa likod ng mga suhestyon na yan ay may hidden agenda sa bawat isa. 

Yup, you heard me. Akala nyo ba magkaka tropa yang mga hindot na yan? NOPE! You're wrong. Hindi, pakitang tao lang yan, pero sa likod ng utak nyan, dapat isa lang ang matira. 

Bakit? Malaking pera ang kasama sa negosyo nila. 

So, dead end nanaman ba tayo dito? Hindi natin alam, pero noong araw, napa suspend natin yan kasama ang mga supporters ng MRO. Dahil noon ay nagkakaisa pa, hindi katulad ngayon na, papogian na lang at paramihan ang laban kasama ang mga uto-utong riders na akala mong alam ang history ng mga pangyayayari, hindi ko rin masisisi ang ilan, ang gagaling magsalita ng mga hindot na yun eh. Lalo na yung isa. Jeskelerd. 

Well, BTW, heto yung video ng unang laban natin sa Anti Mod Law ni Suansing. 






Madami tayong kasama jan from MCP Forums, na hangang ngayon ay supporters pa din ng patas na batas para sa nag mo-motor. 

Makikita sa video ang inyong lingkod kasama ang aking grupong SHOGUN ELITE CLUB, Si ASTEK at marami pang iba. 

Dapat isipin natin lage kung saan tayo nag umpisa, para may motivation ba. 

RIDE SAFE MGA KAKOSA!!!


















No comments:

Post a Comment