Saturday, April 29, 2017

C5 at C6 Roads



C5 Extension at C6

Ilang buwan ang nakaraan, binuksan ang C5 Extension na karugtong ng Kaingin jan sa Paranaque, tagos ito palabas ng Service Road at tumbok ng Merville Exit ng SLEX.

Mabilis na daan lalo pat hindi ka na iikot sa PHIMRA para dun sa may mga stickers noon para makadaan, plus less gastos sin kahit papano. Kasi noong hindi pa bukas yan, dun kami nakikidaan sa PHIMRA. Dahil kung hindi mo gagawin yun, ay iikot ka pa sa Airport para makapunta ng Gate 3.

Malaking ginhawa naman talaga dahil mapuputol ang travel time mo ng malaking kilometro idagdag mo pa ang traffic jan sa terminal 3 dahil ginagawa yang NAIAEX na halos apat na taong nagbigay ng matinding traffic sa mga motorista.

So nagbukas na nga, at meron ding wideining na ginagawa, dahil nga sinakop ng mga freight company yung daan, hindi ko sure kung legit o hindi pero ginigiba na yung mga nakakasakop sa dapat daanan nung C5 extension.

Kaso mo, parang nakikinita ko na ang mangyayari ditto sa C5 extension na ito, magiging katulad ito nung C6 jan sa Bicutan – Pasig – Taytay. Bakit kanyo?

Eh malalaking trucks din ang nadaan jan pag gabi, dagdag pa na yung mga cargo freights eh jan din nakaparada, ilang sasakyan na at motor ang nadisgrasya jan dahil lang sa nakapark yung trailer nila sa tabi ng kalsada na walang warning device. Walang ilaw ang mga poste jan pag gabi kaya “SURPRISE MOTHERFUCKER” na lang ang labanan.

Mabuhangin din sa kurbada dahil ilang riders na din ang na aktuhan kong sumemplang jan. Yung part na aspalto din ay lubak lubak na, katulad na katulad nang nangyari sa C6 dahil hinayaan nilang daanan ng malalaking truck ang sub-standard na pagkakagawa nila sa kalsadang yan.

So kung dadaan ka sa C6 at hindi ka pamilyar sa lubak, maaari kang madisgrasya o masiraan ang sasakyan mo. Pero anong sabi ng DPWH at MMDA jan? Hindi daw nila sakop yan habang nagtuturuan sa bawat isa. Dedma din naman ang mga nakakasakop na Syudad. Pakialam naman nila jan, wala ngang ilaw ang poste eh. May ilaw yung bukana na galling Bicutan pero makatapos ng ilang daang metro, wala na.

Maganda sanang daanan yan dahil mabilis. Kaso mo napabayaan, sub-standard ang pagkaka aspalto sa kalsada, makikita mong manipis lang at ipinatong, dalawang taon na din ang nakakalipas pero ang mga lubak, hindi nabawasan, bagkus dumagdag pa, kapag tag ulan, todong putik ang dadaanan mo, kung tag araw naman, zero visibility sa alikabok ang daanan.

Ano pa ba ang dapat asahan natin sa Gobyerno? Kick back na kaliwat kanan sa bawat proyekto.
Inilalagay sa bingit ng aksidente ang mga tao. Kawawa naman tayo.

Kung kayo ay madadaan jan sa dalawang kalsada na yan, mag ingat lang at hinay hinay sa patakbo. Baka madale kayo.




No comments:

Post a Comment