Thursday, October 19, 2017

The INFAMOUS, KAMOTE RIDER PAGE
By: Gene B. Ulag



It’s been a while since I wrote up an article on this site. I was busy watching people complaining about BULLSHITS and stuff. A lot of issues has been resurfaced and up until now…

Teka, bat ba nag i-Ineglish ako?! Mejo tinamad akong magsulat ng ilang buwan, nag hiatus ako ng 5 months at gusto ko sana ay isang bagsak na lang ng sulat ang gagawin ko para sa lahat ng issue na nabalitaan ko, napaanood o nakita.

Unahin natin ang isang pinaka bago, pinag uusapan at mainit pa sa syota mo. I present you, the INFAMOUS, KAMOTE RIDER PAGE.

Ano ng aba itong KAMOTE RIDER PAGE na ito? Bakit maraming nagagalit? Maraming naiinis? At Marami ding sumasali.

Never kong nakilala sa personal ang “Creator” ng page na yan, hindi rin kami BFF o friends sa facebook (FYI lang dun sa mga fans ko ha, baka sabihin nyo nanaman eh..Ina nyo!).

Pero ano nga ba ang goal ng page na yan? Sa personal kong pananaw? I am an OPEN Critic of Jobert Bolanos and the other big names in the Riding Community. Some of them are my friends or atleast former friends. Nagka tablahan dahil sa opinion, yung iba dahil sa PRIDE lalo na si Martin Misa. Well to cut the story short, I’m not against them, I am just ANTI BULLSHIT.

Matagal ko ng sinabi yan, binangit ko na din sa mga write ups ko, pero kasi itong KAMOTE PAGE na ito ay nagging isang venue para ilabas ang mga saloobin na nararamdaman ng mga RIDERS towards sa kaputang inahan ng iba. Lalo na sa mga grupong nasalihan nila.

Naging isang Freedom Wall, or it is much better to describe it as “Freedom Page” where you can air your sentiments and get the “Realest” reaction you can get. Sa dami ng pananamantala ng mga “So-called” Riding Community Leaders, sila sila nanga mismo nagsisiraan at nagpa plastikan. RIDERS ang nag sa suffer sa galawang tolonges nila.

The history goes back 14-15 years ago. Ganun na katagal na may nanloloko sa riders at ganyan na din katagal na may mga nau-uto. Sakit Bes no? Pero totoo eh.

Ilang grupo na ba ang nasira dahil sa pera? Ilang grupo na ang nagkawatak watak dahil feeling ng Presidente nila eh sya ang panginoon ng grupo nila? Di mo na mabilang?

Kaya pumatok ang page na yan dahil tulad ko, ANTI BULLSHIT din yan. Ang dami kong kilalang legit na riders jan, MATINONG RIDERS. Oo, kinokondena nila ang mali, pero ano ba dapat ang gawin sa mali para maging tama? Hindi ba dapat KONDENAHIN?

Nagkalabasan ng baho ang ibang grupo na, para sa akin ay mas maige, para ma expose sila sa kanilang pananamantala sa ibang rider. Hindi negosyo ang pagtatayo ng Riding Club, ang goal dito ay “to share the same passion, build brotherhood and camaraderie”. Pero san na ba napunta ang goal na yan? 

Naging pataasan na ng IHE ng bawat miembro at opisyal. Ibang tinginan toward sa ibang grupo. Nasan na ang camaraderie na dapat ay itinataguyod natin as a Riding Club? WALA NA!
Business na ang tingin nila sa bawat Rider na sasali sa grupo nila. Kaya tayo hindi binibisita ng ALIENS eh. Ang dami pa ding mga HINDOT na mapagsamantala. At MARAMI RING DIYOS ANG TINGIN NILA SA MGA LEADER NG GRUPO NILA.

Mga ULOL!!! Ang tatanda nyo na, nauuto pa kayo ng ganyan?

Kaya patok na patok sa karamihan ang KAMOTE RIDER PAGE. Ako, personally I enjoyed the comments, post and issues. Nagulat ako sa mga bagong issues kasi, personally, nawalan na ako ng gana sa mga issues nila sa RG, MCPF at MRO, they bore me na. Kasi paulit ulit, iisa lang ang kinababagsakan, PRIDE and EGO. Fuck them kahit hindi nila aminin yan.

Kaya itong page na ito ay nagging avenue ng ibang rider na hindi marinig ang boses sa grupo nila. It’s an uprising, an ANARCHY. Kung talagang leader yang mga Presidente ng grupo nyo, they will not treat KAMOTE PAGE as a threat, kasi dun nila malalaman na may issue pa la silang dapat I address.

At hindi lang naman RIDING GROUPS ang binabatikos jan, pati na din ang WRONG DOINGS ng mga riders / cagers sa kalsada kaya tigil tigilan nyo ang pag arte na para kayong mga artista. 

ANTI BULLSHIT hindi ANTI RIDER. Hindi ka tanga, kaya wag kang magpaka tanga. 

“You can judge a man on how he address his problems”. Pamilyar? Dapat ganyan ang galawan, hindi yung, ngak-ngak ka ng ngak-ngak na akala mo naman may bayag ka pero ang alam naman natin talaga ay wala. Wala na tayo sa Stone Age, nasa Computer Age na tayo, Social Media ay isa sa pinaka malakas na avenue to expose BULLSHITS.

Nireport yung page ngayon pero may Version 2.0 na, sabi nga nila, “We don’t die, we MULTIPLY”. Para sa mga naiintriga sa page nay an, search lang sa FB “KAMOTE RIDER PAGE 2.0”.


1 comment:

  1. Di ko lang gusto yung asal kamote na pananalita ng miyembro nila at bastos minsan sa mga comments at non-sense nalang na posts. Mga baliw ba sila? hindi edukado? what's the purpose? ganyan ba dapat magsalita at mag finger sa ka-member? puro arrested development ata mga miyembro eh. Pero itong blog mo ok to.. Educate and revolt against discrimination and bad road behaviour. Peace!

    PS. pwede po pakilakihan font?

    ReplyDelete