Lobo na
nakadamit TUPA.
By: Gene B.
Ulag
Napakaraming issue nanamang nagdaan sa maliit na mundo ng pag
mo-motorsiklo. Tinatamad na nga akong sumulat dahil paulit ulit ang drama na
para bang eksena sa telebisyon sa hapon. Walang pagbabago.
May maaapi, may kakampi, may babalimbing at may mag ta
traydor. Paulit ulit na eksena. Parang Eksema na bumabalik balik kahit ilang
beses mo ng nilagyan ng Canesten.
Pero ang naka kuha ng pansin kong sumulat ulit, ay itong HPG –
Riders tandem na binibigyan nila ng “Maliit” na otoridad ang mga “Rider” na
maging kaisa sa paninita sa mga kapwa rider nilang nagamit ng LED LIGHTS.
WOW!! Petmalu. Ibig sabihin kasama na sa checkpowents ang mg
auto-utong rider na ito? Aba, magaling! Mas lalo sigurong magiging “Galawang
Parak” ang mga hindot.
Well, nitong mga nagdaang buwan, mainit na mainit ang
balitaktakan, awayan, diskusyunan tungkol sa pangungumpiska ng mahuhusay nating
HPG sa mga led lights na gamit ng rider at ng maingilan-ngilan ding Cagers.
Na kahit sumusunod ito sa inilabas na “MEMORANDUM” ng LTO na
hndi more than 6 bulbds per side, not higher than your handle bar at hindi
nakabukas sa well lighted streets at kinukumpiska pa din ng HPG kasama ang mga
amuyong nilang “Rider Makapili”.
Ewan ko ha, pero putang ina, hindi ako magpapauto sa mga
hindot nay an para lang makaporma at mag feeling “espesyal” sa mga checkpoints.
Dahil yang maliit na kapangyarihan na yan ay magiging dahilan pa ng korapsyon…
At, heto na po. Nagkatotoo na ang ikinakatakot ng karamihan.
Ilang auxiliary members ng HPG na riders ay nahuli, hulaan
nyo ang kaso. EXTORTION! Yup, you read that right. Pangingikil.
Nope, hindi lang yan,may iba pang nahuli din bukod sa
dalawang tungaw na yan.
At para naman dun sa mga “Tangang Rider” na sunod ng sunod sa
mga TALIPANDAS nilang lider.
Hindi alinsunod sa batas ang pangungumpiska ng Auxiliary
lights katulad ng LED lights na karamiwang gamit ng Riders sa kanilang motor.
Wala sa RA4136 at wala din sa PD96. (Search Google please,
paki intindi na din).
Kaya naman, gamitin nyo naman ang utak nyo, sumama sa tamang
grupo, wag magpalinlang sa kung ano anong sinasabi ng mga “Bulaang propetang
Lider ng mga Rider” na wala namang ginagawa para labanan ang mga batas na
nagpapahirap sating mga RIDER.
Ang hirap sa karamihan, REKLAMO NG REKLAMO pero wala namang
ginawa para labanan ang mga maling gawain laban sa atin. Hindi kalian man
nakawalis ng dumi ang isang pirasong ting-ting, dapat pagsasama samahin mo para
makawalis ng dumi. Pag sasama-sama dapat ang gawin para mawalis natin ang mga
DUMI na nagpapahirap sa RIDERS.
Matagal na dapat na nagsama sama at nagkaisa ang mga RIDERS
eh, kaso parami ng parami din ang mga tatanga tangang RIDERS kaya nasan na tayo
ngayon? Heto, hiwa-hiwalay. Kanya kanyang suporta sa mga amo nila na hindi
naman alam kung ano ang ipinaglalaban.
Wag magpa uto. Ang tatanda nyo ng mga herodes kayo.
Para sa mga RIDERS na patuloy na lumalaban sa pang aabuso at
diskriminasyon laban sa mga nag mo-motor. SALUDO ako sa inyo.
Para naman sa mga sunod ng sunod sa mga amo nila na UTAK
TAHO, para sa mga RIDERS na nagging makapili sa kapwa nila RIDERS.
Isang MALUTONG NA.. PUTANG INA NYO. MAGTAE SANA KAYO NG
CACTUS.
Heto oh, naka SMILE pa ang mga HINDOT.
Time!!!
No comments:
Post a Comment