Saturday, April 29, 2017

Anti Modification Law at ibapa




Anti Modification Law at ibapa.
By: Gene B. Ulag

Well, heto nanaman tayo, nagkakagulo, lalong lalo na ang Motorcycling Community ng dahil sa muling pagbuhay ng LTO jan sa “Anti-Modification Law” na, alam naman nating pare pareho na nakatuon lamang sa mga nag mo-motor.

2008 noong ito ay sinimulan, ng dating Secretary ng LTO na si Suansing. Nilabanan ng grupong MRO (Motorcycle Rights Organization) sa pangunguna ni Jobert Bolanos. Matapos ang ilang balitaktakan at pakikibaka, napa hinto ito. Hindi ko na iisa isahin pa yung mga kaganapan dahil aabutin tayo ng isang hardbound book pag ginawa ko yon.

Ngayon ay binuhay nanaman, Malaki siguro talagang pera ang kailangan nila at sa mga mahihirap na rider lang talaga siguro itinutuon ang paglikom ng salapi. Well, mejo OA lang yung mahihirap na rider. Alam mo na. Para ma emphasize lang.

Pero bakit ko ba binangit? Hindi naman kasi lahat ng nasa kalsada na nag mo-motor eh BigTime. Karamihan eh lower up to middle class lang, na yung pag dagdag ng aksesorya nila sa motor nila ay nagdadala ng kasiyahan at kakuntentuhan at kadalasan ay PRIDE pa nila ito dahil, aminin natin, hindi naman lahat ng Pilipino eh kayang umiskor ng sasakyan. Hipokrito ka pag hindi ka sumang-ayon.

So ayun na nga, bawat mag iiba yata ang liderato ng hindot na LTO na yan eh binubuhay ang “Anti Modification Law” nay an, napakalabo nyan eh, nagiging dahilan lang yan ng karagdagang kurapsyon sa hilera ng mga LTO at iba pang traffic enforcers.

Hindi mo din naman masisisi ang ibang rider na hindi nakaka-alam na bigla na lang magugulat na may nailabas na palang batas tungkol sa ganyan.

Karamihan ng rider eh ginagamit ang motor nila sa hanap buhay. Kadalasan ay wala ng oras para mag online at alamin kung ano ang “IN” ngayon.

Bakit ba sablay ang batas na yan? Dahil ang mga gumawa nyan ay hindi naman nagmo-motor, kung nag mo-motor man, eh naka hanay sa mga Elitistang Rider na hindi alam ang sitwasyon o karanasan ng mga regular na rider.

Ang dami daming puedeng gawin ng LTO para umayos ang hilera ng mga Rider at Driver. Unang una ay ang paghihigpit sa pagbibigay ng putang inang LISENSYA.

Speaking of Lisensya, hangang ngayon, marami pa din ang walang CARD makatapos magpa rehistro ng dalawang taon. PUTANG INA, Bayad ka na’t lahat lahat, wala pa din yung card mo. Yan ang pangalawa.

Pangatlo at ay pag-sasa ayos ng mga plaka. Parang lisensya, rehistrado ka na ng ilang taon, pero wala ka pang plaka, at ang mga PUTANG INA, sa dealer itinuturo ang problema dahil matagal daw magpa rehistro. Kung hindi ba naman dalawang kalahating mga ULOL hindi ba, sila ang nag-i-issue ng plaka eh.

Yan oh, 3 pa lang yan samga mas priority nila dapat na gawin, wala pa jan ang lantarang KURAPSYON sa opisina nila. Pero ang ginawa ng mga hindot, nag FOCUS sa batas na magiging daan pa para maabuso ang Riding Community.

So, since nabuhay nanaman yan, pasukan nanaman ang mga pa EPAL na Riding Groups. Pero magandang negosyo yang riding groups. Mag recruit ka ng marami, I train mo ng isang araw, padaanin mo lang sa slalom, bigyan ng kaunting chika tungkol sa pag mo-motor and VOILA, Negosyo na sya. Pagawa ng Vest, benta ng Tshirt, Patches, stickers at iba pa. LOL. Mautak ka BATA! Samantalang yung mg auto-uto naman, Sali ng Sali na akala mo, Legit Riding school talaga ang pinasukan kasi makatapos ng ilang oras nilang training, akala mo mga hagad na umasta ang mga hindot eh, todo blinkers, may radio at may wang-wang pa. Kita mo nga naman, pangarap yatang mag hagad eh.

Well, mabalik tayo..

Kinansela ng LTO ang No OR / CR – No Travel Policy nila, pero may catch. Basahin mo, isang click lang ito.

So sa ngayon, tuloy pa din yang kaululan ng LTO tungkol sa modification ng motor, hindi lang din sa regular na rider pahirap ito eh, pati sa mga MC Builder din natin, dahil sa kalabuan ng batas na yan.

Dahil hindi alam ng mga nagpapatupad kung ano ang basehan, dahil hindi rin alam ng may akda kung ano ang mga puede at hindi. Hidi naman mga riders yang mga yan, paano nilang malalaman ang mga bagay na hindi nila alam, tapos ang mga kinukuha pa eh mga walang matinong pag iisip. San tayo dadalhin ng "PROGRESO" kung ang mga taong nasa likod ng mga suhestyon na yan ay may hidden agenda sa bawat isa. 

Yup, you heard me. Akala nyo ba magkaka tropa yang mga hindot na yan? NOPE! You're wrong. Hindi, pakitang tao lang yan, pero sa likod ng utak nyan, dapat isa lang ang matira. 

Bakit? Malaking pera ang kasama sa negosyo nila. 

So, dead end nanaman ba tayo dito? Hindi natin alam, pero noong araw, napa suspend natin yan kasama ang mga supporters ng MRO. Dahil noon ay nagkakaisa pa, hindi katulad ngayon na, papogian na lang at paramihan ang laban kasama ang mga uto-utong riders na akala mong alam ang history ng mga pangyayayari, hindi ko rin masisisi ang ilan, ang gagaling magsalita ng mga hindot na yun eh. Lalo na yung isa. Jeskelerd. 

Well, BTW, heto yung video ng unang laban natin sa Anti Mod Law ni Suansing. 






Madami tayong kasama jan from MCP Forums, na hangang ngayon ay supporters pa din ng patas na batas para sa nag mo-motor. 

Makikita sa video ang inyong lingkod kasama ang aking grupong SHOGUN ELITE CLUB, Si ASTEK at marami pang iba. 

Dapat isipin natin lage kung saan tayo nag umpisa, para may motivation ba. 

RIDE SAFE MGA KAKOSA!!!


















C5 at C6 Roads



C5 Extension at C6

Ilang buwan ang nakaraan, binuksan ang C5 Extension na karugtong ng Kaingin jan sa Paranaque, tagos ito palabas ng Service Road at tumbok ng Merville Exit ng SLEX.

Mabilis na daan lalo pat hindi ka na iikot sa PHIMRA para dun sa may mga stickers noon para makadaan, plus less gastos sin kahit papano. Kasi noong hindi pa bukas yan, dun kami nakikidaan sa PHIMRA. Dahil kung hindi mo gagawin yun, ay iikot ka pa sa Airport para makapunta ng Gate 3.

Malaking ginhawa naman talaga dahil mapuputol ang travel time mo ng malaking kilometro idagdag mo pa ang traffic jan sa terminal 3 dahil ginagawa yang NAIAEX na halos apat na taong nagbigay ng matinding traffic sa mga motorista.

So nagbukas na nga, at meron ding wideining na ginagawa, dahil nga sinakop ng mga freight company yung daan, hindi ko sure kung legit o hindi pero ginigiba na yung mga nakakasakop sa dapat daanan nung C5 extension.

Kaso mo, parang nakikinita ko na ang mangyayari ditto sa C5 extension na ito, magiging katulad ito nung C6 jan sa Bicutan – Pasig – Taytay. Bakit kanyo?

Eh malalaking trucks din ang nadaan jan pag gabi, dagdag pa na yung mga cargo freights eh jan din nakaparada, ilang sasakyan na at motor ang nadisgrasya jan dahil lang sa nakapark yung trailer nila sa tabi ng kalsada na walang warning device. Walang ilaw ang mga poste jan pag gabi kaya “SURPRISE MOTHERFUCKER” na lang ang labanan.

Mabuhangin din sa kurbada dahil ilang riders na din ang na aktuhan kong sumemplang jan. Yung part na aspalto din ay lubak lubak na, katulad na katulad nang nangyari sa C6 dahil hinayaan nilang daanan ng malalaking truck ang sub-standard na pagkakagawa nila sa kalsadang yan.

So kung dadaan ka sa C6 at hindi ka pamilyar sa lubak, maaari kang madisgrasya o masiraan ang sasakyan mo. Pero anong sabi ng DPWH at MMDA jan? Hindi daw nila sakop yan habang nagtuturuan sa bawat isa. Dedma din naman ang mga nakakasakop na Syudad. Pakialam naman nila jan, wala ngang ilaw ang poste eh. May ilaw yung bukana na galling Bicutan pero makatapos ng ilang daang metro, wala na.

Maganda sanang daanan yan dahil mabilis. Kaso mo napabayaan, sub-standard ang pagkaka aspalto sa kalsada, makikita mong manipis lang at ipinatong, dalawang taon na din ang nakakalipas pero ang mga lubak, hindi nabawasan, bagkus dumagdag pa, kapag tag ulan, todong putik ang dadaanan mo, kung tag araw naman, zero visibility sa alikabok ang daanan.

Ano pa ba ang dapat asahan natin sa Gobyerno? Kick back na kaliwat kanan sa bawat proyekto.
Inilalagay sa bingit ng aksidente ang mga tao. Kawawa naman tayo.

Kung kayo ay madadaan jan sa dalawang kalsada na yan, mag ingat lang at hinay hinay sa patakbo. Baka madale kayo.




Saturday, April 22, 2017

Riding Group Business




Riding Group Business
By: Gene B. Ulag

Ilang taon na din ang nakalipas, ilang Riding Group na din ang naitayo, at nabuwag. May nag Solo, may nagtayo ng bagong grupo at maraming hindi na sumama sa grupo.

Nakakatuwa din naman kasi pag may grupo ka, feeling mo, In-na-In ka, naka Vest, naka wang wang pa yung iba, may blinkers at kung todo get up pa.

Nakakatuwa ding makakita ng mga riders na tumutulong sa kapwa riders nilang nasisiraan sa daan. Saludo ako sa mga ganyan.

Pero karamihan din ay pa epal lang, yung mga wala namang alam, tapos mag re-rescue sa mga nadisgrasya. Bwisit tayo sa mga ganyan.

Well, mabalik tayo, bakit ba kasi Riding group business ang pangalan ng artikulong ito. Bakit nga ba? Yung mga grupo ngayong naglalabasan, may monthly pondo, yung isa may monthly dues pa nga eh. Required bumili ng vest, t-shirts, stickers at kung ano ano pang ka ek-ekan. At hindi lang iisang grupo ito, marami sila.

Marami din akong nabalitaan na matapos mawala ang pondo eh may bagong motor na yung Presidente nila. O may bagong bahay, napagawa ang bahay o naka ahon sa buhay. Nakakatawa di ba?
Na yung ibang grupo na sanay magiging pangalawang pamilya mo ay “Negosyo” pala ang habol sa inyo.

Nasaan na ang Camaraderie na nooy usong uso sa mga riders na katulad natin, na nag sasama sama tuwing Linggo para ma ride. Walang isyu ng babayaran o kailangang bilhin para maging “IN” ka sa grupo.

Naalala ko noon ang Sunday Breakfast Riders o ang grupong SBR. Madalas din akong sumama sa grupo na yan dahil bukod sa kakilala ko ang mga organizer eh, walang kaartehan ang grupo na yan, pag may motor ka, at gusto mong sumama, sumama ka lang.

Eh ngayon, pag sasali ka sa grupo, matapos ng requirements na tambay at ride, kailangan mong bumili ng vest, stickers, tshirts o minsan, Radyo. May monthly dues kang dapat bayaran kasi member ka nila. As if naman na magagamit mo yang monthly dues nay an kung madisgrasya ka.

Tunay ngang nag evolved na ang mga Motorcycle clubs ngayon, dahil noon, basta may motor, may safety gear at makakasunod sa patakaran eh good na yan. Ngayon, ang dami ng ka ek-ekan.

Nawala na ang tunay na sense ng pag mo-motor, yung isang grupo, feelingerong mga rescuer at kung ano ano pa, na lahat ng lang ng aberya sa kalsada kahit hindi nila alam eh pinapelan na.

May iba namang “tagapagtangol ng riders” pero hanggang ngayon walang nagawang maayos. Hindi ko masabing nakita ko ng lahat, pero sapat na yung mga nakita kong mga mapag samantalang nilalang na nasa Riding Community na marami ang sasang-ayon saken panigurado.

Isipin mo, kung bakit sinisiraan nila ang isat isa ay dahil ano? Dahil sa Negosyo!! Kayong mg auto-utong riders ay negosyo lang sa kanila. Wala silang pake kung ano trip mo basta makaka bili ka ng merchandise eh Good sa kanila yan.

Kaya threat sa kanila ang ibang grupo dahil sa laki ng perang involved. Bakit? Akala nyo ba daan daan lang ang involved dito? Libo libo to milyon mga kapatid.

Kaya nakakatawa yung ibang riders na proud na proud pa sa ginagawa nila. Sawsaw ng sawsaw sa mga isyung hindi naman nila alam.

Malaking threat sa kanila si Col. Bosita dahil nagbibigay sya ng free safety seminars sa ibat ibang lugar dahil pag nangyaring lumawak ang mga maniniwala sa kanya, eh masisira ang flow ng negosyo nila.

No RIDERS, No MONEY.

Sakit Bes no? Pero yan ang realidad ng Riding Group ngayon, BUSINESS. Once na humingi sila ng pera para sa pondo na hindi maipaliwanag kung saan dinadala, alam mo na ang sagot. Mag solo rider ka na lang. O sumama ka dun sa mga rider din na hindi naniningil ng kung ano ano.

Ang siste ngayon, palakihan ang pangalan ng grupo sa VEST, pero kupal pa sa kupal magmaneho. Wala din. Nakakahiya pa yung grupo nila dahil proud na proud pa sa pagiging bastardo magmaneho sa kalsada.

Eh paano na? Kupalan na lang?

Matatanda naman na kayong lahat, napaka daling hulihin ng mga BULAANG PROPETA. Know the history, do some research para malaman nyo kung sino ba talaga ang nagpapahalaga sa inyo at kung sino ang hindi.

Isang MASAGANANG UMAGA mga KA-MOTOR!!!

PS:

Hindi ako konektado kay Col Bosita or sa RSAP. 
Alam mo naman ang mga haters nating makakabasa nito, ikokonek agad ako nyan kasi nabangit ko sya. 
Kilabutan nga kayong mga hindot kayo. May mga utak kayo pero ayaw nyong gamitin.