Friday, January 22, 2016

Tulang Napapanahon






Natataranta ang mga RIDER, Sa ordinansang inilabas ng LTO
Kung makapag comment parang mga LAWYER, Sila pa ay nagtatalo talo

Kesyo ganito daw dapat at hindi ganon
Labag daw sa batas ang ipinapatupad ng LTO ngayon
Dahil apektado ang ilaw nila, na pinagbuhusan ng salapi at panahon.

Teka nga, awat muna, matanong ko ikaw
Ano ba ang alam mo tungkol sa inilagay mong ILAW
Alam kong ang gusto mo lang ay makita ang madilim na daan
Nang ang disgrasya ay iyong maiwasan

Sige nandun na tayo, naiwasan mo ang disgrasya
Naisip mo bang sa iba’y nakakasilaw ka?
Hindi naman sa daan nakatutok ang ilaw mo
Kung hindi sa mata ng kasalubong mo


Perwisyong ituring at masakit sa mata
Ang puting ilaw, na nakatutok sa mata
Nakita mo nga ang daan at ikaw ay ligtas sa disgrasya
Eh paano naman ang mananakay na iba?

Mahirap bang isipin din ang kapakanan ng iba?
Yun bang hindi ka nakaka perwisyo at lahat ay Masaya
Ngayong nagka aberya at ikaw ay puro ngawa
Kesyo labag sa karapatan mo at wala kang magawa

Nabasa mo na ba ang batas tungkol dyan?
Tama ka nga, puedeng maglagay bastat iyong susundan
Ang itinakdang batas tungkol sa ilaw mo na yan
Na dapat papatayin mo kapag may kasalubong ka sa daan

Nakatutok dapat sa kalsada, at hindi sa mata
Nang kawawang kasalubong mo, na nagkada pikit na
Sa SILAW na inabot, ng puti mong ILAW na salot
Hindi ka nga nadisgrasya, kami naman ang muntik masalot

Nagkalat ang Jejemong RIDER, na nahilig sa ilaw
LED na sa harap, sa gilid, sa manibela,Hindi pa nakuntento at may blinker pa
Pinag iipunan pa nga daw nya, ang isang set ulit ng ilaw para sa likod nya

Yung isang GRUPO ng rider, Mag RALLY na daw agad
Dahil nilabag daw ng LTO ang karapatan nila, kaya dapat agad agad
Kutsabahin ang iba, lasunin sa maling paniniwala
Para daw malaman kung ano ang lakas nila


Jeskelerd! Chuvanes! Kayoy nakaka INES
Yung isa, panay pa ang INGLES
Ang SARAP pektusan ng malutong, na parang pritong galunggong

Alamin ang batas para hindi magmukhang tanga
Wag puro ngawa, samahan din ng gawa
Magbasasa basa at ng malaman ang totoo
Nang hindi ka mukhang tanga
Sa harap ng LTO.








Tuesday, January 19, 2016

Tamang Helmet

(Picture was taken by me on a bus going to Bacoor, a rider, inside Coastal Road, using a 400cc bike but wearing a bicycle helmet)


REPUBLIC ACT NO. 10054


AN ACT MANDATING ALL MOTORCYCLE RIDERS TO WEAR STANDARD PROTECTIVE MOTORCYCLE HELMETS WHILE DRIVING


Isang batas na alam naman nating pare pareho na makakapagbigay ng proteksyon sa atin mananakay ng malaking porsyento sa oras ng aksidente.

Well, marami na din ang nag he-helmet na riders ngayon, yun ang nakakatuwa sa batas na yan, ang hindi nakakatuwa ay yung mga taong nagsusuot ng helmet na hindi naman pang motor. Toinks!

May na encounter na akong suot ay yung pang Construction na helmet, yung safety hat na kung tawagin, yung iba naman ay yung pang bisikleta, at marami pang ibang alternatibong pantakip sa ulo para proteksyunan ang kanilang mga UTAK na parang ipinahid lang.

Oo, nagkalat ang mga sub-standard na helmet sa bansa, hindi rin naman mapigilan ng autoridad na magbenta ang karamihan. Dahil ang sinasabing basehan lamang sa batas na RA10054 na kapag may ICC o BPS sticker ay pasado na ito at yan ay mababasa sa Section 5 ng RA10054

“Section 5. Provision of Motorcycle Helmets. - A new motorcycle helmet which bears the Philippine Standard (PS) mark or Import Commodity Clearance (ICC) of the Bureau of Product Standards (BPS) and complies with the standards set by the BPS shall be made available by every seller and/or dealer every time a new motorcycle unit is purchased and which the purchaser may buy at bis option. Failure to comply with the requirements provided under this section shall constitute a violation of this Act.

Na hindi naman natin alam kung ano ang standard ng BPS so kung may ICC o BPS sticker ka, pasok na sa banga yan.

Nakahawak na ba kayo ng sub-standard na helmet? Na kahit ang mismong dalawang kamay natin ay kayang itupi?

Yang mga klaseng helmet na yan ay lantarang binebenta sa RAON, sa PIER at sa ibat ibang parte pa ng kaMaynilaan. Ito yung mga HELMET na “Can Afford” ng mahihirap na rider, kasi nga daw mas mura.

Madalas pa, ang gamit naman ng mga scooterista “Breezy Boys” ay yung nutshell helmet na gamit pambisikleta.

Una, kaya nga tinawag ito na pam bisikleta dahil ang impact na kaya nito ay yung impact na pang bisikleta lang din, low speed kumbaga, high speed impact ang sa motorsiklo at kung madidisgrasya kayo na gamit ang helmet na pambisikleta ay mas may tendency na, alam mo na, mauna kayo.

Yung mga sub-standard helmet na yan ay naglalaro din naman sa presyong, 800-1,5k, may mas mababa pa tulad ng mga half face na nasa 400 pataas lang. Kung kaya naman ng ibang bumili ng tig 1,5k na helmet, konti na lang ang idadagdag nila at makakakuha na sila ng helmet na mas maayos tulad ng Spyder (Paps Telly, sponsor ko, Char!), LS2, Zeus, KYT, HJC at marami pang iba.

Atleast, dito sa mga helmet na ito ay mas Malaki ang tyansa mong maligtas sa oras ng aksidente. Hindi yung makikipag pustahan ka na puede kang mamatay dahil sa sub-standard na helmet na gamit mo.

Or kung hindi talaga afford, may mga rich kids tayo jan na nagbebenta ng 2nd hand helmets na maayos din naman. Bakit hindi yun ang bilhin.

Kesa naman, bumili ka ng sub-standard na helmet, dahil sabi mo nga ay hindi mo afford, tapos bibili ka ng pang cover na “predator” na nagmumukha ka lang din naming timang.

Bukod sa hindi proportion sa katawan nyo yung laki nung pamatong sa helmet eh mukha pa kayong mga sirkerong kulang sa pansin.

Pasensya na, pero hindi ko talaga na tripan yang style na yan, pang Costplay siguro, OO, pero sa actual napag mo-motor, mukhang tanga. Tumesting ako one time, may kabigatan pa sa ulo, isang maaaring maging dahilan nang pagka disgrasya. No offense dun sa Predator na Motorcycle Club ha. 

Pero it’s a No-No to me.

So, helmet, pinaka importanteng proteksyon sa ating ULO. Mas unahin sana ito, hindi yung kung ano anong pagpapa lowerd, panipis ng gulong, pa chrome, palagay ng nakaka bulag na LED lights, Open pipe na napaka mamahal ang unahin, HELMET muna sana.

Pormadong pormado ang motor, lintek ang accessories, kesyo branded lahat ng naka install, Puta-kte, ang HELMET, pambisikleta. Anak ng Puta! Hallerrr! Kesyo, mahal daw kasi. LOL. Tolonges di ba?

Mahal nyo naman siguro ang pamilya nyo, kung wala man kayong pamilya, kahit yung motor nyo na lang. Kung gusto nyo pang ma enjoy mag motor. Abay gamit gamit din ng maayos na helmet.

Ilang beses ko na ding napaliwanag kung bakit. Isa din sa prinsipyo ko yung FREEDOM of CHOICE, pero ito ay dapat mandatory sa ating RIDERS.









Saturday, January 9, 2016

Galawang “Tolonges” Rider

Galawang “Tolonges” Rider
By Gene B. Ulag



Manigong Bagong Taon sa inyong lahat na pilit na pilit ang pag subaybay sa napaka Brutal, malupit sumampal, at para sa iba’y kupal na BLOG ko. Masakit talagang tangapin ang katotohanan kapag narinig mo to.

Well, Bagong Taon na, baka trip nyo ding baguhin yang mga EGO nyo na daig pa ang pusong mamon sa pagiging sensitibo. Siempre, nagbabalik ulit tayo para sa isa nanamang artikulo na ikabu bwiset ng mga UTAK TAHO nating kasama sa Riding Community.

Bago ko pala simulan, Maraming maraming Salamat sa patuloy na pag suporta sa Motorsiklo News Magazine, may mga na published na po tayong artikulo sa MNM na galling po mismo sa ating blog site. At salamat din po sa panonood ng Motorsiklo News Talk Show tuwing Byernes ng gabi, well appreciated po ang inyong pagpupuyat. Ang mga pangunahing host po jan ay sina Mel Aquino, Titan Hawk at ang Helmetologist na si Telly Buhay. Siempre may segment tayong SELF DEFENSE 101 at ako po ang host.

So, ayun na nga, ang ibubulalas ko ngayon ay yung mga Galawan ng ibang RIDER  sa kalsada. Abay napakarami po nito, mula sa pag susuot ng helmet, pag susuot ng helmet ng TAMA
paninigarilyo habang nag mo-motor, mga nakakasilaw na LED lights, yung mga naka hazard na wala namang emergency at napakarami pang iba, kaya mahaba haba itong babasahin nyo, kaya bago nyo simulang basahin, maging NEUTRAL na muna at wag masyadong damdamin ang EGO para na din ma enjoy mo ang artikulo.

PAG SUOT NG HELMET:

REPUBLIC ACT NO. 10054
AN ACT MANDATING ALL MOTORCYCLE RIDERS TO WEAR STANDARD PROTECTIVE MOTORCYCLE HELMETS WHILE DRIVING AND PROVIDING PENALTIES THEREFOR


Isa na pong batas ang pag susuot ng helmet sa buong kapuluan. Dahil na din sa maraming insidente ng aksidente nang motorsiklo. Batay sa pag aaral ng University of California, nabawasan ng 40.3% ang fatalities sa mga motorcycle related accidents noong 1991 to 1993 bago pa maging epektibo ang helmet law sa California.

So ang ibig sabihin ay may malaki talagang tulong ang pagsusuot ng helmet. #BOOM
Dito sa atin, itoy na implementa noong July 27, 2009. Unang araw ng implementasyon, hulihan dito, hulihan doon ang nangyari, dahil ganito naman tayong mga Pinoy, ningas kugon.

Makatapos ng ilang taon, gaano pa din ba kahigpit ang pag mo-motor ng walang helmet?

Dito sa Bacoor, madalas pa din akong makakita ng rider na walang helmet, enforcer na walang helmet, mga pasaway na walang helmet.

Nung isang Linggo, may mga nanghuhuli ng walang helmet, pero isang araw lang yata nila ginawa yun. Dahil kinabukasan, wala nanaman sila. Hindi naman na ako nagtataka.

Hindi ko din mawari kung bakit marami pa ding nag iisip nang

“Malapit lang naman eh, din a ako mag he-helmet”

“Magugulo ang buhok ko eh”

Madasalas, may angkas pang mga bata, na wala ding helmet. Ako ay noon pa man eh, hindi na sang ayon sa pag aangkas ng bata sa motor na mas bata pa sa 10 taong gulang. Pero, may mga magulang pa din na parang walang pakialam sa mga anak nila. Kesyo, hindi naman daw sila madidisgrasya.

Hindi ko alam kung kalahi nila si Madam Auring o si Jojo Acuin at kung makapang hula ay masyadong accurate. Kasi sa aking pag kaka-alam ay, kaya nga tinawag na aksidente ito, ay dahil hindi mo alam na mangyayari.

Isa pa, may mga riders ding kalahati lang ang pag susuot ng helmet, yung tipong nakapatong lang sa ulo, tapos hind naka strap. Hindi ko alam kung anong pauso ito, pero mas hindi ka magiging kumportable jan dahil yung bigat ng helmet ay nasa likuran ng ulo mo, na nagiging dahilan na ma stress ang leeg mo, Oo, hindi mo mararamdaman kaagad, pero in the long run. Pasok ka sa banga.

Marami na ngang SUB STANDARD na helmet, may mga “DOT” certified pang nakasulat at may ICC sticker pa. Pero alam naman nating pare pareho na hindi aprubado at delikadong isuot dahil kapag nadisgrasya ka, imbes na may tsansa ka pag mabuhay eh wala na. Yung mga helmet na parang papel na sa gaang, na murang mura makukuha sa Raon, or yung kadalasang libre pag bumilika ng motor. Yung mga tabo helmet na kasing nipis ng plastic na balde ang kapal.

May kamahalan ang maayos na helmet, pero ito naman ay proteksyon natin sa ating mga ULO bakit hindi natin pag ipunan at ng makabili tayo ng maayos.

Ang siste eh, mas inuuna pa ang abubot sa motor para masabing maporma ang motor kesa sa proteksyon na mas kailangan natin. Tengeneng yan! Kung hindi ba naman mga UTAK TAHO yang mga hindot na yan!
Ni hindi pa nakakarating sa bahay ang bagong biling motor, nabilhan na agad ng rear set, manipis na gulong at rims, mga LED na nakakasilaw at kung ano ano pa, pero ang helmet, yung TABO helmet na libre sa casa.
Maraming affordable ay mahusay na helmet tulad ng SPYDER  (Baka ma isponsoran ako ng SPYDER Papa Telly, hehehehehe).

 Well, kidding aside, may SPYDER akong helmet noon, at naka dalawang balibag TAE din ako sa helmet ko na yan. Since full face ang gamit ko. Walang tama ang inabot ng aking napaka gwapong mukha. Masasabi kong ding Mahusay ang ZEUS may kabigatan ng kaunti pero matibay at yan ay kayang patunayan ng marami.
At marami pang iba na affordable at matibay, kailangan nyo lang maghanap at mag GUGEL.

Ako ay PRO-CHOICE, at choice ko ang mag suot ng helmet, ke malapit o malayo. Oo, isang dahilan na ay gusto kong magkaron ng pag asang mabuhay kapag akoy naaksidente. Dahil na din akoy pamilyado at maraming umaasa sa akin. Ok lang magulo ang buhok ko (Kung meron man) Wala akong pakialam kung malapit lang yan, basta ang choice ko ay mag helmet. Mag suot ng maayos na helmet at isuot ito ng tama.

PANINIGARILYO HABANG NAG MO-MOTOR:

Ok sige, nabo-boring ka sa traffic o sa long ride. Kaya mo naisipang mag sigarilyo.

Hithit dito, buga doon, habang naka hinto ka sa traffic light.

Naisip mo bang may ibang rider na hindi naninigarilyo? Na kada buga mo ay naaamoy ang usok ng sigarilyo mo?

Na pag naandar ka na ay yung upos ng sigarilyo mo ay napupunta sa mukha nila kadalasan?

Well malamang hindi, kasi kung naiisip mo yun, dapat hindi ka naninigarilyong deputa ka. Hindi lang dahil, mauusukan mo sila, dahil na din sa BATAS na ang pagbabawal ng PANINIGARILYO sa pampublikong lugar.

Republic Act No. 9211   


AN ACT REGULATING THE PACKAGING, USE, SALE DISTRIBUTION AND 
ADVERTISEMENTS OF TOBACCO PRODUCTS AND FOR OTHER PURPOSES


Hindi man direktang binangit na ipinagbabawal ang paninigarilyo habang naka motor, ngunit ang kalsada ay itinuturing na public place pa din.

Oo, maraming loop holes sa batas natin at hindi ako abogado para maging eksperto dito. Pero, common sense na lang, hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Magsigarilyo ka sa tamang lugar!

NAKAKASILAW NA AUXILIARY LIGHTS:

Nabangit ko na ang mga nakaka silaw na LED LIGHTS dito sa nauna kong blog post na “Standard get up para sa RIDERS” > http://bikersworld101.blogspot.com/2015/11/standard-get-up-para-sa-riders-by-gene-b.html

Nakakairita ang mga ilaw na pag nakasalubong mo eh akala mong kinukuha ka na ng LORD. May 12 LED bar na, may dalawa pang 6 led bar. Kasabay pa ng kung ano anong blinker sa motor na akala mo ay laging may emergency.

Malabo ang mata? Hindi makita ang daan? Ano bang dahilan ang meron kayo? PORMA? Kahit na, nakaka perwisyo sa ibang motorista?

Abay, palakpakan, IBANG KLASENG TANGA KA!

Ang sarap mong palakpakan, sa MUKHA!

Ok lang mag LED LIGHTS at kahit Xmas lights pa yang ilagay mo sa motor mo, ang akin lang eh, pag may kasalubong ka, patayin mo, dahil wala namang low beam yang mga hindi putang LED nay an eh, nakatutok sa mata ng kasalubong nyo.

O, basahin nyo to, hango ito sa RA 4136:
ARTICLE IV
Accessories of Motor Vehicles
c) Headlights. – Every motor vehicle of more than one meter of projected width, while in use on any public highway shall bear two headlights, one on each side, with white or yellowish light visible from the front, which, not later than one-half hour after sunset and until at least one-half four before sunrise and whenever weather conditions so require, shall both be lighted.
Additional lamps and light may be carried, but no red lights shall be visible forward or ahead of the vehicle. Trucks, buses, trailers, and other similar vehicles must carry, while in use on any public highway during night-time, colored riding lights on each of the four corners not more than ten centimeters from the top.
All motor vehicles shall be equipped with devices for varying the intensity of light, and the driver must dim the headlights or tilt the beams downward whenever the vehicle is being operated on well-lighted streets within the limits of cities, municipalities, and thickly populated barrios or districts, or whenever such vehicle meets another vehicle on any public highway.

Kung ok lang sa inyo na mabulag ng kasalubong nyo eh wala kaming pakialam, basta ang sa amin ay, patayin yang LED lights nyo pag may kasalubong kayo. Dahil, hindi nyo naman maitututok sa baba yan ng biglaan, so patayin nyo na lang.

Delikado ang masilaw dahil hindi nyo nakikita ang nasa unahan nyo. Masyadong naiirita ang mata at nawawala ang atensyon sa kalsada.

Minsan, may mga nuknukang din ng tanga, na pati sa likod ay may LED BLINKERS.

May kakilala akong ganyan, naka super 4, feeling LESPU ang datingan, may radio, harap likod may blinker, at take note, kilala itong tolonges na ito sa riding community. Minsan, nakuhanan ng video at picture nung isang rider at na I post sa isang page ng motor sa facebook, na bash dahil nga pati likod nya ay may blinkers na nakasisilaw sa mga motorist.

Alam kaya nyang bawal ito? O dahil na carried away lang sya dahil ang club nya ay maraming dati at active law enforcers na sa tingin nya ay law enforcer na din sya?

Oh heto, para sa kaalaman ng iba na puro pag mo-motor lang ang alam at hindi man langm aka pag GOOGLE.

PRESIDENTIAL DECREE No. 96 January 13, 1973
DECLARING UNLAWFUL THE USE OR ATTACHMENT OF SIRENS, BELLS, HORNS, WHISTLES OR SIMILAR GADGETS THAT EMIT EXCEPTIONALLY LOUD OR STARTLING SOUNDS, INCLUDING DOMELIGHTS AND OTHER SIGNALLING OR FLASHING DEVICES ON MOTOR VEHICLES AND PROVIDING CERTAIN EXCEPTIONS THEREFOR

Lakas ng blind item no?!

Ang pinupunto ko lang, nandun na tayo, hindi mo makita ang daan, o malabo ang mata mo, konsiderasyon naman, pag may nakasalubong ka, patayin mo, dahil nasisilaw kami. 

Hindi mo itutok sa mukha mo yan ng malaman mo ang sinasabi namin. Wag puro porma tsong, magkasilbi ka din sana.

PAG GAMIT NG HAZARD LIGHTS, ROAD ETIQUTTE AT IBA PANG CHUVA:

Marami pa din nito, ilang beses ko na din itong nabangit sa aking mga artikulo. Marami pa ding rider ang hindi alam kung ano ang silbi ng HAZARD LIGHTS.

Maka ilang beses din akong may tinanong na naka HAZARD nab aka kako ay may problema at matulungan ko, ang kadalasang sagot sa akin ay “Porma lang bro”.

Anak ni BINAY!?! Ano?! Anong ikina porma nyan? Hindi naman yan ang silbi ng pag gamit ng hazard light. Ginagamit ito kung may EMERGENCY ka. Kelan pa naging pamorma yan?!

Karamihan sa riders natin, sila yung mga natuto lang magpa takbo ng motor, sila yung mga hindi masyadong ma-alam  / marunong sa batas pang kalsada.

Halimbawa na lang sa West Service Road galling ng Villamor Airbase papuntang Merville, yan ay 2 laner lang, and YES, BROKEN WHITE LINE ang road marking dito, meaning na puede kang mag overtake basta gamitin mo ang signal lights mo para malaman ng kasunod mo at ng makakasalubong mo, pero hindi ibig sabihin na sa GITNA ka dumaan. Pero, karamihan ng nakakasabay ko eh, nabusina pa habang binabaybay ang gitnang linya.

Wet depek?!

Anong trip ng mga ito?! Ito lang eh isang halimbawa na ang ilang mga RIDER ay walang alam sa ROAD MARKINGS sa atin. Bakit ba inilagay itong mga ROAD MARKINGS na ito? Ito ay para maiwasan ang aksidente sa kalsada. Hindi para madisgrasya, ilang disgrasya na din ang nasaksihan ko jan sa service road nay an na involve ang motor na nasa gitna ng dalawang lane.

Heto, ilang artikulo na puedeng basahin para sa kaalaman ng karamihan.



KAKA GO SIGNAL PA LANG, TODONG BUSINA NA AGAD:

Etiketa, Common sense at respeto sa motorista.
Yung bang, kaka go pa lang ng traffic light, yung nasa likod mo, kung maka busina eh akala mo, mamamatay na sya.

Na encounter nyo na ito, maaaring pinapalampas nyo lang o hindi pinapansin pero lagging may ganito sa stoplight.

Marami na ding ROAD RAGE involving cagers and riders dahil sa galawang ito. Hindi ko din mawari kung bakit may mga UTAK TAHO  talagang motorista at kailangan pang gawin ito.

Hindi ba mahintay na umandar na lang at wag ng bumusina? Lahat naman tayo paniguradong may kanya kayang dahilan pero kadalasan eh SOLID NA KABOBOHAN lang din naman.

Bagong taon na, Bagong Galawan na din sana. Masakit sa bangs pag na e-encounter mo eh. Sarap paputukan ng Goodbye Philippines sa Pwet!

Cool lang sana at kalma lang guys. LOL. Para maayos ang pagpasok ng taon sa ating lahat. Marami ding buhay ang naisugal jan sa mga insidenteng nagiging road rage. Ito ay ang iniiwasan nating mangyari.
Ang tatapang pa naman ng lahi nating mga Pinoy. Ayaw magtalo.

So, hangang sa muli (Batibot line) wag kalimutang manoon ng Motorsiklo News Talk Show tuwing Byernes sa ganap na alas 10 ng gabi, kung gusto nyo namang mapanoon online, I search lang sa youtube ang “Motorsiklo News Magazine”.

Salamat sa pagbabasa at Muli, Manigong Bagong Taon.