Thursday, September 17, 2015

Parking Etiquette

Parking Etiquette

Magandang araw ka-Motor. Pag usapan natin kung paano ka mag-parada (park) ng iyong iniingatang motor.

Naka side stand ba o center stand? Hindi naman lingid sa atin na may dalawang klase ng stand ang karamihan ng motor puera sa mga general sports motorcycle (category)  tulad ng Dirt bikes o MX bikes at ang siempre, race bikes or mas kilala sa tawag na “sports bike” o kadalasan ay yung mga cruiser bikes na may isang stand lang na makikita sa kaliwang bahagi nito (side stand).

Ikaw, paano mo ba ginagamit ang magkaibang Motorcycle stand na ito? Bakit ko naitanong kanyo, ito ay sa dahilang napakarami pa din na nag mo-motor na hindi alam ang function ng mga nabangit na klase ng “stand” sa kanilang motor.

Well, napaka simple lang naman, heto: (itoy aking sariling pananaw)

Side stand: Ginagamit lang ito kung may mabilisang kang bibilhin o gagawin at kailangan mo ding makabalik sa motor mo agad agad. Yung timpong nasa tindahan ka lang at bumili ng kung ano.

Center stand: Ginagamit naman ito kung saan alam mo na matatagalan ka sa pupuntahan mo.

(Picture taken at SM Bacoor, bikes are using Center Stand)


Simple hindi ba? Pero bakit may mga rider pa ding hindi ito naiintindihan? Hindi bat mas kombinyenteng sundin ang mga ito?

At bakit ko din ginawan ng issue ang pag gamit ng stand? Well, ganito kasi yun (sa tonong batanguenyo).

Sa parking lot, dapat mas ginagamit ang Center Stand dahil nga kaya ka gumamit o pumasok sa parking lot ay paniguradong matatagalan ka sa pupuntahan mo. Tama hindi ba? 

O dapat, yung center stand ang gamitin para mas stable ang pagkakaparada ng motor mo at hindi prone sa pagbagsak.

Dahil alam naman natin na sa parking lot ng motor ay kadalasang siksikan at hindi maiiwasang iurong ang motor mo para magkasya ang sa kanila. Ngayon, kung naka lock ang manibela mo at naka side stand ka, imbes na mas madali ang pag urong ay nagkakaron pa ng extra effort dahil nga naka lock ang manibela mo at hindi ka naka center stand.

Todong tantyahan ang nangyayari, hindi ko naman sinasabi na wag mong ilock ang manibela mo, ang pinupunta ko dito ay yung ibang rider na nagpaparada na masyadong “Maparaan”. Yung bang konting butas lang eh ipipilit pang ipasok ang motor nila makapag park lang. 

Kung talagang maluwag naman, eh choice mo na ang mag side stand, pero hindi ko pa din ina-advise kasi nga, pag nasabi ang manibela mo ng malakas lakas ay prone ito sa pagbagsak.

Matutuwa ka bang Makita yung motor mo na basag ang side mirror? O dented ang salamin? O basag ang signal lights? Tabingi ang lever? Panigurado hindi, kaya siguro sa pag sunod sa kung paano gamitin ang mga “stands” na ito ay hindi rin naman makakasama sa inyo.



Itong mga simpleng bagay na ito ay makakatulong din kahit papano sa congestion ng parking natin at panigurado na mas kampante kang umalis dahil alam mong mas stable ang motor mo kahit masagi sya.

Dahil alam naman natin na sa bungkos ng mananakay na yan ay may isang utak taho na walang pakialam sa motor ng iba. Mas maige na ang kampante, tama ba?


No comments:

Post a Comment