A very bad experience
at ANTIPOLO STAR RESORT
Isang Sabado ng aming mapag kasunduan na mag Team Building,
Muntikan na ngang hindi matuloy dahil sa mga kanya kanyang lakad ng bawat
indibidwal. Ngunit ng lumaon ay natuloy din at napankasunduan na sa Antipolo na
lang ganapin dahil may mga resort naman sa Antipolo, Nauna naming napag isipan
ang Bosay Resort ngunit masyado namang public ang Bosay kayat na I suggest ng
isa naming kasama na sa Antipolo Star resort na lang ganapin ang espesyal na
araw para sa aming Team.
Dal’wang araw bago ang Sabado ay nag down na ang nag suggest
na sa Star resort na ganapin ang Team Building, ang napag kasunduan ay alas
otso ng umaga hangang alas otso ng gabi ay puede kaming manatili sa resort at
gamitin ang mga pasilidad nila.
Maagang dumating ang aking mga kasama dun, bago mag alas
Nueve ay nandun na sila. Magandang lugar ang Star Resort lalo nat makikita mo
dito ang parte ng Teresa via Overlooking, hindi pa tapos gawin dahil may mga
ginagawa pa sa bandang baba ng nasabing resort.
Masaya naman ang kinalaunan ng buong araw, masayang nag
tampisaw sa pool, naglaro ng habulan at siempre… Videoke.
Mga alas-singko ng mag simula kaming mag Pinoy Henyo, (isang
kilalalang laro na pinasimulan ng Eat bulaga, Isang pang tanghalian na
palabas). Masayang tawanan at harutan nadin. May pa premyong Mamon at
Tsokolate. Patuloy ang kasiyahan ng maya maya ay lumapit ang isang crew ng Star
Resort at sinabihan kaming “Hangang alas sais” na lang daw kami puedeng
maglagi, nagtaka ang karamihan dahil ang usapan sa binayaran ay “hangang alas
otso”.
Tumayo at kinausap ng isa naming kasama na syang nagbayad
kung bakit biglang ganon ang desisyon, ngunit sinabi naman ng crew na, ang
swimming pool lang daw ang sarado ng alas sais, so balik kami ulit sa paglalaro
nang wala nang inaalintanang mangyayari.
Maya maya ay dumating ang isang Banyaga, na may artipisyal
na kanang binti. Na parang nasigaw na kailangan nanaming umalis, at dahil nga
na nakausap nanamin ang isa sa mga crew ng resort ay kampante lang kami.
Mga limang minute pa, biglang bumalik ang banyaga na may
artipisyal na paa at kinuha ang firemans hose na at TANGKANG mamasain ang
cottage naming kung saan nandoon an gaming mga kagamitan. Kung hindi pa kami
nagsitayo ay tuluyan na nyang babasain ito.
Nag init ang ulo ng karamihan dahil nga sa bastos na
pamamaraan ng banyagang ito na sa ngaun ay alam na naming sya ang May-Ari.
Nung nakita na nya nakami ay nag empake ng mabilis ay saka
sya tumalikod at binomba ang cottage sa harap naming.
At kung mapapansin nyo sa mga litrato ay bitbit ang mga gamit na nagmamadaling umalis ang grupo sa takot na basain ng banyagang may ari.
NAPAKABASTOS… NAPAKABASTOS..
Ang punto ko, Una, kahit sya pa ang may-ari ay wala syang
karapatang gawin yun sa mga nagpupunta sa resort nya. Pangalawa, kami ay
nagbayad sa napag kasunduang renta ng hindi naman humingi ng diskwentrong pang
adi8k para itaboy kami ng ganon. Pangatlo, Sana ay hindi na lang sya nag tayo
ng negosyong Resort kung ganun lang din ang ugali nya, sana ay ginawa na lang
nyang “rest house” ang resort nya.
Dahil, nga napaka pangit ng aming naging karanasan diyan sa
Resort na yan ay HINDI KO NIREREKOMENDA na puntahan nyo ito. Malaman nat
Maganda ang View dahil over looking ito, Ngunit kung ayaw nyong masira ang araw
na dapat ay ika-ka “RELAX” nyo ay maghanap na lang kayo ng ibang lugar at wag
ng ganapin ito sa STAR RESORT ANTIPOLO.
For our foreigner visitors,
If you guys want to enjoy your special day, spend it
somewhere else, not at STAR RESORT ANTIPOLO.
I’ve visited a couple of resorts in Antipolo where you can
spend your day without the hassle of a stupid owner, putting up a public resort
business and handling the business wrong. My suggestion to the owner is CLOSE
THE RESORT and just make it your REST HOUSE or YOUR VERY OWN PRIVATE RESORT
THAT I DON’T WANT SOME PEOPLE AROUND or YOUR “SHOVE IT TO MY ASS” VILLA.
If I will rate it without the owners stupidity, it will be
(from 1-10) 5. But with the owners stupidity it’ll be -7.
So there you go, STAR RESORT ANTIPOLO. A BIG NO NO!!!
so sad to hear that... .. bago plng yung resort,yet may negative blog n agad
ReplyDeleteYeah, the resort owner can't handle business.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete