Monday, December 15, 2014

Bawal na daw ang OPEN PIPE sa PAETE


Picture grabbed from Mistah_Suave from facebook. 



Isang Bayan nanaman ang naki USO sa pag babawal ng “OPEN PIPE”. Palakpakan po natin ang Bayan ng Paete.

Paniguradong naiirita ito sa ingay na naririnig nila, mga harurot ng mga kabataang may dalang motor na wala pa yatang lisensya at walang helmet. Kaya ayun, MOTOR nanaman ang pinag diskitahan.
Uulitin ko ulit, Hindi ko din gusto ang maingay na motor. Sino bang may gusto ng biglang haharurot ang motor sa kalaliman ng tulog mo, que umaga oh gabi?! Wala. Walang may gusto.
Eh bakit kaya nila ipinag bawal ang “OPEN PIPE” ayun doon sa kanilang “NOTICE TO THE PUBLIC”.

Eh kasi siempre maingay, [paulit ulit tayo pucha].

Ibig sabihin nito ay sisitahin na nila ang mga mayroon maingay na tambutso, Maingay kamo diba? Paano ba nating masasabing maingay ang isang bagay? Paano ba natin malalaman, oh, PANUKAT!! Ang galing nyo mga bata, kailangan natin ng PANUKAT, kung walang panukat at ang gagawin lang ay tataasan ang siliyador para masabing maingay ang motor, tama ba ito mga BATA?!

Siempre MALI, dahil panigurado akong ganyan din mismo ang gagawin ng ating magigiting na enforcer ng Bayan ng Paete.

Nandoon na po tayo Kagalang Galang na Alkalde Mutuk, Maingay talaga sya, kung susugpuin natin ang INGAY na ito, eh dapat po nasa tamang proseso. Ooooppsss, PROSESO?! Itong ordinansa bang ito ay dumaan sa tamang proseso?! Dahil kung titingnan eh, isang malaking CHECK, na hindi dumaan ang ordinansa sa BRAIN STORMING na tinatawag. Bakit kamo?! I break down natin.

1.       Maingay na Tambutso – OPEN PIPE; Kapag sinabi pong OPEN PIPE, ang ibig sabihin po nito ay putol po ang CANNISTER o MUFFLER na naka dikit sa PIPE. Meaning, yung TUBO lang dapat. Kung wala itong CANNISTER o MUFFLER na ito ay, mag iingay po ang TAMBUTSO at maglalabas ng amoy gasolinang amoy. Oh, san ko po nalaman yan? Ah, binasa ko po yung RA 4136, Chapter 3, Article 4, Section J. Na nagsasabing

-          (j) Mufflers. - Every motor vehicle propelled by an internal combustion engine shall be equipped with a muffler, and whenever said motor vehicle passes through a street of any city, municipality, or thickly populated district or barrio, the muffler shall not be cut out or disconnected. No motor vehicle shall be operated in such a manner as to cause it to emit or make any unnecessary or disagreeable odor, smoke or noise.

Ito po ay sa Article 4, Accessories of Motor Vehicles. RA 4136 ay ang ating basehan sa mga batas pantrapiko sa ating bansa. At malinaw naman diyan na sinabing, dapat na ang MUFFLER o CANNISTER ay dapat na hindi putol, para hindi ito mag ingay o mag labas ng mabahong amoy. Bukod doon ay wala na pong iba. Bawal ang maingay, pero wala po tayong DECIBEL limit na tinatawag sa ordinansang yan, Oo, luma na ang ordinansang ito at kailangan na nating repasuhin, ngunit yan ay hindi ko naman na trabaho, kaya may mga tumatakbong CONGRESSMAN para samga gawaing yan. So, tama po ba ang ordinansang pinatutupad nyo ngayon?! Yung ANEST answer lang. kasi kung TAMBUTSO lang eh, lahat ng JEEP na nadaan sa Paete ay walang MUFFLER o CANNISTER, kaya dapat sila ang inuuna. Straight pipe lang ang mga jeep eh. Tsaka yung batas na nasa RA4136 eh para sa lahat, na obviously, para sa motor lang ang ordinansa nyo. 

2.       Mausok na TAMBUTSO – Dito talaga ako natatawa ng husto at the same time eh naiinis. 2-strokers panigurado ang gusto nyong tirahin dito, na karamihan ng TRICYCLE sa Paete ay ganyang klase ng makina ang gamit.

Seriously?! San nyo po ito nakuha? Ginaya? O narinig man lang?! Naglalabas pa ang ilang kompanya ng motor ng 2 stroke, tulad ng YAMAHA YZ125 at 250. So itong mga bagong motor na ito ay bawal na din?! Baka gusto nyo silang kontakin para sabihin na hindi kayo sang ayon sa pag gawa nila ng motor na 2 stroke.

Ang LTO at LTRFB kung may paki sila, eh hindi pa nga nag babawal ng 2 stroke. #JuiceColored
Sa Paete, Bawal na, parang plastic Bag lang. LOL.

Sige, ipag babawal nyo po ang mausok, eh di maliwanag na tatangalan nyo ng trabaho ang daan daang tricycle driver dyan sa Paete. Ano po ang ipapakain nila sa pamilya nila? Sasagutin nyo po ba? Kung hindi naman, anong puede nyong gawin para may pagkakitaan silang alternatibo dahil ipinagbabawal nyo na ang mausok na motor eh halos karamihan ng trike driver dyan eh 2 stroke pa ang gamit.

Bakit kaya na hindi nyo na lang paigtingin ang SAFETY ng mga nag mo-motor dyan?! Ang dami kong nakikitang mga bata pa ang may dalang motor, sa maliit na kalsada eh kung magharurutan, mga walang helmet, at mga walang lisensya. Bakit ko alam?! Eh muntik ng mahagip ng isang batang nag mo-motor ang anak ko noon. Sitahin mo mga galit pa.

Bakit hindi yun ang unahin natin?! Mahirap bang gawin yun?! May mga batas nang naka handa para doon. Driving without license, reckless driving, Over speeding, at ang HELMET LAW. Heto ay wala nang kailangang pag aaral pa dahil pinag aralan na ito. Well, hindi ko masasabing magaling sila, pero sintido kumon, para sa kanilang safety yan.

So bakit hindi tayo mag focus ditto, dyan sa mga flaws na dapat muna nyong ayusin. At hahakbang agad tayo sa TAMBUTSO na sobrang DEBATABLE at napakaraming loop holes. Walang solidong batas. Haka haka.

Bakit kamo?! Sino ang tatamaan dito. Aba’y, ang mga rider na walang ka alam alam na dadaan sa Paete, na haharangin ng mga tiwaling alagad ng batas, na syempre, imbes na mag multa ng isang libo ay makiki pag areglo na lang. Dahil tatakutin sa mga abalang makukuha, presyo ng multa. Wag nating alisin yan.

Magiging MILKING AVENUE nanaman ito para sa mga riders, tulad ng mga ENFORCERS ng Bacoor.  

Ako po ay isa sa mga RIDER na ipinagmamalaki ang Bayan ng Paete, Hindi lamang sa mga OBRA Maestrang mga ukit, pati na din ang mismong bayan, ang kwento sa likod nito, ang ARNIS nito, ang Pista, ang tatlong krus at marami pang iba, bukod dito, ipinag mamalaki ko din po ang mga karatig bayan nito na nag oofer ng magagandang lugar, na masarap puntahan.

Tapos, Ganyan, may kakaibang ORDINANG tulad nyan. 40% ng turista ngayon ay mga nakamotor na. Kahit papaano eh malaki ang naiaambag ng mga rider sa turismo.

Kagalang Galang na MUTUK BAGABALDO. Kung gusto nyo pong ipatupad yang “OPEN PIPE” ordinance nyo, maaari lamang na daanin ito sa tamang proseso at hindi I rerebolusyon ang silinyador para masabing maingay ang motor. Tungkol naman sa mausok na tambutso, isa talagang malaking kaululan ito. REPASUHIN nyo ulit at kumuha kayo ng mga taong NEUTRAL na makakasama nyo sa BRAIN STORMING dahil, katawa tawa ang dating. Nakakahiya. Hindi po ito ang ALKALDE na tinitingala ko noon. Saludo po ako sa mga nagawa nyo at alam ko pong ang gusto nyo lamang po ay maging matiwasay ang pamumuhay ng mga tao sa Bayan ng Paete, sananaman ay maisama naman diyan ang pantay pantay na karapatan ng bawat mananakay. Salamat po. 




Tuesday, November 4, 2014

Mga hindi dapat gawin kapag nag mo-motor

Mga hindi dapat gawin kapag nag mo-motor
By: Gene B. Ulag



Well, maraming hindi dapat ginawa pag nag mo-motor, Pero ano nga ba ang mga “DAPAT” na hindi ginagawa habang nag mo-motor? Marami din kasi sa mga kasama nating mga riders na hindi alam ang batas tungkol sa pag mo-motor, hindi marunong bumasa ng traffic signs, road lines at iba pa. Kadalasan ay marunong lang talagang mag motor.

Isang dahilan din ng disgrasya ang hindi pag intindi at hindi pag sunod sa batas trapiko, hindi lang din sa mga naka motor, kung hindi sa lahat ng motorista sa kalsada.

Ngaun, I break down natin ang mga dapat hindi ginawa kapag tayo ay nag mo-motor. Bukod sa pag sunod sa BATAS TRAPIKO


Unahin na natin ang PAG INOM NG ALAK.

Mejo guilty ako dito, kasi talaga namang madalas noon ay madalas din akong shumat, Aminin natin, masarap uminom, lalo na’t nasa tambayan tayo, kasama ang mga ka-tropang nag mo-motor din. Napag uusapan ang babae, modification ng motor, ikumpara ang bilis ng bawat isa, na pagkatapos ay mag susuntukan na. Charot lang. hehehe.

Iba ang kwentuhan kapag tropa ang kasama eh, di ba?!
Iba din ang kwentuhan pag nadisgrasya ka, at Mas iba ang kwentuhan, kapag pinag lalamayan ka. Masakit din sa mahal natin sa buhay kapag tayo ay nadisgrasya, hindi ka man mamatay, eh todong gastos naman, dahil ma o-ospital ka, tapos pagawain pa sa motor.

Kaya mga ka tropa, hinay hinay lang, tatlong bote ay OK na, at sana ay wag ng so-sobra pa dun, mas konti mas maganda.

Kaya ang WAG UMINOM NG ALAK o moderation lang sa pag inom ang UNA sa listahan natin.

Pangalawa, MAG SUOT NG HELMET.

Ako man ay guilty din dito, dahil pag malapit lang ang pinupuntahan ko, ay tabo helmet o minsan ay WALA na talaga akong suot na helmet. Pero, ang pag su-suot ng helmet ay nagbibigay sa atin ng proteksyon sa pagka bagok, na numero unong dahilan ng FATALITIES sa disgrasya sa motor.

Lagi naman tayong pro-choice, pero syempre, iba na ang nag iingat. Hindi ka man kumpleto sa gears, atleast, napo proteksyunan ang ULO mo.

Pangatlo, WAG MAG O-OVERTAKE SA KURBADA

Sakit ito ng karamihan sa atin, well, noon ko pa ito alam, kaya hindi na ako guilty ditto [ kala nyo ha ]. Hidi ko alam kung ano ang meron sa pag o-overtake sa kurbada, at lagging gustong maka una. Hindi naman race track ang kalsada.

Ilang taon na ang naka lipas, may isa kaming kaibigan, na itago na lang natin sa pangalang DAMULAG           [ Oo, yung DAMULAG sa palabas na DORAEMON ], nasa byahe sila ng isa nyang kaibigan sa mag Tanay, Rizal, nag biglang nag overtake itong si DAMULAG sa kurbada, ang bumulaga sa kanya ay hindi sina TITO, VIC  and JOEY, kung hindi isang pampasaherong jeep.

Tinamaan sya sa hita, at ang buto nya sa hita [ LEFT FEMUR ] ay nahati sa lima. Ilang buwan din syang hirap maka lakad, hindi ko alam kung ilang opera ang nangyari, at malaking gastusan panigurado. Ng dahil lamang sa pag overtake sa kurbada.

Pang – Apat, WAG TUTUTOK SA PAMPASAHERONG SASAKYAN

Isa pang dahilan ito ng disgrasya, nasa kanang bahagi ka ng kalsada, nasa bilis na otsenta ang tinatakbo, ng biglang nakakita ng pasahero ang JEEP  sa unahan mo, eh masyado ka nang naka baon, ayun, blagag!@#$%!!! Tinumbok mo ang likuran ng JEEP, eh buti kung ikaw lang, may natamaan ka pang pasahero. SAKLAP DI BA?!

Ang mga Jeepney driver, aminin na nating, gusto lang din namang mabuhay nyan, kaya halos walang pakialam yan kung nakahambalang man sila, o may masasabitan sila sa pagmamadali. Wala eh, sa hirap ng buhay eh kailangan nilang kumayod para sa pamilya nila, at para sa pangalawang pamilya nila, [ hango lamang sa kasabihang, basta driver, sweet lover ].

Kaya hanggat maaari, ay tayo na ang umiwas at wag tumutok sa mga pampasaherong sasakyan. Iwas disgrasya pa.

Pang – Lima, MATUTONG RUMESPETO

Dapat nga, hindi na kasama ito, kaso, isama na natin. Malaking parte kasi ito ng buhay motorista eh. Wag harangan ang PED XING – RESPETO SA PEDESTRIAN, Wag dumaan sa SIDE WALK – RESPETO SA PEDESTRIAN, Kapag, kaka GO  signal pa lang, wag busina ng busina na parang gusto mong iyabang na may BUSINA ka na alam mo namang lahat tayo ay meron – RESPETO SA KAPWA MOTORISTA

Wag BOMBA NG BOMBA SA STOPLIGHT  na para bang gusto mo eh laging may karera, RESPETO ito sa KAPWA MOTORISTA, kahit sa tingin mo ay hindi sila naiingayan, NAIINGAYAN SILA,  alam nilang naka RAIDER150 ka at alam nilang mabilis yan, Wag mag assume, kaya kumpuede lang, itigil na din ang rebolusyon ng rebolusyon.

Ilan lamang sa mga naisip ko yan, paala-ala lamang po hane, hindi ito STANDARD na batas, puedeng wag mong sundin, puedeng sundin, kung susundin mo naman ito ay wala namang mawawala sayo, kung hindi mo naman susundin, maaaring buhay mo ang mawala sayo, NOPE, hindi dahil itutumba kita, kung hindi dahil, IKAW, ay magiging mas prone sa aksidente.

Mahirap na masarap ang mag motor, kaakibat ng mga TOLONGES na batas na ipinapatupad ng LOKAL na PAMAHALAAN. Pero ang main reason natin ay ma enjoy ang pag mo-motor, at the same time eh ligtas tayong makakauwi sa kaniya kaniyang pamilya natin. Buo tayong umalis, BUO TAYONG UUWI.

Hanggang sa muli ka RIDERS. RIDE SAFE
[ Parang Batibot lang yung ending ah ]


ISNATCHER na naka KOTSE

ISNATCHER na naka KOTSE


Nobyembre 4, 2014. Ibinalita kanina sa TV PATROL ang isang Isnatcher na naka INNOVA. Nakaprada ang Innova at ang walang ka alam alam na babae ay naglalakad lamang ng biglang hablutin  ang kayang bag.

Nung tinanong na ang kapulisan ay ito lamang ang nasabi nila “Mag ingat na lang kayo palagi”.
Hueeeetennnng Ina!!!  Yun na yown?!!! Hindi nyo man lang tutuligsain na katulad ng pag tuligsa nyo na kapag motor ang ginamit sa pang i-isnatch?!

Hindi ba kayo gagawa ng kaULOLAN na batas tulad ng ginagawa nyo kapag motorsiklo ang na i-involved?!

Baka maisip nyo din na dapat naka baba lang ang salamin ng mga bintana ng lahat ng sasakyan particular na ang INNOVA

O kaya naman ay check point na para lamang sa mga naka KOTSE  particular na ang naka INNOVA.
Come on!!!  Do something!!! Hindi ito ang ine-expect ko sa inyo tuwing may krimen na magaganap, dahil Gawain nyong ibato ito sa naka motor.

Motor ang gamit ng mga criminal, Motor ang gamit, motor ang gamit, motor ang gamit.
Eh ngaun, nakita nyo na na, may gumagamit ng sasakyan, aba’y baka mag bulag-bulagan pa kayo, anak ng sampung sinaklang na tupa!!

Hetong taon din nung may nakidnap na asawa ng isang business man, kotse ang gamit, ewan ko nga ba’t sa dinami dami ng dinaanang pier at checkpoint ay nakarating pa ng Mindanao galling Maynila. #BOOM
Alam kong hindi nyo pa din na re-realize na hindi lahat ng naka motor eh KRIMINAL

Tandaan nyo, yung mga naka kulong dahil sa pag nanakaw sa kaban ng bayan eh mga naka KOTSE.
Ano ba?! Simple lang ang gusto kong ipahiwatig dito, pa ulit ulit na lang tayo. Sa iba’t ibang antas ng buhay ay may pasaway. Wag natin isisi lahat san aka motor. #JUICECOLORED

Patas na batas, batas na isinanguni sa hindi nababayaran, batas na pinag isipan, batas na tama at hindi katawa-tawa. Mahirap ba yun?!  Mahirap bang mag isip ng batas na magiging patas sa nag mo-motor?!

Binigyan kayo ng Diyos ng utak, ayaw nyong gamitin, binigyan kayo ng utak eh parang mga IPINAHID lang.

Hindi na din ako magtataka, kung ipag babawal nyo ang pag gamit ng sasakyan na naka bukas ang bintana.
Kasi ang nangyayari lang eh, humahanap lang kayo ng lusot sa gusot, na nag mimistulang isang mabantot na aksyon para sa lahat. Naka iwas nga kayo at nakalusot, pero nasaan ang long term effect?! WALA. Kasi nga mahilig kayo sa BAND AID solution.

O, eh diba pinagbawal nyo ang martilyo sa mall, gawa ng MARTILYO GANG. Eh kung sa mga ULO nyo ipukpok yang mga martilyo na yan. #KALURKI #RidingMoreFun



Sunday, October 5, 2014

Bago ang Macapagal, CCP muna ang tambayan






1996 noon, nung nagsimula akong tumabay sa CCP, Reclamation area pa lang ang MOA at Macapagal area, dito inilagay yung mga squatter na, na demolished sa Pasay at Paranaque. Madalas din akong magpunta sa reclamation area na yan dahil marami akong kababatang napalipat doon simula ng gibain ang mga bahay nila dun sa estero sa Pasay. Syempre, dala ko ang motor kong Yamaha chappy (Una kong motor bago ang DIO 1 na pinangalanang kong Pugak) papunta dun.

Bago ang karera sa Macapagal, bago ang tambay ng mga motor at syempre, mga magagarang kotse na din. Ang Vicente Sotto St. diyan sa CCP ang tambayan ng mga rider at racer.

Naalala ko pa noon, naka Honda Dio 1 pa ako, madalas kaming magpunta diyan noon tuwing Byernes at Sabado. Pa gandahan ng motor, pa cute sa mga tsiks, at sight seeing na din ng mga konyo kids na naka tsikot. Pag naka Chappy ka eh hindi pansinin eh, kaya parada si Chappy pag weekends.

Punong puno ng tambay ang kalsadang yan (Vicente Sotto St), mula kanto hangang circle at kadalasan ay naabot pa sa Film Center, na kung tawagin namin noon ay "Condemned Building" dahil wala ngang establishmento dun noon. Hindi lang kami makatambay noon sa Film Center kapag Sabado dahil nanjan ang El Shaddai.

Pagandahan ng motor noon, at pabilisan din syempre, wala pang masyadong fancy lights tulad ng mga nabibili ngaun. Pakinisan ng kaha, pamahalan ng pipe at pagandahan ng set-up. Usong uso noon ang water cooling set up at nauso din ang salitang "BALOT" na ang ibig sabihin ay balot ng tubig ang block, dahil noon, mano-manong ginagawa ang pag wa-water cooled sa mga block ng jog at dio.

May iba din namang brand ng motor, pero ang karamihan noon ay Jog at Dio dahil usong uso din noon ang pagbili sa Ilocos tapos iba byahe sa Manila.

Mas lalong dumami ang tambay nung lumabas ang Sym Jet 100, yung mga tipong hindi mo puedeng kausapin ang may ari pag ganun ang motor. Marami din namang natambay na ibang klase na motor, may dirtbikes (tawag namin noon sa mga off road) Yamaha DT at KMX125 ang mga putok na model noon, may mga C70 din din at mga pantra, hindi rin mawawala ang mga sinaunang underbone tulad ng dream at kung ano ano pa. Madami ding natambay na mga rich kids na naka italian scooters tulad ng Vespa, dragster at gilera (just to name a few). Masaya ang tambay sa lugar na yan, marmai ding tao dahil malapit sa break waters at yung mga tambay eh nagpapa emo sa tabing dagat habang nakain ng ihaw ihaw.

Wala pa yung Jumbo Floating Palace noon. Maraming lovers ang madalas na dayuhin ang break waters dahil nga romantic ang dating, buhay na buhay pa sya noon. Karera dito, karera doon, pasikatan at paingayan ng sound set up naman ang mga naka tsikot. Stunts naman ang ibang dirt bikers, at yung mga parking lot sa tabi ng PICC ay nagiging maliit na karerahan ng mga kotse at motor. Suma tutal, Tambayan talaga ang CCP area.

Natigil lamang ito nung marami ng nadidisgrasya gawang wala pang humps ang kalsada at panay ang karera, isa sa pinaka malalang aksidente ang nasaksihan ko ay yung inararo ng isang kotseng pang karera yung stall ng bisikletahan diyan sa kanto ng Vicente Sotto St. at Magdalena Jalandoni, sa pag kaka alala ko, halos isang pamilya ang namatay sa insidenteng iyon.

Simula din noon ay humigpit na ang pag tambay, maya't maya na ang check point, dahil karamihan noon ay walang mga papel ang motor. Walang helmet ang karamihan at walang lisensya.

Tumamlay na din ang eksena tuwing Byernes at Sabado, wala na ang maiingay na sasakyan, ang magagarang tugtog galing sa mga naka set up na tsikot.

Hangang sa tuluyan ng nawala ang mga tambay, naging malungkot na ang lugar na yun. Ilang taon din ganun, nalipat sa ibang ibang lugar ang tambayan, meron sa Sucat, Meron sa greenhills, meron sa Malate at marami pang iba.

Pero kahit wala nang natambay sa CCP ay panigurado akong ang mga nakatambay doon ay hindi malilimutan ang mga magagandang ala-ala at mga kasiyahang nasaksihan nila at mga hindi masayang pangyayari nung panahong aktibo pa ang tambay sa CCP.


Friday, October 3, 2014

MCKINLEY HILL GUARDS - Some, not ALL





Pauwi kami ng misis ko sakay syempre nang aking motor. Gawang sya ay Pang ala-sais y media at ako nama'y pang alas singko.

Galing sa likod ng 2 world building sa Mckinley gawang duon ang parkingan, binaybay namin ang palabas sa Lawton Ave, bago makalabas ng Lawton Ave galing sa parking sa likod at may maliit na island kung saan may ginagawa na Maynilad yata. 

Puno na ang kanang lane so ang ginawa ko ay nag counter flow ako since napaka ikli lang naman nya at wala namang sasakyan pababa. Alam kong mali ako don. 

May guard na nagpatabi sa akin, since nasa gitna ako ang sabi ko ay itatabi ko lang dahil may isa pang aberya na nakahinto na Innova sa gitna, nung umandar ako para itabi ang motor ay may biglang humablot sa akin na isang pang guard na muntik na naming ikatumba ni misis. 

Nung hinila nya ako, kinailangan kong kontrahin ang lakas nya kung hindi ay matutumba kami, si hinablot ko yung braso ko para hindi kami matumba.

Nung nakalayo ako ng kaunti ay lumingon ako pabalik at tinanong kung bakit nya kami hinablot, ang sagot ng guard ay tatakas daw kasi ako, sabi ko tatabi nga ako, sa INIS ko, ay talagang tinakasan ko na sila. 

Gusto kong bumalik para komprontahin ang tolonges na guard, ngunit ako ay inawat ng aking misis. 

Ang tanong ko, alam kong deputized sila, saan ba nag training itong mga ito at hindi mahusay at maayos ang paninita at pag papahinto. Paano kung sumemplang kami ng misis ko, sasagutin ba nila? Eh kung namatay kami? Charge to experience?

Kaninang umaga pag pasok ko, tinanong ko yung guard sa parking lot kung BGC guards sila, sabi nya ay sa Mckinley lang daw at under sila ng SHOOTERS na agency. 

Marami na din akong narinig na reklamo ng kayabangan tungkol sa ilang guards ng Mckinley hills dito sa Taguig, ang tanging sagot daw nila ay Private daw sila kaya may karapatan silang gawin ang mga bagay na naiatas sa kanilang gawin. 

So, yung pang hahablot ng naandar na motorsiklo ay kasama din ba? #JUICECOLORED 



Thursday, October 2, 2014

VISA para sa CAVITENYO. Ha?????!!!!!







VISA para sa mga nag mo-motor sa CAVITE? Anak ng pitong puting patingggg!!!! Sino nanamang ponsyopilato ang naka isip ng nakaka alibughang ordinansang ito?!

Panibagong paraan para perahan ang mga kaawa awang nag mo-motor.

Pag wala kang VISA eh impound ang motor mo?! #JUICECOLORED

Eh bakit bang katatalino ng mga hindiputang IRE?!

Ano na gang SILBE ng ating REHISTRO at PLAKA kung panibagong ka ULULAN nanaman ang gustong ipatupad ng kung sino mang HINDOT ang pasimuno ng SAGAD sa KABOBOHANG ORDINANSANG yan.

Gusto daw nilang mabawasan ang KRIMEN.

HOYYYYY!!! Mga hindot!!! Kung gusto nyong bawasan ang KRIMEN. Paikutin nyo ang mga nag lalakihan nyong mga PULIS.

Maglagay ng choke points sa ENTRY at EXIT ng bawat bayan at bawat lusutan. Hindi yung kung ano anong kabobohan ang gagawin nyo at pahihirapan nyo nanaman ang mga RIDER.

Napakadali lamang hindi ba?! bakit hindi nyo magawa?! Eh ang daming POLICE COMMUNITY PRECINTS na patulog tulog lang sa gabi.

At ang balita pa ay, isang pirma na lang daw at isa na itong ORDINANSA sa CAVITE.

Governor Remulla, Aba'y gising gising naman at sayang ang ibinoto sa inyo ng madlang bayan ng CAVITE. Hahayaan nyo bang gawin ito ng mga tolonges na nasasakupan nyo na ituring lahat ng nag mo-motor ay KRIMINAL?

Aba'y PUTANG INA. Mahiya naman tayo. Wag nating ipasa sa mga nag mo-motor ang kabulukan ng sistema nyong kapulisan.

Dadaan ka lang sa CAVITE ay dapat may VISA pang nalalaman, hndi na ba parte ng Pilipinas ang CAVITE?

Heto po ang isang link para makita nyo po kung sino ang pasimuno

http://rdc.rdc2.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=350%3Apro-2-to-implement-oplan-visa-against-motorcycle-riding-criminals&Itemid=30

Ser, Hiyang hiya kami sa inyo, sa TOTOO lang, HIYANG HIYA KAMI SAYO.

Ginawa na ito noon ng LAGUNA, nag pi-picture pa ng rider kasama ang motor sabay pamigay ng sticker, wala din namang nangyari. Kasi mas maige pa din ang aktuwal na checkpoint kesa sa sticker or anong VISA.

Kung masisipag ang mga kapulisan natin na mag set up ng LEGAL na check point at hindi lagin pang-laman tiyan ang hanap eh mas masasawata nyo ang KRIMINALIDAD.

Hindi kung ano anong kabulbulan ang pinag i-imbento nyong ORDINANSA na nagpapahirap sa mga nag mo-motor.

Pag kidnapping ba sa tingin nyo sa motor isasakay at sa motor lang kayo naka tutok?! Yan lang eh sampal na kaagad na katanungan sa inyo na kung saan nyo nakuha ang idea na mag implementa ng VISA sa motor. Wag nyong sabihin sa COLOMBIA at linya na ni Valedictorian Mayor Abalos yan.

#JESKELERD #VISA #CAVITE #TOLONGES




Thursday, September 25, 2014

POTHOLES: Domestic Road and Andrews Avenue




Madalas akong dumaan diyan sa Domestic Road at Andrew's Avenue, at sa tagal kong nadaan diyan gawang ako'y taga Rivera lamang sa tapat mismo ng Terminal 1 ay madalas kong mapansin ang potholes o LUBAK jan sa Domestic road at Andrew's Avenue lalo nadiyan sa makalampas ng Rotonda ng Villamor.

Mga manholes o kung ano man ang tawag nyo dun na hindi maayos ang pagkabalik, inaspaltuhan pero hindi ini-angat yung mga bakal na na gumawa na ng lubak na hinidi hihigit sa 5 inches ang taas, mga hindi dekalidad na pag aaspalto na halos hindi umabot ng 2 inches ang taas, na kadalasan ay nasisira agad pag dumating ang tag ulan.

Ngayon pa na kaliwa't kanan ang pag bubungkal at pag gawa diyan sa parteng yan sa kadahilanang in-extend ang SKYWAY papuntang Airport . Pero bago pa man yan, eh lubak lubak na talaga yan, delikado sa mga motorista lalong lalo na sa mga nag mo-motor.

Ilang beses na din akong nakakita ng mga motor na sume-semplang sa mga potholes / lubak na yan. At kaninang umaga, ay muntik na din kaming mabiktima ng aking butihing may bahay.

May standard application ang thickness ng pag aaspalto, pero itong sa atin ay halos ga papel lang ay talagang mababakbak sa panandaliang panahon, nakasasalay din ang safety ng motorista, hindi lamang ang nag mo-motor, kung pati ang karamihan.

Pag nag reklamo ka sa DPWH, sasabihin sayo ay ang MMDA ang nag aayos ng mga lubak sa kalsada at ganun din ang MMDA.

Eh sino ba talaga ang dapat gumawa nito? Kesa naman puro turuan lang ang ginagawa ng mga napaka tatalinong departamentong ito ay dapat may magsimulang umangkin sa mga gawaing ito.

Malaki din kasi ang kick back dito sa pag aaspalto kung hindi alam ng karamihan, kaya maninipis ang application nyan ay yung dapat na pera para kapalan ang aspalto sa kalsada ay napupunta sa mga TENGENENG project head na naninilbihan sa kung kaninong hindiputang pulitiko na hindi lalabas ang budget kapag hindi sila pumirma.

Kesyo malubak kayo o madisgrasya eh wala silang pakialam as long na may kikitain sila sa proyekto.
Hayys, bulok na system, kawawang Pilipino, naka kulong sa mga ganid na pulitiko. Nasan ang putang inang daang matuwid na yan kung ang lubak sa daanan ay hindi masolusyunan.

#JESKELERD #JUICECOLORED #LUBAKLUBAK #DPWH #MMDA

Wednesday, September 24, 2014

MANDALUYONG'S NO RELATION - NO BACK RIDE ORDINANCE








Well, Ilang Linggo din tayong nanahimik tungkol jan sa ordinansang ipinatupad ni Mayor Abalos tungkol sa riding in tandem na nagbabawal ang mag ka angkas sa motor kung hindi mo ito kamag anak.

Konting katahimikan, Slow clap mga kapatid, SLOW CLAP SA MUKHA!!

HIndi ko na hihimayin pa kung saan nakuha ni Mayor Abalos ang diskarteng yan dahil lantaran naman nyang sinasabi sa mga interview na ginaya nya ito sa COLOMBIA.

May ilang katanungan lamang ako sa ating magaling na Mayor ng Mandaluyong na naka long back ang hair style ngayon.

Sino po yung kasama nyong babae sa picture, este, hindi pala yan ang tanong ko.

Paano po kung mag kamag anak po yung kriminal? The family that kills together, stays together [ malay natin kung yan ang motto nila ]

O kung mag asawa din ang kriminal? [ hindi mo puedeng iwaglit yan dahil kahit ano ay puedeng nang mangyari ngayon ]

Lalaking driver, tapos bata ang angkas ay puede [ paano kung yung bata ang killer ]

Maraming posibilidad eh Mayor, halatang hindi nyo ginamitan ng utak yung ordinansa nyo eh.
Bakit hindi ganito ang gawin natin, nang hindi puro na lang riders ang pinag didiskitahan nyo.

Nung araw ng implementasyon ng ordinansang yan eh di ba't may napatay malapit lang sa Boni?


Sana ang ginagawa nyo eh pinag papatrolya nyo ang mga magigiting nating kapulisan ng naiiwasan ang kriminalidad. Hindi yung papahirapan nyo nanaman ang mga nag mo-motor gawang hindi nyo magaw aang mga trabaho nyo.

Aba'y sayang ang ibinoto ng mga tao sa inyo kung ganyan lang din naman ang makukuha nila sa inyo.

Paniguradong magiging gatasan nanaman ang mga rider na dadaan jan sa Mandaluyong dahil sa kahindutang ordinansang ito.

Sana sa susunod naman, gamit gamitin naman ang utak ng hindi na i-stroke. Sablay talaga eh, kahit saan mo tingnan. Tenegeneng yen!! DISAPRUB!!






Thursday, April 24, 2014

Bacoor City ordinance for OPEN PIPE



Pauwi na ako kanina (April 24, 2014) ng ako ay harangin sa may St. Dominic (Actually, bago mag St Dom)
Bigla akong hinarang at sinigawan dahil nilampasan ko yung kumakaway. Huminto ako at tinanong kung anong violation ko, sabi ay open pipe daw.
Huminto ako at inilabas ang lisensya ko, hinanapan ko sila ng mission order para sa operation nila at may nabigay naman, hinanapan ko sila ng decimel meter para sukatin ang ingay ng aking motor, yun lang, wala sila.
Sinabi ko na hindi ako magpapaticket dahil walang magiging basehan ang ticket nay un kung hindi masusukat ng maayos ang “ingay” ng motor ko, which is 70db ang lakas (pero hindi nila alam yun siemperds).
So wala daw silang ganun, at halata naman daw na maingay ang motor ko (Well, sa itsura palang eh, maingay naman talaga kasi nga kalkal payb este pipe ito), duon na ako nag react, dahil dapat kung may operation silang tulad nito ay meron silang decibel meter para masukat ng maayos ang magkaron ng batayan ang asunto na ititiket sa akin. Ngunit sabi nila ay tanyahan lamang daw ito.

Sabi ko, mali at bawal silang manghuli ng walang sapat na instrument para sumukat ng ingay ng bawat motor. Biglang lumapit sakin si Manong Yellow boys at may kalakasan na Imbes na makiusap daw ako eh nagmamagaling pa ako, sabi ko naman na hindi ako nagmamagaling, tanging ligalisasyon lamang ng operasyon ang kinikwestyon ko. Hangang sa nagpunta na kami sa LTO para sa linaw tungkol sa bagay na ito, dahil wala ni isa mismo ang nakaka intindi sa batas / ordinansang pinapatupad nila.

Nakakatawa, hinamon pa ako ng mga yellows boys na masyado daw akong magaling, LTO daw ang maniniket saken, so nag ka escort akong bigla papuntang LTO IMUS.
Pagdating sa LTO Imus, mabuti naman na nandun pa ang staff ng inspection section (Technical dept) pati ang Hepe, Umupo ako at naki pag usap kay Hepe Mar.

Ipinaliwanag ko na minsan ay nasuot na ako sa ganitong sitwasyon sa Makati at kinontest ko din dahil walang basehan ang Mapsa sa panghuhuli sa akin, Una, 90db ang imposted limit ng ingay for motor vehicle (pero sa motor lang naka focus yan) at dahil 60db ang imposted limit ng Bacoor City ay tahasan nitong sinusumaway ang bench mark ng LTO for noise pollution. At dahil ito nga ay batas para sa open pipe eh marami pa ding hindi nakaka intindi ditto, ang pipe po ay ang tubo from cylinder head papuntang canister, from canister padulo at tinatawag na MUFFLER galling sa salitang.“MUFF” meaning na to suspend any sound coming from a noisy object.

So yun na nga, nagpaliwanagan kami, at isa pang natanong ko ay ang tamang pagsukat dahil pagdating ko dun ay mismong hepe nila ay ni rebolusyon ang silinyador ko, abay eh talaga namang iingay yan.Kaya binangit ko din na mali ang pag sukat na sa ingay ng motor ko dahil dapat nasa idle state ito at atleast 1 foot ang layo sa canister ng pipe. Naging mahaba ang usapan naming na hindi ko na mai detalye ng pa isa isa. Hangang sa nakita nyang naka Crocs ako, sinabi nya na wag ko ng ikontest dahil flips flops daw ang kinabibilangan ng CROCS kahit closed pa ito. So hindi na ako nakipagtalo pa, nasa akin na ang lisensya ko, nagpasalamat ako sa Hepe at humingi na din ng dispensa sa abala, pati na din sa mga Yellow boys ng Bacoor. May video ito, panoorin nyo.

Isa pa, ni hindi alam ng mga traffic enforcer ang ordinansang pinapatupad nila, basta naka open pipe ka, timbog ka. Ngaun, tinanong ko na din kung pag nakita nila na may rubber silencer eh huhulihin ba nila? Hindi naman daw, dahil tahimik na daw yun.

Yung isang LTO Law enforcer naman ay sinabing kung sya daw ang manghuhuli ay hindi daw open pipe ang kaso, kung hindi noisy pipe daw, What? Eh di kailangan pa din ng decibel meter nun? Ano ba ito, anong nangyayari sa mga officer natin. Well, ingat lang mga ka tropa, dahil kung hindi nyo alam ang loop holes sa batas na pinatutupad eh, pang hihinaan kayo ng loob at bayad ng tupayb. Charot!!

pinatigil din ni hepe yung video, tinanong ko sya kung bakit, baka i youtube ko daw, natawa na lang ako. 

pasensya na sa video, ang hirap makipag usap kasabay na mag bidyograper

St Dominic area
https://www.youtube.com/watch?v=nDw7O2wOxck&feature=youtu.be

LTO Imus

https://www.youtube.com/watch?v=SikI3ss50H0&feature=youtu.be


Oh, rally na!! 

Saturday, March 15, 2014






A very bad experience at ANTIPOLO STAR RESORT

Isang Sabado ng aming mapag kasunduan na mag Team Building, Muntikan na ngang hindi matuloy dahil sa mga kanya kanyang lakad ng bawat indibidwal. Ngunit ng lumaon ay natuloy din at napankasunduan na sa Antipolo na lang ganapin dahil may mga resort naman sa Antipolo, Nauna naming napag isipan ang Bosay Resort ngunit masyado namang public ang Bosay kayat na I suggest ng isa naming kasama na sa Antipolo Star resort na lang ganapin ang espesyal na araw para sa aming Team.

Dal’wang araw bago ang Sabado ay nag down na ang nag suggest na sa Star resort na ganapin ang Team Building, ang napag kasunduan ay alas otso ng umaga hangang alas otso ng gabi ay puede kaming manatili sa resort at gamitin ang mga pasilidad nila.

Maagang dumating ang aking mga kasama dun, bago mag alas Nueve ay nandun na sila. Magandang lugar ang Star Resort lalo nat makikita mo dito ang parte ng Teresa via Overlooking, hindi pa tapos gawin dahil may mga ginagawa pa sa bandang baba ng nasabing resort.

Masaya naman ang kinalaunan ng buong araw, masayang nag tampisaw sa pool, naglaro ng habulan at siempre… Videoke.

Mga alas-singko ng mag simula kaming mag Pinoy Henyo, (isang kilalalang laro na pinasimulan ng Eat bulaga, Isang pang tanghalian na palabas). Masayang tawanan at harutan nadin. May pa premyong Mamon at Tsokolate. Patuloy ang kasiyahan ng maya maya ay lumapit ang isang crew ng Star Resort at sinabihan kaming “Hangang alas sais” na lang daw kami puedeng maglagi, nagtaka ang karamihan dahil ang usapan sa binayaran ay “hangang alas otso”.

Tumayo at kinausap ng isa naming kasama na syang nagbayad kung bakit biglang ganon ang desisyon, ngunit sinabi naman ng crew na, ang swimming pool lang daw ang sarado ng alas sais, so balik kami ulit sa paglalaro nang wala nang inaalintanang mangyayari.

Maya maya ay dumating ang isang Banyaga, na may artipisyal na kanang binti. Na parang nasigaw na kailangan nanaming umalis, at dahil nga na nakausap nanamin ang isa sa mga crew ng resort ay kampante lang kami.

Mga limang minute pa, biglang bumalik ang banyaga na may artipisyal na paa at kinuha ang firemans hose na at TANGKANG mamasain ang cottage naming kung saan nandoon an gaming mga kagamitan. Kung hindi pa kami nagsitayo ay tuluyan na nyang babasain ito.

Nag init ang ulo ng karamihan dahil nga sa bastos na pamamaraan ng banyagang ito na sa ngaun ay alam na naming sya ang May-Ari.
Nung nakita na nya nakami ay nag empake ng mabilis ay saka sya tumalikod at binomba ang cottage sa harap naming.

At kung mapapansin nyo sa mga litrato ay bitbit ang mga gamit na nagmamadaling umalis ang grupo sa takot na basain ng banyagang may ari. 

NAPAKABASTOS… NAPAKABASTOS..

Ang punto ko, Una, kahit sya pa ang may-ari ay wala syang karapatang gawin yun sa mga nagpupunta sa resort nya. Pangalawa, kami ay nagbayad sa napag kasunduang renta ng hindi naman humingi ng diskwentrong pang adi8k para itaboy kami ng ganon. Pangatlo, Sana ay hindi na lang sya nag tayo ng negosyong Resort kung ganun lang din ang ugali nya, sana ay ginawa na lang nyang “rest house” ang resort nya.
Dahil, nga napaka pangit ng aming naging karanasan diyan sa Resort na yan ay HINDI KO NIREREKOMENDA na puntahan nyo ito. Malaman nat Maganda ang View dahil over looking ito, Ngunit kung ayaw nyong masira ang araw na dapat ay ika-ka “RELAX” nyo ay maghanap na lang kayo ng ibang lugar at wag ng ganapin ito sa STAR RESORT ANTIPOLO.


For our foreigner visitors,

If you guys want to enjoy your special day, spend it somewhere else, not at STAR RESORT ANTIPOLO.
I’ve visited a couple of resorts in Antipolo where you can spend your day without the hassle of a stupid owner, putting up a public resort business and handling the business wrong. My suggestion to the owner is CLOSE THE RESORT and just make it your REST HOUSE or YOUR VERY OWN PRIVATE RESORT THAT I DON’T WANT SOME PEOPLE AROUND or YOUR “SHOVE IT TO MY ASS” VILLA.

If I will rate it without the owners stupidity, it will be (from 1-10) 5. But with the owners stupidity it’ll be -7.
So there you go, STAR RESORT ANTIPOLO. A BIG NO NO!!!



Sunday, January 26, 2014

Ride For A Cause, re-visiting Talisay’s Home for the Aged
Mission 8, Season 6.

(photo courtesy of Jeffrey Mendoza Bagallon)

Ilang taon na din yata nung huli nilang puntahan ito, mga dalawa siguro. Maaga kaming nakarating ni Loyd Tsunami sa Petron Macapagal, at nandun na ang ibang riders mula sa ibat-ibang grupo, dala ang kanilang mga donations para sa ating mga lola na bibisitahin ngaung araw. It was a good day lalo pat birthday ng isa sa mga shooter / Marshal nating si F R Dela Cruz.

Mejo naka hambalang ang ilang mga volunteers kaya naisipan kong kausapin ang management ng Petron Bluewave nab aka puedeng buksan ang kanilang closed parking space dahil sa kadahilanang baka makaharang kami sa mga customer nila, nung una ay hindi pumayag pero nung huli ay pumayag din, Maraming salamat po Petron, Bluewave Management at sa Jolibee.

Nakumpleto na kami at hudyat na ito sa palagiang ginawa ng grupo na briefing at pag papakilala sa mga NewV [ New Volunteer ] nakalimutang ko yung pangalan ng isang newV na nakilala ko kasama ang kanyang gelpren.

7:30am ng umaga ng kami ay umalis, bantay sarado ng magigiting ma Marshals ang linya ng grupo, binaybay naming ang Macapagal, Sucat, Las Pinas, Aguinaldo hiway, makalampas ng Dasma ay umuna na ang ibang Marshals at si Kazz ( Pogi Kasmut ) hangang marating ang Silang Intersection, ng biglang may aberya, nakita kong nakahinto si Kazz at may tinutulungan na rider na sumabit sa isang sasakyan.

Dumaan ang convoy at disiplinado naming hindi huminto para umoyoso pa, kasama ng mga Marshal ay nag assist sa traffic at ang Medics natin na walang kasimbilis ay dagliang umagapay at sinuri ang mga naaksidente, makatapos malamang walang fractures si Nanay at daglian nilang nilinis at nilapatan ng pansamantalang lunas habang wala pa ang ambulansya, badtrip lang at ang mobile ng pulis at mga sakay noon ay umalis na hangang sa pag alis ng biktima ay hindi na bumalik. [ sana hindi ka na nagpulis ]

Kay Sir naman na nag offer na gamitin na ang pick up nya para madala ang biktima sa ospital ay isang slow clap at saludo para sa iyo sir. So, sa makatuwid ay natapos at nadala na si Nanay sa ospital at kami ay nag simula ng gumulong ulit. Teka, Para sa magigiting nating MEDICS, Pugay para sa inyo mga kapatid, saludo ang dalawang kamay ko pati paa sa bilis at galling ng mga ito.

Dumating kami sa Tagaytay at binaybay ang Talisay RD, habang bumababa kami ay makikita ang mga magagandang tanawin, ang Pamosong Bulkan ng Taal at ang lawa nito.
Pagbaba ay dumiretso na kami sa aming pupuntahan.

Organisado at walang putol ang convoy, Nakakadaan din ang ibang sasakyan dahil may isang lane para sa kanila at may mga Marshal tayong mag su sweep sa ating convoy, ligtas ang walang aberya ang byahe bukod sa kaunting problema sa motor ni Kris Salas na walang isang minutong ginawa n gating resident Mechanic na si Weng [ saludo sayo sir ].

Dumating na kami sa venue at binigay na ang mga donations, nagkaroon ng ilang programa at awarding para sa magigiting nating riders club volunteers na ang iba naman ay abala sa paglaban sa karapatan nating mga riders sa pag mo-motor.

Nakaka iyak isipin na ang mga lola ay galling pa sa ibat ibang probinsya at ikaw ay magtataka kung paano sila napunta dito. May galling ng Cebu, Samar, Bicol, Pampanga, Tondo, Maynila at ang iba ang pawing mga taga Batangas na lang din. Masakit ding isipin na paano sila napunta ditto? Wala ba silang anak o Apo na mag aalaga sa kanila? Pinigil ko na lang ang aking sarili dahil ako ay mababaw din ang luha, pero mas may mababaw pa pala sa akin, nakita ko ang isang volunteer na babae na umiiyak dahil kami ay hinandugan ng awitin ng ating mga lola.

Gusto ko din palang bigyan ng palakpak itong si Nelson Mandela este si Pareng Nelson a.k.a. Blaknaz na isa ding katulad ko na matagal ding nahinto sa pagsama gawa ng mga isyu sa buhay, Kaming dalawa ay founding member ng grupong ito, mula sa simpleng pagdalaw sa Famy ay nauwi na sa Anim na taon na pagtulong galling sa ibang ibang grupo na walang ibang gustong mangyari kung hindi makatulong sa kapwa. Linawin ko lamang po hane? Ito pong RIDE FOR A CAUSE ay hindi po suportado ni Janet Napoles hane? O ng gobyerno, ito pong pondo at donation ay galling sa sariling pera, bulsa, pagod, hirap at luha ng mga volunteers. Hindi po ito galling kanino man na nasa posisyon.

Palakpakan nga natin an gating mga VOLUNTEER na walang sawa nagpapakita ng suporta at pagtulong sa mga nangangailangan. Isang magiting na palakpak din para kay Sir na nakalimutan ko din ang pangalan [ Mahina talaga ako sa names, sa mukha lang ako magaling ] na naka Kawasaki Ninja 1000 [ paki soli na lang yung motor ko sir ha ] na hndi kami iniwan hangang makatapos ang mission, kasama naming sa pansitan, sa barbikyuhan. Salamat sa pasensya sir at alam mo naming mabagal kami kumpara sa motor mo. Pero kami ay sinabayan mo pa din. Salamat ulit.

Well, tulad ng kinagawian, every after mission ride ay kanya kanya na, ay iba ay bumalik na, yung iba daw eh hahabol sa MRO (gudjab) yung iba naman ay may sariling lakad after. Ang IPRC naman ay mag na Nasugbu loop via Kaybiang labas ng Maragondon, kami at nag pansit lamang sa Tanauan na pagka sarap sarap. Salamat din sa nanlibre ng Pansit [ alam mo na kung sino ka ]. Ipo promote ko na din ang Zinangang Express ng Tanauan Batangas na pagkasarap ng Pansit Chami nila. At yung barbikyuhan sa kanto. Salamat din kay Blakstorm sa imported na kape at sa paghalo ni Edwin Apelado sa kape, Hahahahaha.
Hangang sa muli, kita kits tayo sa Pebrero, Norte naman ang target.


Palakpakan mga VOLUNTEERS, Mabuhay tayong lahat!!!!

Para po sa mga hindi pa nakaka alam, heto po ang facebook page nila

https://www.facebook.com/groups/rfac.ph/

Motorcycle Rights Organization’s Unity ride against Plaka Vest, No back ride in Manila, White helmet to register in the Barangay Level and the BUS incident during the ride.

Motorcycle Rights Organization’s Unity ride against Plaka Vest, No back ride in Manila, White helmet to register in the Barangay Level and the BUS incident during the ride.

Halos Pitong libong Mananakay ng motor ang nag rally simula Lungsod ng Quezon papuntang Lungsod ng Pasay para labanan ang katangahang batas na gusting i-implementa ng mga gunggong na taga gawa ng batas.
Una, ang Plaka vest na suportado ng local na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon.
Pangalawa, Bawal ang may angkas sa Maynila.

At Pangatlo, Ang kabobohang dapat I pa rehistro ang helmet sa barangay, at dapat puti ito.
Bwahahahahaha, sino ba naming mag aakala na mga batas nay an ay ang mga binoto ng mamamayan, karamihan eh riders din.

Nag rally ang MRO at iba pang grupong lumalaban sa karapatang pang rider para tutulan syempre ang batas na magpapahirap sa mga mananakay.
Well DONE, isang tagumpay ang pag sasama sama ng grupo para tutulan ang mga batas na yan, kahit ang aking mga ka club mates ay sumama para I re presenta ang grupo naming.
Ngunit may isa lamang na insidente nung na cut daw sila ng BUS, at unti unti na itong nagiging viral sa internet.

Ang punto ko doon ay ito, kung na cut man sila, at wala naming nasaktan, ay sana hindi na nila pinatulan, alam kong mahirap controlin ang pitong libong rider, pero may mga designated groups din naman yan na dapat ay inaalalayan ng kanilang mga respetadong leader, bakit kanyo?
Heto, ito ay rally ng mga riders, ito ay sumasalamin sa heneral na galaw ng mga rider (yun lang ang masakit) nagbigay ng traffic, at ilang insidente na hindi kanais nais sa ibang tao. Lalo na itong bus na binasag ang salamin. Ngaun, lalong magkakaron ng diskriminasyon sa motor dahil nga nangyari ito sa isang rally / unity ride ng mga rider.

Nakita nyo ba ang mga hate messages sa FB? Hanapin nyo na lang. tapos paniguradong sisilaban ang mga butse nyo. Well, lumagay ka sa lugar nila? Anong masasabi mo? Tama bang basagin ang salamin ng BUS na ito? Wala bang enforcer o pulis man lang na makikita sa sulok sulok para ipaalam ang ginawa ng bus? Yung mga tao sa bus na naabala dahil sa pag ra-rally, yung ibang nasa kotse.
Organize ang pagsasama sama, sana ay organizado ng mga grupo ang kanilang mga miembro. Don’t get me wrong here, I SUPPORT THE CAUSE, dahil ako mismo ay hindi sang ayon sa batas nay an at kahit kelan ay hindi sasangayon jan. Ilang hate messages na din ang natatangap ko sa facebook na pinagbibintangan pa na pakalawa ng kabilang grupo eh sa nuknukan naman ng tanga itong nag PM saken eh parehas ko silang pinupuna. { common sense diba? }

Pero sana hindi rin tayo nakaka abala sa iba, ng sa gayon ay maisip din ng iba na may karapatan tayong dapat I respeto at igalang. Sa nangyaring basagan ng salamin, ang karamihan sa sakay nyan ay iisiping mga CRIMINAL MINDS talaga tayo, syempre hindi di ba? Pero ang karamihan dun ay natakot sa insidenteng maaaring mangyari dahil lamang hindi maintindihan ng ilan sa atin na kailangan ng palampasin ito. Yung mga nakasakay sa BUS at natakot, nag alala sa puedeng maging reaksyon ng ibang riders. Batuhin ko salamin ng bahay mo hindi ka ba matatakot? Kahit de boga ka, de kutsilyo o anu pa man eh matatakot ka pa din. Ganun din sila. Si sana ay pinalampas na nila yun. Nakita ko yung video hindi galling sa isang rider eh, galling mismo sa isa sa mga nakasakay sa loob ng bus, eh di ano ang I e-expect nating comment dun? Eh di puro laban sa atin.

Minsan, bago gumawa ng gulo, isipin muna natin ng maka ilang beses, bago natin gawin, isipin ang mga consequences, isipin kung anong mangyayari. I advance ba natin, para makita natin ang resulta ng maiwasan natin ang masamang outcome. Simple lang diba?

Binabati ka daw ni Johnny Delgado, Chairman Jobert Bolanos sa isang matagumpay na rally, Kape daw kayo minsan. [ echos lang ] 





Congratulations Jobert and the rest of the riders who stood up and fought these abusive, stupid and stupid laws ( wala ng maisip eh, redundant na lang ) Isa itong tagumpay sa mga riders.
Teka, teka, teka… Nasaan kaya si Johnny Delgado nung mga panahon na yun? Nasa Shell Pugon nagkakape? Marilaque? Well, sila kasi ang may akda ng Plaka Vest na yan, malamang yung ibang taga MCPF ay sumama dun sa rally pati yung ibang members ng QCHRC, hahahahahahahahaha..

Madami nanaman akong i-e-expect na mag me-message saken ng mga hate kemerot nila for sure. 



Thursday, January 23, 2014

Plate NUMBER on vest (AGAIN) and Riding in Tandem

Plate NUMBER on vest (AGAIN) and Riding in Tandem



Well, heto nanaman tayo sa isyung ito na matagal ng pinagtatalunan. Pero mas matindi ang epek ngaun dahil parang PRIDE ang dating (pinalaki, pinalaki, PINAKA MALAKIIIIIIII) ng PEG nito.

Itong isang tolonges na Konsehal ng Kwestyon CITY ang gumawa ng “SUHESTYON” na ito ay talaga naming sagad ang kabobohan, na buhayin ulit ang kanyang panukala sa PLATE NUMBER ON VEST. BABABOOOOMMMMMM..
Nakakainis isipin na may mga tangang rider group na sumasang ayon dito at dapat daw na subukan muna bago masi pag reklamo ang mga tulad kong aktibista.
Hoy, Tarantado!! Kung criminal ang target nyo at mabawasan ang RIDING in TANDEM eh hindi yang sagad sa kabobohang panukala ng Konsehal nyo jan sa Kwestyon City, sino ba naming hindi sasang ayon jan sa panukala eh riders kayo ng CITY HALL aber? May budget ba kayong nakukuha kay “Konsi” at mega super over sa power ang pag sang ayon nyo sa panukala na magpapahirap sa riders na katulad natin? Slow clap mga ka riders, slow clap sa mukha!! Ang lakas mo pang mag sabi ng “ Subukan nyo muna, ng malaman nyo! “
Wala tayong dapat subukan dito kasi yung mga batas na iniisip nyo ay hindi ginamitan ng utak mga peste kayo sa mundo. Para kayong si Johnny Delgado na noong pinapalagay ni Cherman Sheperd Bayani Fernando yung plate number on Helmet ay tahasan naman talagang kumontra sa panukalang iyon. Ooooppppsss, teka nga, hindi bat yung plate number on vest at plate number on helmet ay PAREHAS lang?!!
Ayyy, OO NGA!! So sinong tanga? Sino ang nagmamagaling dito? So ano nanaman ang sasabihin mo? Pakawala ako ng kabiloang grupo na panay ang rally kapag merong bagong issue tungkol sa motor? Hoy, Johnny Boy, Parehas lang kayo nun na tingin saken eh kaaway kaya pila pila din pag may time ha.
Bakit hindi mag focus ang batas natin sa Police Visibility at hindi tutulog tulog ang mga hindiputang nagpapalaki ng tyan na parak? May nangyari patayan sa riders agad ang tingin at binansagan pang mga KRIMINAL? Nakapunta ka na ba ng Senado? Yung Idol mong si Sen Bong Bong akusado, pag nanakaw sa kaban ng bayan Johnny Boy. Naka kotse yun ha gusto ko lang i-clarify.
Hindi dapat panay motor ang tinitingnan, maaaring nagiging instrument ito sa mga krimen pero ang motor ay walang isip, tao ang gumagawa ng krimen at hindi ang motor. Alam kong hindi mo naisip yan kasi bising-busy ka sapag pi feeling mo jan sa DOTC. Tapos ngaun darating ka at ipipilit nanamang yang gusto mo.
Binigyan tayo ng Diyos ng UTAK, abay gamitin naman natin. Punyetang yan. Yung sa inyo ng mga tropa mo eh parang IPINAHID lang eh.
Ang pagsugpo sa RIDING in TANDEM ay hndi plate number sa VEST o ang pagbabawal sa MOTOR na tinuran ni Kornrina STanchez, Gamitin naman natin ang utak, wag nating ipahalata na ganun tayo ka ignorante, Parang yung isa lang din, Martilyo gang, Bawal ang Martilyo, What?!! Anong klaseng Gobyerno meron tayo? May nasasayang na kanin, bawal ang unli rice. Anoo???!! Kahit na sayangin nila yang kanin eh bayad naman yan, hindi nyo naman binigay yan na libre. Gamit gamit ng utak mga ser at Mam.

Hindi Kriminal ang mga nagmo-motor.. Mas criminal pa nga yung mga nakikita ng taong bayan na naka kurbata at naka kotse. Wag mong sabihing hindi. Na nasa Senado. Amininnnn…
Tsaka, may Kriminal ban a mag susuot ng plate number sa vest at papatay ng tao? Kelan ba sumunod sa batas ang mga KRIMINAL Johnny Boy? KELLLLLAAAAAN???? Yan common sense lang jan eh m apag hahalataan talaga na kung ginamit nyo ang utak nyo eh hindi nyo iisiping ipilit yan eh. Minsan talaga hindi na COMMON yang COMMON SENSE na yan eh. So anong point nyo dun sa Plate number on vest? Tingnan mo yung picture, parak yan, iba ang plate number sa vest at sa motor. GALING DI BA? Oh, dib a IDEYA nyo yan? LOL.. Nakaka ULOL..


Ooopppsss, May rally po ang MRO sa Linggo (well, hindi nab ago sa akin yun, lagi naman eh) sa mga gusting sumama, hanapin lang sa FB ang kanilang fan page. Motorcycle Rights Organization.

Porsyur marami nanamang ituturing akong kaaway pagkatapos nito. Well, wala akong pakialam. Magsama sama kayo. 

I am Hercules

I am Hercules



Last night January 22, 2014 Martin Hercules died in a motorcycle accident. I don’t wanna go into details about it for it was very heart-breakin for us who knew him. One of the good, great guy I knew, very adventurous, my mentor when I started going to the North by myself, He helped me get my first 400cc back in 2006, we rode the nights of Marilaque with the moon riders, he helped a lot of riders who is passing by metro manila coming from different provinces. His passion for motorcycles and riding made him a lot of friends that treasures him. His death is too soon and the whole Motorcycling Community mourns about it. See you on the roads of Heaven Sir, surely, you will be missed.

“Even the greatest man falls down, but this one will

                                                           not gonna stop us from doing what we love”