Sunday, April 24, 2011
Real, Quezon Beach - Experience the Wave not so far from Manila
After Visiting Panguil River Eco Park, Naimbitahan ako ng isang kaibigan na si Janjan Alipayo na taga Cogeo, Antipolo na bisitahin ulit ang Beach ng Real, Quezon.
Makatapos ng kaunting pag papapayag, Umayon na ang aking may bahay at ang aking "excited" na anak na kami nga ay pumunta doon. Pagkatapos ng kaunting pag hahanda kami ay tumuloy na.
Pagdating ng intersection ng Famy galing Paete, ay dapat ng kumanan pa Quezon.
Sa una, maganda pa ang kalsada at smooth naman ang byahe namin. Nung lumaon ay narating na namin ang lubak lubak na parte ng daan.
Take note po, hindi ito rough road, literal na lubak po ito kaya mag ingat po tayo dito. Ito po ay makikita sa boundary ng Laguna at Quezon.
Parang pag nakita mo ang Lubak, Malapit ka na. Hehehehe..
Umalis kami ng Paete sa ganap na alas onse singkwenta'y nuebe (11:59) at kami ay dumating doon ng ala una treinta'y otso (01:38) sa takbong 60kph maximum na sya gawang tatlo kami sa motor.
Nakita ko ang nagimbita sa aking kaibigan nguni't sila ay pauwi na.
Gayun pa man, kami ay tumuloy pa din dahil napansin kong mas excited ang aking may bahay kesa sa aking beachbum na anak.
So ganun na nga at kami ay naligo at nag enjoy.
Hindi gaanong crowded ang lugar, kaya ma e-enjoy mo ang waves, Konting impormasyon tungkol sa lugar.
Unti unti na itong dinarayo ng mga surfer from our country at ganun na din sa ibang bansa.
Unti unti na din itong nakikilala dahil sa ganda ng alon nya from Real to Infanta.
Maka ilang beses na din akong nagawi dito, nguni't siempre ay mas na enjoy ko ito dahil kasama ko ang aking pamilya.
Nakakatuwang panoorin sila habang inaabangan ang waves na natural ng makikita dito.
Hindi rin gaanong madumi ang paligid at napansin kong ang mga basura ay naka tabi.
Mura ang Isda sa palengke ng Real at sariwa ito lalo na pag umaga.
Ang mga resort ay halos tabi tabi na lang din.
Nagsisimula ang magandang buhangin sa barangay tignoan. dahil ang mga nauunang dagat na makikita nyo ay lugar kung saan nakatira ang mga mangingisda, sa madaling salita, komunidad po sya.
Hindi ko na masyadong maalala ang pangalan nung aming resort na napuntahan hindi ko mawari kung star beach o star bay resort.
P25 pesos ang entrance kada tao, ang cottages naman ay ranging from P350 to P900 pesos.
Mejo ok din naman ang CR at banlawan nila. may kahinaan lang ang tubig.
Hindi na namin naranasang magpaluto, ngunit puede pong magpaluto sa resort na ito.
Kung gusto nyo namang ma experience ang nakakatuwang alon sa beach na ito. Napakalapit lamang nito sa Maynila.
At sa aking tingin ay mas mainam ito kesa sa beaches ng Batangas, dahil mas pino at hindi gaanong ganon ka itim ang buhangin nya.
And mas malinis ang paligid nya. Nung huling punta ko sa Nasugbu at matabungkay, nagkalat ang basura at yung iba ay nasa dagat na.
Sana ay magawan ng paraan ng lokal na pamahalaan ng Matabungkay ang problemang yan.
Kung mangagaling kayo sa Maynila itong Real, Quezon - Infanta ay kulang kulang 3 oras lamang kasama ang trapik.
Kung hindi naman kayo nagmamadali, mas maiging silipin nyo rin ang Beach ng Infanta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
People are the one who destroys it also. No one to blame.
ReplyDeletegreg herlean