Saturday, April 23, 2011

Panguil Eco River Park - Ambon Ambon Falls



Ang River Eco Park po ay makikita sa Bayan ng Panguil, Laguna. Ito po ay kinse minutong byahe sa motor kung kayo po ay galing ng Paete, Laguna.

Nitong nakaraang araw ay napag pasyahan namin ng isang kaibigan na si Ralph Maribao na bisitahin ang ipinagmamalaki ng Bayan na ito. Ang tinaguriang Panguil Eco Park River - Ambon Ambon falls.


Abril 23, 2011. Nag text sa akin ang aking kaibigan na nanduon na sila sa Petron Famy, nag reply ako na pumunta na sa bahay at ibinigay ko ang direksyon pagawi ng Paete.

Nagpunta din ang isang kaibigan na nag sponsor ng aming pagkain na si Adonis Paragsa na ang esposa ay taga Magdalena, Laguna naman.

Sa madaling salita eh niluto ko ang kanyang dalang Baboy sa adobong tinuyuan sa bawang at inihaw ko naman ang tilapya.

Kumain kami sa bahay at pagkatapos ay umalis na din papunta sa Eco River Park.

Pagkarating namin kami ay mejo nagulat sa dami ng tao, ayyyy.. Oo nga pala at summer na.
So kami ay nag bayad almost P50 pesos ang isang tao. Ay bata naman ay P22 pesos.

Maganda ang lugar dahil kung mahilig ka sa nature, pasok ito sa panlasa mo.
Mapuno at halos puro kawayan ang paligid.

May hanging bridge na matibay naman kaya wag matakot na dumaan.

May malit na pool na pambata at pang teenager.

At gawang maraming tao ay punong puno ito na halos sardinas na ang labas ng mga naliligo.

Ok naman ang ilog, malinaw ngunit ito ay kulay putik sa ilalim gawa ng mabubulahaw ang tumining na alikabok sa dami ng tao.

Umakyat pa kami sa bandang taas para makita ang Falls ngunit ito ay may extrang bayad pa na P60 pesos.

Ang cottage naman ay Around P200 pesos each.

Pansin ko lang din na sa dami ng tao sa lugar eh napapabayaan na ng ilan ang kanilang basura.. kanina ay marami din akong nakitang plastic na nasa ilog na mismo.

Maganda ang lugar, kung hindi ka naman maselan ay puedeng paliguan ang ilog.
Pero kung ang kutis mo ay mala Kris Aquino ay baka mag dalawang isip ka.

Kung laging ganito karami ang daragsang tao dito kahit hindi mahal na araw eh baka sa loob ng 50 years eh hindi na dayuhin ito dahil sa basurang itinatapon ng ibang nagpupunta dito na walang disiplina.

Kung patuloy nilang gagawin ito ay maubusan tayo ng likas na yamang liguan na katulad nito.

Para po sana sa pamunuan ng Panguil, Laguna. sana ay mabigyan nyo ng pansin ang problemang ito.


Lagi po nating tandaan ang awiting "KALIKASAN" ..

Maraming Salamat po!!!

2 comments:

  1. Hi Sir,

    Just want to ask po if you have any contact numbers for Pangil, Eco-park - Ambon Ambon falls. I'm planning to take my family there.

    Super thanks sir : )

    ReplyDelete
  2. i don't have one. the palce is not hard to find. after reaching famy just ask the locals there.

    ReplyDelete