Saturday, March 19, 2011

Open PIPE law, Bakit napaka LABO nito?


Open pipe? Ano ba ang "sa tingin" nyo bakit madaming riders ang nagamit nito?
Sabi ng iba, para maging aware ang mga tao na may paparating na motor, ganun din sa sasakyan.
Sa iba naman eh "dagdag" power daw at hindi mainit sa makina lalo na kapag modified na ang cylinder or BORE kung tawagin ng iba..

Ano man ang dahilan nila eh sa kanila na yun.

Maraming nagamit nito ay walang konsiderasyon lalo na kapag gabi, ang mga walang aral na mga bagitong rider eh kung maka hataw sa malilit na daanan eh ganun ganun na lang.

So in return eh magaalit ang mga tao, dun na nadadamay ang buong komunidad ng pag mo-motor.

Sa makati unang umalingawngaw ang city ordinance na bawal ang naka open pipe. Maraming riders ang naging biktima at palagatasan sa batas na ito na originaly ay hindi dumaan sa public hearing.

Well, kung ang tawag nila sa mga konsehal at ilang tao na hindi lalagpas sa 50 at walang imbitadong galing sa motorcycle body eh "PUBLIC HEARING", deskripsyon nila yun.

Subalit itong ordinansang ito ay ipinapatupad ng illegal, bakit nga po ba?

Sila ang nanghuhuli ng walang tamang gadget para malaman na lumabag nga sa batas ang ingay ng tambutso!!!

Itong mga yellow boys ng makati o MAPSA eh nireredondo lang nila ang silinyador para masabing maingay ang TAMBUTSO..

Aba. aba. aba... MALI po yun mga ginoo.. ito po ay ginagamitan dapat ng "decibel meter/gauge" para po malaman natin na lagpas nga sila sa itinalang sukat ng ingay..

AT ito po ay dapat pinapatupad hindi lamang sa mga nag mo-motor.. ang batas pong yan ay hango lang naman sa pinatupad na batas ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972

i quote
"1. That it shall be unlawful for the owner or possessor of any motor vehicle to use or attach to his vehicle any siren, bell, horn, whistle, or other similar gadgets that produce exceptionally loud or startling sound, including domelights, blinkers and other similar signalling or flashing devices."

kung babasahin nyo po nung panahon na yan eh sa other gadget tayo pasok..
Ngaun naman po, naglabas ng isang dokumento sa Cebu na "naglilinaw" daw sa pinag kaiba ng open pipe sa after market mufflers.

Disclaimer, this is funny as hell...


Nabasa nyo po ba?

heto po ang regarding sa aftermarket pipes.

Mufflers - A device that reduce noise and used with
an internal combustion engine


1. motor vehicle exhaust system is composed of exhaust
manifold, exhaust pipe, muffler (noise reduction device)
and for some with catalytic converter


2. driver/operator flagged down operating a motor vehicle
without of defective muffler shall be issued a ticket
for the violation. Defective muffler has visual defects
missing internal components like silencing asbestos, inner tube

3. after market exhaust mufflers are allowed

My Answer:

Number 2, Defective muffler has visual defects
SO if ever sumemplang ang riders, or bumagsak ang motor at mejo nayupi ang tambutso, titiketan na ba ako agad? visual defect daw kasi hindi po ba?

Number 3, after market pipes are allowed.
Ito po ang malabo, kung allowed po ang after market pipes, bakit marami pa ding pong nahuhuli regarding sa what they called "open pipe"?

Napaka labo po nitong ruling na ito regarding sa pipes, unang una, ito po ay dapat iniimplementa hindi lamang sa naka motor, dahil ito pong batas na ito ay ginawa para sa kotse, bakit ang naka motor lang lage ang gatasan ng mga buwayang naglipana hindi lamang sa Makati pati na din sa ibang lugar tulad ng Pasig at the Fort.

Hindi po ba magkakaron ng "uniform ticketing" sa buong bansa? kung saan isang sistema lang at presyo ng tubos ang ipapatupad?

napaka gulo po ng systemang pinapatupad nyo..
Naturingang kayo po ang mas edukado sa tingin ng iba, kayo pa po yata ang walang mga utak..

LTO, kelan po ba tayo gagawa ng aksyon sa bulok nyong systema?
Abay, hahayaan pa po ba nating pagtawanan tayo ng iba? Bulok na bulok na po ang departamento nyo eh.. baka balak nyong mag pa "fresh" ng konti sa simulaing UNIFORM TICKETING SYSTEM.


at siempre kung nakakabili ang ibang departamento ng speed gun para sa commonwealth, bakit po hindi maka iskor ang LTO ng decibel gauge para sa mga nanghuhuli na walang basehan kung hindi bombahin ang silinyador ng motor..


Napaka laking pera po ang napasok sa departamento nyo eh mukhang diretso lang sa bulsa ng mga namamahal diyan ang kinikita..

BAka lamang po.. nang TUMINO TINO ANG BATAS TRAPIKO SA BANSA NATIN..

18 comments:

  1. pare tanong lang pano yung mga vtwin na kahit stock na yung muffler e sadyang maingay talaga parang yung steed ko or yung mga hd? huhulihin ba nila din ako pag nadaan ako ng fort or kung san man may ordinance? pati rin yung mga skyline, civic ,etc na nakatangal ang catalytic converter (pang racing)di rin naman nila hinuhuli e. malabo nga yang law nayan, pero di nila iniisip na mas effective maingay na pipes kaysa sa busina kasi busina paminsan minsan lang ginagamit pero kamay natin parati nakapihit sa silinyador so mas aware ang ibang motorista sa atin! ride hard brother!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang problem lang dyan paps, kahit hatinggabi, yong mga kamote riders ay gustong gustong binibirit ang motor kahit open pipe sila at maingay at nakabulahaw.

      Delete
  2. yun nga ang masaklap eh, kapag bigbike ang dadaan o sadyang maingay na motor kahit bumomba kpa sa harap nila hindi ka nila papansinin. Natural mas maingay ang malalaking motor kaysa sa mga underbones na motor na ginagamit natin diba? Dito palang nakikita na nating unfair ang batas ng bansa natin!

    ReplyDelete
  3. lol yung ingay ng mga big bikes di hamak na mas masarap pakinggan sa tenga kesa sa mga naka open pipe na underbone :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka d ka pa nakarinig ng loaded at naka-aftermarket pipe na big bike bro.

      Delete
  4. Good Day mga boss. Tanong ko lang po kung bawal ang Ride it! na open pipe? Salamat po

    ReplyDelete
  5. Eh kung kahit naka open pipe ang motor pero may silicone rubber na silencer huhulihin pa rin bah kahit di na maingay???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dto saamin hindi hinuhuli kapag nka rubber pero yong honda hornet namin na 450cc hinuli kasi maingay raw,,

      Pulis po nang huli sa driver nmin

      Delete
    2. sa pagkakaalam ko po dapat nakafixed ang silencer at hindi pwede di tanggal.

      Delete
  6. mga ka riders.. may nanghuli saamin na TRAffiC ENFORCER SA naga dahil nka open pipe daw aq.. i was riding 40mph lang.. na alam nio naman na hindi magproproduce ng loud noise, dahil nga mabagal.. pero pianara nia ako.. at titiketan.. sabi q anong violation? sabi nia naka open pipe daw aq.. sabi q naman.. wala pa namang city ordinance na naglalabas nun.. alam ko yun kasi nagtatarbho sa municpyo ang tito ko.. pero iniinsist nia yun.. well hindi aq pumayag.. ehh nag hehesterical na yung kupal kaya binyaran q nalang. then nakalagay sa ticket q.. backride NO HELMET.. di na aq nakipag away.. kasi lalo lang lalaki ang gulo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman po city ordinance lang, PD 96 po yan, means buong Pilipinas po.

      Delete
  7. ask ko lang yang city ordinance ng taguig na yan kaka bwisit nyan section 85 daw open muffler. unang huli ko sa BGC, ito ngayong araw na ito nahuli ulit ako malapit dyan sa FTI patungoong bicutan. tanong ko yang ordinance nila na nyan sa the fort BGC lang ba yan o buong taguig?..papakitaan ka ng ordinance ang labo xerox pa..itong LTO na ito gagawa ng batas na walang ka kwenta kwenta kaya dami corrupt dito sa atin..

    ReplyDelete
  8. Tanong ko lang po di po ba huhulihin ang open pipe na naka silencer? okay lang ba yan sa LTO kung naka open pipe pero naka silencer? Bicol Region po ako:)

    ReplyDelete
  9. Tanong ko lang po di po ba huhulihin ang open pipe na naka silencer? okay lang ba yan sa LTO kung naka open pipe pero naka silencer? Bicol Region po ako:)

    ReplyDelete
  10. Tanong ko lang po di po ba huhulihin ang open pipe na naka silencer? okay lang ba yan sa LTO kung naka open pipe pero naka silencer? Bicol Region po ako:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa pagkakaalam ko po kung lalagyan ng silencer dapat po naka fixed at hindi pwedeng di tanggal.

      Delete
  11. Sorry po sa pero sa last part ay malinaw po ang nakalagay na aftermarket MUFFLER at hindi po aftermarket PIPE. Magkaiba po yon as defined in the memo.
    MUFFLERS Noise reduction device
    EXHAUST PIPE at Exhaust manifold at meron din iba na me catalytic converter. Kung nayupi lang ang muffler, hindi naman siguro magproduce ng ingay kesa sa open pipe.
    Huwag po kayong malito sa MUFFLER at PIPE.

    ReplyDelete
  12. Sir magkano po ba penalties ng sec 85. Lalo na sa taguig?

    ReplyDelete