Tuesday, April 9, 2019

Bawal ang motor sa Zapote River Drive


Zapote River Drive
By: Gene B. Ulag

Mainit na araw mga kasama, heto nanaman po at nagbabalik ang inyong lingcod, para sa isa nanamang kaunting kaalaman para sa ating lahat. So, itong ating topic ngayon ay makakatulong lalo na sa mga TIGASOUTH.

Sa amin pong nakalap na impormasyon, ito pong Zapote River Drive ay binuksan noong July 18, 2018, para na din ibsan ang “napaka tinding” traffic sa Las Pinas, ang tawag nga naming sa Las Pinas ay, Imbentor ng Traffic. 

Sa madaling salita, itong Zapote River Drive po ay isa sa mga solusyon para nga mabawasan ang matinding traffic sa ilang bahagi ng Las Pinas, ang kahabaan nito ay umaabot sa 1.7 kilometers na nagsisimula sa Tulay ng Zapote, papuntang BF Resort sa Margie Moran St. Kung may Friendly Sticker ka, makakadaan ka, kung wala naman, mas maiging mag exit ka na sa E. Trinidad sa may San Isidro Pamplona Uno Subdivision dahil mahigpit ang mga guard pagdating jan sa BF Resort.
Kung itong Zapote River Drive at solusyon sa traffic jan sa Alabang Zapote Road, alam nyo bang bawal ang motor dito????

Yeppp, tama po ang pagkakabasa nyo, BAWAL PO ANG MOTOR sa kahabaan ng Zapote River Drive.










Ngayong araw po, gawa ng aking curiosity, binaybay ko po ang kahabaan ng Zapote River Drive at nakiusap po tayo sa isang Baranggay Tanod na nagbabantay ditto po sa Pamplona Uno para po Makita natin at magkaroon naman ng idea an gating mga tagasubaybay at kapwa riders nab aka sakaling sila ay maligaw dito sa parting ito ng Las Pinas.





Heto po ang Video ng aking nakuhanan, pagpasensyahan nyo napo at un-edited ito at walang time lapse.







 Verdict natin:

Mas maige na nga sigurong ipagbawal ang motor sa Zapote River Drive dahil na din sa dami ng pasaway na Riders at Tricycle, hindi ko naman sinasabing walang pasaway sa mga Drivers no, pero sa sitwasyon dito, dun sa mga blind spot, Riders ang mas kawawa sakalaing maaksidente. 

Dagdag pa na sa gabi ay hindi kaliwanagan ang mga ilaw dito, nagsasarado din daw ang gate dun sa BF Resort kaya sa E. Trinidad lang din ang exit mo sakaling gabi ka mapadaan, pero may bantay din dun. 

So para lang sa kaalaman nang mga kasama natin, mas maigi napong wag ipilit ang motor sa Zapote River Drive, para na din sa kaligtasan ng karamihan. Wag hipokrito ha. Sumunod na lang tayo. :D Mabuhay at laging mag ingat sa pag mo-motor. 



2 comments:

  1. This was made by the government and yet motorcycles can't pass thru this?

    ReplyDelete
  2. So ano yan, mayayaman lang ang pwedeng dumaan yung may sasakyan lang?? Galing ah.... Ano to nabili ng villar yung kalsada na yan?

    ReplyDelete