Saturday, March 9, 2019

Drama Rama sa Masa at ang Doble Plaka


Drama Rama sa Masa at ang Doble Plaka
By Gene B. Ulag

Yep, nabuhay nanaman, ang nag iisang, matabil ang bilbil, este bibig, na kinaiinisan ng mga kritiko pero abang naman ng abang sa mga isusulat ko. Well, heto na nga tayo, kasama nyong tatalakayin ang mga nakaka “PUTANG INANG” issue sa mundo ang pag mo-motor ngayon.

Nitong nakaraang Linggo, ay marami ang sumilakbo ang dugo, tumaas ang kilay at naglagablab ang galit ng mabasa nila ang isang post sa social media ng isang Ricky G. Velasco, itong si Ginoong Ricky Velasco ay napag alamang isang Brodkaster Jornalist DWBL Radio, pero ano nga ba ang pinagmulan ng mga galit nitong mga nag mo-motor kay Ginoong Velasco at nangagalaiti pa ang iba sa kanila. Heto po ang screen shot ng kanyang post sa social media.



Ito pa lang si Ginoong Ricky Velasco ay gustong ipa-BAN ang mga nag mo-motor, nakikita ko naman ang punto nya na ang gusto nya yata ay i-BAN ang mga pasaway sa kalsada, pero hindi rin nawawala ang pagturo nito na i-BAN na ang lahat ng nag mo-motor sa EDSA.

Napaka tinde hindi po ba? Well, kahit po ang kapulisan, ay hindi kayang hulaan kung may magaganap na krimen sa kahit na anong lugar, depende na lang kung mala Tom Cruise ang datingan nila sa pelikulang “Minority Report” kung saan si Tom Cruise ay isang pulis na nakikita ang hinaharap gamit ang isang makinarya.
Pero hindi nga ito possible, kaya hirap ang kapulisan. Pero hindi naman din yata tama na ipagbawal ang mga nag mo-motor sa EDSA!! Abay, isang malaking kagaguhan nga naman yan.
Ang EDSA ay ang isa sa pangunahing daan na araw araw ginagamit ng mga motorista, lalo na din ang mga nag mo-motor, hindi naman porket motor ang involve sa naganap na krimen eh ipagbabawal nyo nalang basta basta, wag nyo na sanang sundan ang kagaguhan ng Mandaluyong sa Anti-Backride ordinance.
At, itong mga krimen naman ay dapat kayang maiwasan, kung meron lamang mga kapulisan na nakatambay sa mga Choke points o designated Police spot. Sablay lang talagang ipasa sa mga “RIDERS” ang mga bagay na hindi naman nila kasalanan.
Oo, inaamin ko, marmaing pasaway na nag mo-motor, pero marmai ding mga pampublikong driver na pasaway, pribadong driver na pasaway, maraming pasaway sa lahat ng estado, kung inaayos lamang ng LTO ang Red Tape sa Ahensya nila eh di sana kahit papano eh mahihigpitan nila ang pag iisue ng mga lisensya.

Pero mabalik tayo dito kay Ginoong Ricky Velasco, makatapos nga noong post nya na yon, siya ay binatikos ng napakaraming RIDERS, ay paano ba namang hindi, nakakaputang ina naman talaga itong tinuran nya, gine generalize na nya na lahat ng riders ay pasaway. Inihalintulad pa ng matandang yun ang mga Riders sa PWD na naging sanhi din ng pag iinit yata sa kanya ng mga disabled citizens natin.
Matapos din ang isang Linggong pag iinit sa kanya ng mga RIDERS, eh biglang kumambyo si Ginoong Velasco sa post nyang ito.


Ano man ang dahilan ni Ginoong Velasco sa kanyang tinuran, naiingit ba sya sa ating mga RIDERS, o heart broken sya dahil nabasted sya ng isang rider (Charot) o natalsikan sya ng tae ng pusa ng isang humaharurot na rider habang naglalakad sya? Ay hindi natin alam.

Ang tanging alam natin ay may kinikimkim na galit itong si Ginoong Velasco sa mga RIDERS kaya gusto nyang ipagbawal ang mga RIDERS sa mga pangunahing daanan sa Pilipinas.

Well, ang masasabi ko lamang po Ginoong Velasco, “when the stars are shining, it keeps on shining through”, Alam ko po, walang koneksyon, gusto ko lang syang bangitin.


DOBLE PLAKA

Heto na, ang isa sa pinakamatindeng laban ngayong pagpasok ng taon, ANG DOBLE PLAKA (Jan jararannnnn). Well, wala ng intro intro, PUTANG INA NYO NA AGAD para dun sa mga nagsulong ng putang inang doble plaka na yan. Ganun katinde.

Kasi naman, sabi ko nga, kung Gobyerno ang gagastos jan, wala akng pakialam, pero, hindi nyo nga mapunuan yung kakulangan nyo sa isang plaka, GUSTO NYO DOBLE PA?

MC Crime prevention???? Ano kami? Kriminal????!! Heto ang nakakalungkot jan, nasa opisina na daw ni Pangulong Duterte ang batas na ito, kaya noong nakaraang araw ay nag Vigil ang mga RIDERS sa Mendiola para mapansin ng Pangulo at maasahang i-VETO ang Batas na ito.

Maraming bansa na ang ibinasura ang suhestyon tungkol jan sa DOBLE PLAKA nay an, hindi dahil mahusay silang manghule ng criminal kung hindi dahil sa safety ng riders. Yep, Yah heard me right, RIDERS SAFETY.

Eh sino nga baa ng mga kinunsulta nila ditto sa DOBLE PLAKA na ito? Mga RIDERS ba? Siempre HINDEEE. Noot noon pa man ay hindi naman nakikinig ang mga PUTANG INANG YAN sa mga EKSPERTO.

Itong si Gordon ay noon pa man, RIDER HATER na talaga. Tingin ko ditto, may masamang karanasan ito sa Motor o sa RIDER eh. Baka may syotang syang bakla noon araw. Tapos humiling sya na bilhan sya ng motor, pumayag naman yung bading kung may mangyayari sa kanila, at may nangyari na nga, kaya excited si DICK na bilhan sya ng motor nung syota nyang bakla, pero, hinid na muling nagpakita yung bakla sa kanya, kumbaga, ISTAPA yung nangyari sa kanilang dalawa. O kaya naman hindi, talaga galit lang sya sa mga RIDERS.

Paano ko nasabi? Ang dami ng suhestyon ni DICK sa mga batas tungkol sa pagmo-motor, hindi ko na iisa isahin, dahil pagod na ako, lagi ko na lang ipinapaliwanag, I GOOGLE mo naman, utang na loob.
So yun na nga, marami ang nangangamba na maaaring, maisa batas itong DOBLE PLAKA Law na ito kahit puro kabalbalan lang naman ang punto nila dito.

Picture courtesy of Yob Bolanos via Motorcycle Rights Organization



No comments:

Post a Comment