Monday, March 18, 2019

ANG KALSADANG GINAGALAWAN NATIN (The Road we Live in)


Ang kalsadang ginagalawan natin
Ni: Gene B. Ulag






2019 na, ilang dekada na din ang nakalipas noong nagsimulang umarangkada ang industriya ng sasakyan, mapa motorsiklo man o kotse.

Kasabay ng mga bagong modelong sasakyan ay mga bagong features din nito, katulad ng TV, HID headlights. Led lights at marami pang iba. Kasabay din nito ay ang masusing pagaaral na pagandahin at gawing ligtas ang bawat sasakyang ilalabas kada taon.

Ngunit mayroon lamang isang bagay na parang napag iwanan ng panahon, yun ay ang pagiging disiplinado sa kalsada.

Paano kong nasabi?




Siguro ay, mga Dalawamput Walong taon na akong nag mo-motor at dalawamput apat nang nagmamaneho. Kaya, napapansin ko ang kaibahan ng “Ugaling kalsada” noon, kumpara ngayon.

Muli, paano kong nasabi?


Sa nakalipas na taon, napakaraming nainvolve sa Road Rage, isa sa pinaka sikat ay ang pangyayari na sangkot si Jason Ivler, na nagtago pa at nagkaron pa ng manhunt.

Pero bakit ng aba humahantong itong ganitong klaseng pangyayari na nagbubuwis ng buhay kapag hindi naiwasan? Ito marahil ay ang ating EGO o PRIDE pag nasa kalsada tayo.

Naandun na tayo, napakaraming pasaway hindi lamang sa hanay ng mga rider, kung hindi ganun din sa mga driver. Hindi naman din na natin masisisi ang ilan kung magka taasan sila ng ihe, lalot may kaya ang kabilang kasangkot. It all boils down to our EGO being so big.

Pero bakit ko nga bang nasabi na parang hindi na disiplinado ang mga Rider at Driver ngayon. Dahil Malaki talaga ang pagkakaiba nila kumpara noon.

2004, pumutok ang Drag Racing Scene ng Motorsiklo at Kotse sa Macapagal, wala pang mga magagandang istablismento noon, wala pa yang Okada, Solaire at iba pang malalaking istablismento. Ang tanging nanjan lang ay ang OG na Gas Station na, Jetti. Opo, yan mismong Jetti nay an na tambayan ng mga Disiplinado at Pasaway na Raiders noon. Hanggang sa itinayo na din ang Shell, kasunod nito ay yung Mcdo.
Nakatambay kami jan up until 2010 siguro, yung grupong kinaaaniban ko na Shogun Elite Club at based sa Petron Macapagal na katapat ng Shell at Mcdo. 2007 noon nung inaabot kami ng umaga jan sa pagtambay at pagtaya sa mga nangangarera. Ultimo Pasko nakatambay kami, meron pa ngang bagong taon, nakatambay kami. Marami din akong nakikitang (Kasama na din kami madalas) na mga naka tsinelas lang, naka shorts, tabo helmet lang ang gamit, kumbaga, mga pasaway ba.




Shogun Elite Club, Petron Macapagal, 2007


Pero ano ba ang punto ko? Eh meron din namang mga naka ganyan hanggang ngayon. Ang punto ko ay simple lang, mas kaunti ang nadidisgrasya noon. Statistically, pataas ng pataas ang bilang ng mga nadidisgrasya taon taon.




Pero bakit ng aba pataas ng pataas ang aksidente? Hindi naman basta basta lamang EGO related ito, siguro ay iniisip nyo. Tama naman kayo, itong mga aksidenteng ito ay hindi lang puros EGO related, mayroon din, katangahan lang o kayabangan lang, pero lahat yan ay bumabagsak sa tamang pag gamit ng kalsada at pagsunod sa traffic laws.

Hindi naman alintana sa atin na ang LTO ay isa, kung hindi man nangunguna, ay matinde ang RED TAPE sa Gobyerno. Isa lamang ang pag i-issue ng lisensya, yung pagkuha ng test nyan at malaking pera ang naipapasok sa kanila. Yung iba kasi, natatakot daw bumagsak, at kailangang kailangan daw nila yung lisensya sa trabaho nila. Yung iba naman ang dahilan ay ayaw na nilang mapagod pa.

Pero, itong “Napakadaling” test ng LTO at magbibigay sa kanila ng kaalaman, kahit na kaunti, ng mga batas at kung paano gumamit ng kalsada, pero, PEROOOO, NAPAKARAMI pa ding ayaw sumunod sa tamang proseso at nagpapa FIXER pa din.
Itong simpleng mga batas na hindi naman din kahirapang intindihin ay maaari nilang magamit, para makapag ligtas ng buhay. Iwas aksidente pa.

Hindi rin naman masawata ng LTO ang sistemang ito, na ang kinababagsakan, ay ang pag gawa ng mga istupidong batas katulad na lamang ng “Doble Plaka” ni Gordon at Sotto.

50k ang multa kapag hindi ka sumunod. Napakahusay hindi ba? Mabalik tayo, kung siguro ay hihigpitan ng LTO ang pagbibigay ng lisensya, ay baka mabawasan ang mga pasaway sa kalsada, “BAKA”.

Pero, kapag ba nangyari ito ay magiging ligtas na ang kalsada? Hindi pa din, siguro maliit na porsyento ang mawawala pero marami pa ding matitira, dahil nga sa kawalan ng disiplina at INTEGRIDAD ng mga Riders, Drivers at Commuters.

Oooppps, kasama na pati commuters????? Tumpak nga mga Tsong at Tsang. Mismong mismo. Ilang aksidente din kasi ay involved ang katangahan ng mga commuters natin, na kadalasay nasisisi pa yung mga nadamay lang naman talaga sa aksidente nila, lalo na kung namatay ang taong involved.

Dahil panget ang batas natin jan, maraming inosente lang ang nadadamay sa mga kagaguhan ng karamihang na-aaksidente. Biruin mo, hindi tumawid sa tamang daanan, naka cellphone habang naglalakad ng hindi nakatingin.

May mga overpass naman na puedeng daanan ng mga tao, para safe silang makatawid, pero iilan lang ang nagamit? Wala pang dalawang porsyento, mas gusto nila yung delikado pero medaling makatawid. I wont blame them either. Minsan ginagawa ko din yan.


Pero hindi bat ditto pumapasok ang “INTEGRIDAD”? Yung dapat ginagawa moa ng tama kahit walang nakakakita? Na hindi porket ginagawa ng lahat pero mali ay gagawin mo na din?



Katulad na lamang nito, tatawid ka ng kalsada, kapag GO na ang signal. Tapos magagalit ka pag binusinahan ka kasi nga, NATAWID KANG TANGA KA!
Yung mga ganyan ba? Nakaka bwiset na gusto mo na lang sagasaan eh no? Pero, yan na mismo yung sinasabi ko, kasama sa istatistika, kaya sila nadidisgrasya ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pasaway hindi lamang sa hanay ng Riders at Drivers kung hindi, pati na rin sa commuters.

Hindi pagsakay sa tamang sakayan, tamang tawiran, tamang babaan. Sabayan mo pa ng mga pasaway na Bus, Jeeps at iba pang sasakyan sa kalsada.

Hindi pagsunod sa tamang linya, hindi pagsunod sa traffic lights, Kapag nagdilaw eh imbes na magbagal, mas malo pang binilisan. Yung simpleng pagbibigayan na lang pag may lilikong sasakyan eh, imbes na pagbigyan na lamang, hahabulin pa para makalusot, kapag minalas at nasabitan, parang mga sira ulong halos maging santo na sa pakikiusap.

Lahat ng yan ay maaari namang iwasan eh. Bakit hindi magawa ng karamihan? Kaunting bigayan na nauuwi sa barilan, Suntukan o murahan.

Oras na nasayang, mga taong naabala ng dahil lamang sa EGO ng bawat isa. Na kung nagbigayan sila, ay pare parehas na sanang “on the way” na. Kung titingnan, maliit na bagay lamang kung nagbigayan na eh, hindi yung, ayaw magpatalo ng bawat isa, para lamang sa maliit na parte ng kalsada. Para lamang maka unos ng kaunti, para lamang masabi na mas Malaki ang bayag nya kesa sa isa. EGO.

Hindi naman masamang magbago, aminadong aminado naman ako jan, na kahit hanggang ngayon ay pro choice pa din ako. Pero hindi nako maituturing na pasaway sa kalsada siguro, dahil, pa unti-unti, inaalis ko na ang bad habit na yan, iniisip ko lagi yung end point, o yung resulta, kapag pumasok ako sa gulo, kaya siguro, mas kalmado na ako ngayon, kumpara noon, mas mababa ang EGO, mas may INTEGRIDAD kahit papano, di ko masabing mas “DISIPLINADO” pero, kahit papano, masasabi kong “OO”.

Huling panawagan sana, sa LAHAAAAAAAAAAT ng nasa kalsada, magbigayan tayo, sumunod sa batas trapiko, rumespeto sa bawat tao o sasakyan man sa kalsada. Iwas disgrasya, iwas gastos, makakauwi pa tayo ng maayos.







Saturday, March 9, 2019

Drama Rama sa Masa at ang Doble Plaka


Drama Rama sa Masa at ang Doble Plaka
By Gene B. Ulag

Yep, nabuhay nanaman, ang nag iisang, matabil ang bilbil, este bibig, na kinaiinisan ng mga kritiko pero abang naman ng abang sa mga isusulat ko. Well, heto na nga tayo, kasama nyong tatalakayin ang mga nakaka “PUTANG INANG” issue sa mundo ang pag mo-motor ngayon.

Nitong nakaraang Linggo, ay marami ang sumilakbo ang dugo, tumaas ang kilay at naglagablab ang galit ng mabasa nila ang isang post sa social media ng isang Ricky G. Velasco, itong si Ginoong Ricky Velasco ay napag alamang isang Brodkaster Jornalist DWBL Radio, pero ano nga ba ang pinagmulan ng mga galit nitong mga nag mo-motor kay Ginoong Velasco at nangagalaiti pa ang iba sa kanila. Heto po ang screen shot ng kanyang post sa social media.



Ito pa lang si Ginoong Ricky Velasco ay gustong ipa-BAN ang mga nag mo-motor, nakikita ko naman ang punto nya na ang gusto nya yata ay i-BAN ang mga pasaway sa kalsada, pero hindi rin nawawala ang pagturo nito na i-BAN na ang lahat ng nag mo-motor sa EDSA.

Napaka tinde hindi po ba? Well, kahit po ang kapulisan, ay hindi kayang hulaan kung may magaganap na krimen sa kahit na anong lugar, depende na lang kung mala Tom Cruise ang datingan nila sa pelikulang “Minority Report” kung saan si Tom Cruise ay isang pulis na nakikita ang hinaharap gamit ang isang makinarya.
Pero hindi nga ito possible, kaya hirap ang kapulisan. Pero hindi naman din yata tama na ipagbawal ang mga nag mo-motor sa EDSA!! Abay, isang malaking kagaguhan nga naman yan.
Ang EDSA ay ang isa sa pangunahing daan na araw araw ginagamit ng mga motorista, lalo na din ang mga nag mo-motor, hindi naman porket motor ang involve sa naganap na krimen eh ipagbabawal nyo nalang basta basta, wag nyo na sanang sundan ang kagaguhan ng Mandaluyong sa Anti-Backride ordinance.
At, itong mga krimen naman ay dapat kayang maiwasan, kung meron lamang mga kapulisan na nakatambay sa mga Choke points o designated Police spot. Sablay lang talagang ipasa sa mga “RIDERS” ang mga bagay na hindi naman nila kasalanan.
Oo, inaamin ko, marmaing pasaway na nag mo-motor, pero marmai ding mga pampublikong driver na pasaway, pribadong driver na pasaway, maraming pasaway sa lahat ng estado, kung inaayos lamang ng LTO ang Red Tape sa Ahensya nila eh di sana kahit papano eh mahihigpitan nila ang pag iisue ng mga lisensya.

Pero mabalik tayo dito kay Ginoong Ricky Velasco, makatapos nga noong post nya na yon, siya ay binatikos ng napakaraming RIDERS, ay paano ba namang hindi, nakakaputang ina naman talaga itong tinuran nya, gine generalize na nya na lahat ng riders ay pasaway. Inihalintulad pa ng matandang yun ang mga Riders sa PWD na naging sanhi din ng pag iinit yata sa kanya ng mga disabled citizens natin.
Matapos din ang isang Linggong pag iinit sa kanya ng mga RIDERS, eh biglang kumambyo si Ginoong Velasco sa post nyang ito.


Ano man ang dahilan ni Ginoong Velasco sa kanyang tinuran, naiingit ba sya sa ating mga RIDERS, o heart broken sya dahil nabasted sya ng isang rider (Charot) o natalsikan sya ng tae ng pusa ng isang humaharurot na rider habang naglalakad sya? Ay hindi natin alam.

Ang tanging alam natin ay may kinikimkim na galit itong si Ginoong Velasco sa mga RIDERS kaya gusto nyang ipagbawal ang mga RIDERS sa mga pangunahing daanan sa Pilipinas.

Well, ang masasabi ko lamang po Ginoong Velasco, “when the stars are shining, it keeps on shining through”, Alam ko po, walang koneksyon, gusto ko lang syang bangitin.


DOBLE PLAKA

Heto na, ang isa sa pinakamatindeng laban ngayong pagpasok ng taon, ANG DOBLE PLAKA (Jan jararannnnn). Well, wala ng intro intro, PUTANG INA NYO NA AGAD para dun sa mga nagsulong ng putang inang doble plaka na yan. Ganun katinde.

Kasi naman, sabi ko nga, kung Gobyerno ang gagastos jan, wala akng pakialam, pero, hindi nyo nga mapunuan yung kakulangan nyo sa isang plaka, GUSTO NYO DOBLE PA?

MC Crime prevention???? Ano kami? Kriminal????!! Heto ang nakakalungkot jan, nasa opisina na daw ni Pangulong Duterte ang batas na ito, kaya noong nakaraang araw ay nag Vigil ang mga RIDERS sa Mendiola para mapansin ng Pangulo at maasahang i-VETO ang Batas na ito.

Maraming bansa na ang ibinasura ang suhestyon tungkol jan sa DOBLE PLAKA nay an, hindi dahil mahusay silang manghule ng criminal kung hindi dahil sa safety ng riders. Yep, Yah heard me right, RIDERS SAFETY.

Eh sino nga baa ng mga kinunsulta nila ditto sa DOBLE PLAKA na ito? Mga RIDERS ba? Siempre HINDEEE. Noot noon pa man ay hindi naman nakikinig ang mga PUTANG INANG YAN sa mga EKSPERTO.

Itong si Gordon ay noon pa man, RIDER HATER na talaga. Tingin ko ditto, may masamang karanasan ito sa Motor o sa RIDER eh. Baka may syotang syang bakla noon araw. Tapos humiling sya na bilhan sya ng motor, pumayag naman yung bading kung may mangyayari sa kanila, at may nangyari na nga, kaya excited si DICK na bilhan sya ng motor nung syota nyang bakla, pero, hinid na muling nagpakita yung bakla sa kanya, kumbaga, ISTAPA yung nangyari sa kanilang dalawa. O kaya naman hindi, talaga galit lang sya sa mga RIDERS.

Paano ko nasabi? Ang dami ng suhestyon ni DICK sa mga batas tungkol sa pagmo-motor, hindi ko na iisa isahin, dahil pagod na ako, lagi ko na lang ipinapaliwanag, I GOOGLE mo naman, utang na loob.
So yun na nga, marami ang nangangamba na maaaring, maisa batas itong DOBLE PLAKA Law na ito kahit puro kabalbalan lang naman ang punto nila dito.

Picture courtesy of Yob Bolanos via Motorcycle Rights Organization