Saturday, November 14, 2015

Sad Life



Kagabi, nakita ko na may post ang anak ko ng "Sad life". Kinausap ko sya kung para saan yun, sabi nya, wala lang daw, Grade 5 na ang panganay ko, sabi ko sa kanya bukas na kami mag-usap at gabi na para sa argumento.

Kanina, tinanong ko ulit sya kung para saan yung "Sad life" na post nya, sabi nya ulit, wala lang daw, sinabi ko sa kanya na nakikita yun ng mga pinsan nya, kamag anak at kaibigan na naka add sa facebook account nya, sa panahon ngayon, paniguradong iba na ang iniisip ng mga tao sa kung anong nangyayari sa kanya.

Ipinaliwanag ko sa kanya na ang "Sad Life" ay yung kailangan mong mangahoy para may pera ka kinabukasan, libutin ang buong Pasay maka hanap lang ng scrap na kahoy para maibenta sa mag ma-mais dun sa lugar namin, mag igib ng tubig sa mga kapit bahay, magbantay sa sugalan, manghingi ng pagkain sa mga kamag anak na halos patayin na kami sa pang ma-mata.

Ang Sad Life eh yung lumaki ka sa magulong lugar, na parang wala ng option kung hindi mag adik ka na lang din dahil yun ang lagi mong nakikita, rambol, riot, saksakan at patayan ay regular lang na buhay na umiikot sa kinalakihang kong lugar noon, Yun ang Sad Life.

Sad life na kailangan mong lumaban dahil kung hindi ay magiging pagkain ka ng mas malalakas at mas matatapang sa iyo. 

Grade 4 ako, nilalakad ko ang M. Dela Cruz hangang Rotonda sa Edsa, lakad ha.
Nagtitinda ako ng mais sa palengke ng Pasay sa umaga, bukod pa sa pagluluto ng mais sa gabi. Sa hapon naman, ay nagtitinda ako ng kakanin sa Makati para may extra pa akong pera.

Natuto akong magsugal, mag inom at mag adik. Dahil ang tingin ko noon ay wala ng choice kung hndi sumabay na lang sa agos ng tubig sa paligid ko.

Yun ang Sad life. 

Nagsisikap kaming mag asawa na pag aralin sya sa magandang eskwela, hindi lang basta maganda, kundi pribadong eskwela, may masarap na baong pagkain bukod pa sa pera. Hindi nahuhuli sa bayad sa matrikula.

Nakakakain ng masarap, may bahay nasisilungan, may Tv na pinapanooran hindi katulad ko noon na nakikinood lang, May internet at may computer na hindi na kailangang pumunta sa mga internet cafe.

Nakakatuwa nga ding isipin kapag sinasabi ng mayayaman na kaya nilang mabuhay sa hirap. 

Nakapag ulam na kaya sila ng sitsirya? Yung tag pi-pisong sitsirya na iuulam mo sa kanin?

Hindi kami mayaman, pero nabubuhay kami ng sapat at hindi nagugutom, Oo, madalas kinakapos na alam naman nating normal lang, pero namumuhay kami ng marangal at hindi nanghihingi. 

Hindi namin niyayakap ang mga bagay na hindi naman namin kayang yakapin. Kuntento kami sa bagay na meron kami.

Alam kong isa lamang yun sa mga “Wala lang” post ng anak ko. Gusto kong magalit at the same time ay maiyak, ewan ko, emosyon siguro. Bilang Ama na alam mong ginagawa mo ang lahat para sa pamilya mo.

Naisip ko din na pabata ng pabata ang mga insidente ng pagiging Emo ng kabataan that leads to something else. Kailan pala ng atensyon ng bata, pero hindi napapansin ng magulang kaya nauuwi sa pag re-rebelde. 

Mahal na mahal ko ang anak ko, at sana ay balang araw, ay maging responsible syang tao, na may moral at tibay nang dibdib na harapin ang bawat pagsubok na madadaanan nya sa kwentong tinatawag na buhay.

Turuan natin ang mga anak natin ng wastong pag gamit ng social media, dahil ang bawat post nila dito ay maaaring ma mis-interpret ng iba.

Maaari ding magamit ng iba sa pan sarili nilang interes, maaaring maging mabuti at maaari ding ikasama.



Sabi nga nila “Think, before you click”

Mahal na mahal ka namin anak, kayo ng kapatid mo. 

Saturday, November 7, 2015

Standard get up para sa RIDERS

Standard get up para sa RIDERS
By Gene B. Ulag




Well, Matagal na din akong nag mo-motor, ilang taon na din nung sumama ako sa grupo at naging aktibo bilang rider.

Noon, simple lang ang get up, kung ano ang standard, padded jacket, shin guard, high cut leather boots, gwantes at helmet, kung wala namang padded jacket, nauso din yung Fox na body armor, elbow guard kung wala kang padded jacket, tsaka yung isa ding naging mainstream na suot ng mga riders noon, yung Back Protection.

Nakakatuwa yung get up ng mga riders, lalo na’t pag tambay nights, ewan ko ha, pero sabi nila, hindi naman daw nagpapagandahan ng get up ang bawat isa pero pagdating sa tambayan, naka Dainese na jacket at gwantes, AGV o Arai na helmet, naka racing boots pa yung iba.

Yung iba naman, parang breezy boys lang, naka t-shirt, gwantes na itim at siempre, naka back pro.
Oo, aminado kami, lalo na ako, na yung grupo namin,  bihira ang get up-an na ganito, siguro una, malapit kami sa tambayan namin, na alam kong hindi naman valid na dahilan kung paghahanda sa disgrasya ang pag uusapan, pero kung kami ay may ride, ganyan din kami mag pormahan, dress for the crash nga daw di ba at hindi dress for the ride.

So yun na nga, mabalik tayo, ganun lang ka simple ang  up-an noon, nagsimula akong gumamit ng reflectorized vest nung madalas na ang pag byahe ko ng gabi. Pero iilan lang din ang may vest na may logo ng grupo nila. Kami nga eh ni isang beses ay hindi nakapag pagawa ng vest na may logo, puro plain white or yellow reflector vest lang ang ginagamit namin.

Pero ngayon, iba na ang get up, kung noon ay standard yang mga nabangit ko, ngayon ay “dapat” ganyan na ang suot mo, hindi na ito basta standard na lang kung hindi ito ay “uniporme” na din.
Dagdag pa ang nakakasilaw na LED lights at may blinkers pang kasama. Ibat ibang design ng vest na may naglalakihang “logo” ng MC Club nila. 

May Two way radio din na naka display sa dibdib nila na kadalasay parang mga bubuyug na bulong ng bulong kahit walang ride. Masyado sigurong malakas ang signal ng radio nila.

Actually, nakakatuwang tingnan na sa pagdaan ng panahon ay nag evolve at madami ding na inform na riders tungkol sa mga get up na ito, yung ibang solo riders ay natuto na ding mag suot ng vest at crash gears.

Ngunit, datapwat, subalit, sapat na ba ito? I mean is, sapat na ba ito para mabansagang Disiplinadong mananakay na tayo?

Dahil nitong mga nakaraang araw ay parang ito na ang nagiging basehan ng pagiging Disiplinado sa mata ng kapwa mananakay.
Ngunit, marami pa ding mananakay na barubal, bastos, pasaway at walang respeto sa kapwa motorista at commuters.

Oo, nandun na tayo, sa isang daan ay iilan ilan lang naman yang mga hindiputang yan. Pero, sana ay bago nila suotin ang CLUB Vest nila ay alam din nila ang kaakibat na responsibilidad nila sa kalsada, dahil yang maliliit na kagaguhan nilang ginagawa ay malaki ang impact sa MC Club nila at sa mga rider in general.

Buti kanyo kung sila lamang ang madidisgrasya, eh mandadamay pa ang mga lintek. Tapos, para silang ads sign sa laki ng mga logo sa vest nila.

Sa panahon ngayon, ay usong uso yung mga tipong “pasikatin natin to” bullshit ng mga sensitibong netizens na akal mo naman ay walang nagawang kasalanan sa mundo.

Paano kung ma bidyuhan kayo ng actual, eh di wala na, yurak agad ang pagkakakilanlan ng grupo nyo. O kahit na kamo ma pictyuran lang kayo.

May magandang epekto at siempre may masama ding epekto yan. Eh san pa ba tayo lulugar, sa masama ba o sa maganda?

Kaya sana naman, wag mag sipag astang daig pa ang PULIS kung magpatigil ng traffic at harangan ang kalsada.

Matutong rumespeto sa kapwa motoristaat commuter at puede nating gawin yan sa hindi pag harang sa pedestrian lane, hindi porket humarang yun iba eh sasama ka na din at sisisihin sila na kasi sila ay humarang din, INTEGRIDAD , yan ang dapat tsong.

Wag basta, cut ng cut at maging defensive hindi lang para sa sarili, para sa ibang kasabay na din sa kalsada.

At sana, laging tandaan na hindi ang get up ang basehan para maging disiplinadong rider ka.


Hindi kailan man at hindi magiging basehan. Nasa tao yan. Nasa tao at wala sa get up o motor.