Parking Etiquette
Magandang araw ka-Motor. Pag usapan natin kung paano ka
mag-parada (park) ng iyong iniingatang motor.
Naka side stand ba o center stand? Hindi naman lingid sa
atin na may dalawang klase ng stand ang karamihan ng motor puera sa mga general
sports motorcycle (category) tulad ng
Dirt bikes o MX bikes at ang siempre, race bikes or mas kilala sa tawag na “sports
bike” o kadalasan ay yung mga cruiser bikes na may isang stand lang na makikita
sa kaliwang bahagi nito (side stand).
Ikaw, paano mo ba ginagamit ang magkaibang Motorcycle stand
na ito? Bakit ko naitanong kanyo, ito ay sa dahilang napakarami pa din na nag
mo-motor na hindi alam ang function ng mga nabangit na klase ng “stand” sa
kanilang motor.
Well, napaka simple lang naman, heto: (itoy aking sariling pananaw)
Side stand: Ginagamit
lang ito kung may mabilisang kang bibilhin o gagawin at kailangan mo ding
makabalik sa motor mo agad agad. Yung timpong nasa tindahan ka lang at bumili
ng kung ano.
Center stand: Ginagamit
naman ito kung saan alam mo na matatagalan ka sa pupuntahan mo.
(Picture taken at SM Bacoor, bikes are using Center Stand)
Simple hindi ba? Pero bakit may mga rider pa ding hindi ito
naiintindihan? Hindi bat mas kombinyenteng sundin ang mga ito?
At bakit ko din ginawan ng issue ang pag gamit ng stand?
Well, ganito kasi yun (sa tonong batanguenyo).
Sa parking lot, dapat mas ginagamit ang Center Stand dahil nga kaya ka gumamit o pumasok sa parking lot ay
paniguradong matatagalan ka sa pupuntahan mo. Tama hindi ba?
O dapat, yung
center stand ang gamitin para mas stable ang pagkakaparada ng motor mo at hindi
prone sa pagbagsak.
Dahil alam naman natin na sa parking lot ng motor ay
kadalasang siksikan at hindi maiiwasang iurong ang motor mo para magkasya ang
sa kanila. Ngayon, kung naka lock ang manibela mo at naka side stand ka, imbes
na mas madali ang pag urong ay nagkakaron pa ng extra effort dahil nga naka
lock ang manibela mo at hindi ka naka center stand.
Todong tantyahan ang nangyayari, hindi ko naman sinasabi na
wag mong ilock ang manibela mo, ang pinupunta ko dito ay yung ibang rider na
nagpaparada na masyadong “Maparaan”. Yung bang konting butas lang eh ipipilit
pang ipasok ang motor nila makapag park lang.
Kung talagang maluwag naman, eh
choice mo na ang mag side stand, pero hindi ko pa din ina-advise kasi nga, pag
nasabi ang manibela mo ng malakas lakas ay prone ito sa pagbagsak.
Matutuwa ka bang Makita yung motor mo na basag ang side
mirror? O dented ang salamin? O basag ang signal lights? Tabingi ang lever?
Panigurado hindi, kaya siguro sa pag sunod sa kung paano gamitin ang mga “stands” na ito ay hindi rin naman
makakasama sa inyo.
Itong mga simpleng bagay na ito ay makakatulong din kahit
papano sa congestion ng parking natin at panigurado na mas kampante kang umalis
dahil alam mong mas stable ang motor mo kahit masagi sya.
Dahil alam naman natin na sa bungkos ng mananakay na yan ay
may isang utak taho na walang pakialam sa motor ng iba. Mas maige na ang
kampante, tama ba?