Motorcycle Rights
Organization’s Unity ride against Plaka Vest, No back ride in Manila, White
helmet to register in the Barangay Level and the BUS incident during the ride.
Halos Pitong libong Mananakay ng motor ang nag rally simula
Lungsod ng Quezon papuntang Lungsod ng Pasay para labanan ang katangahang batas
na gusting i-implementa ng mga gunggong na taga gawa ng batas.
Una, ang Plaka vest na suportado ng local na pamahalaan ng
Lungsod ng Quezon.
Pangalawa, Bawal ang may angkas sa Maynila.
At Pangatlo, Ang kabobohang dapat I pa rehistro ang helmet
sa barangay, at dapat puti ito.
Bwahahahahaha, sino ba naming mag aakala na mga batas nay an
ay ang mga binoto ng mamamayan, karamihan eh riders din.
Nag rally ang MRO at iba pang grupong lumalaban sa karapatang
pang rider para tutulan syempre ang batas na magpapahirap sa mga mananakay.
Well DONE, isang tagumpay ang pag sasama sama ng grupo para
tutulan ang mga batas na yan, kahit ang aking mga ka club mates ay sumama para
I re presenta ang grupo naming.
Ngunit may isa lamang na insidente nung na cut daw sila ng
BUS, at unti unti na itong nagiging viral sa internet.
Ang punto ko doon ay ito, kung na cut man sila, at wala
naming nasaktan, ay sana hindi na nila pinatulan, alam kong mahirap controlin
ang pitong libong rider, pero may mga designated groups din naman yan na dapat
ay inaalalayan ng kanilang mga respetadong leader, bakit kanyo?
Heto, ito ay rally ng mga riders, ito ay sumasalamin sa
heneral na galaw ng mga rider (yun lang ang masakit) nagbigay ng traffic, at
ilang insidente na hindi kanais nais sa ibang tao. Lalo na itong bus na binasag
ang salamin. Ngaun, lalong magkakaron ng diskriminasyon sa motor dahil nga
nangyari ito sa isang rally / unity ride ng mga rider.
Nakita nyo ba ang mga hate messages sa FB? Hanapin nyo na
lang. tapos paniguradong sisilaban ang mga butse nyo. Well, lumagay ka sa lugar
nila? Anong masasabi mo? Tama bang basagin ang salamin ng BUS na ito? Wala bang
enforcer o pulis man lang na makikita sa sulok sulok para ipaalam ang ginawa ng
bus? Yung mga tao sa bus na naabala dahil sa pag ra-rally, yung ibang nasa
kotse.
Organize ang pagsasama sama, sana ay organizado ng mga grupo
ang kanilang mga miembro. Don’t get me wrong here, I SUPPORT THE CAUSE, dahil
ako mismo ay hindi sang ayon sa batas nay an at kahit kelan ay hindi sasangayon
jan. Ilang hate messages na din ang natatangap ko sa facebook na
pinagbibintangan pa na pakalawa ng kabilang grupo eh sa nuknukan naman ng tanga
itong nag PM saken eh parehas ko silang pinupuna. { common sense diba? }
Pero sana hindi rin tayo nakaka abala sa iba, ng sa gayon ay
maisip din ng iba na may karapatan tayong dapat I respeto at igalang. Sa
nangyaring basagan ng salamin, ang karamihan sa sakay nyan ay iisiping mga
CRIMINAL MINDS talaga tayo, syempre hindi di ba? Pero ang karamihan dun ay
natakot sa insidenteng maaaring mangyari dahil lamang hindi maintindihan ng
ilan sa atin na kailangan ng palampasin ito. Yung mga nakasakay sa BUS at
natakot, nag alala sa puedeng maging reaksyon ng ibang riders. Batuhin ko
salamin ng bahay mo hindi ka ba matatakot? Kahit de boga ka, de kutsilyo o anu
pa man eh matatakot ka pa din. Ganun din sila. Si sana ay pinalampas na nila
yun. Nakita ko yung video hindi galling sa isang rider eh, galling mismo sa isa
sa mga nakasakay sa loob ng bus, eh di ano ang I e-expect nating comment dun?
Eh di puro laban sa atin.
Minsan, bago gumawa ng gulo, isipin muna natin ng maka ilang
beses, bago natin gawin, isipin ang mga consequences, isipin kung anong
mangyayari. I advance ba natin, para makita natin ang resulta ng maiwasan natin
ang masamang outcome. Simple lang diba?
Binabati ka daw ni Johnny Delgado, Chairman Jobert Bolanos
sa isang matagumpay na rally, Kape daw kayo minsan. [ echos lang ]
Congratulations Jobert and the rest of the riders who stood
up and fought these abusive, stupid and stupid laws ( wala ng maisip eh,
redundant na lang ) Isa itong tagumpay sa mga riders.
Teka, teka, teka… Nasaan kaya si Johnny Delgado nung mga
panahon na yun? Nasa Shell Pugon nagkakape? Marilaque? Well, sila kasi ang may
akda ng Plaka Vest na yan, malamang yung ibang taga MCPF ay sumama dun sa rally
pati yung ibang members ng QCHRC, hahahahahahahahaha..
Madami nanaman akong i-e-expect na mag me-message saken ng mga hate kemerot nila for sure.
No comments:
Post a Comment