Ride For A Cause,
re-visiting Talisay’s Home for the Aged
Mission 8, Season 6.
(photo courtesy of Jeffrey Mendoza Bagallon)
Ilang taon na din yata nung huli nilang puntahan ito, mga
dalawa siguro. Maaga kaming nakarating ni Loyd Tsunami sa Petron Macapagal, at
nandun na ang ibang riders mula sa ibat-ibang grupo, dala ang kanilang mga
donations para sa ating mga lola na bibisitahin ngaung araw. It was a good day
lalo pat birthday ng isa sa mga shooter / Marshal nating si F R Dela Cruz.
Mejo naka hambalang ang ilang mga volunteers kaya naisipan
kong kausapin ang management ng Petron Bluewave nab aka puedeng buksan ang
kanilang closed parking space dahil sa kadahilanang baka makaharang kami sa mga
customer nila, nung una ay hindi pumayag pero nung huli ay pumayag din,
Maraming salamat po Petron, Bluewave Management at sa Jolibee.
Nakumpleto na kami at hudyat na ito sa palagiang ginawa ng
grupo na briefing at pag papakilala sa mga NewV [ New Volunteer ] nakalimutang
ko yung pangalan ng isang newV na nakilala ko kasama ang kanyang gelpren.
7:30am ng umaga ng kami ay umalis, bantay sarado ng
magigiting ma Marshals ang linya ng grupo, binaybay naming ang Macapagal,
Sucat, Las Pinas, Aguinaldo hiway, makalampas ng Dasma ay umuna na ang ibang
Marshals at si Kazz ( Pogi Kasmut ) hangang marating ang Silang Intersection,
ng biglang may aberya, nakita kong nakahinto si Kazz at may tinutulungan na
rider na sumabit sa isang sasakyan.
Dumaan ang convoy at disiplinado naming hindi huminto para
umoyoso pa, kasama ng mga Marshal ay nag assist sa traffic at ang Medics natin
na walang kasimbilis ay dagliang umagapay at sinuri ang mga naaksidente,
makatapos malamang walang fractures si Nanay at daglian nilang nilinis at
nilapatan ng pansamantalang lunas habang wala pa ang ambulansya, badtrip lang
at ang mobile ng pulis at mga sakay noon ay umalis na hangang sa pag alis ng
biktima ay hindi na bumalik. [ sana hindi ka na nagpulis ]
Kay Sir naman na nag offer na gamitin na ang pick up nya
para madala ang biktima sa ospital ay isang slow clap at saludo para sa iyo
sir. So, sa makatuwid ay natapos at nadala na si Nanay sa ospital at kami ay
nag simula ng gumulong ulit. Teka, Para sa magigiting nating MEDICS, Pugay para
sa inyo mga kapatid, saludo ang dalawang kamay ko pati paa sa bilis at galling
ng mga ito.
Dumating kami sa Tagaytay at binaybay ang Talisay RD, habang
bumababa kami ay makikita ang mga magagandang tanawin, ang Pamosong Bulkan ng
Taal at ang lawa nito.
Pagbaba ay dumiretso na kami sa aming pupuntahan.
Organisado at walang putol ang convoy, Nakakadaan din ang ibang
sasakyan dahil may isang lane para sa kanila at may mga Marshal tayong mag su
sweep sa ating convoy, ligtas ang walang aberya ang byahe bukod sa kaunting
problema sa motor ni Kris Salas na walang isang minutong ginawa n gating
resident Mechanic na si Weng [ saludo sayo sir ].
Dumating na kami sa venue at binigay na ang mga donations,
nagkaroon ng ilang programa at awarding para sa magigiting nating riders club
volunteers na ang iba naman ay abala sa paglaban sa karapatan nating mga riders
sa pag mo-motor.
Nakaka iyak isipin na ang mga lola ay galling pa sa ibat
ibang probinsya at ikaw ay magtataka kung paano sila napunta dito. May galling
ng Cebu, Samar, Bicol, Pampanga, Tondo, Maynila at ang iba ang pawing mga taga
Batangas na lang din. Masakit ding isipin na paano sila napunta ditto? Wala ba
silang anak o Apo na mag aalaga sa kanila? Pinigil ko na lang ang aking sarili
dahil ako ay mababaw din ang luha, pero mas may mababaw pa pala sa akin, nakita
ko ang isang volunteer na babae na umiiyak dahil kami ay hinandugan ng awitin
ng ating mga lola.
Gusto ko din palang bigyan ng palakpak itong si Nelson
Mandela este si Pareng Nelson a.k.a. Blaknaz na isa ding katulad ko na matagal
ding nahinto sa pagsama gawa ng mga isyu sa buhay, Kaming dalawa ay founding member
ng grupong ito, mula sa simpleng pagdalaw sa Famy ay nauwi na sa Anim na taon
na pagtulong galling sa ibang ibang grupo na walang ibang gustong mangyari kung
hindi makatulong sa kapwa. Linawin ko lamang po hane? Ito pong RIDE FOR A CAUSE
ay hindi po suportado ni Janet Napoles hane? O ng gobyerno, ito pong pondo at
donation ay galling sa sariling pera, bulsa, pagod, hirap at luha ng mga
volunteers. Hindi po ito galling kanino man na nasa posisyon.
Palakpakan nga natin an gating mga VOLUNTEER na walang sawa
nagpapakita ng suporta at pagtulong sa mga nangangailangan. Isang magiting na
palakpak din para kay Sir na nakalimutan ko din ang pangalan [ Mahina talaga
ako sa names, sa mukha lang ako magaling ] na naka Kawasaki Ninja 1000 [ paki
soli na lang yung motor ko sir ha ] na hndi kami iniwan hangang makatapos ang
mission, kasama naming sa pansitan, sa barbikyuhan. Salamat sa pasensya sir at
alam mo naming mabagal kami kumpara sa motor mo. Pero kami ay sinabayan mo pa
din. Salamat ulit.
Well, tulad ng kinagawian, every after mission ride ay kanya
kanya na, ay iba ay bumalik na, yung iba daw eh hahabol sa MRO (gudjab) yung
iba naman ay may sariling lakad after. Ang IPRC naman ay mag na Nasugbu loop
via Kaybiang labas ng Maragondon, kami at nag pansit lamang sa Tanauan na pagka
sarap sarap. Salamat din sa nanlibre ng Pansit [ alam mo na kung sino ka ]. Ipo
promote ko na din ang Zinangang Express ng Tanauan Batangas na pagkasarap ng
Pansit Chami nila. At yung barbikyuhan sa kanto. Salamat din kay Blakstorm sa
imported na kape at sa paghalo ni Edwin Apelado sa kape, Hahahahaha.
Hangang sa muli, kita kits tayo sa Pebrero, Norte naman ang
target.
Palakpakan mga VOLUNTEERS, Mabuhay tayong lahat!!!!
Para po sa mga hindi pa nakaka alam, heto po ang facebook page nila
https://www.facebook.com/groups/rfac.ph/