Saturday, June 8, 2013

MC Lane, MRO and Atoy












Motorcycle Lane in C5, motorcycles banned from using flyovers and tunnels


Good day riders, well, balik balik tayo sa pagsusulat, as usual busy pa din sa buhay buhay dahil hindi naman tayo rich kid tulad ng iba jan kaya kailangan kong mag trabaho. Well, balitaktakan na tayo. 

Naimplement ang motorcycle lane sa C5 if I remember correctly nung may grabeng disgrasya sa C5 involving a couple of vehicles and a motorcycle. Pero, motorsiklo pa din ang tinamaan dahil na involve sya sa aksidente (napaka galling talaga ng MMDA, saludong saludo ako sa HUSAY nyong mag isip). 

Hindi ko alam kung may galit ba talaga itong si Atty. Tolentino sa ating mga rider o talagang salot lang ang turing nya sa atin.
Sumunod jan ay ang pag babawal sa pag gamit ng flyover sa C5 pero dun sa flyover papuntang Cubao ay puede. 

At to the point na nanghahablot sila ng riders jan sa Libis flyover dahil bawal daw dumaan ang motor sa flyover. Kung sesemplang ba ang rider ay sasagutin ng MMDA Atty. Tolentino? 

Isa lang ang ibig sabihin nito ay puede nilang gawin at gusto nila dahil may kapangyarihan sila. Iisa pa din ang stand ko tungkol sa motorcycle lane, hindi ako sang ayon at hindi maganda ang ideyang ito. Pero, sablay na sablay ito. Marami ng diskusyon dyan kaya aware naman na tayo kung ano ang dulot nyan. 

Sya nga pala, maraming riders ang nagtanong sa wall ng MMDA sa facebook kung ano ang reason nila at binawalan nila ang mga motor sa flyovers at tunnels. as USUAL, yung iba binura ng page ADMIN dahil walang maisagot. 

Kamusta na kaya yung Brgy Tnod na pinaghahampas ni CHERMAN SHEPERD TOLENTINO? Nagkabawaran siguro... We'll, malay natin.. 




MRO (Motorcycle Rights Organization)


Ofcourse headed by the famed Jobert Bolanos and his Co-Chairman Martin Misa. Nagkaroon sila ng rally last April and May 20 (nakalimutan ko na yung date nung April). 

Successful naman at marami namang naimbitahan sa kanilang motorcade-rally kontra plate number on vest at ngaun ay mayroon ulit sila sa June 12 (kalayaan ride daw ito sabi nila). 

Pero pansin ko nung mga ride nila ay sa Motorcycle lane sila dumaan, hindi bat nag rally din sila ditto noon kasi kontra sila? Kung kontra sila, eh bakit dito sila dumaan?

So, ano kayang inisip si CHERMAN SHEPERD dito? Nakakatawa lang kasi, they oppose but they follow.
We’ll I support their advocacy regarding MC lanes and Plate number on vest, pero ang pagdaan sa MC lane ay hindi. 

May motorally ulit sila sa June 12, kung gusto nyong sumama, its up to you guys. 

May FB page ang MRo just type Motorcycle Rights Organization sa facebook and voila, volunteer ka na. 




Atoy Cruz of MCPF, plate on vest and gloves on back ride


Napanood ko yung interview na yun kay Atoy at talaga naming ikinagigil ko, gusto kong CHANIIN isa isa yung bigote nya. 

Just to give you guys a brief of history, isa sya sa lumaban o isa ang MCPF sa mga lumaban tungkol sa trip balugang batas ni CHERMAN Fernando noon na ilagay ang plate number sa helmet. Nag rally kami sa EDSA noon na talagang ikinabahala ni CHERMAN SHEPERD Fernando at kinahapunan ay ibinasura na nya ang katarantaduhan yun. Pero iba tong si CHERMAN SHEPERD Tolentino, we’ll, wala naman talagang effect ang motorcade rally ng MRO, I’m sorry but I need to say that. MMDA under estimates the power of their motorcade / rally. 

Bakit? Una, hindi bilib ang MMDA sa mga suhestyon nila, dahil walang ngipin ang mga pagkilos, kaya minsan nakakatawa mang isipin eh tama ang mga pahaging ni Johnny Delgado sa kanila eh. Puro rally, puro motorcade at puro TRO. Oppps, hindi ibig sabihin ay tropa na kami ni Johnny Delgado ha. Badtrip pa din ako dun. 

Well, yun na nga, kasama sya sa lumaban noon sa plate number on helmet, pero ngaun, sya mismo ay supporta sa PLATE NUMBER ON VEST!!

HAR YU HAWT OP YOR MAYND? Anong kagaguhan ito ATOYYY!!

Hindi bat iisa lang ang konsepto nyan? Aruujosskooooo ka.. hndi ka pa kinain ng daga nung bata ka. 

Ito daw ay para masawata ang riding in tandem, ayyy pucha!! Walang criminal ang mag susuot ng vest tapos manghoholdap unggoy!! KRIMINAL NGA EH!! Isat kalahating ungas ka!!

Wag nating ilagay sa motorcycle riders ang kakulangan ng hindot na kapulisan. Police visibility po ang dapat para maiwasan ang kriminalidad at hindi pag susuot ng vest. 

Pero sa isang banda, may punto sya dun sa dapat mag gloves na din ang backrider. Uyy, ang daming na badtrip dun lalo na from keme latik group.  

Hindi ba dapat nasunod ang backrider sa kung anong suot ng rider? Like helmet, crash guards, shin, elbow and back pro? 

Weh, bakiiieeeettt ang daming nag react sa sinabi ni Atoy na dapat mag gloves ang mga backrider?
Hindi kaya dahil si Atoy ang nagsabi at maraming badtrip kay Johnny Delgado, Or, mga hipokrito lang ang karamihan sa atin?

Ang daming hate reaction sa statement nay un ni Atoy eh not thinking na dapat naman talaga hindi ba?
Matatanda na tayo para hindi pa natin malaman yan. Basta ang payo ko lang ay, wag sumunod sa alam nyo naming nilalaro lang kayo. Sumuporta sa tamang grupo at wag mag papa under sa kung sino man.
Ang daming grupo sa Pinas regarding motorcycle, at sila mismo ay hindi magkakasundo. May naging issue pa nga dyan sa ARMAS at MRO noon dahil lamang sa picture. Pero noon ay sila ang mismong magkakampi. 

Well, sa buhay naman ay hindi mo sigurado kung sino ang kakampi mo. Ang buhay ay survival of the fittest.
Basta mag ingat lang sa mga bulaang propeta, yung lang mga ka RIDER. 

At paniguradong, talamak na paninira nanaman ang aabutin ko sa isyung ito at sandamakdamak na batikos nanaman galing sa aking mga fans. Well, ganyan talaga sa showbiz. Hangang sa MULI.



1 comment:

  1. Sang-ayon ako sa "idea" ng motorcycle lane, "pero" tutol ako sa kung paano ito inimplement, this is why against ako sa implementation.

    Take for example, MC Lane sa Commonwealth, napakadelikado na sa gitna nila nilagay ang MC Lane, dahil yung mga sasakyan (kasama na dito ang mga hari ng kalsada jeeps at buses) sa kanan ng lane, biglang tumatawid sa MC Lane kapag gusto nilang gamitin ang mga mas mabibilis na lane, at ang mga sasakyan na nasa kanan (kabilang ulit ang mga jeeps at buses) tatawid ng MC Lane kung kakanan sa intersection or magsasakay/baba ng pasahero.

    In short delikado.

    Laging nasa leeg ang bayag ng rider kung gagamitin nya ang MC Lane sa Commonwealth dahil napapagitnaan sya ng threats kaliwat kanan, wala syang option to maneuver but to stay in one lane, kung iiwasan nya yung mga kakaliwa't kakanan na mga sasakyan, no choice sya but to slow down, pero malaking risk din ito dahil may mga mabibilis na motor at sasakyan din sa likuran nya... haaay... halatang ang nag-isip nito ay hindi alam ang pinagdadaanan ng isang rider sa pang-araw araw na byahe.

    and ang pinaka nakakatakot sa mc lane is the absence of legal protection kung sakaling mabangga ng sasakyan ang isang motor dahil tumawid ng mc lane ang sasakyan... currently walang road rule/law na pinoprotektahan ang motorcycle rider sa sasakyang makakabangga sa kanya habang syay sumusunod sa pag gamit ng mc lane.

    pinaka-ideal sa mc lane is:

    1) An exclusive lane, same location as the current mc lane, pero motor lang ang pwedeng gumamit ng lane, period. as in may barricade kaliwa't kanan, at open lang ang lane every 100-200 meters before an intersection or u-turn slot para may room to maneuver ang motorcycle ganoon din ang mga sasakyan na makukulong ng exclusive mc lane sa kaliwa't kanan ng mc lane, para sila din makadiskarte ng tamang distansya kung papasok sila sa kanto or gagamit ng u-turn slot.

    OR

    2) Put the MC Lane in the lane beside the center island. Then every 100-200meters bago ang u-turn slot, lilihis ang mc lane papunta sa next lane, then after 100-200meters after the u-turn slot, babalik ulit sa lane na katabi ng center island. Sa mga gagamit at papasok ng kanto sa kanan, mag tatalaga ng "safe allowance to turn right" 100-200meters bago ang dumating ang kanto.

    Maigting na orientation sa "lahat" ng gagamit ng partikular na kalsada na may ganitong klase ng sistemang MC Lane mapakotse man o motor, ito ang susi para maging successful ang implementation nito. Dapat aware ang lahat ng gagamit ng ganitong sistema.

    May road markers dapat ang area ng:
    1) "Safe allowance to turn right" at ang
    2) Paglihis ng mc lane 100-200 meters bago umabot ng u-turn slot, at pagbalik sa orihinal na pwesto 100-200meters after ng u-turn slot.

    Hindi pa ito perpekto, pero sa pagtutulungan at pagsasanib ng ating mga ideya at suhestyon eh magiging mas maayos ito kasya sa kasalukuyang ginagamit na mc lane... na talaga namang nakakatakot gamitin at pumapabor lamang sa mga nakakotse at mga hari ng kalsada.

    Ang pagdami ng pagmomotor ay salamin ng pagdami ng mga mamamayang walang pambili ng kotse na magagamit sanang pampasok sa eskwela't trabaho, pampasyal etc.

    Ang pagmomotor ng lipunan ay hindi dapat tingnan ng ating mga pinuno bilang isang sakit bagkos ay tanggapin nila na habang ang bansa natin ay inaahon natin sa kahirapan, ang pagmomotor ng karamihan, ay naririto at hindi malilisan.

    Sa pagtanggap na iyan, madaling masosolusyonan ang patas na pag gamit ng kalsada, nang sa gayon, kaming mga rider ay makauwi sa aming mga naghihintay at minamahal na Maria.

    ReplyDelete