Sunday, August 25, 2013

A Million March to abolish pork barrel, Coastal Terminal: Bagong pakulo ni Atty. Tolentino, ang Bus banning sa Lungsond ng Maynila at Solusyon ng PNP sa 5 criminal hotspot sa Metro Manila.


(Picture was grabbed from Facebook via friend)

Ngaung araw na ito mismo ay ginaganap ang “A Million March” ito ay para tangalin ang pork barrel na ilang araw nading nagging topic sa mga pahayagan ay telebisyon. Gawang itong si NAPOLES pala ay gumagawa ng pekeng organisasyon at nanghihingi sa mga senador. Biruin mo yung P*tang inang yun?!! Ang talino ng hindot. Naisip pa nyang gawin yun? Eh dun na sa kanya napunta lahat ng TAXES natin. May malalaking bahay, magagarang kotse at yung anak sa LA pa nag pa-party ang hindot..
Maraming senador at congresistang ayaw matangal ang pork barrel. Si Congresswoman Lani Mercado nga ang sabi eh “Basta wag hihingi sa amin ang mga tao, dahil hindi naman puedeng ibigay naming yung mga ipon naming dahil sa amin yun!” at take note, may halong galit na sinabi nya yan. Hiyang hiya naman ako sayo Madam ha, Ilan lang naman ang nagawa mo sa Bacoor, yung mga hospital na pinangako mo eh nasaan? Josko ka.. Marami bang nanghihingi sayo? Yung relief goods mo nga ni hindi umabot sa mga mahihirap na resident eng Bacoor. Gravvvyyyy ka.. Siempre yung asawa nyang si Senator Bong ay pumayag na tangalin yung pork barrel, Para naman malihis sa asawa nya ang buntong ng tao.
San nga ba ginagamit yung pork barrel na ito? Kasi kadalasan puro pampersonal na gamit lang ginagamit. Magbigay man sa taong bayan ay utang na loob mo pa sa hiniggian mo, hindi bat pera ng taong bayan yan? Anu ba yan? Akala ko ba PNOY kami ang boss mo? Neknek mo..
Kung yang bilyong bilyong Pork Barrel nay an eh napunta sa bansa natin ay napakalaking kaginhawaan panigurado, kaso mo, ang guminhawa lang ay sino ba? Hulaan nyo? Sige naaa!! Sirit???!!??
Well, alam nyo naman siguro kung kanino hindi ba? Yun po ay ang pinaghirapan nating pera, pinapawisan at pinagpagurang salapi. Pinang pa-party lamang ng anak ng hindot na si NAPOLES. Much worst, pinangbibisyo pa ng iba tulad nung kay dating Congressman Singson. Ganda di Vah?!
So payag ba kayong tangalin ang pork barrel na ito? Wag baguhin ng pangalan ha? Tangalin talaga.

Coastal Terminal ni Chairman Atty. Tolentino ng MMDA.
Well, Sabi ng karamihan na pag grabe ang “Traffic” sa isang bansa ay bagsak ang ekonomiya nito, dahil sa laki ng revenue losses na nangyayari. Marmaing reason, late ang mga empleyado, hindi on-time ang serbisyo ng mga trabahante at kung ano ano pa.
Kaya naman naisipan ni Atty. Tolentino na Chairman ng MMDA ang isang solusyon, ang pag bawalan ang mga provincial buses sa EDSA particular na ang mga galling sa Batangas, Laguna at Cavite.
Hindi naman sya ang nakaisip nito, ginaya nya lamang ito sa ideya ng Maynila sa pangunguna ni Pangulong Mayor Joseph “Erap” Estrada na suportado syempre ng kaniyang Bise Alkalde na si Isko Moreno.
Pag usapan muna natin ang Maynila, Napatira po ang inyong lingkod sa Maynila, dyan sa gawing Sampaloc. So ako po ay pamilyar sa trapiko sa Maynila, alam kop o kung gaano nakakaubos ng “kabataan” sa kunsumisyon ang traffic dyan. Ang Byaheng limang minuto ay nagiging treinta minutes dahil sa bumabalagbag na busses at jeepneys.
Kaya nung inimplementa nila ang pag ba ban ng mga busses sa Maynila ay malaking kaluwagan ang naidulot nito lalong lalo na sa mga mamamayan ng Maynila. Ang limang minutong byahe ay talagang limang minute na lamang.
Ang problema nga lamang ay, yung mga nadaan ng Maynila. Hirap mag abang ng sasakyan, ilang lipat ng transportasyon na noon ay isang sakayan lang. malayong lakaran galling sa Welcome Rotonda dahil ditto umiikot ang busses, grabeng traffic din ang naidulot nito sa mga karatig lugar tulad ng Quezon City at Pasay City.
Marami na ding reklamo ngunit hindi pa din nila nagawang ipatangal ang bus ban sa Maynila.
Well, ang punto ko lang ay ganito, laging may PROs and CONs yan, may benepisyo sa iba, sa iba naman ay perwisyo. Bakit ba ang SUBIC noon, ay hindi naman ganon kahigpit, ngunit nung ipinatupad ni Dating Senador DICK Gordon ang mahigpit na implementasyon ng batas trapiko ay lahat naman ay nakasunod?
Bakit sa Metro Manila ay hindi natin magawa? Maraming kolorum na bus, marami ding mga bastos at walanghiya kung iwasiwas ang mga bus nila sa EDSA? Marami ding smoke belchers na taon taon naman ay ipinapa rehistro ngunit napasa pa din? Gravyyyy…
Solusyon? Marami eh, tangalin ang mga KORAP na opisyales, matinding implementasyon ng batas trapiko at anu pa? Bayag para sa mga magpapatupad nito.
Sa dami ng kakilala kong taga Maynila, mas gusto nilang bawas ang bus sa Lungsod nila na kahit ilang baba sila at sakay ng jeep ay ayos lang dahil maluwag ang kalsada at walang bus na naka balagbag.
And I want to KONGREYTSHULENSHEN po ang namumuno sa Lungsod ng Maynila sa patuloy nilang pagbabago ng Lungsod na ito na puno ng kwento at Istorya. Saludo po ako sa inyong ginagawa Mayor Erap at Vice Isko. Ipagpatuloy nyo pa po.


Ok, Punta naman tayo ng Coastal Terminal.
Una ko munang pupunahin ang 24-hours dawn a byahe ng busses pa Maynila at Pa Cavite-Batangas. Karamihan ng nakausap ko po ay naubusan na ng buhok kakahintay sa mga bus na pa Cavite, from 10pm onwards ay mahirap na pong sumakay sa terminal na ito. Nice one Atty Tolentino.
Kung galing naman kayo ng Cavite-Batangas, isang bonggang lakaran ang gagawin nyo papuntang terminal pagkababa nyo sa Coastal. Maraming nagrereklamo na matatanda na nahihirapang mag lakad kasi nga yung mga ibang dapat isang sakay lang pa simbahan ng Baclaran ay kailangan pang bumaba dyan sa terminal nay an, maglakad ng pagka layo layo, maghintay ng matagal bago makasakay papuntang Baclaran, At wag nyong I assume na ito ay gawa gawa ko lamang, dahil ito ay based from AKTUWAL HEKSPIRIYENS dahil ako po mismo ang bumyahe at nag testing sa sinasabi nilang, “Mabilis na transportasyon” na naging “mas” impierno sa dating impierno nang traffic sa area na ito.
Ngaun, itong ating butihin na Chairman ay nag commute from dasma na may kasama pang reporter ng Channel 7 sa kadahilanang tinangap daw nya ang hamon na mag commute sya, ang siste eh mag isa lang sya sa bus habang iniinterbyu ng reporter!! Watdapek???!!! Haryukiddingmi???!!
Eh pano mo masasabing “been there, done that” kung espesyal ang treatment sayo ng mga busses? Bakit hindi ka mag commute ng naka disguise tapos saka mo subukan. Nasubukan mo na bang sumakay ng alas siete ng umaga sa Imus? Bacoor? Or talaba? Yan sana ang subukan mo para “atleast” man lamang ay maranasan mo ang hirap ng pag co-commute at hirap na dinadanas ng mga taong naapektuhan ng napaka gandang IDEYA mo. Na imbes na Traffic officers visibility at strict implementation ang pinapatupad ay kung ano-ano ang inaatupag ng departamento nyo sa pag iisip ng kakaibang ka ULULAN para mabawasan ang traffic sa EDSA. Ang daming enforcers nyo ang naka tunganga jan sa Magallanes kapag nadaan ako, hindi sinasaway ang mga bus na nag se swerve, nag iilegal terminal at iba pa. Sa Villamor nga lang eh, nakalagay nang no Loading at Unloading sa mismong harap nung enforcer nyo ay may pila ng jeep pa MRT? Eh di lagging traffic dyan sa Villamor.
You see your Honorable Atty. Tolentino, What we need is strict implementation of laws, and not creating another law just to justify that YOU created the said law. It is BULLSHIT.
The idea of Manila’s bus ban is not really to ban those buses, it is to lessen the KOLORUM busses who traverse Manila.  And they IMPLEMENT their law STRICTLY.
GANON KA SIMPLE.


METRO MANILA’s CRIME HOTSPOT:
Inilabas na ng PNP ang 5 Crime hotspot sa Metro Manila at para daw masolusyunan ang lumalaganap na krimen dito at ilo-launch na daw nila ang kanilang TWITTER at FACEBOOK account.
Sigurado akong mababawasan na ang krimen dito kasi bago mangholdap ang mga criminal at mag po-post sila ng “going to Pasay Rotonda to get some stuff from random people” tapos ipo-post din nila yung mga bagay na nakuha nila like “boom, just got lucky, Got Iphone 5 today from a girl”-at Pasay Rotonda.
Bigyan ng isang masigabong palakpakan ang PNP, isang masigabong palakpakan sa MUKHA.
Anong magagawa ng twitter at facebook account nyo? Sige nga? Mag po-post ang mga nabiktima after nilang ma holdap? O makiki tweet muna sila for the last time before kunin ang cell phone nila ng ganire “bad timing, cell phone is going to the holdaper #PNP”?
Wow naman PNP, bakit hindi po natin palawakin ang POLICE VISIBILITY at hindi puro nag to-tong its na pulis at puro tambay ang ginawa ng karamihang alagad ng batas.
May mobile na nakatambay pero wala ang pulis. MInsan tulog pa sa loob. Worst? Wala talaga, naka duty sa bahay nila. Gravvyyyyyy ng KFC ha… Kapal Ng FEZ.
Puro kayo ningas kugon, masisita kayo ng media, saka lang kayo aaksyon. Kesyo ganire, kesyo ganon. Wala nab a tayong pagbabagong gagawin sa linya ng ating kapulisan?
Ang laki ng TAX na kinakaltas sa amin tapos karamihan ng pulis ay bastos at balasubas. Nawala na ang respeto na dapat ibinibigay sa kanila. Sila na imbes na magtatangol sa mga mamamayan ay sila na ang iniiwasan. Nasan na yung motto nyo na “To Serve and Protect”? Nga-Nga, waley!!
Minsan ang sakit isipin na sa Milyong tao na kinakaltasan ng TAX ng Gobyerno ay ganito ang makakasalamuha mo, gravy pa, lubak lubak ang kalsada, napunta sa ibang ang tax, tinipid na projects na ilang buwan lang ay sira nanaman. Nakakainis hindi ba?
Iilan pa lang ang nakasalamuha kong matitinong pulis, yung iba pa nga, Crooked na, naging pulitiko pa.
Well, sana nawa ay magbago ang ihip ng hangin para sa tolonges na PNP. Hays.. KONSHUMEYSHEN.







Saturday, June 8, 2013

MC Lane, MRO and Atoy












Motorcycle Lane in C5, motorcycles banned from using flyovers and tunnels


Good day riders, well, balik balik tayo sa pagsusulat, as usual busy pa din sa buhay buhay dahil hindi naman tayo rich kid tulad ng iba jan kaya kailangan kong mag trabaho. Well, balitaktakan na tayo. 

Naimplement ang motorcycle lane sa C5 if I remember correctly nung may grabeng disgrasya sa C5 involving a couple of vehicles and a motorcycle. Pero, motorsiklo pa din ang tinamaan dahil na involve sya sa aksidente (napaka galling talaga ng MMDA, saludong saludo ako sa HUSAY nyong mag isip). 

Hindi ko alam kung may galit ba talaga itong si Atty. Tolentino sa ating mga rider o talagang salot lang ang turing nya sa atin.
Sumunod jan ay ang pag babawal sa pag gamit ng flyover sa C5 pero dun sa flyover papuntang Cubao ay puede. 

At to the point na nanghahablot sila ng riders jan sa Libis flyover dahil bawal daw dumaan ang motor sa flyover. Kung sesemplang ba ang rider ay sasagutin ng MMDA Atty. Tolentino? 

Isa lang ang ibig sabihin nito ay puede nilang gawin at gusto nila dahil may kapangyarihan sila. Iisa pa din ang stand ko tungkol sa motorcycle lane, hindi ako sang ayon at hindi maganda ang ideyang ito. Pero, sablay na sablay ito. Marami ng diskusyon dyan kaya aware naman na tayo kung ano ang dulot nyan. 

Sya nga pala, maraming riders ang nagtanong sa wall ng MMDA sa facebook kung ano ang reason nila at binawalan nila ang mga motor sa flyovers at tunnels. as USUAL, yung iba binura ng page ADMIN dahil walang maisagot. 

Kamusta na kaya yung Brgy Tnod na pinaghahampas ni CHERMAN SHEPERD TOLENTINO? Nagkabawaran siguro... We'll, malay natin.. 




MRO (Motorcycle Rights Organization)


Ofcourse headed by the famed Jobert Bolanos and his Co-Chairman Martin Misa. Nagkaroon sila ng rally last April and May 20 (nakalimutan ko na yung date nung April). 

Successful naman at marami namang naimbitahan sa kanilang motorcade-rally kontra plate number on vest at ngaun ay mayroon ulit sila sa June 12 (kalayaan ride daw ito sabi nila). 

Pero pansin ko nung mga ride nila ay sa Motorcycle lane sila dumaan, hindi bat nag rally din sila ditto noon kasi kontra sila? Kung kontra sila, eh bakit dito sila dumaan?

So, ano kayang inisip si CHERMAN SHEPERD dito? Nakakatawa lang kasi, they oppose but they follow.
We’ll I support their advocacy regarding MC lanes and Plate number on vest, pero ang pagdaan sa MC lane ay hindi. 

May motorally ulit sila sa June 12, kung gusto nyong sumama, its up to you guys. 

May FB page ang MRo just type Motorcycle Rights Organization sa facebook and voila, volunteer ka na. 




Atoy Cruz of MCPF, plate on vest and gloves on back ride


Napanood ko yung interview na yun kay Atoy at talaga naming ikinagigil ko, gusto kong CHANIIN isa isa yung bigote nya. 

Just to give you guys a brief of history, isa sya sa lumaban o isa ang MCPF sa mga lumaban tungkol sa trip balugang batas ni CHERMAN Fernando noon na ilagay ang plate number sa helmet. Nag rally kami sa EDSA noon na talagang ikinabahala ni CHERMAN SHEPERD Fernando at kinahapunan ay ibinasura na nya ang katarantaduhan yun. Pero iba tong si CHERMAN SHEPERD Tolentino, we’ll, wala naman talagang effect ang motorcade rally ng MRO, I’m sorry but I need to say that. MMDA under estimates the power of their motorcade / rally. 

Bakit? Una, hindi bilib ang MMDA sa mga suhestyon nila, dahil walang ngipin ang mga pagkilos, kaya minsan nakakatawa mang isipin eh tama ang mga pahaging ni Johnny Delgado sa kanila eh. Puro rally, puro motorcade at puro TRO. Oppps, hindi ibig sabihin ay tropa na kami ni Johnny Delgado ha. Badtrip pa din ako dun. 

Well, yun na nga, kasama sya sa lumaban noon sa plate number on helmet, pero ngaun, sya mismo ay supporta sa PLATE NUMBER ON VEST!!

HAR YU HAWT OP YOR MAYND? Anong kagaguhan ito ATOYYY!!

Hindi bat iisa lang ang konsepto nyan? Aruujosskooooo ka.. hndi ka pa kinain ng daga nung bata ka. 

Ito daw ay para masawata ang riding in tandem, ayyy pucha!! Walang criminal ang mag susuot ng vest tapos manghoholdap unggoy!! KRIMINAL NGA EH!! Isat kalahating ungas ka!!

Wag nating ilagay sa motorcycle riders ang kakulangan ng hindot na kapulisan. Police visibility po ang dapat para maiwasan ang kriminalidad at hindi pag susuot ng vest. 

Pero sa isang banda, may punto sya dun sa dapat mag gloves na din ang backrider. Uyy, ang daming na badtrip dun lalo na from keme latik group.  

Hindi ba dapat nasunod ang backrider sa kung anong suot ng rider? Like helmet, crash guards, shin, elbow and back pro? 

Weh, bakiiieeeettt ang daming nag react sa sinabi ni Atoy na dapat mag gloves ang mga backrider?
Hindi kaya dahil si Atoy ang nagsabi at maraming badtrip kay Johnny Delgado, Or, mga hipokrito lang ang karamihan sa atin?

Ang daming hate reaction sa statement nay un ni Atoy eh not thinking na dapat naman talaga hindi ba?
Matatanda na tayo para hindi pa natin malaman yan. Basta ang payo ko lang ay, wag sumunod sa alam nyo naming nilalaro lang kayo. Sumuporta sa tamang grupo at wag mag papa under sa kung sino man.
Ang daming grupo sa Pinas regarding motorcycle, at sila mismo ay hindi magkakasundo. May naging issue pa nga dyan sa ARMAS at MRO noon dahil lamang sa picture. Pero noon ay sila ang mismong magkakampi. 

Well, sa buhay naman ay hindi mo sigurado kung sino ang kakampi mo. Ang buhay ay survival of the fittest.
Basta mag ingat lang sa mga bulaang propeta, yung lang mga ka RIDER. 

At paniguradong, talamak na paninira nanaman ang aabutin ko sa isyung ito at sandamakdamak na batikos nanaman galing sa aking mga fans. Well, ganyan talaga sa showbiz. Hangang sa MULI.



Saturday, January 5, 2013

A letter to DTI.




I wrote a letter to DTI. Ito po ang laman.

Hi,

Good day, My name is Lorem De Jesus, A rider. Let me cut the chase short and get to the point.

I have some few question for you guys to answer.

Whats the qualification of a standard helmet?

What if my helmet doesn't have this ICC sticker BUT the brand is listed on your "approved brand of helmet list"?

The reason I'm asking is I really find it senseless. Why?

Araw araw po akong nag mo-motor at marami akong nakikitang mga helmet na may ICC STICKER na hindi karapat dapat lagyan ng ICC sticker. Ang basehan ba para masabing STANDARD ang helmet mo ay ang ICC sticker?

Maraming hndi nakaka alam na rider regarding this helmet "standardization" pero still, ipinagpatuloy nyo pa ding i-implement ang batas na ito nitong nakaraang Jan 1, 2013.

Nagbigay kayo ng time expansion para sa stickers but my really point is.

Bakit kailangan ng sticker ng mga helmet na nasa "list of approved brands" nyo kung ito ay approved na?

Sana ay mapagtuunan nyo ng pansin ang aking liham.

I don't represent any organization or federation. I'm just another rider, who just want to clarify things out..

I would really appreciate also if you will reply on this email.

Lubos na gumagalang,
Lorem De Jesus
President, Shogun Elite Club




_____________________________________________________________________________


Hintayin po natin kung ano ang sagot nila sa email ko na yan. 


ABANGAN.. 

Friday, January 4, 2013

ICC Sticker, DTI, LTO, Manila’s riding in Tandem and Sin tax







ICC Sticker, DTI, LTO, Manila’s riding in Tandem and Sin tax

Ilang buwan din akong hindi naka sulat gawang busy sa career bilang artista (Siempre joke yun!)
Marami lang napag kaabalahan dahil bukod sa gumagawa ako ng electrical ng motor ay may trabaho din akong regular.
Marami tayong tinalakay na batas nitong nakaraang taon, mga batas na hindi halos pinag aralan at ipinatupad na agad.
Tulad na lamang nung Motorcycle lane ng MMDA. Well, hindi naman sila aktibo sa pang huhuli dahil malamang at sa malamang at natauhan na itong chairman nilang Abogado pa naman na parang hindi nag iisip.
Isa pa ay ang iminungkahi ni Atoy Sta. Cruz na kumakatawan sa MPCF o Motorcycle Philippines Federation. Isa sa pinaka malaking organisasyon sa Pilipinas. Ito yung plate number on Vest. (what???)
Opo, tama po kayo, iminungkahi nya po yan dahil yan daw ang solusyon para mabawasan ang krimen gamit ang motorsiklo.
Wow, nung sinabi ni dating MMDA chairman Bayani Agbayani este Fernando na maglalagay ng sticker ng plate number sa HELMET ay isa sya sa mga umalya dahil hindi nga naman makatarungan ito, halimbawang marami kang helmet at motor eh obligado kang istikeran lahat ng helmet mo.
Pero out from no where ay iminungkahi nya ito, yung plate number on VEST. Parang wala yatang ipinagkaiba ito dun sa suhestiyon ni ex-chairman Fernando hindi po ba?
Eh di siempre maraming tumutol, kung hindi ba naman isat kalahating tolonges eh, gumawa ng idea dun sa isang idea na ibinasura. TALINO!
Nagkaron ng relay ride for a cause ang LTO, MDPPA, MRO (Motorcycle Rights Organization) at iba pa. Para daw magkaron ng unity ang motorcycling community, Itong MCPF pumalag nanaman dahil daw yung pangalan ni federasyon nila eh nasa huli. (talaga naman). So gumawa sila ng sarili nilang motorally. (So, hindi ko Makita yung point kung nasan yung UNITY na sinasabi nila). 

Well, kasabay ito ng RIDE FOR A CAUSE, Isang non-gov organization na binubuo ng mga riders galling sa iba’t ibang grupo at lugar sa Metro manila at karatig bayan.
May issue pa nga jan na kasi yung isang member ng RFAC na opisyal ng MRO ay humingi ng pabor ditto sa RFAC na I adjust yung date para makasama lahat sa “UNITY” ride na gagawin nila.
Eh hindi yata napagbigyan, since isa sya sa admin dun sa FB page ng RFAC abay biruin mo ba naming burahin yung ibang admin dun sa page at ginawang sya lang ang admin. Balitang balita din kasi na gumagapang sila ng mga clubs para sumama sa rally nila, baka kinabahan sila kasi umalis itong sila tolonges, abay 300,00 and counting daw kasi ang member ng MCPF (LOL) well, 299,999 na lang kasi umalis na ako 3 years ago. Long story, kayo na ang humalungkat. 

Successful naman yung RELAY RIDE FOR A CAUSE nila, dami naming sumama, kahit yung iba ay hindi nila alam kung ano yung sinamahan nila, siempre nandun ang mga IDOL kong sila Chairman Jobert Bolanos at Vice Chairman Martin Misa.
Nandun din ang A.R.M.A.S. , na balitang balita eh tatakbo daw for PARTY LIST, WOW, astig yun.. magkakaron na ng party list ang Motorcycling community. Ang komento ko lang eh sana magtagumpay kayo. Pulitika nay an, kahit gaano ka kabait, mabibilang sa kamay ang mga taong hindi kinain ng pulitika ang pag iisip. Lalo’t pat nanjan sila chenes at kemedu sa tabi nyo nakowww.. Nakakatakot!!
Helmet standardization, gandang pakingan, safety na safety ang dating. Pakulo ito ng LTO at DTI, nasa likod nila ay yung mga magagaling nating motorcycling federations and orgs.
Kailangan daw lagyan lahat ng ICC sticker ang mga helmets na nasa listahan nila at pag walang sticker at nahuli ay otomatikong P1,500 ang multa. 

Halimbawang nasa listahan yung helmet ko, at yung mga regulasyon na kailangan nila para dikitan ng sticker ay kumpleto ako. Ngunit wala akong sticker, mag mumulta din ba ako? Ngunit nandun sa listahan yung helmet brand ko?
Hindi ba’t trabaho ng DTI at LTO na dapat noon pa bago pa lang ibenta sa MASA ang mga helmet ay dumaan na ito sa DTI for quality check? Ngaun, maraming rider ang nag abang sa pila ng ilang oras para lang madikitan ng sticker na yan. Dahil sa takot na maging gatasan nanaman ng mga PULIS na walang sawang magsamantala sa mga riders.
Wala ngang bayad ang pagdidikit ng sticker, pero yung oras na sinayang nung mga tao ay mahalaga. Bayad naman yang mga opisyales ng DTI habang nagdidikit sila ng sticker, hindi naman libre yun. Binabayaran sila ng ahensya.
Yung iba pa, nagdidikit ng sticker dun sa mga helmet na hindi karapat dapat lagyan!! Anong klase yan?!
So ngaun, gusto ng mga animal na ito na sumunod tayo sa “BATAS” na inimplement nila nitong nakaraang Enero 1, 2013.  Na pag wala kang ICC sticker antimano P1,500 ang babayaran mo. Dahil hindi standard ang helmet mo kasi wala kang ICC sticker, na kahit ARAI pa ang helmet mo basta wala kang sticker ay multa ka.
Napaka gandang batas at ang nakakatuwa pa jan, ang daming mapapel na federasyon at organisasyon ang meron ang motorcycling community, ngunit wala man lang naka pigil ditto. Isa lang ang ibig sabihin nyan, sang ayon ang mga ito sa batas na yan!

Batas na patuloy na nagpapahirap sa pag mo-motor sa pilipinas. Palampasin na natin yang MC Lane na yan. Baka puede nating unahin ang ICC sticker na ito, nang sa kadahilanan lang naman na hindi naman halos alam ng mga rider lalo na yung mga kababayan nating mga mensahero. Maganda yung idea, pero palpak ang implementasyon parang MC Lane.
Sa Maynila, pilit nilang gagawing batas ang riding in tandem, na kahit angkas mo ang asawa mo at ihahatid mo sa trabaho ay huhulihin ka! Ganyan kagaling magi sip ang mga trapo este pulitikong ibinoto nyo.
Ang daming puedeng gawin ng Gobyerno natin bukod sa MC Lane, ICC sticker “Helmet standardization” at riding in tandem. Ang kaya lang gawin ng gobyerno natin ay I BAN ang smokers sa publiko at CONDOM. Isama mo pa yang Sin tax na yan. 

Hindi ako naninigarilyo, sang ayon ako jan sa batas nay an, condom? Well, Pro RH Bill ako so hindi ako sang ayon.
Pero napaka babaw nyan, lubak na kalsada, trabaho para sa mahihirap. Mahirap na nga ang pilipinas ang ginawa pang batas ay SIN TAX.
POR DYOS! Trabaho ang kailangan ng Pilipino, trabaho na magpapakain sa pamilya nila. Ang dami ng mga buwis na binabayaran pero kita mo naman kung paano mang bastos ang mga kapulisan natin na sa buwis na binabayaran natin kinukuha ang mga sahod.
Nakakainis nga dahil sa laki ng buwis na binabayaran ko buwan buwan eh sa mga corrupt at mga walang silbeng opiyales ng gobyerno lang napupunta. 

Ngaun, nagsimula na ang implementasyon ng ICC Sticker, hangang batok nanaman ang ngiti ng kapulisan nating mapag samantala. Dahil may bagong raket nanaman ang mga hindot nay an sa pamamagitan ng ICC Sticker.
Kung gusto nilang siguruhin na gagamit ang mga riders ng de kalidad na helmet ay sa pag papa rehistro palang ay puede na nilang ma control yan. Ni pag kuha ng lisensya sa LTO ay napakadali, talamak ang fixer hangang sa loob.
Ano pa ang mga nakaka gulat na batas ang susunod? Bawal humatsing habang nag mo-motor at baka mabanga?
Bawal mag shades kahit mainit ang araw? Salamat sa inyo, at napaka saying mag motor sa Pilipinas.
Nakakahiya sa lubak lubak na kalsada, sa hindi organisadong pang huhuli at pag titiket, sa pangongotong na hindi na nawala sa linya ng mga pulis at enforcers. 

Salamat din sa pamunuan ng local na pamahalaan ng Maynila, dahil sa suhestyon nyong yan, maaari ng barilin ang mag asawang mag ka aangkas sa gabi habang inihahatid sa trabaho ang asawa nila dahil criminal na ang tingin ng mga trigger happy na pulis dahil sa RIDING IN TANDEM na iginigiit nyo. SALAMAT!
Hinid nyo ba nakikita na simple lang ang solusyon sa riding in tandem ng mga totoong criminal? POLICE VISIBILITY!
Hindi yung nag ro-ronda lang ang mga pulis nyo para kumuha ng Intelehensya at pansit sa mga bar sa gabi. Umikot para mangikil sa mga nag papa sakla. Umistambay para makahuli ng lasing na walang helmet sa gabi. At best, pag alam nilang may kaya, ay pag bibintangan pa nila ng mga bagay na hindi ginawa ng tao.
At itong mga mabababang rango pa ang gumagawa ng kagaguhan.. Mahiya naman kayo! Isumbong kay Gen. Espina yan!
Mahaba haba na ito, Hintayin nyo po ang susunod na update sa aking blog na kung saan puedeng pag usapan ang lahat. Salamat sa suporta!