ICC Sticker,
DTI, LTO, Manila’s riding in Tandem and Sin tax
Ilang buwan
din akong hindi naka sulat gawang busy sa career bilang artista (Siempre joke
yun!)
Marami lang
napag kaabalahan dahil bukod sa gumagawa ako ng electrical ng motor ay may
trabaho din akong regular.
Marami
tayong tinalakay na batas nitong nakaraang taon, mga batas na hindi halos pinag
aralan at ipinatupad na agad.
Tulad na
lamang nung Motorcycle lane ng MMDA. Well, hindi naman sila aktibo sa pang
huhuli dahil malamang at sa malamang at natauhan na itong chairman nilang
Abogado pa naman na parang hindi nag iisip.
Isa pa ay
ang iminungkahi ni Atoy Sta. Cruz na kumakatawan sa MPCF o Motorcycle
Philippines Federation. Isa sa pinaka malaking organisasyon sa Pilipinas. Ito
yung plate number on Vest. (what???)
Opo, tama po
kayo, iminungkahi nya po yan dahil yan daw ang solusyon para mabawasan ang
krimen gamit ang motorsiklo.
Wow, nung
sinabi ni dating MMDA chairman Bayani Agbayani este Fernando na maglalagay ng
sticker ng plate number sa HELMET ay isa sya sa mga umalya dahil hindi nga
naman makatarungan ito, halimbawang marami kang helmet at motor eh obligado
kang istikeran lahat ng helmet mo.
Pero out
from no where ay iminungkahi nya ito, yung plate number on VEST. Parang wala
yatang ipinagkaiba ito dun sa suhestiyon ni ex-chairman Fernando hindi po ba?
Eh di
siempre maraming tumutol, kung hindi ba naman isat kalahating tolonges eh,
gumawa ng idea dun sa isang idea na ibinasura. TALINO!
Nagkaron ng
relay ride for a cause ang LTO, MDPPA, MRO (Motorcycle Rights Organization) at
iba pa. Para daw magkaron ng unity ang motorcycling community, Itong MCPF
pumalag nanaman dahil daw yung pangalan ni federasyon nila eh nasa huli.
(talaga naman). So gumawa sila ng sarili nilang motorally. (So, hindi ko Makita
yung point kung nasan yung UNITY na sinasabi nila).
Well,
kasabay ito ng RIDE FOR A CAUSE, Isang non-gov organization na binubuo ng mga
riders galling sa iba’t ibang grupo at lugar sa Metro manila at karatig bayan.
May issue pa
nga jan na kasi yung isang member ng RFAC na opisyal ng MRO ay humingi ng pabor
ditto sa RFAC na I adjust yung date para makasama lahat sa “UNITY” ride na
gagawin nila.
Eh hindi
yata napagbigyan, since isa sya sa admin dun sa FB page ng RFAC abay biruin mo
ba naming burahin yung ibang admin dun sa page at ginawang sya lang ang admin.
Balitang balita din kasi na gumagapang sila ng mga clubs para sumama sa rally
nila, baka kinabahan sila kasi umalis itong sila tolonges, abay 300,00 and
counting daw kasi ang member ng MCPF (LOL) well, 299,999 na lang kasi umalis na
ako 3 years ago. Long story, kayo na ang humalungkat.
Successful
naman yung RELAY RIDE FOR A CAUSE nila, dami naming sumama, kahit yung iba ay
hindi nila alam kung ano yung sinamahan nila, siempre nandun ang mga IDOL kong
sila Chairman Jobert Bolanos at Vice Chairman Martin Misa.
Nandun din
ang A.R.M.A.S. , na balitang balita eh tatakbo daw for PARTY LIST, WOW, astig
yun.. magkakaron na ng party list ang Motorcycling community. Ang komento ko
lang eh sana magtagumpay kayo. Pulitika nay an, kahit gaano ka kabait,
mabibilang sa kamay ang mga taong hindi kinain ng pulitika ang pag iisip.
Lalo’t pat nanjan sila chenes at kemedu sa tabi nyo nakowww.. Nakakatakot!!
Helmet
standardization, gandang pakingan, safety na safety ang dating. Pakulo ito ng
LTO at DTI, nasa likod nila ay yung mga magagaling nating motorcycling
federations and orgs.
Kailangan
daw lagyan lahat ng ICC sticker ang mga helmets na nasa listahan nila at pag
walang sticker at nahuli ay otomatikong P1,500 ang multa.
Halimbawang
nasa listahan yung helmet ko, at yung mga regulasyon na kailangan nila para
dikitan ng sticker ay kumpleto ako. Ngunit wala akong sticker, mag mumulta din
ba ako? Ngunit nandun sa listahan yung helmet brand ko?
Hindi ba’t
trabaho ng DTI at LTO na dapat noon pa bago pa lang ibenta sa MASA ang mga
helmet ay dumaan na ito sa DTI for quality check? Ngaun, maraming rider ang nag
abang sa pila ng ilang oras para lang madikitan ng sticker na yan. Dahil sa
takot na maging gatasan nanaman ng mga PULIS na walang sawang magsamantala sa
mga riders.
Wala ngang
bayad ang pagdidikit ng sticker, pero yung oras na sinayang nung mga tao ay
mahalaga. Bayad naman yang mga opisyales ng DTI habang nagdidikit sila ng
sticker, hindi naman libre yun. Binabayaran sila ng ahensya.
Yung iba pa,
nagdidikit ng sticker dun sa mga helmet na hindi karapat dapat lagyan!! Anong
klase yan?!
So ngaun,
gusto ng mga animal na ito na sumunod tayo sa “BATAS” na inimplement nila
nitong nakaraang Enero 1, 2013. Na pag
wala kang ICC sticker antimano P1,500 ang babayaran mo. Dahil hindi standard
ang helmet mo kasi wala kang ICC sticker, na kahit ARAI pa ang helmet mo basta
wala kang sticker ay multa ka.
Napaka
gandang batas at ang nakakatuwa pa jan, ang daming mapapel na federasyon at
organisasyon ang meron ang motorcycling community, ngunit wala man lang naka
pigil ditto. Isa lang ang ibig sabihin nyan, sang ayon ang mga ito sa batas na
yan!
Batas na
patuloy na nagpapahirap sa pag mo-motor sa pilipinas. Palampasin na natin yang
MC Lane na yan. Baka puede nating unahin ang ICC sticker na ito, nang sa
kadahilanan lang naman na hindi naman halos alam ng mga rider lalo na yung mga
kababayan nating mga mensahero. Maganda yung idea, pero palpak ang
implementasyon parang MC Lane.
Sa Maynila,
pilit nilang gagawing batas ang riding in tandem, na kahit angkas mo ang asawa
mo at ihahatid mo sa trabaho ay huhulihin ka! Ganyan kagaling magi sip ang mga
trapo este pulitikong ibinoto nyo.
Ang daming
puedeng gawin ng Gobyerno natin bukod sa MC Lane, ICC sticker “Helmet
standardization” at riding in tandem. Ang kaya lang gawin ng gobyerno natin ay
I BAN ang smokers sa publiko at CONDOM. Isama mo pa yang Sin tax na yan.
Hindi ako
naninigarilyo, sang ayon ako jan sa batas nay an, condom? Well, Pro RH Bill ako
so hindi ako sang ayon.
Pero napaka
babaw nyan, lubak na kalsada, trabaho para sa mahihirap. Mahirap na nga ang
pilipinas ang ginawa pang batas ay SIN TAX.
POR DYOS!
Trabaho ang kailangan ng Pilipino, trabaho na magpapakain sa pamilya nila. Ang
dami ng mga buwis na binabayaran pero kita mo naman kung paano mang bastos ang
mga kapulisan natin na sa buwis na binabayaran natin kinukuha ang mga sahod.
Nakakainis
nga dahil sa laki ng buwis na binabayaran ko buwan buwan eh sa mga corrupt at
mga walang silbeng opiyales ng gobyerno lang napupunta.
Ngaun,
nagsimula na ang implementasyon ng ICC Sticker, hangang batok nanaman ang ngiti
ng kapulisan nating mapag samantala. Dahil may bagong raket nanaman ang mga
hindot nay an sa pamamagitan ng ICC Sticker.
Kung gusto
nilang siguruhin na gagamit ang mga riders ng de kalidad na helmet ay sa pag
papa rehistro palang ay puede na nilang ma control yan. Ni pag kuha ng lisensya
sa LTO ay napakadali, talamak ang fixer hangang sa loob.
Ano pa ang
mga nakaka gulat na batas ang susunod? Bawal humatsing habang nag mo-motor at
baka mabanga?
Bawal mag
shades kahit mainit ang araw? Salamat sa inyo, at napaka saying mag motor sa
Pilipinas.
Nakakahiya
sa lubak lubak na kalsada, sa hindi organisadong pang huhuli at pag titiket, sa
pangongotong na hindi na nawala sa linya ng mga pulis at enforcers.
Salamat din
sa pamunuan ng local na pamahalaan ng Maynila, dahil sa suhestyon nyong yan,
maaari ng barilin ang mag asawang mag ka aangkas sa gabi habang inihahatid sa
trabaho ang asawa nila dahil criminal na ang tingin ng mga trigger happy na
pulis dahil sa RIDING IN TANDEM na iginigiit nyo. SALAMAT!
Hinid nyo ba
nakikita na simple lang ang solusyon sa riding in tandem ng mga totoong
criminal? POLICE VISIBILITY!
Hindi yung
nag ro-ronda lang ang mga pulis nyo para kumuha ng Intelehensya at pansit sa
mga bar sa gabi. Umikot para mangikil sa mga nag papa sakla. Umistambay para
makahuli ng lasing na walang helmet sa gabi. At best, pag alam nilang may kaya,
ay pag bibintangan pa nila ng mga bagay na hindi ginawa ng tao.
At itong mga
mabababang rango pa ang gumagawa ng kagaguhan.. Mahiya naman kayo! Isumbong kay
Gen. Espina yan!
Mahaba haba
na ito, Hintayin nyo po ang susunod na update sa aking blog na kung saan
puedeng pag usapan ang lahat. Salamat sa suporta!
Yung mga hinayupak na mga pulis at MMDA na yan! Palibhasa hindi naman nagmomotor at naka-SUV lagi kaya ganun na lang ang pang-aalipusta sa mga riders!
ReplyDeleteNgayon pala ay may bagong pakulo ang MMDA. MC lane sa C5. Yung MC lane may mga hukay ng kanal at paradahan ng mga jeep. Umiiwas din sa mga flyover para matraffic ka. Aba! Nagbabayad din naman kami ng mga buwis ah!