Tuesday, March 6, 2012

Motorcycle Lane, MMDA and MCPF



Well, I'm back once again mga ka riders, mejo nagpahinga ako sa pag susulat dahil sa ilang mga bagay.. Pero ang maganda dito eh, akoy back on track na.. para sa nagnakaw ng laptop ko.. Digital na ang karma my friend.. Hehehehehe..

Well, pumutok sa balita ang motorcycle lane na nilagay sa commonwealth at macapagal na meron na din sa EDSA.

Sa totoo lang nung una kong narinig ito, hindi ko alam kung sino ang kinausap nila o saan nila nakuha ang ideyang ito na maglagay ng motorcycle lane.. dahil sa aking personal na pananaw eh isang malaking katangahan..

bakit kanyo? mali ang lane kung saan nilagay ang motorcycle lane, ang penalty o fine ay "hellerrr" talagang aareglo ang sinumang mahuli dahil malaking pera ang P500 pesos na multa.. kasama ba sa brainstorming ng MMDA ang paghagilap ng pan sariling kabuhayan ng kanilang tauhan? P500 pesos ha? talaga lang ha..

well, serious side .. hindi pa naman handa ang pilipinas para sa ganitong "lane" na ito.. dahil hindi handa ang imprastraktura para lagyan ng MC LANE, lalo na ang EDSA na daang libong sasakyan ang nadaan..

ayun na nga, ito pa lang MCPF na ito ang may adhikain na palagyan ng MC LANE ang mga kalsada.. Huwattt????? Motorcycle Philippines Federation na pinangungunahan ni Atoy Sta. Cruz? Is he out of his mind? Ano ba ang nakain nito ang naisipan nyang imungkahi ito kay Chairman Tolentino ng MMDA na hindi rin nag iisip sa mga batas na ipinapatupad nya? Hindi ba nya naisip kung ano ang mga bagay na puedeng mangyari sa mga riders dahil sa LANE na ito?

una, hindi sya ekslusibo para sa nag mo motor.. ang daming public vehicles at privates na nadaan na minsan sila pa ang mga mas walanghiyang mag maneho..

pangalawa, hellerr? EDSA? Lagyan mo ng MC LANE? ang sikip nun eh.. kung hindi ba naman parang ipinahid lang ang mga utak ng mga nakaisip nyan na kahit bata eh magagawang isipin na hindi bagay ang MC LANE sa EDSA..

Well, maganda nga daw sana ang idea sabi ni Jobert Bolanos ng Motorcycle Rights Organization. Well, hindi ako sang ayon sa kanya.. Hindi magandang IDEYA ang maglagay ng MC LANE. ang kailangan ng riding community ay tamang disiplina at tamang edukasyon sa pag gamit ng motor sa kalsada.

Riding school na abot kaya ng masang nag mo motor.. oppss, wag nating ibigay kay Atoy Sta Cruz yan.. at naku,...

Nagkaron ng MOTORCADE ang MRO noong Feb 29 sa may Heritage Park sa Taguig. at kulang kulang isang libong rider ang sumama. Well, magandang adhikain, na TV sila, na maganda dahil nagkaron ng exposure at nalaman ng karamihan na nag e-exist ang grupo. pero sana magka impact ang ginawa nila.

Dahil aminin natin o sa hindi ay hindi ma re resolba ito hanggat walang pag uusap na nangyayari sa pagitan ng MRO at MMDA na ang gustong mangyari ng MMDA ay sumapi ang MRO sa MCPF.. what the efff??? Hahahahahaha... lakas talaga ng impluwensya ni Atoy..

Kaya pala gusto nyang magkaron ng party list para sa riding community... wow, magandang adhikain yan ser ha.. kongreso ang target..

Ngunit sana naman bukod sa pag papa litson nyo sa tagaytay eh may magawa ka namang maayos sa riding community ser.. Oh, yung helmet isa sila sa nagtulong para maipasa yung batas..

Well, dapat talagang ipasa yan.. wag tayong mag tanga tangahan.. isa sa mga safety natin yan eh..
Pero ang MODIFICATION sa motor na isinusulong mo ngaun ay isang katangahan nanaman..

Paano kung nagpalit ng side mirror at hindi sya stock dahil sa kadahilanang mas mahal ang OEM? modified na agad yun hindi po ba? so huhulihin ba ang rider kapag nangyari yun? lagyan nyo sana ng batayan at wag mag assume sa mga bagay na hindi tugma dun sa batas.

maraming loop hole ang mga batas na iminumungkahi mo eh.. dapat sana yang MC LANE na yan ay sa slex at nlex nilagay eh di napuri ka pa sana..

tapos ang isa pang layunin mo ay ang pagdaan ng sub 400 sa coastal na kelangan ng sticker ng MCPF para makadaan? kung libre yan OK lang.. pero i dont think na libre sya.. knowing you ha..

nagbayad ka na sa toll gate tapos need mo pa ng sticker.. WOW...

dahil jan sa MC LANE na naimungkahi mo at itong si Chairman Tolentino naman ay sumang ayon ng hindi man lang pinag aaralan (siempre sasabihin nyong pinag aralan nyo ha).

Ang pag mo motor sa metro manila ay ang pinaka "WORST" experience na, dahil sa katalinuhan mo Ginoong Atoy Sta. Cruz.. isang masigabong palakpakan para sa iyo..

At ang mga supporters mo ay sang ayon din jan... wag magpaloko sa litson.. buksan ang isipan.. salot yang MC LANE na yan..

Mensahe naman para kay Chairman Tolentino, Wag mag pauto, gamitin ang utak.. sayang ang talino..


If you guys wants to visit Motorcycle Rights Organization facebook page just click this link MRO
If you want MMDA's page click this link MMDA


well, hangang sa muli ka riders.. abangan natin si Suansing at gusto daw ibalik ang anti modification law.. lets wait and see....

No comments:

Post a Comment