Zapote River Drive
By: Gene B. Ulag
By: Gene B. Ulag
Mainit na
araw mga kasama, heto nanaman po at nagbabalik ang inyong lingcod, para sa isa
nanamang kaunting kaalaman para sa ating lahat. So, itong ating topic ngayon ay
makakatulong lalo na sa mga TIGASOUTH.
Sa amin pong
nakalap na impormasyon, ito pong Zapote River Drive ay binuksan noong July 18,
2018, para na din ibsan ang “napaka tinding” traffic sa Las Pinas, ang tawag
nga naming sa Las Pinas ay, Imbentor ng Traffic.
Sa madaling salita, itong Zapote River Drive po ay isa sa mga solusyon para nga mabawasan ang matinding traffic sa ilang bahagi ng Las Pinas, ang kahabaan nito ay umaabot sa 1.7 kilometers na nagsisimula sa Tulay ng Zapote, papuntang BF Resort sa Margie Moran St. Kung may Friendly Sticker ka, makakadaan ka, kung wala naman, mas maiging mag exit ka na sa E. Trinidad sa may San Isidro Pamplona Uno Subdivision dahil mahigpit ang mga guard pagdating jan sa BF Resort.
Kung itong
Zapote River Drive at solusyon sa traffic jan sa Alabang Zapote Road, alam nyo
bang bawal ang motor dito????
Yeppp, tama po ang pagkakabasa nyo, BAWAL PO ANG MOTOR sa kahabaan ng Zapote River Drive.
Ngayong araw
po, gawa ng aking curiosity, binaybay ko po ang kahabaan ng Zapote River Drive
at nakiusap po tayo sa isang Baranggay Tanod na nagbabantay ditto po sa
Pamplona Uno para po Makita natin at magkaroon naman ng idea an gating mga
tagasubaybay at kapwa riders nab aka sakaling sila ay maligaw dito sa parting ito
ng Las Pinas.
Heto po ang
Video ng aking nakuhanan, pagpasensyahan nyo napo at un-edited ito at walang
time lapse.
Mas maige na nga sigurong ipagbawal ang motor sa Zapote River Drive dahil na din sa dami ng pasaway na Riders at Tricycle, hindi ko naman sinasabing walang pasaway sa mga Drivers no, pero sa sitwasyon dito, dun sa mga blind spot, Riders ang mas kawawa sakalaing maaksidente.