Tuesday, July 31, 2018


Batas na gawa ng mga TANGA








CHARITY RIDES
By: Gene B Ulag

This is my 2nd blog for this year, as I chose not to write blogs more often, not that I am lazy but most of the stuffs I see now in the Motorcycling Community is just a repetition of some formers issues that hasn’t been settled / fixed. Well, this topic will be sensitive and surely, only a few people will understand. This is about, the CHARITY RIDES.

English nanaman, teka, tatagalugin ko para maibigay ko mismo ang gusto kong sabihin. Bago pa man mabuo ang RIDE FOR A CAUSE, o mas kilala sa tawag na “RFAC”. Ako man ay nakaka attend na ng mga CHARITABLE RIDES, noong binuo ang RFAC, isang forumer lang ang nagsimula ng inisyatibo para masakatuparan ang pagbibigay ng tulong, itong former na ito ay hindi man lang nakasama kahit isang beses, sa loob ng sampung taon.

See? One initiative that started it all. Pero, ang nagbigay buhay ay ang mga riders na mas naka intindi na magbigay at magbalik ng tulong at serbisyo sa mga taong nangangailangan. And there you go, ang RFAC ay 10 years na. Yes, I was part of it,, up until a few years and different opinions and issues separated us, but the love and passion for helping others ay nandun pa din kaya nagkaron kami ng grupong LAKBAY TULONG.

Since, hindi naman pondo ng Gobyerno ang ginagamit nang mga grupong yan sa pagtulong, kaya merong guidelines noon sa paghahanap ng beneficiary. For example, dapat walang tulong na nakukuha sa LGU or at least kaunti lang. Malayo sa kabayanan at iba pa.

Sa medaling salita, nakakatulong ang mga grupong ito sa mga nangangailangan, na galling sa sarili nilang mga bulsa. PALAKPAKAN TAYO JAN RIDERS!!!

Perrrroooo, makalipas ng ilang taon, itong mga CHARITABLE RIDES na ito ay naging dahilan din ng pananamantala ng ilang tao, yung iba nahingi ng tulong para sa mga bagay na puede naman nilang ilapit sa Gobyerno, yung iba naman, talagang pangap lang.

Ilang beses na din akong nakakita at nakadinig ng balita tungkol sa mga taong nananamantala, Totoo, humihingi sila ng tulong s amay sakit, pero yung ibang walang kaluluwa ay ibinubulsa ang pera na para sana dun sa mga tutulungan.

Nakakatuwang makakita ng mga grupo na kaliwat kanang tumutulong sa mga nangangailangan, OK YAN. Pero may mga panahon na hindi lahat ng bagay ay ia-asa natin sa “hingi” ng tulong. O minsan, may kalamidad, Ok sige, magandang tumulong, ngunit itong mga bagay na ito ay dapat inaasa nanatin sa local na pamahalaan. Tumulong ka bilang Volunteer at wag ng lumikom pa ng donasyon para sa mga nasalanta.

Ang dami kasing mga grupo ngayon na kaunting disgrasya, CHARITY RIDES agad, nabasag yung kaha ng motor, CHARITY RIDES agad. Kahit kakarampot ang maibigay, kung todo litrato #FeelingBlessed #SarapTumulong hashtags agad.

Don’t get me wrong, gusto ng karamihan na Makita ang kapwa riders nating tumulong, dahil isa sa motto ko ay “Help others one step at a time”. Pero at the rate of what is going on now, nadapa lang yung bata, CHARITY RIDES agad.

Alam kong hindi maiintindihan ito ng marami, and I don’t give a fuckin fuck. Heto na ang nangyayari ngayon, imbes na mas makatulong tayo sa mas nangangailangan eh naka focus tayo sa pagtulong sa mga bagay na kaya naman nila. Masakit nun, baka madale ka pa ng BUDOL BUDOL.

Click like and share Bikers World 101 in Facebook, vlogs coming very soon!





Thursday, March 22, 2018


Lobo na nakadamit TUPA.
By: Gene B. Ulag

Napakaraming issue nanamang nagdaan sa maliit na mundo ng pag mo-motorsiklo. Tinatamad na nga akong sumulat dahil paulit ulit ang drama na para bang eksena sa telebisyon sa hapon. Walang pagbabago.
May maaapi, may kakampi, may babalimbing at may mag ta traydor. Paulit ulit na eksena. Parang Eksema na bumabalik balik kahit ilang beses mo ng nilagyan ng Canesten.

Pero ang naka kuha ng pansin kong sumulat ulit, ay itong HPG – Riders tandem na binibigyan nila ng “Maliit” na otoridad ang mga “Rider” na maging kaisa sa paninita sa mga kapwa rider nilang nagamit ng LED LIGHTS.

WOW!! Petmalu. Ibig sabihin kasama na sa checkpowents ang mg auto-utong rider na ito? Aba, magaling! Mas lalo sigurong magiging “Galawang Parak” ang mga hindot.

Well, nitong mga nagdaang buwan, mainit na mainit ang balitaktakan, awayan, diskusyunan tungkol sa pangungumpiska ng mahuhusay nating HPG sa mga led lights na gamit ng rider at ng maingilan-ngilan ding Cagers.
Na kahit sumusunod ito sa inilabas na “MEMORANDUM” ng LTO na hndi more than 6 bulbds per side, not higher than your handle bar at hindi nakabukas sa well lighted streets at kinukumpiska pa din ng HPG kasama ang mga amuyong nilang “Rider Makapili”.

Ewan ko ha, pero putang ina, hindi ako magpapauto sa mga hindot nay an para lang makaporma at mag feeling “espesyal” sa mga checkpoints. Dahil yang maliit na kapangyarihan na yan ay magiging dahilan pa ng korapsyon… At, heto na po. Nagkatotoo na ang ikinakatakot ng karamihan.

Ilang auxiliary members ng HPG na riders ay nahuli, hulaan nyo ang kaso. EXTORTION! Yup, you read that right. Pangingikil.




Nope, hindi lang yan,may iba pang nahuli din bukod sa dalawang tungaw na yan.
At para naman dun sa mga “Tangang Rider” na sunod ng sunod sa mga TALIPANDAS nilang lider.

Hindi alinsunod sa batas ang pangungumpiska ng Auxiliary lights katulad ng LED lights na karamiwang gamit ng Riders sa kanilang motor.
Wala sa RA4136 at wala din sa PD96. (Search Google please, paki intindi na din).

Kaya naman, gamitin nyo naman ang utak nyo, sumama sa tamang grupo, wag magpalinlang sa kung ano anong sinasabi ng mga “Bulaang propetang Lider ng mga Rider” na wala namang ginagawa para labanan ang mga batas na nagpapahirap sating mga RIDER.

Ang hirap sa karamihan, REKLAMO NG REKLAMO pero wala namang ginawa para labanan ang mga maling gawain laban sa atin. Hindi kalian man nakawalis ng dumi ang isang pirasong ting-ting, dapat pagsasama samahin mo para makawalis ng dumi. Pag sasama-sama dapat ang gawin para mawalis natin ang mga DUMI na nagpapahirap sa RIDERS.

Matagal na dapat na nagsama sama at nagkaisa ang mga RIDERS eh, kaso parami ng parami din ang mga tatanga tangang RIDERS kaya nasan na tayo ngayon? Heto, hiwa-hiwalay. Kanya kanyang suporta sa mga amo nila na hindi naman alam kung ano ang ipinaglalaban.

Wag magpa uto. Ang tatanda nyo ng mga herodes kayo.
Para sa mga RIDERS na patuloy na lumalaban sa pang aabuso at diskriminasyon laban sa mga nag mo-motor. SALUDO ako sa inyo.

Para naman sa mga sunod ng sunod sa mga amo nila na UTAK TAHO, para sa mga RIDERS na nagging makapili sa kapwa nila RIDERS.
Isang MALUTONG NA.. PUTANG INA NYO. MAGTAE SANA KAYO NG CACTUS.

Heto oh, naka SMILE pa ang mga HINDOT.



Time!!!

P.S.

Pakyu, 

Shout Out sa Kamote RIDERS lalo na sa Kamote RIDERS ng Cavite!!