RIDE FOR A CAUSE
Dao Elementary School, Bailen, Aguinaldo, Cavite
January 25, 2015
Enero abeynte singko, ang araw na bibisitahin ng grupong
RIDE FOR A CAUSE ang DAO Elementary school. Isang liblib na eskwelahan sa bayan
ng Emilio Aguinaldo sa probinsya ng Cavite. Halikat samahan nyo ako.
Ang meet up ng mga volunteers na mangagaling sa Maynila ay
sa Jetti Gasoline station sa Macapagal Blvd samantalang ang ibang grupo naman
na sasama sa Cavite ay sa Mcdonalds Pala-pala.
Mag aalas siete ako nang umalis sa bahay, makatapos kumain
ay diretsong bihis na, mejo naunsyami kasi ako at yung jacket ko eh hindi na kasya
saken [ Oo, tumaba ako ]. Lumampas pa ako sa Mcdo Pala-pala gawang ang nasa
isip ko eh Fil Oil Gasoline station. Pag balik ko sa Mcdo, nandun na ang mga
Cavite volunteers. Nandun ang grupong RJRC-CAVITE, Yamaha-United SZR Riders of
Cavite, ilang mga RFAC volunteers at ang COE na si Blackstorm.
Makalipas ng ilang sandal ay dumating na din ang convoy kaya
sinabihan ko ng mag gear up ang grupong Cavite. Mga isang oras na byahe ay narating
namin ang aming destinasyon, Ang DAO Elementary school.
Isang maliit na eskwelahan sa mejo may kasukalan pang parte
ng Cavite, ni wala din akong makitang street lights, may mga parte pang hindi
sementado ang kalsada.
Maayos kaming sinalubong at tinangap ng mga estudyante ng
DAO elementary school at maging ang mga guro nito. May pa LUGAW pa na talaga
namang kay sarap at may kasamang MAJA BLANKO.
Makatapos ng konting salo-salo ay nagsimula na ang maiksing
programa, ipinamahagi ang mga donasyon mula sa volunteers, specially sa bag na
ibinigay ng Yamaha Philippines sa pamamagitan ng grupong United SZR Riders of
Cavite. Tulong tulong ang mga volunteers sa pamamahagi ng Bags, tshirts at
tsinelas. At ang mga sumobra ay inendorso sa mga guro, may dala din ang RFAC na
bagong COMPUTER na may kasama pang PRINTER at computer table.
Nakakatuwang isipin na kahit papano nakakatulong tayo sa
maliit nating paraan sa tulong ng samahang RIDE FOR A CAUSE. Ipaliwanag ko lang na
ang RIDE FOR A CAUSE ay hindi CLUB, ito po ay pinag bigkis na samahan ng iba't ibang grupo ng nag mo-motor sa bansa at ibang bansa [ donors and sponsors ]. Isang
samahan na sa kahit maliit na paraan ay gustong tumulong sa mga nangangailangan
at kasabay ng pagbabago sa imahe ng mga riders sa kalsada.
Sa samahang ito ay walang AMO, PRESIDENTE, LIDER o ano pa man,
ito ay ginagabayan ng COE [ Council of Elders ] para lalong maging matatag at
matibay ang samahan. Pitong taon napo ang samahang ito na nabuo ng dahil sa
iisang layunin, ang tumulong.
At siempre, gusto ko pong pasalamatan ang mga VOLUNTEERS na
walang sawang tumulong at sumama. Sa mga MARSHALS na pinapangalagaan ang ating mga
kapwa riders habang nasa byahe. Sa mga SCOUT MASTERS na walang sawang na byahe
para maghanap ng beneficiary at sa mga COE na gumabay sa samahan. Mabuhay po
tayo.
Sa mga gustong sumama sa adbokasiyang ito, hit nyo po ang LIKE at mag inquire sa page na ito sa facebook: RIDE FOR A CAUSE
Ilang litrato na kuha sa Mission.
Kuha ni Bien Calvario [ isang alagad ng batas ] Kasama ang
mga pulis din na Volunteers [ yup, hindi lahat eh scalawags, ang iba ay matulungin
talaga at matapat sa serbisyo ]
United SZR Riders of Cavite at Total Gas station in Tagaytay
Kuha ni Philip Menorca sa DAO Elementary School
Kuha naman ni Erich Samuel Bronson, mga estudyante ng DAO
Kuha ni Ser Crispe, sinimulan ang programa ng isang simpleng dasal at pasasalamat
Cavite Volunteers, kuha ni sir Vincent Ryan
At ang inyo pong lingkod
More pics on their fb page: RIDE FOR A CAUSE PAGE
No comments:
Post a Comment