Mga hindi dapat gawin kapag nag mo-motor
By: Gene B. Ulag
Well, maraming hindi dapat ginawa pag nag mo-motor, Pero ano
nga ba ang mga “DAPAT” na hindi
ginagawa habang nag mo-motor? Marami din kasi sa mga kasama nating mga riders
na hindi alam ang batas tungkol sa pag mo-motor, hindi marunong bumasa ng
traffic signs, road lines at iba pa. Kadalasan ay marunong lang talagang mag
motor.
Isang dahilan din ng disgrasya ang hindi pag intindi at
hindi pag sunod sa batas trapiko, hindi lang din sa mga naka motor, kung hindi
sa lahat ng motorista sa kalsada.
Ngaun, I break down natin ang mga dapat hindi ginawa kapag
tayo ay nag mo-motor. Bukod sa pag sunod sa BATAS TRAPIKO
Unahin na natin ang PAG
INOM NG ALAK.
Mejo guilty ako dito, kasi talaga namang madalas noon ay
madalas din akong shumat, Aminin natin, masarap uminom, lalo na’t nasa tambayan
tayo, kasama ang mga ka-tropang nag mo-motor din. Napag uusapan ang babae,
modification ng motor, ikumpara ang bilis ng bawat isa, na pagkatapos ay mag
susuntukan na. Charot lang. hehehe.
Iba ang kwentuhan kapag tropa ang kasama eh, di ba?!
Iba din ang kwentuhan pag nadisgrasya ka, at Mas iba ang
kwentuhan, kapag pinag lalamayan ka. Masakit din sa mahal natin sa buhay kapag
tayo ay nadisgrasya, hindi ka man mamatay, eh todong gastos naman, dahil ma
o-ospital ka, tapos pagawain pa sa motor.
Kaya mga ka tropa, hinay hinay lang, tatlong bote ay OK na,
at sana ay wag ng so-sobra pa dun, mas konti mas maganda.
Kaya ang WAG UMINOM
NG ALAK o moderation lang sa pag inom ang UNA sa listahan natin.
Pangalawa, MAG SUOT
NG HELMET.
Ako man ay guilty din dito, dahil pag malapit lang ang
pinupuntahan ko, ay tabo helmet o minsan ay WALA na talaga akong suot na
helmet. Pero, ang pag su-suot ng helmet ay nagbibigay sa atin ng proteksyon sa
pagka bagok, na numero unong dahilan ng FATALITIES
sa disgrasya sa motor.
Lagi naman tayong pro-choice, pero syempre, iba na ang nag
iingat. Hindi ka man kumpleto sa gears, atleast, napo proteksyunan ang ULO mo.
Pangatlo, WAG MAG
O-OVERTAKE SA KURBADA
Sakit ito ng karamihan sa atin, well, noon ko pa ito alam,
kaya hindi na ako guilty ditto [ kala nyo ha ]. Hidi ko alam kung ano ang meron
sa pag o-overtake sa kurbada, at lagging gustong maka una. Hindi naman race
track ang kalsada.
Ilang taon na ang naka lipas, may isa kaming kaibigan, na
itago na lang natin sa pangalang DAMULAG
[ Oo, yung DAMULAG sa
palabas na DORAEMON ], nasa byahe sila ng isa nyang kaibigan sa mag Tanay,
Rizal, nag biglang nag overtake itong si DAMULAG sa kurbada, ang bumulaga sa
kanya ay hindi sina TITO, VIC and JOEY,
kung hindi isang pampasaherong jeep.
Tinamaan sya sa hita, at ang buto nya sa hita [ LEFT FEMUR ]
ay nahati sa lima. Ilang buwan din syang hirap maka lakad, hindi ko alam kung
ilang opera ang nangyari, at malaking gastusan panigurado. Ng dahil lamang sa
pag overtake sa kurbada.
Pang – Apat, WAG
TUTUTOK SA PAMPASAHERONG SASAKYAN
Isa pang dahilan ito ng disgrasya, nasa kanang bahagi ka ng
kalsada, nasa bilis na otsenta ang tinatakbo, ng biglang nakakita ng pasahero
ang JEEP sa unahan mo, eh masyado ka nang naka baon,
ayun, blagag!@#$%!!! Tinumbok mo ang likuran ng JEEP, eh buti kung ikaw lang,
may natamaan ka pang pasahero. SAKLAP DI
BA?!
Ang mga Jeepney driver, aminin na nating, gusto lang din
namang mabuhay nyan, kaya halos walang pakialam yan kung nakahambalang man
sila, o may masasabitan sila sa pagmamadali. Wala eh, sa hirap ng buhay eh
kailangan nilang kumayod para sa pamilya nila, at para sa pangalawang pamilya
nila, [ hango lamang sa kasabihang, basta driver, sweet lover ].
Kaya hanggat maaari, ay tayo na ang umiwas at wag tumutok sa
mga pampasaherong sasakyan. Iwas disgrasya pa.
Pang – Lima, MATUTONG
RUMESPETO
Dapat nga, hindi na kasama ito, kaso, isama na natin.
Malaking parte kasi ito ng buhay motorista eh. Wag harangan ang PED XING – RESPETO SA PEDESTRIAN, Wag
dumaan sa SIDE WALK – RESPETO SA
PEDESTRIAN, Kapag, kaka GO signal pa lang, wag busina ng busina na parang
gusto mong iyabang na may BUSINA ka na alam mo namang lahat tayo ay meron – RESPETO SA KAPWA MOTORISTA
Wag BOMBA NG BOMBA SA
STOPLIGHT na para bang gusto mo eh
laging may karera, RESPETO ito sa KAPWA MOTORISTA, kahit sa tingin mo ay hindi
sila naiingayan, NAIINGAYAN SILA, alam nilang naka RAIDER150 ka at alam nilang mabilis yan, Wag mag assume, kaya
kumpuede lang, itigil na din ang rebolusyon ng rebolusyon.
Ilan lamang sa mga naisip ko yan, paala-ala lamang po hane,
hindi ito STANDARD na batas, puedeng wag mong sundin, puedeng sundin, kung
susundin mo naman ito ay wala namang mawawala sayo, kung hindi mo naman
susundin, maaaring buhay mo ang mawala sayo, NOPE, hindi dahil itutumba kita,
kung hindi dahil, IKAW, ay magiging mas prone sa aksidente.
Mahirap na masarap ang mag motor, kaakibat ng mga TOLONGES
na batas na ipinapatupad ng LOKAL na PAMAHALAAN. Pero ang main reason natin ay
ma enjoy ang pag mo-motor, at the same time eh ligtas tayong makakauwi sa
kaniya kaniyang pamilya natin. Buo tayong umalis, BUO TAYONG UUWI.
Hanggang sa muli ka RIDERS. RIDE SAFE
[ Parang Batibot lang
yung ending ah ]
No comments:
Post a Comment