1996 noon, nung nagsimula akong tumabay sa CCP, Reclamation area pa lang ang MOA at Macapagal area, dito inilagay yung mga squatter na, na demolished sa Pasay at Paranaque. Madalas din akong magpunta sa reclamation area na yan dahil marami akong kababatang napalipat doon simula ng gibain ang mga bahay nila dun sa estero sa Pasay. Syempre, dala ko ang motor kong Yamaha chappy (Una kong motor bago ang DIO 1 na pinangalanang kong Pugak) papunta dun.
Bago ang karera sa Macapagal, bago ang tambay ng mga motor at syempre, mga magagarang kotse na din. Ang Vicente Sotto St. diyan sa CCP ang tambayan ng mga rider at racer.
Naalala ko pa noon, naka Honda Dio 1 pa ako, madalas kaming magpunta diyan noon tuwing Byernes at Sabado. Pa gandahan ng motor, pa cute sa mga tsiks, at sight seeing na din ng mga konyo kids na naka tsikot. Pag naka Chappy ka eh hindi pansinin eh, kaya parada si Chappy pag weekends.
Punong puno ng tambay ang kalsadang yan (Vicente Sotto St), mula kanto hangang circle at kadalasan ay naabot pa sa Film Center, na kung tawagin namin noon ay "Condemned Building" dahil wala ngang establishmento dun noon. Hindi lang kami makatambay noon sa Film Center kapag Sabado dahil nanjan ang El Shaddai.
Pagandahan ng motor noon, at pabilisan din syempre, wala pang masyadong fancy lights tulad ng mga nabibili ngaun. Pakinisan ng kaha, pamahalan ng pipe at pagandahan ng set-up. Usong uso noon ang water cooling set up at nauso din ang salitang "BALOT" na ang ibig sabihin ay balot ng tubig ang block, dahil noon, mano-manong ginagawa ang pag wa-water cooled sa mga block ng jog at dio.
May iba din namang brand ng motor, pero ang karamihan noon ay Jog at Dio dahil usong uso din noon ang pagbili sa Ilocos tapos iba byahe sa Manila.
Mas lalong dumami ang tambay nung lumabas ang Sym Jet 100, yung mga tipong hindi mo puedeng kausapin ang may ari pag ganun ang motor. Marami din namang natambay na ibang klase na motor, may dirtbikes (tawag namin noon sa mga off road) Yamaha DT at KMX125 ang mga putok na model noon, may mga C70 din din at mga pantra, hindi rin mawawala ang mga sinaunang underbone tulad ng dream at kung ano ano pa. Madami ding natambay na mga rich kids na naka italian scooters tulad ng Vespa, dragster at gilera (just to name a few). Masaya ang tambay sa lugar na yan, marmai ding tao dahil malapit sa break waters at yung mga tambay eh nagpapa emo sa tabing dagat habang nakain ng ihaw ihaw.
Wala pa yung Jumbo Floating Palace noon. Maraming lovers ang madalas na dayuhin ang break waters dahil nga romantic ang dating, buhay na buhay pa sya noon. Karera dito, karera doon, pasikatan at paingayan ng sound set up naman ang mga naka tsikot. Stunts naman ang ibang dirt bikers, at yung mga parking lot sa tabi ng PICC ay nagiging maliit na karerahan ng mga kotse at motor. Suma tutal, Tambayan talaga ang CCP area.
Natigil lamang ito nung marami ng nadidisgrasya gawang wala pang humps ang kalsada at panay ang karera, isa sa pinaka malalang aksidente ang nasaksihan ko ay yung inararo ng isang kotseng pang karera yung stall ng bisikletahan diyan sa kanto ng Vicente Sotto St. at Magdalena Jalandoni, sa pag kaka alala ko, halos isang pamilya ang namatay sa insidenteng iyon.
Simula din noon ay humigpit na ang pag tambay, maya't maya na ang check point, dahil karamihan noon ay walang mga papel ang motor. Walang helmet ang karamihan at walang lisensya.
Tumamlay na din ang eksena tuwing Byernes at Sabado, wala na ang maiingay na sasakyan, ang magagarang tugtog galing sa mga naka set up na tsikot.
Hangang sa tuluyan ng nawala ang mga tambay, naging malungkot na ang lugar na yun. Ilang taon din ganun, nalipat sa ibang ibang lugar ang tambayan, meron sa Sucat, Meron sa greenhills, meron sa Malate at marami pang iba.
Pero kahit wala nang natambay sa CCP ay panigurado akong ang mga nakatambay doon ay hindi malilimutan ang mga magagandang ala-ala at mga kasiyahang nasaksihan nila at mga hindi masayang pangyayari nung panahong aktibo pa ang tambay sa CCP.