Tuesday, April 19, 2011

Check Point sa PILILIA RIZAL


I was flagged down earlier sa may Pililia, Rizal tapat ng resort.

So tumabi ako, nilabas ang lisensya at naghintay ng lalapit na pulis.

Ngunit ang lumapit sa akin ay isang matandang lalaki na nagbebenta ng sticker ng "san Miguel" na nakalagay fiesta May 7,8,9 ..


Ako: pinahinto nyo ako dahil dito?

Matanda: yes, sir.

Ako: magkano to? Para saan to?

Matanda: bente sir, idikit nyo sa motor nyo.

Ako: kung ayaw kong bumili?

Matanda: Ok lang sir.

Ako: Hindi ho bat bawal ito? kasi lahat pinapatigil nyo eh.. pati mga private vehicle para bentahan lang ng sticker na ito. Passes ba ito?

Matanda: hindi naman sir, abuloy lang po sa fiesta namin.

Ako: malayo pa sya sir eh. hindi ba kayo tinutulungan ng lokal na pamahalaan nyo para sa fiesta nyo?

Matanda: meron naman sir, hindi naman sya sapilitan eh

Ako: hindi sapilitan eh lahat pinapara nyo. ayan oh, pribadong sasakyan at truck. pati yung jeep oh..

Matanda: inaalok lang namin sir.

Ako: para saan nga sya? puede ko bang malaman?

Matanda: para sa fiesta nga sir.

Ako: sya, akin na ang isa ng matapos na tayo, baka sabihin nyo eh kuripot pa ako(sabay abot ng P20)




Ang punto ko lang.

Bakit hinahayaan ng gobyerno ng Pililia, Rizal ang ganitong gawain? Checkpoint kuno pero nagbebenta ng sticker.. May kaukulang permit ba yung mga ganito? Hindi kona kasi naitanong eh. Para kasi sa akin eh lantarang pangingikil eh. hindi daw sapilitian pero lahat ng pinahinto nila bumili. ultimo mga jeep..

Lahat pinapara nila para bentahan ng sticker na para daw sa fiesta.

Subukan kong litratuhan bukas yung sticker.

Malaking pera ito sa dami ng nadaan jan.


Kung may mga taga Pililia rizal jan, Baka ma explain nyo naman mga kapatid..

No comments:

Post a Comment