Friday, July 23, 2010

Marilaque Twisties

Marilaque (Marikina - Rizal - Laguna - Quezon) or Marcos Hi-way, a public road, this hi-way will take you to places like Rizal, Laguna and Quezon (yeah, i already mentioned it silly me).

But for us riders, its a weekend quick getaway in the busy, stressful streets of Metro.
Where everyday we encounter stupid bus drivers, cagers, co-riders and most of all, the pollution.

So, Marilaque is a place where you can ride your bike and enjoy the twisties, not just that, Marilaque offers great sceneries and a cold climate which you can't find in the metro unless you plan to visit antipolo which is not Metro Manila.

teka't itigil muna natin ang pag i english dito at nasakit na ang ilong ko, mahirap ng duguin at baka hindi ko matapos ito.


Itong lugar na ito na "haven" sa mga nag mo-motor na tulad ko (natin) eh hindi nagiging magandang pasyalan pag weekend.

Bakit? Dahil nga sa liko likong daanan nito, at sa magandang tanawin na din. Maraming umaakyat or dumadaan dito tuwing linggo, na ang nagiging resulta eh nagiging crowded na yung lugar na pinupuntahan.

At hindi lamang yun mga kapatid, dito din ginagawa ng ilan sa ating mga riders ang kanilang "racing skills".. Ha? Nope, you heard me right.. Racing skills po. dahil nga sa liko likong daan na ito ng marilaque eh simula noong 2002-2004 ng makumpleto ito at hangang ngayon ay dumami na po ang naging aksidente dito at kadalasan po ay sanhi ng mga rider na kulang sa aral sa pagmamaneho, at yung iba naman eh natural na pasaway lang.

Marami na ding residente ang napinsala gawa ng mga nag mo-motor dito tuwing linggo.

Ang tanong palagi ng tao, Bakit dito? isang debateng pinagtatalunan ng ilang indibiduwal sa forum site na www.motorcyclephilippines.com, isang online forum para sa mga motorcycle enthusiast.

Hindi lang sampung beses naging topic ito ng mga thread, pinag debatehan ng ilang forumers, na minsan ay nauuwi pa sa murahan, hamunan at asaran.

Laging ang punto ay syempre, road courtesy. Well, alam naman nating lahat yan panigurado sadyang tayo lamang eh may iba ibang opinyon sa buhay natin, minsan yung iba kasi, nakikisawsaw na lang din.

Hindi lang naman ang Marilaque ang may ganitong klaseng daan dito sa pilipinas, pero kahit saan man merong kahalintulad nito eh sa pag mo-motor, wag sanang mawala ang respeto natin sa makakasabay natin, yan po yung road courtesy.

Kung alam mo namang wala kang makakasabay, ride at your own risk. pero kung alam mong marami kang kasalubong, kasabay eh wag na po nating sanang gawin na mag pakitang gilas pa tayo. Minsan kasi akala nung iba eh pag naunahan nila at nakita silang bumangking nung nakasabay nilang motor eh feeling nila magaling na sila at iidolohin..

Abay minsan po mali ang akala nila, kadalasan po ay natawa lang kami.. at sinasabi sa aming mga sarili "oh di ikaw na magaling, wag ka lang sesemplang o makadisgrasya"

kahit po siguro paulit ulitin natin ang topic na ito, at makipagtalo ng habang buhay sa internet at forums eh hindi mare resolba ito hangat ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng respeto sa kapwa.

Mas maraming rider ang hindi nag iinternet na nag mo-motor at hindi nakikita ang pag tatalo ng mga tao tulad ng forumers ng MCP sa mga bagay na ito..

Panatiliin po natin ang respeto sa kapwa motorista natin. ROAD COURTESY po mga sir!!
Kung lahat tayo may ganyang ugali, maiiwasan natin ang disgrasya, hindi lamang sa marilaque, kung hindi sa lahat ng kalsada..


a thread in MCP regarding this issue. nice debate ito.. samut saring damdamin..

Marilaque: Bakit dito? Hindi sa race track?


Hangang sa MULI mga kasama.

No comments:

Post a Comment