Tuesday, July 31, 2018


Batas na gawa ng mga TANGA








CHARITY RIDES
By: Gene B Ulag

This is my 2nd blog for this year, as I chose not to write blogs more often, not that I am lazy but most of the stuffs I see now in the Motorcycling Community is just a repetition of some formers issues that hasn’t been settled / fixed. Well, this topic will be sensitive and surely, only a few people will understand. This is about, the CHARITY RIDES.

English nanaman, teka, tatagalugin ko para maibigay ko mismo ang gusto kong sabihin. Bago pa man mabuo ang RIDE FOR A CAUSE, o mas kilala sa tawag na “RFAC”. Ako man ay nakaka attend na ng mga CHARITABLE RIDES, noong binuo ang RFAC, isang forumer lang ang nagsimula ng inisyatibo para masakatuparan ang pagbibigay ng tulong, itong former na ito ay hindi man lang nakasama kahit isang beses, sa loob ng sampung taon.

See? One initiative that started it all. Pero, ang nagbigay buhay ay ang mga riders na mas naka intindi na magbigay at magbalik ng tulong at serbisyo sa mga taong nangangailangan. And there you go, ang RFAC ay 10 years na. Yes, I was part of it,, up until a few years and different opinions and issues separated us, but the love and passion for helping others ay nandun pa din kaya nagkaron kami ng grupong LAKBAY TULONG.

Since, hindi naman pondo ng Gobyerno ang ginagamit nang mga grupong yan sa pagtulong, kaya merong guidelines noon sa paghahanap ng beneficiary. For example, dapat walang tulong na nakukuha sa LGU or at least kaunti lang. Malayo sa kabayanan at iba pa.

Sa medaling salita, nakakatulong ang mga grupong ito sa mga nangangailangan, na galling sa sarili nilang mga bulsa. PALAKPAKAN TAYO JAN RIDERS!!!

Perrrroooo, makalipas ng ilang taon, itong mga CHARITABLE RIDES na ito ay naging dahilan din ng pananamantala ng ilang tao, yung iba nahingi ng tulong para sa mga bagay na puede naman nilang ilapit sa Gobyerno, yung iba naman, talagang pangap lang.

Ilang beses na din akong nakakita at nakadinig ng balita tungkol sa mga taong nananamantala, Totoo, humihingi sila ng tulong s amay sakit, pero yung ibang walang kaluluwa ay ibinubulsa ang pera na para sana dun sa mga tutulungan.

Nakakatuwang makakita ng mga grupo na kaliwat kanang tumutulong sa mga nangangailangan, OK YAN. Pero may mga panahon na hindi lahat ng bagay ay ia-asa natin sa “hingi” ng tulong. O minsan, may kalamidad, Ok sige, magandang tumulong, ngunit itong mga bagay na ito ay dapat inaasa nanatin sa local na pamahalaan. Tumulong ka bilang Volunteer at wag ng lumikom pa ng donasyon para sa mga nasalanta.

Ang dami kasing mga grupo ngayon na kaunting disgrasya, CHARITY RIDES agad, nabasag yung kaha ng motor, CHARITY RIDES agad. Kahit kakarampot ang maibigay, kung todo litrato #FeelingBlessed #SarapTumulong hashtags agad.

Don’t get me wrong, gusto ng karamihan na Makita ang kapwa riders nating tumulong, dahil isa sa motto ko ay “Help others one step at a time”. Pero at the rate of what is going on now, nadapa lang yung bata, CHARITY RIDES agad.

Alam kong hindi maiintindihan ito ng marami, and I don’t give a fuckin fuck. Heto na ang nangyayari ngayon, imbes na mas makatulong tayo sa mas nangangailangan eh naka focus tayo sa pagtulong sa mga bagay na kaya naman nila. Masakit nun, baka madale ka pa ng BUDOL BUDOL.

Click like and share Bikers World 101 in Facebook, vlogs coming very soon!