Saturday, January 5, 2013

A letter to DTI.




I wrote a letter to DTI. Ito po ang laman.

Hi,

Good day, My name is Lorem De Jesus, A rider. Let me cut the chase short and get to the point.

I have some few question for you guys to answer.

Whats the qualification of a standard helmet?

What if my helmet doesn't have this ICC sticker BUT the brand is listed on your "approved brand of helmet list"?

The reason I'm asking is I really find it senseless. Why?

Araw araw po akong nag mo-motor at marami akong nakikitang mga helmet na may ICC STICKER na hindi karapat dapat lagyan ng ICC sticker. Ang basehan ba para masabing STANDARD ang helmet mo ay ang ICC sticker?

Maraming hndi nakaka alam na rider regarding this helmet "standardization" pero still, ipinagpatuloy nyo pa ding i-implement ang batas na ito nitong nakaraang Jan 1, 2013.

Nagbigay kayo ng time expansion para sa stickers but my really point is.

Bakit kailangan ng sticker ng mga helmet na nasa "list of approved brands" nyo kung ito ay approved na?

Sana ay mapagtuunan nyo ng pansin ang aking liham.

I don't represent any organization or federation. I'm just another rider, who just want to clarify things out..

I would really appreciate also if you will reply on this email.

Lubos na gumagalang,
Lorem De Jesus
President, Shogun Elite Club




_____________________________________________________________________________


Hintayin po natin kung ano ang sagot nila sa email ko na yan. 


ABANGAN.. 

Friday, January 4, 2013

ICC Sticker, DTI, LTO, Manila’s riding in Tandem and Sin tax







ICC Sticker, DTI, LTO, Manila’s riding in Tandem and Sin tax

Ilang buwan din akong hindi naka sulat gawang busy sa career bilang artista (Siempre joke yun!)
Marami lang napag kaabalahan dahil bukod sa gumagawa ako ng electrical ng motor ay may trabaho din akong regular.
Marami tayong tinalakay na batas nitong nakaraang taon, mga batas na hindi halos pinag aralan at ipinatupad na agad.
Tulad na lamang nung Motorcycle lane ng MMDA. Well, hindi naman sila aktibo sa pang huhuli dahil malamang at sa malamang at natauhan na itong chairman nilang Abogado pa naman na parang hindi nag iisip.
Isa pa ay ang iminungkahi ni Atoy Sta. Cruz na kumakatawan sa MPCF o Motorcycle Philippines Federation. Isa sa pinaka malaking organisasyon sa Pilipinas. Ito yung plate number on Vest. (what???)
Opo, tama po kayo, iminungkahi nya po yan dahil yan daw ang solusyon para mabawasan ang krimen gamit ang motorsiklo.
Wow, nung sinabi ni dating MMDA chairman Bayani Agbayani este Fernando na maglalagay ng sticker ng plate number sa HELMET ay isa sya sa mga umalya dahil hindi nga naman makatarungan ito, halimbawang marami kang helmet at motor eh obligado kang istikeran lahat ng helmet mo.
Pero out from no where ay iminungkahi nya ito, yung plate number on VEST. Parang wala yatang ipinagkaiba ito dun sa suhestiyon ni ex-chairman Fernando hindi po ba?
Eh di siempre maraming tumutol, kung hindi ba naman isat kalahating tolonges eh, gumawa ng idea dun sa isang idea na ibinasura. TALINO!
Nagkaron ng relay ride for a cause ang LTO, MDPPA, MRO (Motorcycle Rights Organization) at iba pa. Para daw magkaron ng unity ang motorcycling community, Itong MCPF pumalag nanaman dahil daw yung pangalan ni federasyon nila eh nasa huli. (talaga naman). So gumawa sila ng sarili nilang motorally. (So, hindi ko Makita yung point kung nasan yung UNITY na sinasabi nila). 

Well, kasabay ito ng RIDE FOR A CAUSE, Isang non-gov organization na binubuo ng mga riders galling sa iba’t ibang grupo at lugar sa Metro manila at karatig bayan.
May issue pa nga jan na kasi yung isang member ng RFAC na opisyal ng MRO ay humingi ng pabor ditto sa RFAC na I adjust yung date para makasama lahat sa “UNITY” ride na gagawin nila.
Eh hindi yata napagbigyan, since isa sya sa admin dun sa FB page ng RFAC abay biruin mo ba naming burahin yung ibang admin dun sa page at ginawang sya lang ang admin. Balitang balita din kasi na gumagapang sila ng mga clubs para sumama sa rally nila, baka kinabahan sila kasi umalis itong sila tolonges, abay 300,00 and counting daw kasi ang member ng MCPF (LOL) well, 299,999 na lang kasi umalis na ako 3 years ago. Long story, kayo na ang humalungkat. 

Successful naman yung RELAY RIDE FOR A CAUSE nila, dami naming sumama, kahit yung iba ay hindi nila alam kung ano yung sinamahan nila, siempre nandun ang mga IDOL kong sila Chairman Jobert Bolanos at Vice Chairman Martin Misa.
Nandun din ang A.R.M.A.S. , na balitang balita eh tatakbo daw for PARTY LIST, WOW, astig yun.. magkakaron na ng party list ang Motorcycling community. Ang komento ko lang eh sana magtagumpay kayo. Pulitika nay an, kahit gaano ka kabait, mabibilang sa kamay ang mga taong hindi kinain ng pulitika ang pag iisip. Lalo’t pat nanjan sila chenes at kemedu sa tabi nyo nakowww.. Nakakatakot!!
Helmet standardization, gandang pakingan, safety na safety ang dating. Pakulo ito ng LTO at DTI, nasa likod nila ay yung mga magagaling nating motorcycling federations and orgs.
Kailangan daw lagyan lahat ng ICC sticker ang mga helmets na nasa listahan nila at pag walang sticker at nahuli ay otomatikong P1,500 ang multa. 

Halimbawang nasa listahan yung helmet ko, at yung mga regulasyon na kailangan nila para dikitan ng sticker ay kumpleto ako. Ngunit wala akong sticker, mag mumulta din ba ako? Ngunit nandun sa listahan yung helmet brand ko?
Hindi ba’t trabaho ng DTI at LTO na dapat noon pa bago pa lang ibenta sa MASA ang mga helmet ay dumaan na ito sa DTI for quality check? Ngaun, maraming rider ang nag abang sa pila ng ilang oras para lang madikitan ng sticker na yan. Dahil sa takot na maging gatasan nanaman ng mga PULIS na walang sawang magsamantala sa mga riders.
Wala ngang bayad ang pagdidikit ng sticker, pero yung oras na sinayang nung mga tao ay mahalaga. Bayad naman yang mga opisyales ng DTI habang nagdidikit sila ng sticker, hindi naman libre yun. Binabayaran sila ng ahensya.
Yung iba pa, nagdidikit ng sticker dun sa mga helmet na hindi karapat dapat lagyan!! Anong klase yan?!
So ngaun, gusto ng mga animal na ito na sumunod tayo sa “BATAS” na inimplement nila nitong nakaraang Enero 1, 2013.  Na pag wala kang ICC sticker antimano P1,500 ang babayaran mo. Dahil hindi standard ang helmet mo kasi wala kang ICC sticker, na kahit ARAI pa ang helmet mo basta wala kang sticker ay multa ka.
Napaka gandang batas at ang nakakatuwa pa jan, ang daming mapapel na federasyon at organisasyon ang meron ang motorcycling community, ngunit wala man lang naka pigil ditto. Isa lang ang ibig sabihin nyan, sang ayon ang mga ito sa batas na yan!

Batas na patuloy na nagpapahirap sa pag mo-motor sa pilipinas. Palampasin na natin yang MC Lane na yan. Baka puede nating unahin ang ICC sticker na ito, nang sa kadahilanan lang naman na hindi naman halos alam ng mga rider lalo na yung mga kababayan nating mga mensahero. Maganda yung idea, pero palpak ang implementasyon parang MC Lane.
Sa Maynila, pilit nilang gagawing batas ang riding in tandem, na kahit angkas mo ang asawa mo at ihahatid mo sa trabaho ay huhulihin ka! Ganyan kagaling magi sip ang mga trapo este pulitikong ibinoto nyo.
Ang daming puedeng gawin ng Gobyerno natin bukod sa MC Lane, ICC sticker “Helmet standardization” at riding in tandem. Ang kaya lang gawin ng gobyerno natin ay I BAN ang smokers sa publiko at CONDOM. Isama mo pa yang Sin tax na yan. 

Hindi ako naninigarilyo, sang ayon ako jan sa batas nay an, condom? Well, Pro RH Bill ako so hindi ako sang ayon.
Pero napaka babaw nyan, lubak na kalsada, trabaho para sa mahihirap. Mahirap na nga ang pilipinas ang ginawa pang batas ay SIN TAX.
POR DYOS! Trabaho ang kailangan ng Pilipino, trabaho na magpapakain sa pamilya nila. Ang dami ng mga buwis na binabayaran pero kita mo naman kung paano mang bastos ang mga kapulisan natin na sa buwis na binabayaran natin kinukuha ang mga sahod.
Nakakainis nga dahil sa laki ng buwis na binabayaran ko buwan buwan eh sa mga corrupt at mga walang silbeng opiyales ng gobyerno lang napupunta. 

Ngaun, nagsimula na ang implementasyon ng ICC Sticker, hangang batok nanaman ang ngiti ng kapulisan nating mapag samantala. Dahil may bagong raket nanaman ang mga hindot nay an sa pamamagitan ng ICC Sticker.
Kung gusto nilang siguruhin na gagamit ang mga riders ng de kalidad na helmet ay sa pag papa rehistro palang ay puede na nilang ma control yan. Ni pag kuha ng lisensya sa LTO ay napakadali, talamak ang fixer hangang sa loob.
Ano pa ang mga nakaka gulat na batas ang susunod? Bawal humatsing habang nag mo-motor at baka mabanga?
Bawal mag shades kahit mainit ang araw? Salamat sa inyo, at napaka saying mag motor sa Pilipinas.
Nakakahiya sa lubak lubak na kalsada, sa hindi organisadong pang huhuli at pag titiket, sa pangongotong na hindi na nawala sa linya ng mga pulis at enforcers. 

Salamat din sa pamunuan ng local na pamahalaan ng Maynila, dahil sa suhestyon nyong yan, maaari ng barilin ang mag asawang mag ka aangkas sa gabi habang inihahatid sa trabaho ang asawa nila dahil criminal na ang tingin ng mga trigger happy na pulis dahil sa RIDING IN TANDEM na iginigiit nyo. SALAMAT!
Hinid nyo ba nakikita na simple lang ang solusyon sa riding in tandem ng mga totoong criminal? POLICE VISIBILITY!
Hindi yung nag ro-ronda lang ang mga pulis nyo para kumuha ng Intelehensya at pansit sa mga bar sa gabi. Umikot para mangikil sa mga nag papa sakla. Umistambay para makahuli ng lasing na walang helmet sa gabi. At best, pag alam nilang may kaya, ay pag bibintangan pa nila ng mga bagay na hindi ginawa ng tao.
At itong mga mabababang rango pa ang gumagawa ng kagaguhan.. Mahiya naman kayo! Isumbong kay Gen. Espina yan!
Mahaba haba na ito, Hintayin nyo po ang susunod na update sa aking blog na kung saan puedeng pag usapan ang lahat. Salamat sa suporta!