Thursday, June 2, 2011

Paano sumali sa Motorcycle Club?


Sa Pagsali sa MC club, hindi puedeng member ka na kaagad, siempre kailangan mo munang makasama at maka close ang ibang miembro.


Ang pagsali sa club ay hindi para manonood lang ng sine. Na kung gusto mo eh bibli ka lang ng ticket. We build camaraderie, friendship and most of all BROTHERHOOD.


Kaya may "requirements" sa pagsali sa isang grupo at kailangan kang i evaluate ng mga miembro nito. At siempre ganun ka din dapat, i evaluate mo kung maayos ba silang grupo? disiplinado ba? may respeto sa kapwa motorista? etc etc.


Ang Motorcycle Club eh isang pamilya, nagtutulungan, nagkukulitan at nag aasaran. At siempre, hindi naman din nawawala ang tampuhan natural lang yun.


Ang pagsali dito ay pag ko commit na magkakaron ka ng obligasyon sa club at ka grupo mo. Tumulong ng walang pag iimbot sa ka grupo mo at sa ibang pang motoristang nangangailangan ng tulong.


Pag sunod sa batas trapiko at pag respeto sa iba pang motorista na gumagamit din ng kalsada.

Higit sa lahat respesto sa bawat isa.


Dahil ang Motorcycle Club eh hindi basta grupo lamang ng nag mo-motor. Ito ay pamilya. Kung ang pananaw mo sa isang motorcycle club eh isang grupo lang para makipag yabangan sa bawat nilalang na may motor.


Wag ka ng mag aksaya pa ng panahon. Hindi ka bagay dito, dun ka sa grupong ang tanging silbe eh yabangan, yurakan, at iprovoke na makipag karera sa kanila ang ibang riders na hindi man lang isina alang alang ang kaligtasan ng iba.


Kung isa ka sa mga riders na walang respeto sa kapwa nag mo-motor, kung isa ka sa mga riders na natatawa kapag panget at kakarag karag ang motor, kung isa ka sa mga riders na walang pakialam sa mga naka paligid sayo.


Isa kang malaking PUTANG INA MO.. Hindi ka bagay sumali sa grupo. Ang pagsali sa grupo ay pagbuhog sa kakayahan mo bilang rider at hindi pag sira sa sarili mo. Hindi para yabangan ang ibang miembro sa "Husay" kuno mong pagmamaneho.


Ang pagsali sa grupo ay simula ng pagbabago sa pananaw mo kung paano mag-motor. Ang pagsali sa grupo ay simula ng pagkakaroon ng panibagong experience at bagong kaibigan. At higit sa lahat. Bagong mga KAPAMILYA..

No comments:

Post a Comment