Tuesday, December 29, 2015

Ang dalawang mukha ng Adbokasiya

Ang dalawang mukha ng Adbokasiya
Gene B. Ulag



Tandang tanda ko pa noon, nung unang sumali ako sa pakikibaka, iilan lang kami, hindi yata umabot ng libo, solo rider ako noon, ito yung tinatawag nilang “Freeways ban” noon, kung saan, inilalaban ang karapatan ng sub400 na makapasok sa Express way. Ilang beses kaming pumasok sa expressway, nag solo pa nga ako at hindi naman din natikitan, may pangyayari ding kinasahan kami ng shotgun, Memories. Hehehe!

Sumunod ay yung plate number on helmet ni Bayani Fernando, isa ding matinding laban na ikinawagi naman ng mga lumaban, halos mapuno ang EDSA simula Magallanes hanggang sa opisina ng MMDA. Nag bigay din ng matinding traffic kayat marami ding nainis na cager at commuter sa mga riders nung oras na yun.

Sumunod ay yung Anti Modification law, matagal na paghahanda, meeting kaliwat kanan, meet up  sa tambayan, pakikipag usap sa mga ahensya na involved. Madugong proseso sabi nga nila. Nung araw ng motorcade / info rally, Linggo yun, ngunit napakaraming LTO officers ang nagkalat sa kalsada upang bantayan ang pagpunta naming sa Plaza Miranda. Dito, marami ding sumama, galling sa ibat ibang parte ng kaMaynilaan at karatig probinsya.

At marami pang sumunod, nanjan ang pagtulong sa mga nangangailangan, pagdadala ng laruan sa mga bata sa ampunan at napakarami pang iba.
Pero ano nga ba ang naidulot nito sa iba? Nagkaron ng kani-kanilang opinion, kani-kanilang paniniwala at katwiran. Hanggang sa ang iba ay nagkawatak watak na at nagkaron ng kanya kanyang paksyon.
Sagutan, sumbatan, patalinuhan, payabangan at kung ano ano pa. At sa isang banda, ako ay naging parte ng “Word War” na tinatawag nila.

Dahil din sa mga paniniwalang ito, kanya kanyang brain-washan ng kanya kanyang lider ng grupo, napakaraming magkakaibigan ang naging mag-kakaaway.

Sa aking karanasan lang eh, may mga kaibigan akong tinabla ako dahil lang sa tinira ko ang lider nila. Ngunit wala naman kaming pinag awayan, bigla na lang akong ,hindi na daw kaibigan. Hahaha. 

Oo, nakakatawa.

So, umalis ako, tinigil ko ang kung ano mang bugso sa damdamin ko para sumama pa o sumapi sa kung ano man, naging taga matyag na lamang ako habang sila ay nagpapalitan ng insulto, mura at banta sa bawat isa. Umalis ako hindi dahil sa hindi ko kayang gawin o gampanan ang kung ano man tungkulin ang naiatas sa akin. Umalis at tumigil ako dahil sa nakakasuklam na kalakaran at pangyayari na nagaganap sa bawat paksyon.

Sabi nga nung kaibigan ko “I ride alone, less bullshit”. Well, totoo naman talaga. Siguro lang talaga na kinagat ako ng kung ano mang insekto at ako ay nahilig sa mga ganyang bagay. 

Sabi nila, tumatanda tayo at kaakibat nito ay ang pagiging responsible mong tao dahil na din siguro sa mga maling nagawa mo along the way. Siguro, ako ay tumatanda na nga.

Pero marami pa din akong nakikita na tumanda nat lahat ay parang wala pa ding pinagkatandaan. Nagpapasakop sa maling kapangyarihan sa kabilang sila ay may sariling isip din naman. Naging sundalo ng kani kanilang grupo para ipagtangol ang “Intergridad” na inilalaban nila.

Samantalang ang mga taong involved ay walang bayag aminin sa karamihan kung sino ang nagkamali at kung ano ang nangyari.

Kaya ang tanong ng bawat grupo ay “Yan ba ang gusto nyong maging Lider?”.

Sa dami ng nagsulputang NGO na lumalaban sa karapatan ng Rider, maraming luma, marami din naman bago, kanya kanyang adbokasiya at kanya kanyang paniniwala. Kanya kanyang hatak ng mga sasali at kanya kanyang gimik, na ang kinahantungan sa huli ay kanya kanyang “bashing” dahil sa hindi naniniwala ang kani kanilang grupo sa opinion at paniniwala ng kani kanilang grupo.

Magulo diba? Iilan pa lang yan, wala ka pang nakitang matinde. Wala pa dyan yung mga Death Threats sa mga lider ng ibang ibang grupo.

Pero, hindi bat noon ay camaraderie at brotherhood ang isa sa layunin ng mga grupong ito? Sunod na lamang dapat ang adbokasiya? Pero, sabi ko nga, nang dahil sa kani kanilang opinion, ay maraming mga magkakaibigan ang naging magkaka-away ng dahil dito.

Nang dahil sa opinion na parehas nilang iniisip na ang kanilang grupo ay ang mas may tamang adbokasiya  para sa karamihan ng rider.

Alam nating may punto parehas, alam nating gusto lang nilang maging maayos at hindi maabuso ang mga maliliit na rider na katulad natin. Nandun na tayo, parehas may punto.

Kung parehas may punto, ay bakit hindi mapag usapan ng maayos at hindi mapagkasundo ang mga grupong ito? Sa Pula o sa Puti, laging parang sabong, habang ang mga lider nila ay natutulog, ang mga alagad naman ang nag aaway at nagbabatuhan ng akusasyon sa bawat isa.

Komento sa bawat komento, insulto sa bawat insulto, talino laban sa talino at opinion laban sa opinion. Habang ang mga walang alam ay panay ang pakikisawsaw sa diskusyon na lalong nagpapa lakas ng apoy sa alitan, at ang mga totoong may alam ay walang kibo at mas pinili yatang itago na lang ang kanilang nalalaman.

Ito na ba ang pinangarap nating “maging” matapos ang ilang taon? Ito na ba ang pag asang mag-aayos sa malabong batas at pang aabuso sa mga maliliit na mananakay? Samantalang ang sariling mga gusot ng mga grupong kinabibilangan nila ay hindi nila maayos?

Nasan na ulit tayo? Ayun, ipaglaban ang karapatan ng mananakay ng motorsiklo. Napaka gandang pakingan hindi ba? 

Napakagandang pakingan, pero kung huhukayin mo, ano ba ang makikita natin?
Hindi ko alam kung kasikatan, pera at kung ano pa ang gusto nilang makamit, dahil panigurado namang sasabihin nila na hindi nila kailangan ang “Fame” o “pera” kung may involvement na pera. Paniguradong sasabihin nila ay “hangad lamang namin ay ang tama para sa rider” o kung ano man ang katumbas nyan.

Mahirap na ding alamin kung sino ang nagsasabi ng totoo, well, hindi naman tayo manghuhula, kaya ang nangyayari ay pagalingan na lang ng “Dila” at kung sino ang mas mahusay mag kwento.
Sabi nga sa pelikulang Heneral Luna ni Jerrold Tarog “May mas malaki tayong kalaban bukod sa mga Amerikano, ito ay ang ating sarili”. (excerpt from Heneral Luna)

May katotohanan din naman hindi ba? Mahirap kalaban ang sarili dahil kapag kinain ka na ng “Pride” at ambisyon mo, ay mahihirapan ka nang palapatin sa lupa ang mga paa mo.

Masakit isipin pero totoo, napaka daling sabihin ang salitang “pagkakaisa” pero ang katotohanan ay mas Malabo pa ito sa tubig na may putik galing sa alikabok ng pansariling interes.

Isa tayong komunidad ng nag mo-motor, isa tayong “Bayan” ng nag mo-motor. Ito ba ang gusto nating ipakita sa mga bago pa lang sasama sa adbokasiya?

Ngayon sagutin natin ito (excerpt from Heneral Luna again) “Mamili ka, Bayan o Sarili?”.
Nasabi ko na noon na ang kaawa awa dito ay hindi sila na may malalaking pangalan sa komunidad, kung hindi ang mga maliliit na mananakay, silang mga nagkaka interes na sumama sa adbokasiya, silang walang ka-alam alam sa mga tunay na nangyari, na ngayon ay nagagatungan pa ng mga walang alam.

San na ba hahantong ito? Sa tingin nyo ba ay nakabubuti ito? Malayo na nga noon ang sinasabi nilang “Pagkakaisa” na mas pinalabo pa ngayon.

Parang showbiz sa dami ng tsismis, bakit hindi sila mag artista? Hane?!

Well, sabi nga nila, “Time heals all wounds” and I hope that time comes sooner.