(Picture was grabbed from Facebook via friend)
Ngaung araw na ito mismo ay ginaganap ang “A Million March”
ito ay para tangalin ang pork barrel na ilang araw nading nagging topic sa mga
pahayagan ay telebisyon. Gawang itong si NAPOLES pala ay gumagawa ng pekeng
organisasyon at nanghihingi sa mga senador. Biruin mo yung P*tang inang yun?!!
Ang talino ng hindot. Naisip pa nyang gawin yun? Eh dun na sa kanya napunta
lahat ng TAXES natin. May malalaking bahay, magagarang kotse at yung anak sa LA
pa nag pa-party ang hindot..
Maraming senador at congresistang ayaw matangal ang pork
barrel. Si Congresswoman Lani Mercado nga ang sabi eh “Basta wag hihingi sa
amin ang mga tao, dahil hindi naman puedeng ibigay naming yung mga ipon naming
dahil sa amin yun!” at take note, may halong galit na sinabi nya yan. Hiyang
hiya naman ako sayo Madam ha, Ilan lang naman ang nagawa mo sa Bacoor, yung mga
hospital na pinangako mo eh nasaan? Josko ka.. Marami bang nanghihingi sayo?
Yung relief goods mo nga ni hindi umabot sa mga mahihirap na resident eng
Bacoor. Gravvvyyyy ka.. Siempre yung asawa nyang si Senator Bong ay pumayag na
tangalin yung pork barrel, Para naman malihis sa asawa nya ang buntong ng tao.
San nga ba ginagamit yung pork barrel na ito? Kasi kadalasan
puro pampersonal na gamit lang ginagamit. Magbigay man sa taong bayan ay utang
na loob mo pa sa hiniggian mo, hindi bat pera ng taong bayan yan? Anu ba yan?
Akala ko ba PNOY kami ang boss mo? Neknek mo..
Kung yang bilyong bilyong Pork Barrel nay an eh napunta sa
bansa natin ay napakalaking kaginhawaan panigurado, kaso mo, ang guminhawa lang
ay sino ba? Hulaan nyo? Sige naaa!! Sirit???!!??
Well, alam nyo naman siguro kung kanino hindi ba? Yun po ay
ang pinaghirapan nating pera, pinapawisan at pinagpagurang salapi. Pinang
pa-party lamang ng anak ng hindot na si NAPOLES. Much worst, pinangbibisyo pa
ng iba tulad nung kay dating Congressman Singson. Ganda di Vah?!
So payag ba kayong tangalin ang pork barrel na ito? Wag
baguhin ng pangalan ha? Tangalin talaga.
Coastal Terminal ni Chairman Atty. Tolentino ng MMDA.
Well, Sabi ng karamihan na pag grabe ang “Traffic” sa isang
bansa ay bagsak ang ekonomiya nito, dahil sa laki ng revenue losses na
nangyayari. Marmaing reason, late ang mga empleyado, hindi on-time ang serbisyo
ng mga trabahante at kung ano ano pa.
Kaya naman naisipan ni Atty. Tolentino na Chairman ng MMDA
ang isang solusyon, ang pag bawalan ang mga provincial buses sa EDSA particular
na ang mga galling sa Batangas, Laguna at Cavite.
Hindi naman sya ang nakaisip nito, ginaya nya lamang ito sa
ideya ng Maynila sa pangunguna ni Pangulong Mayor Joseph “Erap” Estrada na
suportado syempre ng kaniyang Bise Alkalde na si Isko Moreno.
Pag usapan muna natin ang Maynila, Napatira po ang inyong lingkod
sa Maynila, dyan sa gawing Sampaloc. So ako po ay pamilyar sa trapiko sa
Maynila, alam kop o kung gaano nakakaubos ng “kabataan” sa kunsumisyon ang
traffic dyan. Ang Byaheng limang minuto ay nagiging treinta minutes dahil sa
bumabalagbag na busses at jeepneys.
Kaya nung inimplementa nila ang pag ba ban ng mga busses sa
Maynila ay malaking kaluwagan ang naidulot nito lalong lalo na sa mga mamamayan
ng Maynila. Ang limang minutong byahe ay talagang limang minute na lamang.
Ang problema nga lamang ay, yung mga nadaan ng Maynila.
Hirap mag abang ng sasakyan, ilang lipat ng transportasyon na noon ay isang
sakayan lang. malayong lakaran galling sa Welcome Rotonda dahil ditto umiikot
ang busses, grabeng traffic din ang naidulot nito sa mga karatig lugar tulad ng
Quezon City at Pasay City.
Marami na ding reklamo ngunit hindi pa din nila nagawang
ipatangal ang bus ban sa Maynila.
Well, ang punto ko lang ay ganito, laging may PROs and CONs
yan, may benepisyo sa iba, sa iba naman ay perwisyo. Bakit ba ang SUBIC noon,
ay hindi naman ganon kahigpit, ngunit nung ipinatupad ni Dating Senador DICK
Gordon ang mahigpit na implementasyon ng batas trapiko ay lahat naman ay
nakasunod?
Bakit sa Metro Manila ay hindi natin magawa? Maraming
kolorum na bus, marami ding mga bastos at walanghiya kung iwasiwas ang mga bus
nila sa EDSA? Marami ding smoke belchers na taon taon naman ay ipinapa rehistro
ngunit napasa pa din? Gravyyyy…
Solusyon? Marami eh, tangalin ang mga KORAP na opisyales,
matinding implementasyon ng batas trapiko at anu pa? Bayag para sa mga
magpapatupad nito.
Sa dami ng kakilala kong taga Maynila, mas gusto nilang
bawas ang bus sa Lungsod nila na kahit ilang baba sila at sakay ng jeep ay ayos
lang dahil maluwag ang kalsada at walang bus na naka balagbag.
And I want to KONGREYTSHULENSHEN
po ang namumuno sa Lungsod ng Maynila sa patuloy nilang pagbabago ng Lungsod na
ito na puno ng kwento at Istorya. Saludo po ako sa inyong ginagawa Mayor Erap
at Vice Isko. Ipagpatuloy nyo pa po.
Ok, Punta naman tayo ng Coastal Terminal.
Una ko munang pupunahin ang 24-hours dawn a byahe ng busses
pa Maynila at Pa Cavite-Batangas. Karamihan ng nakausap ko po ay naubusan na ng
buhok kakahintay sa mga bus na pa Cavite, from 10pm onwards ay mahirap na pong
sumakay sa terminal na ito. Nice one Atty Tolentino.
Kung galing naman kayo ng Cavite-Batangas, isang bonggang
lakaran ang gagawin nyo papuntang terminal pagkababa nyo sa Coastal. Maraming
nagrereklamo na matatanda na nahihirapang mag lakad kasi nga yung mga ibang
dapat isang sakay lang pa simbahan ng Baclaran ay kailangan pang bumaba dyan sa
terminal nay an, maglakad ng pagka layo layo, maghintay ng matagal bago
makasakay papuntang Baclaran, At wag nyong I assume na ito ay gawa gawa ko
lamang, dahil ito ay based from AKTUWAL
HEKSPIRIYENS dahil ako po mismo ang bumyahe at nag testing sa sinasabi
nilang, “Mabilis na transportasyon” na naging “mas” impierno sa dating impierno
nang traffic sa area na ito.
Ngaun, itong ating butihin na Chairman ay nag commute from
dasma na may kasama pang reporter ng Channel 7 sa kadahilanang tinangap daw nya
ang hamon na mag commute sya, ang siste eh mag isa lang sya sa bus habang
iniinterbyu ng reporter!! Watdapek???!!! Haryukiddingmi???!!
Eh pano mo masasabing “been there, done that” kung espesyal
ang treatment sayo ng mga busses? Bakit hindi ka mag commute ng naka disguise
tapos saka mo subukan. Nasubukan mo na bang sumakay ng alas siete ng umaga sa
Imus? Bacoor? Or talaba? Yan sana ang subukan mo para “atleast” man lamang ay
maranasan mo ang hirap ng pag co-commute at hirap na dinadanas ng mga taong
naapektuhan ng napaka gandang IDEYA mo. Na imbes na Traffic officers visibility
at strict implementation ang pinapatupad ay kung ano-ano ang inaatupag ng
departamento nyo sa pag iisip ng kakaibang ka ULULAN para mabawasan ang traffic
sa EDSA. Ang daming enforcers nyo ang naka tunganga jan sa Magallanes kapag
nadaan ako, hindi sinasaway ang mga bus na nag se swerve, nag iilegal terminal
at iba pa. Sa Villamor nga lang eh, nakalagay nang no Loading at Unloading sa
mismong harap nung enforcer nyo ay may pila ng jeep pa MRT? Eh di lagging traffic
dyan sa Villamor.
You see your Honorable Atty. Tolentino, What we need is
strict implementation of laws, and not creating another law just to justify
that YOU created the said law. It is BULLSHIT.
The idea of Manila’s bus ban is not really to ban those
buses, it is to lessen the KOLORUM busses who traverse Manila. And they IMPLEMENT their law STRICTLY.
GANON KA SIMPLE.
METRO MANILA’s CRIME HOTSPOT:
Inilabas na ng PNP ang 5 Crime hotspot sa Metro Manila at
para daw masolusyunan ang lumalaganap na krimen dito at ilo-launch na daw nila
ang kanilang TWITTER at FACEBOOK account.
Sigurado akong mababawasan na ang krimen dito kasi bago
mangholdap ang mga criminal at mag po-post sila ng “going to Pasay Rotonda to
get some stuff from random people” tapos ipo-post din nila yung mga bagay na
nakuha nila like “boom, just got lucky, Got Iphone 5 today from a girl”-at
Pasay Rotonda.
Bigyan ng isang masigabong palakpakan ang PNP, isang
masigabong palakpakan sa MUKHA.
Anong magagawa ng twitter at facebook account nyo? Sige nga?
Mag po-post ang mga nabiktima after nilang ma holdap? O makiki tweet muna sila
for the last time before kunin ang cell phone nila ng ganire “bad timing, cell
phone is going to the holdaper #PNP”?
Wow naman PNP, bakit hindi po natin palawakin ang POLICE
VISIBILITY at hindi puro nag to-tong its na pulis at puro tambay ang ginawa ng
karamihang alagad ng batas.
May mobile na nakatambay pero wala ang pulis. MInsan tulog
pa sa loob. Worst? Wala talaga, naka duty sa bahay nila. Gravvyyyyyy ng KFC ha…
Kapal Ng FEZ.
Puro kayo ningas kugon, masisita kayo ng media, saka lang
kayo aaksyon. Kesyo ganire, kesyo ganon. Wala nab a tayong pagbabagong gagawin
sa linya ng ating kapulisan?
Ang laki ng TAX na kinakaltas sa amin tapos karamihan ng
pulis ay bastos at balasubas. Nawala na ang respeto na dapat ibinibigay sa
kanila. Sila na imbes na magtatangol sa mga mamamayan ay sila na ang iniiwasan.
Nasan na yung motto nyo na “To Serve and Protect”? Nga-Nga, waley!!
Minsan ang sakit isipin na sa Milyong tao na kinakaltasan ng
TAX ng Gobyerno ay ganito ang makakasalamuha mo, gravy pa, lubak lubak ang
kalsada, napunta sa ibang ang tax, tinipid na projects na ilang buwan lang ay
sira nanaman. Nakakainis hindi ba?
Iilan pa lang ang nakasalamuha kong matitinong pulis, yung
iba pa nga, Crooked na, naging pulitiko pa.
Well, sana nawa ay magbago ang ihip ng hangin para sa
tolonges na PNP. Hays.. KONSHUMEYSHEN.